9/14/10

SI CLAUDE

"Hi! Jessica," nakangiting bati sakin ni Claude. Eto na naman po siya, ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siya talaga namang naalibadbaran ako sa kanya. Bakit? Eh paano ba naman ke aga aga heto na naman siya at parang naninira ng araw. Matagal na rin siyang nanliligaw sakin, ewan ko nga ba kung talagang matalino siya dahil napakahina naman niyang pumick-up. Ni hindi man lang ata niya maramdaman na hindi ko siya gusto. Ni wala sa kalingkingan niya ang ideal man ko. Matangkad siya, pero wala ding silbi dahil napakalampa naman niya. At hindi siya pwedeng mag-ala prince charming dahil sa katawan niya mukhang ako pa ata ang magtatanggol sa kanya. Sabi nila siya ang pinakamatalino sa campus dahil sa dami ng awards na meron siya, tingin ko mukang nagkamali ata sila sa pagbibigay sa kanya ng awards. Bakit? kasi naman ang hina niya makaramdam ah. Sa tagal niyang susunod sunod sakin hindi ko alam kung sadyang manhid ba siya o talagang ipinaglihi ata siya sa bato na walang pakiramdam. Nakasuot siya ng isang antique na eyeglasses na minana niya pa ata sa mga kanuno-nunuan niya. At ang buhok niya? sa tingin ko eh idol niya si Rizal dahil sa pagkakaplantsa ng buhok niya at sa gamit niyang pamada. Haller! uso na kaya ang gel. Sino ba namang makakatagal sa kanya. Daig ko pang may kasamang antique na gamit. At para rin siyang asong susunod sunod, kulang na nga lang maglagay siya ng tali sa leeg niya. Para na siyang pet para sakin. At sa tuwing nakikita ko siya sumusumpong ang migraine ko, hindi ko alam kung sadyang allergic lang talaga ako sa presensiya niya.

"Jess, pansinin mo naman si Claude. Kanina pa siya nakatayo diyan."
"Ok lang ako Tin..." 
"Narinig mo naman siya eh, ok lang daw siya."
"Mauna ka nalang Claude, sabay na kaming uuwi ni Tin. May tatapusin pa kasi kaming project eh."
"Project? meron ba tayo nun?," kunot noong baling ni Tin.
"Meron nga dba? dba nga gagawa tayo?"
"Ah, oo."
"Kung ganun, mauuna na lang ako Jessica. Kung gusto mo itxt mo lang ako kung uuwi kana para may kasama ka, masyadong delikado sa panahon ngayon." As if naman maipagtatanggol mo ko.
"Don't worry ok lang ako. Sige na alis kana. Ingat ah," sabay ngiti ko ng pilit.

Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya pero wala na kong magawa dahil nasabi ko na. Ayoko namang bawiin pa dahil baka iba lang isipin niya. Bakit ba ganun? para tuloy nakokonsensiya ko dahil sa ginawa ko. Ang sama ko ba?

"Ang sama mo naman Jess," ang sabi sakin ni Tin habang nakatingin ako sa naglalakad papalayo na si Claude.
"Bakit ba?"
"Nagtatanong ka pa diyan? Tingnan mo nga ung ginawa mo dun sa tao. Hindi ka man lang ba naaawa?"
"Hi- hindi noh... Bat naman ako maaawa sa kanya?" Ano ba kasing ginawa ko? Bat ba masyado akong naging mean sa kanya. Hay, Jessica bat ba kasi ganyan ka.
"Sundan mo na kaya si Claude."
"Bakit ko naman siya susundan? Mamaya ano pa isipin nun."
"Bakit kaba ganyan sa kanya? Hindi ka naman ganyan sa iba ah. Siguro hindi mo lang matanggap na nagugustuhan mo na rin siya noh?"
"Paano ko naman magugustuhan un Tin? Haller??? Ni hindi nga siya ang ideal man ko eh."
"Talaga bang ayaw mo sa kanya?"
"O- Oo naman..." Kahit na ganun si Claude, lagi siyang nakangiti sakin kahit na lagi ko siyang tinatarayan. At kung may isang bagay man na nagustuhan ko sa kanya, iyon ay ang ngiti nya. Kahit kilan hindi ko pa siya narinig na nagreklamo sakin. Sweet din siya kasi minsan makikita ko nalang na may isang white rose sa desk ko. Lagi niya pa kong tinutulungan sa mga projects sa school, minsan tinuturuan pa niya ko ng mga lesson na hindi ko maintindihan. Dinadalan niya pa ko ng meryenda tuwing break time kahit na ang layo layo ng building ng room niya sakin. Kung tutuusin ang dami dami na niyang nagawa para lang sakin at hindi ko na nga mabilang ang lahat ng iyon. Ayaw ko nga ba sa kanya? O masyado ko lang iniisip na hindi siya ang ideal man ko.
"Sundan mo na, hindi pa un nakakalayo Jess." Dapat ko ba siyang sundan? Mag-isip ka Jessica. Pag ginawa mo un, wala ng urungan pa.
"Sa totoo lang Jess, sa lahat ng manliligaw mo si Claude ang pinakagusto ko para sayo."
"Bakit siya pa?"
"Kasi kahit na hindi siya mala-prince charming. Alam kong mabuti siyang tao. Masyado ka lang nabubulagan kaya hindi mo nakikita un."
"Salamat tin, sige susundan ko siya."
Tumakbo ko ng tumakbo para lang maabutan si Claude pero ni bakas niya wala kong makita. 

