8/13/10

Dear Mr. Stranger

Kanina habang naglalakad ako papauwi, nakasalubong na naman kita. Mag-isa ka lang naglalakad tulad ko. Sa itsura mo, mukhang napakasuplado mo at para bang nakakailang kang kausapin pero kahit ganun ang lakas ng dating mo sakin. Ito na siguro ang pang labin-limang beses na pagtatagpo ng landas natin. Nacucurious na nga akong malaman kung anong pangalan mo. Kaso alam ko naman na para sayo isa lamang din akong estranghero katulad mo sakin. Maaaring madalas magtagpo ang landas natin pero gaya ko napapansin mo din kaya ang isang tulad ko? Binibilang mo din kaya kung ilang beses na tayong nagkakasalubong? Naiisip mo din kaya ang iniisip ko sayo?

Sa tuwing uuwi ako galing sa skul, lagi nga akong excited eh. Kasi siguradong makakasalubong na naman kita. Akala nga ng mga classmates ko, may susundong boyfriend sakin dahil abot tenga daw ang ngiti ko. Ngingitian ko lang sila pagkatapos nun nagmamadali na kong sumakay sa sakayan baka kasi mahuli ako ng isang minuto at hindi kita makita. Pihidong malulungkot ako nun. Ewan ko ba pero sa ngayon kasi makita lang kita masaya na ako. Masayang masaya...

Eksaktong 5:30 ng hapon nakababa na ko ng sasakyan at naglalakad na ako papasok ng village. Binagalan ko ng maglakad pero ni anino mo hindi ko nakita. Halos araw-araw ganitong oras papalabas kana ng village samantalang papasok naman ako pero bakit ngayon wala ka pa rin? Nasaan ka na ba? Ibig bang sabihin nito hindi kita makikita?

Pinagmasdan ko ang langit, unti unti itong nababalutan ng kadiliman katulad ng lungkot na nararamdaman ko ngayon. Nagsimula ng pumatak ang ulan, kasabay ng pagpatak ng luha ko. Bakit nga ba ko umiiyak? Samantalang hindi naman kita kilala at ganun ka din sakin. Ni hindi mo nga napapansin na nag-eexist ako sa mundong ito. Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira, kung anong pangalan mo at lahat ng mga simpleng bagay tungkol sayo. Ang alam ko lang masaya ko sa tuwing nakakasalubong kita kahit na para sa iba ang ngiti mo.


Nagmamahal,
Ms. Stranger

8/9/10

PUTING KAHON

Nakatingin lamang siya sa isang nakapikit na katawan ng isang bente tres anyos na dalaga. Nasa loob ito ng isang tila ba kahon na kulay puti ang kulay at may salamin na nakikita ang katawan ng babae. Sa itsura nito tila ba mahimbing itong natutulog mula sa isang napakagandang panaginip. Maaliwalas ang mukha nito, nakasuot ng puting damit na tila ba isang diwata at kitang kita ang kolorete sa kanyang mukha.

Tahimik lamang ang may edad na babaeng nakatingin sa salamin. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata at tila nanggaling sa ilang araw na pag-iyak at puyat. Halos hindi makausap at hindi mapakain. Maya maya'y unti-unti na namang nagbagsakan ang luhang kanina pa pinipigilan ng babae.
Tulala at walang imik...
Ni hindi niya gustong umalis sa tabi ng puting kahon na pinalilibutan ng mga ilaw.
Wala siyang ginawa kundi ang bantayan ito na para bang anumang oras ay mawawala ito sa kanya. Ni isang saglit ay ayaw niya itong mawala sa kanyang paningin...

Sa paningin ng isang inang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak.

8/8/10

KUYA



TAYA




Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Pero sa larong ito ako ang taya...
Ang naghahabol sa taong mahirap habulin dahil may hinahabol ding iba...
Kilan kaya kami mapapagod na maghabol sa bawat isa?


"Belle," tawag sakin ni ate.
"Bakit?"
"Uwi na daw sabi ni mama. Kakain na tayo."
"Sige ate, mauna ka na. Susunod na ako sayo."
"Dalian mo ah.."
"Oo.."


"Tan, laro ulit tayo mamaya ah. Babalik din agad ako,".

"Ok, sige pero isama mo ang ate keith mo ah."

