6/30/09

My Adik


Ginawa ko itong video na ito para sa mahal ko...hahahaha
for the 1st time nakagawa ako ng ganito.... hehehe
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Time: dq matandaan...hehehe
I'm really thankful kasi nkilala kita coz you know what? of all the guy na nakilala
ko ikaw lang ung nagpaparamdam sakin kung ganu mo ko kamahal at kung ganu ko
kahalaga sau.. i know madae pa tayong trials na pagdadaanan but i hope makayanan natin un at walang bumitaw. ang totoo niyan wala namang problema sau eh.. sakin lang minsan..hahaha pero i'm really trying the best that i can para lang makayanan lahat...
sana wag kang magsawa sakin..hehehe.. at sana nga dumating na din ung time na magkita tau..
lam mo ba sa time na sobrang bored na ko... binabasa ko nalang ung mga msg mo na sinave ko sa cp at least on that way pag naaalalakita natatawa talaga ako.. pugo kah talaga... hehehe
hmm alam mo ba nung nakita kita kagabi sa cam sa totoo lang ah medyo nagulat ako..hehehe
hindi mo kasi talaga bagay ung gupit mo eh... plus the fact na hindi ko talaga gusto ung mga ganyang gupit...
para kasi talagang pugo eh..hehehe peace tau ah..!!! pero kahit ganun mahal ko naman ung pugo na yan..hehehe
dba adik??? hmmm wala kasing magawa d2 sa tindahan eh kaya naisipan ko lang munang magsulat sayo...ewan ko nga kung love letter ba ito eh... para kasing hindi..hehehe
anyway always remember and dont forget that mitch loves you and mitch is always waiting for you...

love,
adik

Nakakainis kah!!!

06-26-09
2:16pm

Last night was one of the happiest day of my life...
Bakit? Simply b'coz narinig ko ung boses ng hon ko... mababaw ba? uhmmm pero para sakin sobrang laking bagay nung tawag na un... kasi kahit na may financial problem siya, nagpalowd pa siya para lang tanungin kung kamusta na ko...He is simply thoughtfull ayt? hehehe

kea nga i'm really lucky to have him in my life....

Thank god I found him....

Thank you Lord.... =)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

06-27-09

Last night might be one of the happiest day of my life but now... opposite naman nun ang nararamdaman ko
ngayon.. why? maybe its just b'coz I miss him...
si adik...
ung hon koh..
This past few days kasi hindi kami gaanong nakakapag-txt2...
haizzzz....
Miss ko na talaga siya...

Miss you adik/hon...


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

07-01-09

Finally nagparamdam ka rin kagabi. Akala ko ok na tau.. mali pala... ndi parin pala...
Hay,..... masaya na sana ako kasi tumawag ka pero nakakalungkot pa din kasi masama padin
ung loob mo sakin. Tinawagan kita pero parang wala lang...

Hindi ko din kasi alam dapat kong sabihin sayo...
Tapos ang bilis pang matapos ng tawag...

Nakakaasar....

Hindi ko alam kung san ba ko dapat maasar.

sayo? kasi wala ka namang binabanggit tungkol dun sa nangyari...
sa sarili ko? kasi pinasama ko na naman ung loob mo tapos d ko man lang magawang magsori sau.
sa smart? bakit kasi naman hindi ako nasatisfy sa tawag...

Hay nakakainis...



Nakakainis talaga...

Nung tumawag kah... Tinanung mo ko kung kamusta na ba ako?
"sagot ko ayos lang pero alam mo gusto ko
pa sanang sabihin na ayos na kasi tumawag ka na...
ayos na kasi narinig ko na ung boses mo...
ayos na kasi hindi na ko mapaparanoid kakaisip sayo kung galit ka pa ba sakin o hindi na...

Akala mo siguro ikaw lang ung mapraning praning kahapon dahil wala ka man lang mareceive na txt. pero ang d mo alam napapraning na din ako kakaisip kung bakit hinid ka man lang magtxt. Everytime na napapatingin ako sa cp ko at wala man lang ni isang msg. ang sama sama talaga ng loob ko. Bakit? kasi naman ito ung first time na nagawa mo un... talagang tiniis moh talaga... kakaasar!!!