"Claude..."
"Claude..."

Maya maya may nakita kong nakatalikod na isang lalake. Tumakbo ko papalapit sa kanya hanggang sa maabutan ko siya sabay hinawakan ko ang kamay niya.
"C- Cla- Claude... sandali lang" pero paglingon ng lalake nagulat ako ng iba ang makita ko. Hindi siya si Claue. "Sorry."
Siguradong nakauwi na siya. Hay, Jessica naman kasi ang tanga tanga mo.
"Tawag mo ba ko Jessica?"
Narinig kong sabi ng boses sa likod ko. Pagharap ko nakita ko si Claude, na matamis na nakangiti sakin.
"Ikaw talaga, pinagod mo ko."
Siguro nga hindi siya ang ideal guy ko at hindi rin siya ang prince charming ko pero ito ang realidad ng buhay at wala kami sa fairytale.

Siya si Claude, ang mahal ko.


--the end---

9/13/10

Broken

Kani-kanina lang tumawag ang friend ko, to be specific guy. At ayun broken hearted ang lolo mo. Umiiyak siya habang kausap ko. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya kasi alam ko naman kahit anong sabihin ko sa kanya hindi gagaan kung ano man ung nasa loob niya plus the fact na pakiramdam niya wala man lang nakakaintindi sa kanya. Para tuloy dinudurog ang puso ko habang kausap siya, gustuhin ko man kasing tulungan siya. Ano naman bang magagawa ko para sa kanya? Pati tuloy ako parang maiiyak na habang kausap siya. Sa totoo lang ayokong mamroblema ng kahit ano lalo na tungkol sa lovelife dahil ako nga hindi namomroblema sa lovelife ko dahil wala naman akong poproblemahin.... Hay naku, hindi ko tuloy alam ano bang magandang sabihin sa kanya. Hindi din naman kasi siya nakikinig eh. Ang hirap hirap naman. Concern lang ako kasi baka kung anong maisipan niyang gawin. Sana lang maging ok na ang lahat...

Kaya mo yan, tol. AJA!!!

DEAR eX (part 2)

Minsan hindi ko maiwasang hindi maitanong sa sarili ko ang isang bagay... "bakit nga ba tayo nauwi sa hiwalayan?" Sino nga bang bumitaw? ako o ikaw? Ang dami dami kong tanung na what if and if only? Pero pag nasagot ba iyon babalik pa sa dati ang lahat. Babalik ba tayo sa kung anong meron tayo noon? Ayoko na ring mabuhay na panay what if at if only kasi wala namang mangyayari eh. Baka maging bitter lang ako imbes na maging better. Natanggap ko na namang wala ng ikaw at ako. Sa madaling salita, malabo ng maulit ang tayo. Kasi kung uso ang second chances para sa iba, d naman natin alam ang salitang un. Second chances? para lang un sa dalawang taong may pag-asa pang mabuo ulit ang relasyon nila... para sa dalawang taong may pagmamahal pa... Take note dalawa hindi isa. Ako nalang naman kasi ung nagmamahal dba? ako na lang...