"Pero--" gusto ko sana tayo lang ang maglaro.

"wala ng pero pero. Basta isama mo si Keith ah?" pilit na kumbinsi sakin ni Tan.

Nakakainis talaga siya. Napakamanhid niya. Bakit ba sa tuwing lumalapit ako sa kanya lagi na lang si ate ang nakikita niya. Nakakainis talaga.

"Oh! Belle, natulala kana diyan. Wag mong kalimutang isama ate mo ah para naman may aasarin ako."
Sana ako na lang ang asarin mo, bulong ko.

"May sinasabi ka ba?"

"wala, sige Tan. Eh, ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?"

"Sige, tara na nga tutal naman nagugutom na din ako eh."

Nakakatuwa naman kasabay ko siya at kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya.
Sana hindi lang si ate ang mapansin niya, mas maganda pa nga ako kay ate eh.

"Dito na pala tayo sa inyo eh. Asan ba ang ate mo?"sabay silip niya sa pintuan.
Napasimangot ako. Magkakuliti ka sana.

"Baka nasa kusina."

"Ah, sige aalis na ako. Hintayin ko kayo mamaya ah sabay ngiti niya."

Ang cute niya talaga, kaya gusto ko siya eh.
Iniwan na akong mag-isa ni Tan kaya pumasok na ko sa loob ng bahay ng bumungad sakin si ate. Naalala ko tuloy ung kanina.Napasimangot ako.

"Nanghahaba ata nguso mo Belle, may umaway ba sayo?,"

"Wala naman ate."

"May kasama ka ba kanina sa labas?"

"Wala."pagsisisnungaling ko.

"Para kasing narinig ko ang boses ni tan eh."

"Bat naman ako sasamahan ni Tan?,"naiinis ko pa ding sagot.
Bakit naman kaya tinatanung ni ate kung kasama ko si tan? D kaya may gusto rin siya kay tan? D pwedeng mangyari un, akin lang si ethan.

"Kunsabagay. Ikaw nawiwili kana dapat kuya ang tawag mo sa kanya ah. Mas matanda siya sayo ng isang taon."

"Kahit na. Hindi ko naman siya kapatid eh."

"Hindi nga, pero iba pa rin kung tatawagin mo siyang kuya dahil mas matanda pa rin siya sayo."

"Iba siya ate."

"Anong iba?"

"Ah, basta, sakin na lang un."

"Tena na nga dito sa kusina, kakain na tayo nila mama. Ang kulit mong bata ka."

----

"Oh, asan na ang ate mo belle?"

"Nasa bahay. May gagawin daw siya."

"Ah, d wag na tayong maglaro. Boring kasi kung tayo lang."

"Ayain na lang natin sila kuya Rick, Tan."

"Wag na bukas na lang. Tinatamad na ako. Gusto mo kayo na lang."
Tinatamad ka lang dahil wala si ate eh.

"Ano?"

"Wala naman akong sinasabi."

"Tara uwi na lang tayo. Samahan na lang natin ang ate mo."

"Ayoko pang umuwi."

"Ikaw ang bahala, pupunta na lang ako sa inyo."
Nakakainis talaga.

"Tara na?",naiinis kong aya sa kanya.

"Oh! kala ko ba ayaw mo pang umuwi?"

"Nagbago na ung isip ko. Dalian mo."
Hindi ako papayag na masolo mo si ate. Kala mo ah.

---

Nakaupo si ate sa labas ng bahay ng makita namin ni Tan. Lagot mukhang mabubuking ako, sa isip isip ko.

"Oh, bat ang bilis mo Belle? nakangiting tanung ni ate. Kasama mo pala si Tan."

"Akala ko ba may ginagawa ka Keith?"

"Ako?"napatingin sakin si ate saka nagsalita ulit. "Ah, oo kanina...pero tapos ko na naman."
Umupo naman sa tabi ni ate si Tan pero sumingit ako sa gitna.

"Tan, usog ka naman ang lawak lawak diyan eh."

Tatawa tawa lang si ate samantalang nakakunot-noo naman si Tan.
Siguro alam niyang gusto ko si Tan. Etong si Tan naman kasi ubod ng manhid, ndi naman siya bato na walang pakiramdam.

