6/23/11

sunset

LOVE is like loving SUNSET
you can loved it but you can never own it...



6/17/11

hakbang mula sa puso mo



Sa bawat hakbang mo gustong gusto kong tumakbo at hawakan ang kamay mo...
Isigaw at sabihin na huwag mo kong iwan...
Pero sa bawat salitang lumabas sa bibig mo...
Unti unti nitong dinurog ang puso ko...

Isang hakbang...
Makakaya ko bang mawala ka?

Pangalang hakbang...
Totoo ba ang lahat o isa lamang itong panaginip?

Pangatlong hakbang...
Tuluyan ka na bang mawawala sakin?

Pang-apat na hakbang...
Hanggang dito na lang ba tayo?

Ilang hakbang ba ang dapat kong gawin para manatili kang akin???

sulat para kay adik

(Nakita ko sa fs blog kaya ni-copy ko na...)
March 16, 2009


Dear Adik,


        You’ve been one of the most important part of my life from this past years… Kahit na almost a year palang tayo magkakilala masaya ko kasi ikaw ung ibinigay na txtmate sakin ni pare. Your different from any other guy na nakakatxt ko… Bukod pa dun kahit sa txt lang at tawagan ung communication nation you always treat me as special as your girl. And i’m really thankfull for that. Ung effort mo palang sa pagttxt sakin and even ung pagtawag mo, ung pagpupuyat mo para lang makatxt ako at kahit na makagat kapa ng sangkaterbang lamok eh ok lang sayo.  At kung minsan pa eh naiinis ka dahil hindi man lang makisama ung signal… Kahit na minsan eh madalas mo akong tulugan dahil sa sobrang antok mo na rin siguro.
Minsan pa nga asar talo ako sayo. May time kasi na ang lakas mong mang-asar at hindi makeri ng powers ko. May time naman na ako madalas ung nananalo. Halos lahat na ng kwento ng buhay ko nasabi ko na sayo at pati na rin ung mga nakakahiyang kwento. Kilala mo na ako kung pano ko magalit at kung kilan masama ang mood ko. Pero kahit kilan never ka pang nagalit sakin.
Kapag inaasar kita na baka mainlove ka sakin, tahimik ka lang habang ako naman todo asar sau na may kasama pang tawa. Hindi ko nga alam pero parang naiimagine ko na nagbablush ka at bigla ka nalang mag-iiba ng topic. Tapos ikaw naman itong mang-aasar. You became more than just a best friend para sakin. Kapag may time na masama ung loob ko at malungkot ako magttxt ka just to comfort me at kapag hindi ako nagrereply bigla bigla ka nalang tatawag just to ask me kung ok lang ako. Ramdam ko ung concern sa boses mo kapag kausap kita. At kapag may time na sinasabi kong ok lang ako, alam mo na nagsisinungaling ako. Hindi ko nga alam kung pano mo nalalaman un, o masyado lang obvious sa boses ko. ]
One time nag-away tayo dahil mas pinili kong wag ng magtxt sayo dahil sabi mo nga may gf kana nung one time na mwrongsend ka sakin. Galit ako sayo nun kasi ni hindi mo man lang nakwento un sakin. Pakiramdam ko kasi hindi ka naging fair sakin dahil ako sinasabi ko sayo lahat ng nangyari sakin pero ikaw nagawa mo ung itago.  Simula nun hindi na ko nagttxt sayo pero ikaw panay parin ang txt mo sakin and trying to explain everything. Pero i just ignored it. But then hindi ka pa din sumuko. Hindi ka pa rin tumigil kakatxt at kakatawag kahit na hindi ko naman sinasagot. Your still hoping na magttxt parin ang adik mo. Pero wala pa din. Until one time nagulat ako sa txt mo while it says na …
“lam mo adik,mas kilala na kita kesa sa kanya, kaya mas comfortable ako mag-open up sayo, mas nakilala mo ko kesa sa kanya, at higit sa lahat mas masaya ako pag anjan ka lang lagi, kaya d ko naisip na dahil lang sa malii8 na bagay, mawawalan aq ng adik, na naging pinakaimportanteng part ng life ko,cenxa na corny cguro 4 u pero ito tlaga feelings ko now”
I was really touch after reading your message kahit pano nabawasan ung inis ko sayo. Pero kahit na ganun i still didn’t respond until sa tumawag ka ulit and fortunately nasagot ng kapatid ko. Nakipagbati na rin ako sayo and i even apologize for my mistake.
From then on… everythings seems to be ok..
Until dumating ung time na sa sobrang pang-aasar ko sayo napaamin kita. I was really surprised knowing that.. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot. Hindi ko akalain na ang isang adik ay maiinlove sakin.hehe Pero kahit ganun you didn’t do anything . Hindi ka nanligaw and you didn’t ask for anything in return.You just said that your happy as long as nothing will change. And that’s what i like about you, hindi ako napepressure sayo. You always wanted me to be happy. And for that I’m really thankfull…
Dahil kahit anong mangyari you will always be, the only adik in my life.

I know you might not read this one but if ever you did..
I thank you so much…




6/15/11

tsk

You could have a change of heart, if you would only change your mind
Instead of slamming down the phone girl, for the hundredth time
I got your number on my wall, but I ain't gonna make that call
When divided we stand baby, united we fall

Got the time got a chance gonna make it
Got my hands on your heart gonna take it
All I know I can't fight this flame
You could have a change of heart, if you would only change your mind
Cause I'm crazy 'bout you baby, time after time





Nagising ako sa pagtunog ng phone ko na nasa tabi ko...