Ok na ko ngayon eh, back to normal na nga iyong buhay ko. Bumalik na din ung dating ako nung wala kapa sa buhay ko. Kaso ayan ka na naman. Para kang kabuteng bigla na lang lumilitaw at parang multong bigla nalang magpaparamdam. Itatanong mo kung kamusta na ko? Ano bang gusto mong malaman mula sakin? Na ok ako kanina pero dahil sayo naliligalig na naman ang mundong ginagalawan ko. Na hanggang ngayon ang lakas pa rin ng epekto mo sakin? Ayos ka din noh? ok na nga ko eh tapos ayan kana naman na para bang nang-aasar lang. Kung gusto mo ng laro, sorry hindi na ko pwede diyan iba nalang ang isali mo baka sakali mahanap mo ang katapat mo iyong tipong kayang lumevel sa galing mo, malay mo sa oras na un ikaw naman ang luhaan at sugatan at sa pagkakataong iyon, wag mo akong kalimutang tawagan huh? Promise tatawanan kita ng bonggang bongga...


-eX gF

9/11/10

I LOVE YOU MORE...

"You promised that you'd never leave. Pero nasaan kana ngayon?." Tulad kahapon, at sa mga susunod pang araw andito pa rin ako. Umaasa na darating ang time na bumalik ka. Na isang araw may taong hahawak sa balikat ko at pag lingon ko, ikaw ang makikita ng mga mata ko. 


Dalawang taon na rin simula ng umalis ka ng walang paalam at hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit humantong sa puntong hindi mo kailangang sabihin sakin na aalis ka pala. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ako... 
Hindi ko din alam kung dapat pa ba akong umasa... 

Susuko na ba ko? iyon lagi ang tanung na gumugulo sa isip ko, pero sa tuwing maguguluhan ako at mawawalan ng pag-asa maalala ko lang ang ngiti mo, babalik na naman sakin ang lahat. Kung bakit kita kailangang hintayin at kung bakit ako narito ngayon sa lugar na ito. Nakatingin sa malawak na karagatan habang unti unting natatakpan ng mga ulap ang araw. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong manatili sa lugar na ito o kung tama pa bang umasa akong darating ka.

Pero maghihintay pa rin akong bumalik ka...
Maghihintay ako...

Nangako kang hindi mo ako iiwan, pero nasaan ka na ba ngayon? Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha kong kanina pa pinipigilan. 

Magpakita kana please... 
Miss na miss na kita eh... 
mahal na mahal kita...

"Nasaan ka na ba kasi?"...

"Naiinip na kong maghintay sayo eh... Nasaan ka na ba?"

Nakaramdam ako na para bang may isang taong nakatingin mula sa likod ko. Napangiti ako. Alam kong darating ka... Alam kong hindi mo ako matitiis... 

Denver. ..

Paglingon ko nakita ko ang lungkot sa iyong mukha. Unti-unting nagbago ang ngiting kaninang nakaguhit sa labi ko at napalitan ng lungkot. 

Ipinikit ko ang mata ko, ayokong ng makita at marinig ang kung ano mang sasabihin mo.

"Im sorry..."

Bakit? Bakit? at bakit? iyon lang ang tanging tanung sa isip ko. Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko bumalik na sa dati ang buhay ko. Iyong masaya tayong dalawa. 

"wala na si kuya"...

Si Dennis ang nasa harap ko ngayon at hindi si Denver, ang kakambal niya. Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kakambal mo, ang sabihin sakin na wala kana. All along wala na kong hinihintay. Matagal na pala kong naghihintay sa isang taong matagal na rin akong iniwan. Ang saklap naman. At ang sakit sakit.... 


"Matagal na siyang patay. He died because of leukemia."

I'm sorry Celine hindi ko na kayang panindigan ang pangako ko sayo.
I love you...
Denver
I love you more....

KASAL

"Bakit hindi ka pa nagpapakasal? Ano bang nangyari dati?," iyon ang tanung na madalas kong iniiwasan. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko sa kaharap ko.

"Bibisitahin ko pa ang pamangkin ko, maiwan na kita Dianne," ang sabi ko sa dati kong officemate bago tuluyang umalis.

"Tatanda kang dalaga niyan Lizzie", narinig kong sigaw pa ni Dianne.

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan, isang napakagandang araw para isipin ang kasalukuyan kesa ibalik ang nakaraan.

5 years ago ikakasal na sana ako pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Halos lahat ng kakailanganin ay naisayos na. Ang mga damit, ang reception, ang simbahan maliban na lamang sa mga invitation cards at souvenier items. Masakit man ang nangyari hindi ko na rin pinagsisihang hindi iyon natuloy, sabi nga nila everything happens for a reason.

Bumungad sakin ang 5 taong gulang kung pamangking babae.
Si Kyle..