Ang nakakalungkot lang dun, iyon na pala ang huling araw na makikita ko si Tan.
Iyak ako ng iyak ng malaman ko un, samantalang parang balewala lang kay ate ang lahat. Siguro nga nagkamali ako ng hinila na gusto niya din si Tan.
Siguro nga magkaibigan lang talaga sila.

Habang hinahabol ko si Tan, lumalayo siya sakin para lapitan si ate.
Labing dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na un. Parang kailan lang. Nasaan na kaya si Tan? Kapag nakita ko kaya siya babalik ang nararamdaman ko para sa kanya?

Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa labas.
Boses ni ate at ng isang lalake. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas para tingnan. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake.

Walang iba kundi si Tan...
Si Ethan...


"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?"inis na inis na sigaw ni Ate Keith sa lalake. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?

"Hindi na kailangan, pulis ako."nakangising sagot ng lalake.

Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Tan na mahilig asarin si ate. Pero bakit kaya hindi man lang siya namukhaan ni ate? Samantalang unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya si Ethan. Tulad pa rin siya ng dati gwapo.
At tulad dati hanggang ngayon talagang si ate pa rin ang gusto niya.

"Ate, hindi mo man lang ba papapasukin si Kuya Tan?"nakangiti kong baling sa kanila.

Napatingin silang dalawa sakin sa may labas ng pinto. 
Kitang kita sa mukha ni ate ang pagkagulat samantalang nakangiti naman ng ubod tamis sakin si Tan, mali pala si kuya Tan.

"Kita mo, buti pa si Belle eh, nakikilala ako, samantalang ung lampa diyan ni hindi man lang ako makilala."

Napatingin si ate kay Tan, na para bang tinitingnan niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

"Ikaw pala. Sana kasi nagsabi ka na ikaw pala yan. Malay ko kaya noh."

"Ganyan ka naman eh. Pero kung si Rick un siguradong makikilala mo agad."

"Sus, kala mo lang..."

"Tara na pasok na kayong dalawa. Mukhang babagsak na ang ulan, ayaw niyo naman sigurong mabasa hindi ba?"

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko siyang kuya. Ito na siguro ang simula ng pagsuko ko. 


Sa larong ito, minsan na akong naging taya kaya hindi na ako magpapataya pa.
Ayoko ng maghabol sa taong may hinahabol namang iba.

Sana dumating ang araw na may isang taong gustuhing maging taya para habulin naman ako.






Disappointed

Everything will be all right...
God has plans for me...
Don't lose hope...


Kaya ko ito...
Kakayanin ko... 

7/25/10

TAYA

Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Ngayon, sa larong ito magpapataya ka ba?
O ikaw ang magpapahabol?


Napangiti ako ng makita ang mga batang naghahabulan sa labas ng bahay. Naalala ko tuloy ang kababata ko.
Simula pagkabata paborito namin ang larong habulan. Madalas ngang ako ang taya...

"Taya ka Keith" sabay hawak ko sa braso nya. 
Tanda na nataya ko na siya. Gustong gusto ko siyang tayain dahil bukod sa mabagal siyang tumakbo eh may pagkalampa pa. Kaya nga inis na inis siya sakin dahil bukod sa madalas ko siyang asarin, basta ako ang taya siguradong siya ang susunod.

"Nakakainis ka talaga! tan. Bakit ba kasi laging ako ang tinataya mo? eh ang dami dami naman nating naglalaro?"

"Wala lang, alam ko kasi hindi ako mapapagod sa paghabol sayo, nakangisi kong sagot.
Eh, ikaw nga laging si Rick ang hinahabol mo," dagdag ko pa.

"Ang yabang mo talaga," iritado sabi niya sabay irap sakin. "Wala ka ng paki kung siya man gusto kong tayain."

"Sus, palibhasa crush mo un noh?" biro ko pa.

"Hindi kaya noh..." defensive mo namang sagot pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi mo.

Pilit akong napangiti. Sana pala hindi ko na tinanung pa un sayo, ayan tuloy nasaktan lang ako.

"Sige, uwi na ako," paalam ko sayo.

"Sige, buti pa nga."

Sa tuwing tumatakbo ako papunta sayo, ikaw naman tumatakbo papunta sa kanya.
Lagi na lang bang ganito? Hahabulin kita tapos hahabulin mo siya.
Sana kahit minsan habulin mo naman ako.

