4/20/10

HAPPILY EVER AFTER

......and they live happily ever after...
pamilyar ba sa inyo ang mga salitang yan?
malamang sa oo...
sino ba namang hindi makakarelate sa salitang yan eh lahat tayo may ngipin o wala, matanda o bata eh narinig ang gasgas ng kwento nila cinderella, snowhite, rapunzel at kung sinu-sino pang prinsesa na hindi nawawalan ng prince charming...

isa din ako sa mga nahumaling sa mga fairytales...
isang babae na naniniwala na mayroon din akong prince charming...
at gusto ko rin magkaroon ng sarili kong love story na nagtatapos sa and they live happily ever after.

HAPPILY EVER AFTER....
sa totoong kwento ng tao hindi nagtatapos sa mga simpleng salitang yan ang bawat buhay natin...
araw-araw panibagong pagsubok ang dumarating... depende sayo kung sa paanong paraan mo ito haharapin.
hindi ito nagtatapos sa simpleng period...

ang alam ko lang...

hangga't may bukas hindi mo ito basta basta pwedeng dugtungan ng
and they live happily ever after...

2 komento:

  1. korek ka jan... sana iappreciate na lang ng tao na ang bawat araw ay special para hindi na sila maghahanap ng magandang ending.

    TumugonBurahin