Sobrang disappointed talaga ko kasi kapag may nareceive akong txt...hinihiling ko na sana sayo galing but unfortunately... wala talaga kong swerte kasi kahit anong dasal ko kung sino pa ung hindi ko ineexpect na magttxt sakin un pa ung nagttxt talaga... nawawalan na nga ako ng ganang magcp, sinubukan kong i-off pero ilang minutes lang inopen ko din naman. coz i'm still hoping padin na baka sakali maisipan mong magtxt.
baka sakali hindi na masama ung loob mo sakin...

Pero hanggang baka sakali na lang talaga ako...

nagparegister ako sa gaantxt na may 5 mins. call kasi gusto kitang tawagan.
gusto ko ng maayos ung d natin pagkakaintindihan...
hindi ko kasi gusto ung taong katxt ko kagabi...
pakiramdam ko kasi ung taong ktxt ko kagabi... un ung taong walang pakialam sa adik niya..
un din ung taong walang nararamdaman para sakin...
at higit sa lahat parang ung katxt ko kagabi ndi ko ata siya kilala...

sabi mo hindi mo na ako papaiyakin... pero ginagawa mo pa rin naman...
ayoko talagang mabasa ung txt mo sakin kagabi kasi iba talaga ung dating ng mga un sakin eh...
kahit na walang dahilan para umiyak... naiyak talaga ko nungpagkabasa ko sa txt mo...
sobrang sakit na ewan...hindi ko nga alam kung bakit?
hay... sobrang nakakalungkot talaga....


2:42 pm

sana mamaya maging ok na ung lahat...
sana hindi na masama ung loob mo...
sana...
at sana...
maging ok na talaga tayo...


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

07-02-09
03:08pm

wala pa akong narereceive na txt galing sayo...
hmmm ayos lang kasi alam ko naman na wala kang load kaya ako nalang magttxt kahit na para na akong praning na nagttxt sa di naman nagrereply...hehehe.. pero ayos lang un alam ko naman kung may chance eh nakikitxt kah talaga eh...

july nah...hmmm lapit na pala tayong mag-one month biruin mo un..hahaha..
bat kaya ganun? dati naman ang bilis bilis lang lumipas ng araw at ng buwan noh?
pero ngayon parang ang tagal tagal...

miss ko na ung hon ko...
si pugo bah..hahaha
miss ko na siya...
sobra pa sa salitang miss..

6/24/09

Adik talaga!!!

March 26,2009

2:07am


Dancin’ in the dark, middle of the nightTakin’ your heart and holdin’ it tightEmotional touch, touchin’ my skinAnd asking you to do what you’ve been doin’ all over againOh its a beautiful thing, don’t think I can keep it all inI just gotta let you know what it is that won’t let me go

My phone is ringing…

when i checked who’s calling…

si “ADIK” pala…

Sa isip isip ko ano na naman kaya naisipan ng taong ito at nagpaunli…
at nanggigising pa ng taong tulog…ako pa ang naisipang bulabugin talaga.Kunsabagay wala naman ibang tinatawagan un maliban sakin..hehehe


Dancin’ in the dark, middle of the night
Takin’ your heart and holdin’ it tight
Emotional touch, touchin’ my skin
And asking you to do what you’ve been doin’ all over again
Oh its a beautiful thing, don’t think I can keep it all in
I just gotta let you know what it is that won’t let me go


nagriring na naman ung phone koh…

si adik ulit…
then sinagot ko nah…

ano bang naisipan mo at nagpaunli kapa?tanung ko sa kanya.. tinesting lang daw niya ung unli 15.. ampanget daw pala kasi ang labo ng linya taz hindi nia pa daw ako maintindihan (wag kah nakakasagot naman sya ng maaus) hehehe…

kahit kilan talaga ako ang binubulabog niya sabagay alam naman kasi niyang nagpapabulabog ako..hahaha

sabi nia pa namiss ko daw siya…sumagot lang ako ng hindi at ibinalik ko sa kanya ung sinabi niya…”oo nga eh,miss na kasi kita”
hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya.. pano ba naman alam ko naman kasing hindi niya ugali na umamin ng ganun..lagi siyang todo deny. Tapos nung time na un parang sobrang sweet niya pa.. Ewan ko ba dun adik talaga…hahaha


Nakakapanibago talaga siya…

Si adik...