---

Labing-tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makita. Simula noong lumipat kami hindi ko na siya nakita. Pinuntahan ko siya pero nalaman kong lumipat na rin pala sila ng bahay gaya namin.

Nasaan ka na kaya ngayon Keith?

Napatingin ako sa oras ala-singko ng hapon. Narinig kong tumunog ang cp ko at agad ko naman itong dinampot.

1 message
received


Couz, wag mong kalimutang pumunta sa kasal ko ah.
Madami dung chicks...=p

Tin2

Napangiti ako ng mabasa ko ang txt ng pinsan ko. Madaming chicks. Napabuntong hininga ako.
Ang gusto ko lang naman ay si Keith...
Magkikita pa kaya kami?

Hanggang ngayon pakiramdam ko ako pa rin ang taya.
Sila na kaya ni Rick? Sana naman hindi.
Matagal ng natapos ang laro pero kilan ako magsasawang habulin siya?

-----

Maaga akong gumising para pumunta sa kasal ng pinsan ko.
Mukhang matagal pa akong maghihintay dahil wala pang laman ang dyip. Umupo ako malapit sa may driver para hindi naman nakakahiya kung sakali mang makatulog ako. Inilabas ko ang ipod ko atsaka ko inilagay ang headset sa tainga ko.

"Malinta... Malinta..." tawag ng barker sa mga taong nagdadaanan.

Mga ilang minuto pa ay halos napuno na rin.

Mabilis lang pala sa isip isip ko. Mukhang hindi ako malalate.

"Miss, isa na lang sakay ka na," narinig ko pang sabi nung lalake sa labas pero hindi na ako lumingon.

Maya maya sinimulan ng paandarin ng driver ang dyip.

"Bayad po...toll gate lang," sabi ng isang boses babae sa may bandang dulo.

"Paki-abot naman po..." galing parin sa boses mula sa likuran.

Bingi-bingihan naman ang mga katabi niya sa isip-isip ko kaya pinilit kong inabot ang bayad niya kahit na ang layo-layo naman niya sakin.

Ang mukha niya parang nakita ko na siya kung saan.

"Salamat..." nakangiting sabi niya saka ibinaling niya ang tingin niya sa labas.

Pamilyar talaga ang mukha niya sakin. Siguradong nakita ko na siya kung saan. 
Isip Ethan..
Isip...

---

"Oh! ung bababa diyan ng toll gate pwede na dito," sabi ng Manong Driver.
Kumilos na rin ako para bumaba. Naunang bumaba ung babae. Nakawhite na may halong black na dress siya. Sa itsura niya mukhang may pupuntahan siyang okasyon. Saan kaya ang punta nya? Sa isang binyagan o kasalan?

Sumakay na ulit ako ng dyip papuntang Marilao.
Hay, bat naman kasi napakalayo ng bahay ni Tintin. Nakakapagod na.

Maya maya sumakay na rin ang babae. Nagkatinginan kami at halatang medyo nagulat siya ng makita ako.
Ang mata niya... pamilyar talaga sakin.

---

Ang bilis ng byahe andito na kaagad kami. Nagsimula ng bumaba ang ilan sa mga pasahero kasama na rin ang babae.
Kung ganun parehas lang pala kami ng lugar na pupuntahan. Sino kayang pupuntahan niya dito? sa isip isip ko.
Nauna na siyang maglakad sakin pero maya maya'y huminto siya atsaka may kinuha sa bag.

Napangiti ako. Hindi ba siya makapaghintay na makapag-ayos at dito niya pa nagawang magsuklay at magpulbos.
Ang mga babae talaga, oo.
Nauna na akong maglakad sa kanya.

---

"Auntie, asan na po sila?" tanung ko sa tiyahin ko.

"Ikaw pala Ethan... naku eh andun na sila sa munisipyo. Kung gusto mo pumunta ka na lang dun o gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"Eh, baka ho marami na kayong kasabay. Mauna na lang po ako sa inyo."

"Oh, siya sige. Inaantay ko pa din ang kaibigan ni tin-tin eh."

"Sige po, aalis na ko."

"Sige, ingat ka."

---

Pagdating ko ng munisipyo hindi ko makita ang pinsan ko kaya naghanap-hanap pa ako.
Patay kang bata ka, naku Ethan malalate kana lagot.
Nagmamadali akong maglakad ng may mabangga akong babae.

