5/31/11

Ewan

Naramdaman mo na bang ung pakiramdam na inip na inip ka pero hindi ka makaalis sa kinatatayuan mo?
Ung gusto mo ng humakbang pero nagdadalawang isip ka?
Ung iconvince ung sarili mong darating siya kahit na sa sarili mo hindi mo alam kung may darating nga ba?
Ung nagmumuka ka ng tanga pero sige pa rin...
Ung mag-antay pa rin kahit na alam mong walang kasiguraduhan?
Ung ngumiti kahit na naiiyak kana?
Ung piliting maging masaya kahit na sa loob loob mo gusto mo ng sumigaw...
Ung magalit pero para saan pa nga ba?
Ung umasa kahit na ayaw mo na...
Ung sabihin sa sarili mo na kakalimutan mo na pero heto at siya na naman ang iniisip mo...

5/30/11

Miss ko na siya...

Sobrang miss ko na siya na kung pwede lang lumipad eh ginawa ko na para lang makita siya... 
Kaso milya milyang distansiya ang layo naman sa isa't isa... =( 

5/24/11

Mali ba???

Mali ba ko?
Masyado bang naging makitid ang utak ko?
Imbes na magalit sayo dapat ata pinakinggan muna kita...
Dapat sana inunawa...
Kaso kasi sobrang asar na asar na talaga ko sayo eh...
Ilang araw din akong naparanoid sa pag-aalala kung ano ng nangyari sayo?
Tapos ni ha ni ho??? wala...
Mano ba namang magtxt ka kahit na isang txt lang...
Un lang naman sana ung gusto ko para naman mapanatag ung isip ko at kalooban ko kaso wala eh...
Sino bang d maiinis sa ganun?
Para bang binabalewala mo lang ako...
Kung wala kang load pwede naman sigurong makitxt dba?
Masisisi mo ba ko kung ganun ung maramdaman ko?
Hay....

5/21/11

Emosyon

Minsan ung inaakala mong realidad, panaginip lang pala...
Sa isang iglap bigla bigla na lang magbabago ang lahat sa ayaw mo man o sa gusto...
Ung inaakala mong mahal mo at mahal ka... Pakiramdam mo lang pala pero wala talaga...
Ung inaakala mong "kayo"...
"Ikaw" lang pala...
Naiwan kang naghihintay...
Umaasa...

At kahit na gaano mo pa kagustong kalimutan ang lahat...
Makikita mo nalang ang sarili mo sa isang sulok...
Nagdarasal... na sana panaginip lang ang lahat...
Na sana pagdilat ng mata mo...
Babalik na ulit sa realidad...
Na kahit na anong gawin mo makikita mo pa rin ang sarili mo...
Nakatanaw sa bintana...
Naghihintay...
Na ung sinasabi mong hindi kana aasa pa...
Andun pa rin sa kaibuturan ng puso mo...
Hinihiling na sana bumalik siya...
Na sana hindi ka niya tuluyang nakalimutan...
Na sana mali lang lahat ng inaakala mo...
Na sana totoo ang salitang sinabi niyang "Mahal kita" at "hindi ko na hahayaang mawala ka sa piling ko."


5/18/11

April 28,2011

Wala naman talaga sa plano na mababago pala ang desisyon ko oras na magkita kami. Sabi ko pa sa kanya hindi ako naniniwala sa second chance at hindi na rin kami pwedeng magkabalikan. Friendship lang ang kaya kong i-offer sa kanya. Pero kinain ko ang lahat ng sinabi ko.

First time namin magkita ni adik sa tinagal tagal na nagkakatxt kami d ko akalain na magkikita pa kami. Ang plano ko lang naman talaga pagbigyan siya dahil hindi ko man lang siya binati nung birthday niya kasi akala ko galit siya sakin. Marami talagang namamatay sa maling akala at isa na ko dun. 

Kahit na nakita ko na siya sa picture iba parin talaga ung first time mong i-memet. Para kang nakikipagpag-eyeball sa txtmate, kunsabagay ganun naman talaga kami dati... textmate...

Habang papalapit ako ng papalapit sa mismong lugar ng usapan namin ganun naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga gusto ng tumalon ng puso ko sa katawang lupa ko sa sobrang kaba. At sa kapraningan ko nalaglag pa sa pouch ang cellphone ko. Pagdampot ko sa cellphone ko napatingin ako sa nakatayong lalake ilang hakbang ang layo mula sa akin...

Siya na un...
Alam kong siya un...

Tumayo lang ako sa harap niya na walang kahit anong sinasabi. Ewan ko hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin. 

Nagkatinginan lang kami.... Pakiramdam ko huminto ang oras ng mga sandaling iyon.

Ang weird sa pakiramdam...

Siya ang bumasag sa katahimikan...

Wala kasi kong idea sa dapat kong sabihin o sa kung ano nga bang dapat kong sabihin.

Ngumiti siya...
Napangiti din ako...

























keso

akala ko ba gusto mo parehas tayo ng last 2 digit ng number ng sim?
oo.. nga kaso wala kaya akong mahanap... Pinabili ko lang un kay kapatid.
Dapat kasi ikaw ang bumili...
Eh wala kaya akong mahanap dito tapos ang mahal mahal pa...
Wala ka namang ka effort effort...hahahaha
Anong wala? Nag-effort naman ako...
Ginagaya ko lang ung sinabi mo sakin?
Alin un?
Sabi mo kasi wala akong ka effort effort nung naging tayo???
Oo nga... wala masyado..hehehe
Hindi pa ba sapat na "tinawid ko ang dagat para sayo?"
Halleeer??? nagbarko ka kaya... hahaha
hahahaha
Adik ka talaga...
ADIK SAYO...
bumabanat kana naman...
totoo naman un hon...
weeeeeh???hehehehe
I love you so much hon...
I love you too... =)

5/7/11

THANK YOU MA

Hindi sapat ang mga salita para idescribe ko kung gaano ako kathankfull sa lahat po ng nagawa, ginawa at ginagawa niyo para saming magkakapatid. Hindi ka man isang perpektong ina pero para sa amin D BEST ka. HAPPY MOTHER'S DAY MA!!!

Mahal na mahal ka namin.... =)

Pangarap

Masama ba kong wala akong pangarap?

Ang gusto ko lang naman eh maging masaya....

kasama KA.......