Ang aga naman manggising ng kung sino mang nilalang na ito...


Hindi man lang niya naisip na puyat ako kagabi... OO nga pala pano naman niya malalaman.
Hindi kaya si adik ito?
Sana nga siya na...




Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko, nadismaya ko ng makita kung anong pangalan ang nakaregister.


Si Manuel, ang txtmate ng kaibigan ko na jejemon..




Manuel is calling....




Should I answer or not???




I decided to press the answer button..




Hello...


hello...


Bat napatawag ka?


wala naman... ano kasi si Cath galit sakin eh...


(as if I care)
bakit?


kasi may nasabi ako sa kanya...


(boklogs ka pala eh...)
eh d magsori ka... tawagan mo...




ayaw nga sagutin ung tawag ko eh...


(pwede naman kasing magtxt eh... wala naman akong kinalaman sa away nila)
itxt mo nalang...


tinxt ko na ayaw magreply eh...


bat ba nagalit un ng ganun? anong ginawa mo?


eh kasi may nasabi akong d maganda...


ano naman?


ano kasi?


(naiinip na ko... naman oh)


sabi ko kasi baka busy siya sa kas*xmate nia..


(eh gago ka pala eh... kahit ako sabihan mo nun asa ka pang kausapin kita)
mali naman kasi talaga eh... at nasapian ka ba at sinabi mo un?


nagsorry na nga ako eh... ayaw pa din..


(para namang utang na loob niya pa sayo ung sorry mo..)
mag-sorry ka nalang patatawarin ka rin nun (i doubt)


ah... sige sige... salamat ah...


ok...






Natuwa pa sana ko kung ikaw ung tumawag at pangalan mo ung nakalagay sa screen ng phone ko. Nakakainis parang d mo ko namiss...


Sana effective ung pagpapamiss ko sayo....





6/11/11

bumigay na???

Nanonood kami nung isang araw ng t.v ng biglang pumasok sa bahay ang pamangkin ko sa pinsan si John2 habang kasama namin sa sala ang kapatid ng hipag ko na si elaine.

Si john2 eh 3 years old na bata samantalang si elaine eh nasa 5 na.

Si john2 eh kakapagupit lang... 
ang gupit niya??? kalbo... =)

Si elaine naman hanggang balikat ang buhok

Nagulat kaming lahat sa sinabi ng batang si John2.

John(2x): ano laine sabunutan tayo?
(ang lakas ng loob na maghapon purket alam niyang ndi siya malulugi)
elaine: ayoko nga...
kami: tawa lang ng tawa...

Narealize na kaya ng batang si john(2x) na isa siyang gurlalo???


ang BASAHAN

Nagbabalot ako ng lumpiang shanghai kagabi ng malaglag sa sahig ang isang piraso ng wrapper. Pinulot ko nalang at huniwalay kasi nga madumi na un.
ako: d ko na isali tong isa ah..
mama: bakit naman? malinis pa yan... kakalampaso ko lang kanina diyan eh...
mira:(10 yrs old kong kapatid) oo nga po kakalampaso mo lang eh ung ginamit mo naman kaya diyan na basahan madumi din...

ako at si hipag: bwahahahahahaha (tawa kami ng tawa)

uu nga naman...

6/7/11

Naramdaman mo na din ba???

Ung pakiramdam na para bang may nagpahinto ng galaw ng oras dahil bawat galaw mo para bang slow motion lahat?
Ung para bang ng magtama ang mga mata niyo may kakaibang magic?
Ung gustong gusto mo ng magsalita pero parang ayaw bumuka ng mga labi mo?
Ung pakiramdam na mahirap i-explain...
na hindi mo alam kung anong salita ba sa diksyonaryo ang dapat mong gamitin dahil sa nababangko ang utak mo?

Nasaan na???



May mga taong katulad ng mga bagay...
Pinababayaan lang...
Alam mo kasi na andiyan lang...
Pero minsan sa sobrang abala mo hindi mo na napapansin...
Na ang mga taong un, unti unti na palang nawawala sayo...
Akala mo andiyan pa...
Wala na pala...

Pilit mong hahanapin...
Kasi kailangan mo...

Bakit kasi?

Kung kilan wala na...
Kung kilan napabayaan mo na...
Saka mo napagtanto na mahalaga pala siya...
Pano yan kung huli na?


6/2/11

sa ngayon

Takot ako sa bawat segundo, minuto, oras at araw na lumilipas.
Kinatatakutan ko ang bawat galaw ng relo.
Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari...
Na baka isang araw pag-gising ko hindi niya na ko mahal...
Na iba na ang laman ng puso at isip niya...

Siguro nga masyado lang akong paranoid...
Pero natuwa ako sa sinabi niya.
Kahit paano nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

"wag kang matakot hon...
wala namang mababago kung tayo, tayo talaga hon...
kahit ano pang mangyari tsaka sigurado na naman din ako sayo hon..
kaw ung gusto kong makasama habang buhay..."

Sa ngayon panghahawakan ko muna ang sinabi niya...
Sa ngayon hindi na muna ako mag-iisip ng kung anu-ano...
Sa ngayon hahayaan ko na lang munang maging masaya  sa piling niya...
Sa ngayon sapat ng alam kong mahal namin ang isa't isa...