2/18/11

Eksena

"Ikaw kasi iniwan mo ko..."

Iyon na ang pinakaistupidang ginawa ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya at sa harap ng ibang taong nasa paligid namin. Ang alam ko lang hinding hindi ko na mababawi ang anumang salitang binitiwan ko. At oo, pinagkanulo na ko ng sarili kong nararamdaman. Ngayon ko narealize na bitter pa rin ako sa break up namin noon.
Ang bitter na para lamang sa ampalaya.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang reaksiyon niya ng mga sandaling iyon.
Nakatitig lamang siya sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot.
Ni hindi siya nagsalita ng kahit na ano pero ramdam ko ang pares ng matang nakatingin sa akin nung nilisan ko ang lugar na iyon.

Ni sa panaginip hindi ko naisip na makikita ko pa siya pagkalipas ng 10 taon. Ang gabing naging simula ng pagkagulo ng buhay ko.


-------

Kami daw...

"Baka naman kayo talaga ang para sa isa't isa?"

Napatingin ako sa taong kaharap ko ngayon at kasabay na kumakain. Si May ang isa sa mga close friend ko.
Kami ang para sa isa't isa? Hindi na ako umaasa at wala naman talagang dapat asahan.

"Malabo ng mangyari un May. Malabo pa sa tubig poso sabay ngiti. Kita mo nga may bago na naman siyang jowa."

"Ibig lang sabihin nun hindi pa rin niya mahanap ang babaeng gusto niya. Malay mo ikaw pa rin talaga ang gusto niya."

"Hindi rin siguro.. Mahirap mag-assume. Masakit lang..."

"Ikaw naman kasi eh... dba nakikipagbalikan naman sayo un dati? hindi mo kasi siya pinakinggan."

Hindi ako nakakibo. Aminado naman ako dun eh. Pinagsisihan ko din ung ginawa ko kasi mas nangibabaw sakin ung takot. Takot na masaktan na naman ako ulit. Ang nasa isip ko kung nagawa niya un. may tendency na magawa niya un ulit.
Natakot akong magtiwala..
My fault..
Pero wala na naman dapat pang panghinayangan dahil matagal ng tapos ang chapter na un ng buhay namin.. Matagal ng nangyari ang lahat almost 5 years na nga eh. Mukha namang masaya na siya kaya dba dapat lang na maging masaya ko para sa kanya?

Tama naman dba?

Ang tanung!!! bow

1 week before mag-valentines day
(sa txt msg.)
Friend 1: Musta naman?
ako: ok lang naman... kaw?
Friend 1: ok lang din... lovelife?
ako: ________
Friend 1: nastroke kana diyan? wala ng load?

---------------

Valentines Day
(sa txt msg.)
Friend 2: Happy Hearts day... bakla...
ako: Happy Pusa din...=)
Friend 2: Saan ang date mo?
ako: ________
Friend 2: Tao po!!!

---------------

after ng Valentines Day
(phone call)
ako: hello! bruha kamusta?
Friend 3: eto busy much... kaw? belated happy puso...
ako: same to you..hihihihi
Friend 3: Usta naman? Sinong kadate mo nung valentines?
ako: tot... tot... tot....
(The number you are calling is unattended and out of coverage area.)


End....