"Tita, tala lalo tayo ng balbie ko."

"Nasaan ang yaya mo Kyle?"

"Nagyayaba po si aya, dun oh...," sabay turo niya sa may kusina nila. 

Sa tuwing pinagmamasdan ko si Kyle hindi ko mapigilang hindi mapangiti, nalulungkot lang ako dahil napakabata pa niya para maulila sa kanyang ina, 2 years ago namatay ang kapatid ko sa isang malubhang sakit. At dahil sa dalawa na lamang kaming magkapatid madalas akong pumunta sa bahay nila para alagaan si Kyle. Para sa akin, para ko na siyang anak. 

Napagandang bata ni Kyle mahaba ang kanyang buhok na lampas balikat, bilugan ang kanyang mga mata at mapula ang kanyang labi. Minsan nagugulat na lang ako sa mga bagay bagay na itinatanong niya sa akin para kasing matanda na siya kung mag-isip.

"Ta, kanina nood kami ni aya nung nikakasal. Ang danda nga eh. Tita, kilan taw itatasal?," curious niyang tanung na nakatingin sa mga mata ko. 

Natawa lang ko sa tanung niya. Paano ko nga ba sasagutin ang isang bata samantalang ako itong matanda eh hindi alam kung ikakasal pa ako. Bente nueve na ako pero heto't single pa rin ako.
Inip na inip na naghihintay ng sagot si Kyle.

"Tilan ta?," ulit niya...

"Hindi pa kasi alam ni Tita eh..."

"Talaga? yehey, eidy dito kapa din lagi."

"Syempre naman... Gusto mo ba dito lagi si Tita?"

"Opo, tase wala na si Mama, sana taw na lang mama ko." Bigla nalang nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at bigla kong nayakap si Kyle.

5 years ago para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman kong nabuntis ng lalakeng pinakamamahal ko ang nag-iisang kapatid ko. Parehas silang lasing hanggang sa dumating sa point na may nangyari. Pakiramdam ko gumuho ang mundong kinatatayuan ko. At sa mismong araw ng kasal ko ikinasal ang kapatid ko sa lalakeng pinakamamahal ko. Iyon na ata ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang babaeng malapit ng ikasal, ang hindi matuloy ang kasal niya. 

Pagkabitiw ko sa pamangkin ko nakita kong papikit pikit na siya. Inihiga ko siya sa kwarto niya at binantayan hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. 

Paano ko nga ba magagawang kamuhian ang batang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ko? 
Ga'yong siya ang lahat lahat sa akin...

9/9/10

GOODNEWS

"He loves me not... muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang isang talutot na lang ng gumamela ang natitira sa hawak kong kanina'y isang magandang bulaklak, pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makitang may isang maliit pa palang parte...
"He loves me... not... " Madaling dayain ang sarili at isiping iisa na lang ang talulot ng gumamelang natitira sa hawak kong tangkay ng bulaklak para lang pagaanin ang loob ko. Na sana kahit man lang sa ganitong paraan marinig ko ang salitang matagal ko ng inaasam. Pero sadyang ipinagkait sakin ang tanging lalakeng ilang taon ko ng lihim na minamahal, si Yuan Miguel Isidro ang schoolmate ko.

He loves me not...
He loves me not...
He loves me not... iyon ang pilit kong itinatatak sa isip ko. 

Hindi niya ko mahal. At kailanma'y hindi mamahalin.
Para sa kanya walang Alessandra Samonte na nag-eexist na babae kundi isang Alex na lalake.

Kasalanan ko ba kung mas gusto kong manamit na parang isang lalake dahil dun ako komportable? 
Siguro nga I act as a guy pero kahit ganun I'm still a girl, in my heart and in my soul.
I've been silently loving a guy for the past five years at sa tingin ko hanggang dun nalang talaga un.
Kasi he loves me not... Tama... He loves me not...

"Alex, tara punta tayo kila Janna? Kasama daw niya si Irish, dba crush mo un?"

"Wala ko sa mood..." Lagi na lang si Janna. Nakakasawa na. At kilan ko pa naging crush si Irish? buti kapa alam mo, samantalang ako hindi. Ikaw nga ung gusto ko, ang bulag bulag mo kasi. Matutuklaw ka nalang ng ahas ndi mo pa nakikita. Tanga... pero mas tanga ko.

