5/28/12

Goodnews???

"He loves me not... muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang isang talutot na lang ng gumamela ang natitira sa hawak kong kanina'y isang magandang bulaklak, pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makitang may isang maliit pa palang parte...
"He loves me... not... " Madaling dayain ang sarili at isiping iisa na lang ang talulot ng gumamelang natitira sa hawak kong tangkay ng bulaklak para lang pagaanin ang loob ko. Na sana kahit man lang sa ganitong paraan marinig ko ang salitang matagal ko ng inaasam. Pero sadyang ipinagkait sakin ang tanging lalakeng ilang taon ko ng lihim na minamahal, si Yuan Miguel Isidro ang schoolmate ko.

He loves me not...
He loves me not...
He loves me not... iyon ang pilit kong itinatatak sa isip ko. 

Hindi niya ko mahal. At kailanma'y hindi mamahalin.
Para sa kanya walang Alessandra Samonte na nag-eexist na babae kundi isang Alex na lalake.

Kasalanan ko ba kung mas gusto kong manamit na parang isang lalake dahil dun ako komportable? 
Siguro nga I act as a guy pero kahit ganun I'm still a girl, in my heart and in my soul.
I've been silently loving a guy for the past five years at sa tingin ko hanggang dun nalang talaga un.
Kasi he loves me not... Tama... He loves me not...

"Alex, tara punta tayo kila Janna? Kasama daw niya si Irish, dba crush mo un?"

"Wala ko sa mood..." Lagi na lang si Janna. Nakakasawa na. At kilan ko pa naging crush si Irish? buti kapa alam mo, samantalang ako hindi. Ikaw nga ung gusto ko, ang bulag bulag mo kasi. Matutuklaw ka nalang ng ahas ndi mo pa nakikita. Tanga... pero mas tanga ko.

"Ano? sasama ka ba? may goodnews pa naman ako sayo? Tara na..." sabay hawak mo sa kamay ko. Paano pa ba ko makakatangi sayo? sa tuwing hahawakan mo ung kamay ko nanghihina na ko. At sa tuwing katabi kita para kong nauupos na kandila at ung puso ko para ng sasali sa karera sa bilis ng tibok.

"Sige na nga. Ano ba ung goodnews mo?"

"Basta malalaman mo din," sabay ngiti mo. Ayan ngumingiti ka na naman, ndi mo lang alam dahil sa ngiting yan mas lalo lang akong nahuhulog sayo, kakayanin ko pa bang makabangon nito?

Habang nasa daan nakaakbay ka sakin. Ang saya saya ko pakiramdam ko kasi mayroong "tayo" kahit alam ko namang hindi mangyayari un. Iniisip ko tuloy baka nakikita mo din ako bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan, at kaklase mo. Makukuntento na lang ako sa kung anong meron tayo, sana lang huwag kang mawala sa tabi ko kahit na parang imposible un.

Masayang masay si Janna ng salubungin niya tayo at kitang kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan ng lumapit ka sa kanya at inakbayan siya. Sana nanaginip lang ako kung isa nga lang ba itong panaginip. Gustong gusto ko na kasing magising. Pero kahit anong gawin ko alam kong ito ang realidad. Gustuhin ko mang takpan ang mata ko at tainga ko para hindi ko makita at marinig sinabi mo. Huli na ang lahat.
"Kami na ni Janna," ang sabi mong kulang na lang mawasak ang labi mo sa pagkakangiti mo. Kayo na pala, ang saya saya niyo na samantalang nagpira-piraso naman ang puso ko. 
Sana kaya ko ding sabihin sayong "masaya ko para sayo," pero sorry ah isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isukli sa inyo.

Sa tuwing titingnan ko siya mas lalo ko lang napapansin na hindi niya ko makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya. Kasi kahit anong gawin ko isa akong lalake sa paningin nya.


And I know He'll never see me the way I see him...

Against the world

Simula pagkata magkasama na kami.
Madalas kaming maglaro.
Mamasyal sa park.

Manood ng mga bituin sa langit.

Masasabi kong sa maraming pagkakataon mas lamang iyong mga oras na magkasama kami. Kaya nga nagkaroon ako ng espesyal na nararamdaman para sa kanya.

At kahit ngayong nagtatrabaho na siya kahit kailan hindi niya ako nakalimutan. Kapag dumarating siya galing sa trabaho niya, mas una niya pa akong hinahanap bukod sa mga magulang niya.

Madalas niya din akong bigyan ng mga rosas. Hindi ko nga alam kung para saan iyon pero tanggapin ko na lamang daw.

Gusto niya akong laging nakikitang nakangiti. Maganda daw kasi ako lalo na kapag nakangiti. Kung minsan hindi ko alam kong papano ko magrereact, naguguluhan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko. Para kasing bago para sa akin ang pakiramdam na iyon.

Kung minsan isinasama niya ako sa pagpunta sa tabing dagat at sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw. Sa tuwing tititigan ko siya, kakaiba iyong nararamdaman ko na para bang may isang parte ng katawan ko na para bang sasabog at gustong lumabas. Napapansin ko din ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.

Nang minsang maglakas ako ng loob na itanong sa kanya kung bakit tila malungkot siya, tumitig siya sakin at pilit na ngumiti sabay bitaw ng mga salitang "bakit kasi? kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

May time na madalas siya mapaaway dahil sa akin lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Pero kahit kilan hindi niya ako pinabayaan at sa halip na ako ang maging tagapagtanggol niya, siya ang nagiging tagapagtanggol ko.Tandang tanda ko pa iyong mga salitang binitiwan niya 

"KAHIT KILAN HINDI KO HAHAYAAN NA MAY MANAKIT SAYO, NI DULO NG DALIRI MO HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAHAWAKAN NILA... I'LL DO EVERYTHING FOR YOU ELLA KAHIT NA MAKIPAGPATENTERO PA AKO KAY KAMATAYAN..."


Noong mga sandaling iyon, mas lalong tumindi iyong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa pakiramdam na iyon. Pero kung PAG-IBIG nga ang tawag doon gaya ng sabi ng iba, marahil MAHAL KO NA NGA SIYA.


Pero sadyang may mga bagay na naghihiwalay sa aming dalawa. 






Nakalimutan ko palang sabihing isa siyang MORTAL samantalang isa lamang akong CYBORG.