Ipinapakita ang mga post na may etiketa na opinyon ng isang adik.... Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na opinyon ng isang adik.... Ipakita ang lahat ng mga post

4/7/10

SECOND CHANCE?

Ung totoo?
hindi ako naniniwala sa mga second chances pagdating sa relasyon...
Sabi nila "LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND" (tama ba?wahehehe)
pero d ako naniniwala diyan..
ang adik ko noh? basta ganun ang paniniwala ko noon...

Naalala ko pa nga nung time na tinanong ako ng exbf ko ng "bhe, what if magkahiwalay tayo? bibigyan mo ba ako ng second chance?"
nagulantang ako sa tanong niyang un...na para bang nakita ko si sadako sa harap ko... 0_0
at kinabahan din... un kasi ung time na para bang nagkakalamigan na..(december kasi nun..hehehe)
nakakawindang na tanong na para bang may balak ang kumag...

at ayun nga bago kami mag-anniversary eh nagbreak kami...saklap noh?
dami ko pa namang plano nun...(next post na ung kwento kung balak mong makitsismis..hehe)

Balik tayo sa tanung ni ex ang sinagot ko sa kanya ay ang isang nag-aalangang DEPENDE..
Depende kung ganu kalaki ung kasalan mo at sa nagawa mo.
Speechless ako ng time na un, nagulat kasi talaga ako... Hindi ako makapag-isip ng tama kasi ang naiisip ko bakit naitanung niya un?

Bakit nga ba ayoko ng SECOND CHANCE?
kasi para sakin once na sinaktan ako ng isang tao may tendency na gawin niya ulit un...
hindi lang ng isang beses pero ng maraming beses pa...
katangahan na lang kung bibigyan mo pa siya ng pagkakataon para saktan ka...
at siguro dahil na rin sa napakataas kong PRIDE na mas mataas pa sa Mt. Everest.

Kung hihingi man sayo ang isang taong ng second chance buong puso mong ibigay un sa kanya...
sa pangalawang pagkakataon ibigay mo ulit ung tiwala mo sa kanya... ung hindi pilit at ung bukal sa loob mo...
Hindi naman masama kung bibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang isang tao para itama ang mga maling nagawa niya pero kung ung pagkakataon na binigay mo sa kanya ay sinayang niya lang siguro pagsasampalin mo na siya ng bonggang bongga with matching flying kick pa...

Hindi masamang magbigay ng SECOND CHANCE...
wag lang sanang umabot sa THIRD CHANCE at ng marami pa...

kaya ang masasabi ko lang eh...

"LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND"


at sana magkaroon din kami ng second chance ni adik..nyahaha asa pa..

3/10/10

HANGGANG KAILAN???

MOVE ON---

Madalas ko yang marinig noon sa mga kaibigan ko...
Lalo na kapag broken hearted sila...

Madalas ako pa nga ang adviser nila...
Samantalang wala pa naman akong alam sa mga pag-ibig na yan...
Kasalukuyan pang natutulog ang prince charming ko noong mga time na iyon...nyahahaha
Back to the topic... ayun nga ako ang dakilang love adviser nila...
At ako namang si ewan todo advice din na akala mo eh, napagdaanan na lahat ng napagdaanan nila...
Basta sinasabi ko lang ang kung ano sa tingin ko ang tama, sa mga napapanood ko at napapakinggan base sa sitwasyon ng iba.
Napuri pa ako noon ng isang kaibigan ko na ang galing ko daw magbigay ng payo...
AKALA LANG NIYA IYON....hehehehe

Dumating ang time na kumatok si LOVE at bonggang bongga ko naman siyang pinapasok...
Tinanggap ko siya ng buong puso pati ng lahat ng body organs ko.

Naransan kong maramdaman ang tinatawag na chuvachocho ni Jolina.
Masarap pala sa pakiramdam...
Iba iyong feeling...
Pakiramdam mo nga ikaw si Darna na kahit wala kang super powers eh para ka namang lumilipad sa ere basta kasama mo si Ahemm...
Para ka ding si SUPERMAN kasi feeling mo kayang kaya mong gawin ang lahat basta para kay Ahemmm...

Pero tulad nga ng isang pelikula, fairy tale at kung anu-ano pa...
May hangganan ang lahat...

"HINDI LAHAT NG GUSTO NATING MANGYARI AY AAYON SA GUSTO NATIN"

Iyon lamang ang isa sa mga bagay na napatunayan ko. Pwede kang mangako ng FOREVER pero walang kasiguraduhan na matutupad ito. Hindi assurance ang mga matatamis na salita na habangbuhay na kayong magkasama. Meron din kasing mga KONTRABIDA na pilit hahadlang. May mga pagkakataong magagawa niyong lampasan ang lahat pero hindi sa lahat ng oras.

MAY HANGGANAN ANG LAHAT...

11/21/09

just a thought

"Before u fell inlove, be sure there’s someone there to catch u."




dats a txt message from a friend of mine…



When I read dat… Naicp q lang cguro nga tama ung msg na un but still ndi naman ntin malalaman f may handa bang sumalo satin pag nainlove na tau sa isang tao… Or kung ung taong mahal natin mismo ang siyang sasalo satin…



Y is dat when loving,… we really can’t learn to love someone who also love us but instead we love someone who don’t have feelings for us… dats y it ends dat we get hurt… not only us but the person who also love us but doesn’t get love in return…



Minsan naicip q bakit ba ndi nalang pwedeng 2ruan ang puso para wala ng nasasaktan… walang bigo… pero dats d reality in life we cannot choose whom we want to love… coz if we can… ndi na sana natin mamahalin ung taong sasaktan lang tau sa huli… pero sabi nga nila ndi natin malalaman kung tunay tayong nagmamahal if ndi tayo nasasaktan… kasama daw un pag nagmahal… kasama na dun ang masaktan… hay… pagdating sa love kung minsan nagiging complicated ang buhay ng tao… kadalasan maraming apektado…



hay… love nga naman kung minsan ang hirap intindihin… kahit na ang gusto lang naman ng karamihan ay maging maligaya…. pero madalas mahirap ung makamtan….



hay… ang gulo talaga…



kahit aq d q na rin maintindihan…