"Ano? sasama ka ba? may goodnews pa naman ako sayo? Tara na..." sabay hawak mo sa kamay ko. Paano pa ba ko makakatangi sayo? sa tuwing hahawakan mo ung kamay ko nanghihina na ko. At sa tuwing katabi kita para kong nauupos na kandila at ung puso ko para ng sasali sa karera sa bilis ng tibok.

"Sige na nga. Ano ba ung goodnews mo?"

"Basta malalaman mo din," sabay ngiti mo. Ayan ngumingiti ka na naman, ndi mo lang alam dahil sa ngiting yan  mas lalo lang akong nahuhulog sayo, kakayanin ko pa bang makabangon nito?

Habang nasa daan nakaakbay ka sakin. Ang saya saya ko pakiramdam ko kasi mayroong "tayo" kahit alam ko namang hindi mangyayari un. Iniisip ko tuloy baka nakikita mo din ako bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan, at kaklase mo. Makukuntento na lang ako sa kung anong meron tayo, sana lang huwag kang mawala sa tabi ko kahit na parang imposible un.

Masayang masay si Janna ng salubungin niya tayo at kitang kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan ng lumapit ka sa kanya at inakbayan siya. Sana nanaginip lang ako kung isa nga lang ba itong panaginip. Gustong gusto ko na kasing magising. Pero kahit anong gawin ko alam kong ito ang realidad. Gustuhin ko mang takpan ang mata ko at tainga ko para hindi ko makita at marinig sinabi mo. Huli na ang lahat.
"Kami na ni Janna," ang sabi mong kulang na lang mawasak ang labi mo sa pagkakangiti mo. Kayo na pala, ang saya saya niyo na samantalang nagpira-piraso naman ang puso ko.   
Sana kaya ko ding sabihin sayong "masaya ko para sayo," pero sorry ah isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isukli sa inyo.

Sa tuwing titingnan ko siya mas lalo ko lang napapansin na hindi niya ko makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya. Kasi kahit anong gawin ko isa akong lalake sa paningin nya.


And I know He'll never see me the way I see him...


-----

isa lamang kwentong barbero.... =)

8/27/10

TERMINAL

Nagsimula ng pumatak ang ulan. Mula sa labas ng sinasakyan ko ay kitang kita ang mga taong nagmamadaling nagtatakbuhan para may masilungan dahil tulad ko wala rin silang dalang payong. Sa tuwing uulan hindi ko na kailangan pang mamroblema dahil alam kong hinihintay mo ako. Hindi na rin ako nagugulat sa tuwing makikita kita sa may terminal ng sakayan at sinasalubong ako ng ngiti.

"Hindi ka na naman nagdala ng payong, alam mo namang tag-ulan na. Pano na lang kung hindi kita susunduin siguradong para kang basang sisiw niyan," sermon mo sa akin.

"Nakalimutan ko kasi...," ngingiti-ngiting sagot ko sayo.

"Pasalamat ka may mabait kang boyfriend."

"Thank you Lord, binigyan niyo ko ng isang mabuting boyfriend."
Ngingitian mo lang ako.

----

"Miss, hindi ka pa ba bababa?"

Nagising ako sa boses ng driver.

"Pasensiya na po, bababa na ko."

Pagkababa ko sa jeep, nakita kitang kumakaway mula sa di-kalayuan na nakangiti sakin, may dala-dala kang payong. Patakbo kong tinungo ang lugar na kinatatayuan mo. 
Isa...
dalawa...
tatlo...
apat... malapit na ko sayo.

lima...

anim...

pito...

walo... 

Pero bakit ganun? Habang palapit ako ng papalapit sayo, unti-unti kang nawawala sa paningin ko, kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.

Hindi na nga pala kita makikita kahit kailan...



Dahil wala kana...


Wala ka na sa mundong ito...

8/20/10

ILUSYON

Minsan na kitang nakasalubong... pero pinilit kitang iwasan...
Minsan na rin kitang nakabangga pero isang mapait na patawad ang iyong sinabi...
Akala ko noon hindi na kita muli makikita... 
Hindi na muling mararamdaman... 
Pero dahil sa kakaiwas ko sayo sa maraming pagkakataon, nahulog na naman ako sa patibong mo. Nakakatawa kasi maraming beses na kitang pilit na iniwasan. Ayoko na kasing masaktan, takot na rin akong magtiwala at muling magmahal. Sabi nga nila isa akong malaking hangal dahil kahit anong gawin ko hinding hindi kita maiiwasan. Tama nga sila... Isa talaga akong malaking hangal dahil sa kakaiwas ko sayo, mas lalo lang akong nahuhulog sayo. Mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko...

