4/7/10

SECOND CHANCE?

Ung totoo?
hindi ako naniniwala sa mga second chances pagdating sa relasyon...
Sabi nila "LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND" (tama ba?wahehehe)
pero d ako naniniwala diyan..
ang adik ko noh? basta ganun ang paniniwala ko noon...

Naalala ko pa nga nung time na tinanong ako ng exbf ko ng "bhe, what if magkahiwalay tayo? bibigyan mo ba ako ng second chance?"
nagulantang ako sa tanong niyang un...na para bang nakita ko si sadako sa harap ko... 0_0
at kinabahan din... un kasi ung time na para bang nagkakalamigan na..(december kasi nun..hehehe)
nakakawindang na tanong na para bang may balak ang kumag...

at ayun nga bago kami mag-anniversary eh nagbreak kami...saklap noh?
dami ko pa namang plano nun...(next post na ung kwento kung balak mong makitsismis..hehe)

Balik tayo sa tanung ni ex ang sinagot ko sa kanya ay ang isang nag-aalangang DEPENDE..
Depende kung ganu kalaki ung kasalan mo at sa nagawa mo.
Speechless ako ng time na un, nagulat kasi talaga ako... Hindi ako makapag-isip ng tama kasi ang naiisip ko bakit naitanung niya un?

Bakit nga ba ayoko ng SECOND CHANCE?
kasi para sakin once na sinaktan ako ng isang tao may tendency na gawin niya ulit un...
hindi lang ng isang beses pero ng maraming beses pa...
katangahan na lang kung bibigyan mo pa siya ng pagkakataon para saktan ka...
at siguro dahil na rin sa napakataas kong PRIDE na mas mataas pa sa Mt. Everest.

Kung hihingi man sayo ang isang taong ng second chance buong puso mong ibigay un sa kanya...
sa pangalawang pagkakataon ibigay mo ulit ung tiwala mo sa kanya... ung hindi pilit at ung bukal sa loob mo...
Hindi naman masama kung bibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang isang tao para itama ang mga maling nagawa niya pero kung ung pagkakataon na binigay mo sa kanya ay sinayang niya lang siguro pagsasampalin mo na siya ng bonggang bongga with matching flying kick pa...

Hindi masamang magbigay ng SECOND CHANCE...
wag lang sanang umabot sa THIRD CHANCE at ng marami pa...

kaya ang masasabi ko lang eh...

"LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND"


at sana magkaroon din kami ng second chance ni adik..nyahaha asa pa..

7 komento:

  1. Sang-ayon ako sa second time pero dapat huwag kalimutan ang lessons during the first time.

    TumugonBurahin
  2. Actually, maganda ang second time. You have outgrown your relationship, tsaka you have learnt your lesson. This time, pwede mo nang itama ang mga maling nagawa mo before. Masaklap lang sa second time na ito, minsan lang mangyari.

    TumugonBurahin
  3. @glampinoy: korek ka dian... =) salamat sa pagbisita...

    TumugonBurahin
  4. @kaitee:uu nga minsan lang... kasi kadalasan kapag may binibigyan ng chance madalas nasasayang lang ung pagkakataon...

    TumugonBurahin
  5. naniniwala ako sa second chances. hahahaha bkit kamo, kase sana bgyan din ako ng second chance ng aking pers lab. haha.

    TumugonBurahin
  6. @keso: hahaha... malay mo naman dba?

    @kayedee: elow =)

    TumugonBurahin