March 16th, 2009

Dear Adik,

You’ve been one of the most important part of my life from this past years… Kahit na almost a year palang tayo magkakilala masaya ko kasi ikaw ung ibinigay na txtmate sakin ni pare. Your different from any other guy na nakakatxt ko… Bukod pa dun kahit sa txt lang at tawagan ung communication nation you always treat me as special as your girl. And i’m really thankfull for that. Ung effort mo palang sa pagttxt sakin and even ung pagtawag mo, ung pagpupuyat mo para lang makatxt ako at kahit na makagat kapa ng sangkaterbang lamok eh ok lang sayo. At kung minsan pa eh naiinis ka dahil hindi man lang makisama ung signal… Kahit na minsan eh madalas mo akong tulugan dahil sa sobrang antok mo na rin siguro.

Minsan pa nga asar talo ako sayo. May time kasi na ang lakas mong mang-asar at hindi makeri ng powers ko. May time naman na ako madalas ung nananalo. Halos lahat na ng kwento ng buhay ko nasabi ko na sayo at pati na rin ung mga nakakahiyang kwento. Kilala mo na ako kung pano ko magalit at kung kilan masama ang mood ko. Pero kahit kilan never ka pang nagalit sakin.

Kapag inaasar kita na baka mainlove ka sakin, tahimik ka lang habang ako naman todo asar sau na may kasama pang tawa. Hindi ko nga alam pero parang naiimagine ko na nagbablush ka at bigla ka nalang mag-iiba ng topic. Tapos ikaw naman itong mang-aasar. You became more than just a best friend para sakin. Kapag may time na masama ung loob ko at malungkot ako magttxt ka just to comfort me at kapag hindi ako nagrereply bigla bigla ka nalang tatawag just to ask me kung ok lang ako. Ramdam ko ung concern sa boses mo kapag kausap kita. At kapag may time na sinasabi kong ok lang ako, alam mo na nagsisinungaling ako. Hindi ko nga alam kung pano mo nalalaman un, o masyado lang obvious sa boses ko. ]

One time nag-away tayo dahil mas pinili kong wag ng magtxt sayo dahil sabi mo nga may gf kana nung one time na mwrongsend ka sakin. Galit ako sayo nun kasi ni hindi mo man lang nakwento un sakin. Pakiramdam ko kasi hindi ka naging fair sakin dahil ako sinasabi ko sayo lahat ng nangyari sakin pero ikaw nagawa mo ung itago. Simula nun hindi na ko nagttxt sayo pero ikaw panay parin ang txt mo sakin and trying to explain everything. Pero i just ignored it. But then hindi ka pa din sumuko. Hindi ka pa rin tumigil kakatxt at kakatawag kahit na hindi ko naman sinasagot. Your still hoping na magttxt parin ang adik mo. Pero wala pa din. Until one time nagulat ako sa txt mo while it says na …

“lam mo adik,mas kilala na kita kesa sa kanya, kaya mas comfortable ako mag-open up sayo, mas nakilala mo ko kesa sa kanya, at higit sa lahat mas masaya ako pag anjan ka lang lagi, kaya d ko naisip na dahil lang sa malii8 na bagay, mawawalan aq ng adik, na naging pinakaimportanteng part ng life ko,cenxa na corny cguro 4 u pero ito tlaga feelings ko now”

I was really touch after reading your message kahit pano nabawasan ung inis ko sayo. Pero kahit na ganun i still didn’t respond until sa tumawag ka ulit and fortunately nasagot ng kapatid ko. Nakipagbati na rin ako sayo and i even apologize for my mistake.

From then on… everythings seems to be ok..

Until dumating ung time na sa sobrang pang-aasar ko sayo napaamin kita. I was really surprised knowing that.. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot. Hindi ko akalain na ang isang adik ay maiinlove sakin.hehe Pero kahit ganun you didn’t do anything . Hindi ka nanligaw and you didn’t ask for anything in return.You just sed that your happy as long as nothing will change. And that’s what i like about you, hindi ako napepressure sayo. You always wanted me to be happy. And for that I’m really thankfull…

Dahil kahit anong mangyari you will always be, the only adik in my life.

I know you might not read this one but if ever you did..
I thank you so much…



(Kinompile ko ung ginawa kong sulat nun para sau...hehehe)
it was also written on my friendster blog...
http://akhet.blog.friendster.com/2009/03/dear-adik/