Minsan ko ng naramdaman kong gaano kasarap ang magmahal. Ganunpaman, kung gaano naman kasarap sa pakiramdam, ilang libong sakit naman ang dulot nito sa puso ko na para bang pinag-pirapiraso. Unti-unti itong nadudurog... Unti-unting nawawasak... 

Mahal kita...
Mahal mo ako...
pero kahit kailan walang tayo... at hindi magkakaroon.

Dahil ikaw at ako ay mula sa magkaibang mundo.




8/18/10

COINCIDENCE

Last week ng mag-open ako ng fb nagtaka ko ng makatanggap ako ng 1 message. Kung gusto niyong itanung kung anong kataka taka eh dahil sa kataka taka talaga na makatanggap ako ng isang message.... Kasi wala namang nag-memessage sakin eh, bukod sa mga relatives at kaibigan syempre...hehehe

So ayun nga... inopen ko na at binasa galing sa isang lalakeng itago na lang natin sa pangalang bolero. Ayun nakikipagkaibigan si bolero at kung okay lang daw sa akin. Syempre dahil mabait naman si ako eh pumayag naman ang lola niyo kaya nagreply ako sa message niya. At dahil sa curious rin ako kung paano niya nalaman ang fb ko eh tiningnan ko ang profile niya, pasimpleng pagchecheck dahil baka may nagtitrip lang sakin...hehehe Sensya na adik lang...

Nakita ko din ang kanyang picture at ayun nga "pwede"... =p
Chinito si bolero. Sa totoo lang kung sa iba eh attractive sa kanila ang ganung mga mata pero para sakin eh hindi, pero dahil sa mata naappreciate ko na cute naman pala....hehehe
Isa lang sa napansin ko sa kanya ay payatot siya...hehehe (parang ang taba ko daw...)

Nung minsang may pinuntahan kami ng mama ko sa may novaliches naisipan muna naming kumain sa isang resto at dahil nga ang dami nilang customers eh muntik na ding maunsyami ang pagkain namin dahil sa ang tagal ng service eh gutom na si mader dear ko. Pero after a minute tinanung nadin ang aming order at ayun nga nakakain na din kami pagkatapos ng maraming pagod. Dun sa mismong resto na un napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Chinito na payat at may kasamang dilag, malamang sa oo na gf niya un kasi imposible namang kapatid niya eh hindi sila magkamuka. Tinitingnan ko siya kasi talagang sa tingin ko eh siya si bolero at nakakapagtaka lang dun eh, coincidence na nagkita pa kami sa iisang lugar. Un nga lang hindi niya siguro ako kilala... Naisip ko din na baka hindi siya un at kamuka niya lang siguro.

Kagabi nagkataong online siya at ganun din ako kaya nakapagchika chika kami ng kunti at tanungan portion. Inadd niya din ako sa fb. At dahil nacucurious na naman ang lola niyo eh tiningnan ko ang mga album niya at mga info baka kasi maging complicated pa ang buhay ko dahil sa kanya. At dun nakita ko ang picture nila ng kanyang labidabs. Tama, may gf na ang mokong at gusto pa makipagmet, aba'y lokong bata. Buti na lang d ako pumayag..nyahahaha.... Nung nakita ko ung kanilang picture dun ko narealize na sila talaga ung nakita ko sa resto. 

Ang masasabi ko lang....

SMALL WORLD talaga....

8/13/10

DEAR eX

Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.

Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.

Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...


Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon... 
Unknown...
walang value...


Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...

I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...


Nagmamahal,
eX-gf


Dear Mr. Stranger

Kanina habang naglalakad ako papauwi, nakasalubong na naman kita. Mag-isa ka lang naglalakad tulad ko. Sa itsura mo, mukhang napakasuplado mo at para bang nakakailang kang kausapin pero kahit ganun ang lakas ng dating mo sakin. Ito na siguro ang pang labin-limang beses na pagtatagpo ng landas natin. Nacucurious na nga akong malaman kung anong pangalan mo. Kaso alam ko naman na para sayo isa lamang din akong estranghero katulad mo sakin. Maaaring madalas magtagpo ang landas natin pero gaya ko napapansin mo din kaya ang isang tulad ko? Binibilang mo din kaya kung ilang beses na tayong nagkakasalubong? Naiisip mo din kaya ang iniisip ko sayo?