"IKAW???" chorus pa naming sabi sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ng pinsan kong si Tin-tin.

"Ah, hindi tin, nakasabay ko kasi siya sa dyip kanina.

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko," pagpapakilala niya.

Keith ang pangalan niya? sigurado akong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali, sabay napatingin ako sa direksiyon nila.
Tama... siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar siya sakin, napangiti ako. Napansin kong nagbubulungan sila at nagtatawanan.
D kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Salamat, nakita din kita.

Dito na kaya magtatapos ang larong ito?

Sa pagkakataong ito.
Sana siya naman ang maging taya.




-----tapos------



7/17/10

LOVELIFE

Alas-kwatro ng hapon nasa labas kami noon ng bahay, masayang nagkukwentuhan kasama ang mga pamangkin kong ubod ng kukulit. Maya maya napansin nilang wala si Belle, ang kapatid ko.

"Oh! asan si Belle? bakit hindi ata lumalabas? tanung ni Auntie Deth."

"Wala po, baka may date... sagot ko naman."

"Ah..."
Maya maya'y bumaling naman sa akin ang pamangkin kong si Anne.

"Ate, Khiet ilan taon ka na ba? tanung sa akin ng 10 taon gulang kong pamangkin."

"Bente tres... maikling sagot ko sa kanya."

"Ilan un?" takang tanung pa din nya.
Natawa ko. "Twenty three..."

"Ah, eh bakit ikaw wala kang boyfren? tulad ni ate Belle? muling tanung niya sa akin na ngingiti ngiti pa...
Natawa ako... napangiti saka biglang natahimik...

"Walang ganyanan, sabat naman ni Auntie Deth na tumatawa tawa pa."

Hindi ko na sinagot ang tanung sa akin. Ngumiti lang ako sa pamangkin ko. Parang gusto ko tuloy pagsisihan na sinabi ko pang nakipagdate ang kapatid ko. Ako tuloy ang nalagay sa hot seat. 
Nakakainis... ako na naman...
Lagi na lang ako....

Nang matapos ang kwentuhan pumasok na ako ng kwarto ko. Umupo sa kama saka ko binuksan ang T.V.
Biglang nag-echo ulit sa isip ko iyong tanung sa akin ng pamangkin ko.

"Bakit nga ba? naitanung ko sa sarili ko."
Hay, keith bakit mo ba pinoproblema ang isang bagay na hindi naman dapat problemahin?
Eh, ano ngayon kung wala kang lovelife malay mo bukas makasalubong mo na siya.

Nabulabog ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang tunog ng cp ko.

1 message
received

Agad kong binasa ang txt.... galing kay tin-tin

Bruha wag mong kalimutang pumunta bukas sa kasal ko.
Don't be late...

Oo nga pala magpapasakal na bukas ang isa sa mga close friend ko.

------

Maaga akong gumising para maaga akong makapunta, nakakahiya naman kasi kung malalate ako.
Isinuot ko ang isang simpleng white dress na may halong black, favorite color ko kasi ang white and black lalo na sa damit.

Pagkatapos kong mag-ayos, umalis na rin ako ng bahay dahil malayo layo rin ang byahe ko.

Hay, bat naman kasi sa Bulacan pa nakatira si Tin-tin.

Habang naglalakad ako, napapansin kong napapatingin sila sakin. Ewan ko nga ba kung bakit,wala naman akong dumi sa mukha at sa tingin ko naman mukha naman akong tao sa itsura ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga etsuserang mga frog...Keber ko sa kanila.

Sumakay ako ng dyip byaheng novaliches bayan atsaka ako umupo sa pinakaunang bahagi nito, favorite ko kasi ang pwestong un dahil mabilis lang makababa. Pagkatapos ng halos 45 minuto nakarating ako ng bayan. Buti na lang walang traffic kung hindi baka abutin ako ng siyam-siyam. Nagsimula na akong maglakad sa may sakayan papuntang malinta. 
Nang makarating ako sa may sakayan ng jeep, sumakay na ulit ako.

"Bayad po, toll gate lang" sabay abot ko ng bayad ko. Nakakainis kasi wala man lang pumapansin sakin lahat nasa ibang dako ang tingin. Ano bang meron sa dyip na ito, mga esnaberang frog.