Sa tuwing uuwi ako galing sa skul, lagi nga akong excited eh. Kasi siguradong makakasalubong na naman kita. Akala nga ng mga classmates ko, may susundong boyfriend sakin dahil abot tenga daw ang ngiti ko. Ngingitian ko lang sila pagkatapos nun nagmamadali na kong sumakay sa sakayan baka kasi mahuli ako ng isang minuto at hindi kita makita. Pihidong malulungkot ako nun. Ewan ko ba pero sa ngayon kasi makita lang kita masaya na ako. Masayang masaya...

Eksaktong 5:30 ng hapon nakababa na ko ng sasakyan at naglalakad na ako papasok ng village. Binagalan ko ng maglakad pero ni anino mo hindi ko nakita. Halos araw-araw ganitong oras papalabas kana ng village samantalang papasok naman ako pero bakit ngayon wala ka pa rin? Nasaan ka na ba? Ibig bang sabihin nito hindi kita makikita?

Pinagmasdan ko ang langit, unti unti itong nababalutan ng kadiliman katulad ng lungkot na nararamdaman ko ngayon. Nagsimula ng pumatak ang ulan, kasabay ng pagpatak ng luha ko. Bakit nga ba ko umiiyak? Samantalang hindi naman kita kilala at ganun ka din sakin. Ni hindi mo nga napapansin na nag-eexist ako sa mundong ito. Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira, kung anong pangalan mo at lahat ng mga simpleng bagay tungkol sayo. Ang alam ko lang masaya ko sa tuwing nakakasalubong kita kahit na para sa iba ang ngiti mo.


Nagmamahal,
Ms. Stranger

8/9/10

PUTING KAHON

Nakatingin lamang siya sa isang nakapikit na katawan ng isang bente tres anyos na dalaga. Nasa loob ito ng isang tila ba kahon na kulay puti ang kulay at may salamin na nakikita ang katawan ng babae. Sa itsura nito tila ba mahimbing itong natutulog mula sa isang napakagandang panaginip. Maaliwalas ang mukha nito, nakasuot ng puting damit na tila ba isang diwata at kitang kita ang kolorete sa kanyang mukha.

Tahimik lamang ang may edad na babaeng nakatingin sa salamin. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata at tila nanggaling sa ilang araw na pag-iyak at puyat. Halos hindi makausap at hindi mapakain. Maya maya'y unti-unti na namang nagbagsakan ang luhang kanina pa pinipigilan ng babae.
Tulala at walang imik...
Ni hindi niya gustong umalis sa tabi ng puting kahon na pinalilibutan ng mga ilaw.
Wala siyang ginawa kundi ang bantayan ito na para bang anumang oras ay mawawala ito sa kanya. Ni isang saglit ay ayaw niya itong mawala sa kanyang paningin...

Sa paningin ng isang inang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak.

8/8/10

KUYA



TAYA




Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Pero sa larong ito ako ang taya...
Ang naghahabol sa taong mahirap habulin dahil may hinahabol ding iba...
Kilan kaya kami mapapagod na maghabol sa bawat isa?


"Belle," tawag sakin ni ate.
"Bakit?"
"Uwi na daw sabi ni mama. Kakain na tayo."
"Sige ate, mauna ka na. Susunod na ako sayo."
"Dalian mo ah.."
"Oo.."


"Tan, laro ulit tayo mamaya ah. Babalik din agad ako,".

"Ok, sige pero isama mo ang ate keith mo ah."

"Pero--" gusto ko sana tayo lang ang maglaro.

"wala ng pero pero. Basta isama mo si Keith ah?" pilit na kumbinsi sakin ni Tan.

Nakakainis talaga siya. Napakamanhid niya. Bakit ba sa tuwing lumalapit ako sa kanya lagi na lang si ate ang nakikita niya. Nakakainis talaga.

"Oh! Belle, natulala kana diyan. Wag mong kalimutang isama ate mo ah para naman may aasarin ako."
Sana ako na lang ang asarin mo, bulong ko.

"May sinasabi ka ba?"

"wala, sige Tan. Eh, ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?"

"Sige, tara na nga tutal naman nagugutom na din ako eh."

Nakakatuwa naman kasabay ko siya at kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya.
Sana hindi lang si ate ang mapansin niya, mas maganda pa nga ako kay ate eh.

"Dito na pala tayo sa inyo eh. Asan ba ang ate mo?"sabay silip niya sa pintuan.
Napasimangot ako. Magkakuliti ka sana.