"Paki-abot naman po", sabi ko sa katabi ko pero parang binging hindi man lang ako pinansin.

Maya maya napansin din ako ng isang lalake, siguro halos magkasing-edad lang kami. Pilit niyang inabot ung kamay ko para makuha ang bayad ko dahil medyo malayo ang pagitan namin.

"Salamat.." ang sabi kong nakangiti.

Pagkatapos nun, ibinalik ko ang tingin ko sa labas.
Buti na lang mabait ung lalake, cute pa...

Pagkatapos ng isang oras na byahe nakarating din ako ng toll gate, un nga lang kung kanina fresh na fresh pa ko ngayon parang bilasang isda na ko dahil sa tagal ng byahe. Pero nakakatuwa dahil sabay kaming bumaba nung mabait na lalake. 

Kilangan ko pang sumakay ng isang dyip papuntang Marilao. Bakit naman kasi napakalayo ng bahay ng bruhang un.

Hay naman...

Pasakay na ako ng dyip ng makita ko ang pamilyar na lalake na nakasakay ko kanina.
Saan kaya bababa ang isang ito?
Matapos ang ilang minutong byahe, nakarating din ako ng Marilao. Un nga lang kilangan ko pang maglakad. Grabeng parusa talaga.
Iyong buhok ko, ang gulo-gulo na... tapos ung mukha ko naman nagmamantika na sa pawis kaya ayun naisipan ko munang huminto at mag-ayos saglit. Nakakahiya naman kasing pumunta dun ng ang sama ng itsura ko.
Nagsuklay lang ako atsaka nagpulbos. Nakakahiya lang dun kasi eksaktong nagpupulbos ako nadaanan ako ng lalakeng nakasabay ko sa dyip, nakangiti pa siya sakin. Napangiwi na lang ako.
D bale hindi ko na naman un makikita eh.

----


"Tin-tin" tawag ko mula sa labas ng bahay nila.
Maya maya lumabas ang mama ng kaibigan ko.

"Keith, ikaw pala... Nauna na sila sa may munisipyo. Saglit lang sumabay ka na lamang samin."

"Ah sige po tita."

--

Pagdating namin sa munisipyo, nakangiti sakin ang bruhang bride. Mukha siyang diwata sa suot niya. Napangiti ako.

"Pangit ba?" tanung agad niya sakin.

"Hindi noh, cute nga eh... mukha kang fairy god mother", tumatawang sabi ko.

"Sira ka talaga.. ikaw asan na ung groom mo?" pabirong tanung niya.

"Baliw..." bf nga wala groom pa..


Maya maya may isang lalakeng nakabangga sakin.

"Dahan dahan naman..." medyo naiinis na sabi ko. Hindi ko makita ang lalake dahil medyo may kataasan siya pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ang itsura niya.
ANG LALAKE SA DYIP...

"IKAW????" chorus pa naming tanung sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ni Tin-tin sakin.

"Ah, hindi noh.. nakasakay ko kasi siya sa dyip kanina.."

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko pagpapakilala niya."

Ah, pinsan pala...

"Bruha, napapansin ko kanina pa nakatingin sayo si Ethan ah... ui..."

"Sus, akala mo lang un..."

"Mukhang type ka ata..."

"Sira ka...imposible noh.."

"Ano namang imposible dun? dalaga ka... binata naman siya..."
Napangiti lang ako...

"Tsaka maganda ka naman..."

"Naku, Ms. Bride wag mo na nga akong pinagbobola.. Puntahan mo na ung groom mo dun oh, magsisimula na ang sakalan..."

"Baliw ka talaga..."sabi niya sakin pero bago siya bumalik sa pwesto niya may ibinulong siya sakin. 
"Gusto ko siya para sayo..."

-----

"Kaibigan mo pala si Tintin", ang sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko.

"Oo.. matagal na."

"Ang swerte ko naman pala.."

"Huh? bakit naman?" takang tanung ko.

"Kasi nakilala kita..." sabay ngiti niya.

Napangiti lang ako....

"Magpinsan nga kayo, parehas kayong bolero."

"Nagsasabi lang ng totoo..."

LOVELIFE NA BA ITO?


----tapos----