"Baka nasa kusina."

"Ah, sige aalis na ako. Hintayin ko kayo mamaya ah sabay ngiti niya."

Ang cute niya talaga, kaya gusto ko siya eh.
Iniwan na akong mag-isa ni Tan kaya pumasok na ko sa loob ng bahay ng bumungad sakin si ate. Naalala ko tuloy ung kanina.Napasimangot ako.

"Nanghahaba ata nguso mo Belle, may umaway ba sayo?,"

"Wala naman ate."

"May kasama ka ba kanina sa labas?"

"Wala."pagsisisnungaling ko.

"Para kasing narinig ko ang boses ni tan eh."

"Bat naman ako sasamahan ni Tan?,"naiinis ko pa ding sagot.
Bakit naman kaya tinatanung ni ate kung kasama ko si tan? D kaya may gusto rin siya kay tan? D pwedeng mangyari un, akin lang si ethan.

"Kunsabagay. Ikaw nawiwili kana dapat kuya ang tawag mo sa kanya ah. Mas matanda siya sayo ng isang taon."

"Kahit na. Hindi ko naman siya kapatid eh."

"Hindi nga, pero iba pa rin kung tatawagin mo siyang kuya dahil mas matanda pa rin siya sayo."

"Iba siya ate."

"Anong iba?"

"Ah, basta, sakin na lang un."

"Tena na nga dito sa kusina, kakain na tayo nila mama. Ang kulit mong bata ka."

----

"Oh, asan na ang ate mo belle?"

"Nasa bahay. May gagawin daw siya."

"Ah, d wag na tayong maglaro. Boring kasi kung tayo lang."

"Ayain na lang natin sila kuya Rick, Tan."

"Wag na bukas na lang. Tinatamad na ako. Gusto mo kayo na lang."
Tinatamad ka lang dahil wala si ate eh.

"Ano?"

"Wala naman akong sinasabi."

"Tara uwi na lang tayo. Samahan na lang natin ang ate mo."

"Ayoko pang umuwi."

"Ikaw ang bahala, pupunta na lang ako sa inyo."
Nakakainis talaga.

"Tara na?",naiinis kong aya sa kanya.

"Oh! kala ko ba ayaw mo pang umuwi?"

"Nagbago na ung isip ko. Dalian mo."
Hindi ako papayag na masolo mo si ate. Kala mo ah.

---

Nakaupo si ate sa labas ng bahay ng makita namin ni Tan. Lagot mukhang mabubuking ako, sa isip isip ko.

"Oh, bat ang bilis mo Belle? nakangiting tanung ni ate. Kasama mo pala si Tan."

"Akala ko ba may ginagawa ka Keith?"

"Ako?"napatingin sakin si ate saka nagsalita ulit. "Ah, oo kanina...pero tapos ko na naman."
Umupo naman sa tabi ni ate si Tan pero sumingit ako sa gitna.

"Tan, usog ka naman ang lawak lawak diyan eh."

Tatawa tawa lang si ate samantalang nakakunot-noo naman si Tan.
Siguro alam niyang gusto ko si Tan. Etong si Tan naman kasi ubod ng manhid, ndi naman siya bato na walang pakiramdam.

Ang nakakalungkot lang dun, iyon na pala ang huling araw na makikita ko si Tan.
Iyak ako ng iyak ng malaman ko un, samantalang parang balewala lang kay ate ang lahat. Siguro nga nagkamali ako ng hinila na gusto niya din si Tan.
Siguro nga magkaibigan lang talaga sila.

Habang hinahabol ko si Tan, lumalayo siya sakin para lapitan si ate.
Labing dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na un. Parang kailan lang. Nasaan na kaya si Tan? Kapag nakita ko kaya siya babalik ang nararamdaman ko para sa kanya?

Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa labas.
Boses ni ate at ng isang lalake. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas para tingnan. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake.

Walang iba kundi si Tan...
Si Ethan...


"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?"inis na inis na sigaw ni Ate Keith sa lalake. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?

"Hindi na kailangan, pulis ako."nakangising sagot ng lalake.

Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Tan na mahilig asarin si ate. Pero bakit kaya hindi man lang siya namukhaan ni ate? Samantalang unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya si Ethan. Tulad pa rin siya ng dati gwapo.
At tulad dati hanggang ngayon talagang si ate pa rin ang gusto niya.

"Ate, hindi mo man lang ba papapasukin si Kuya Tan?"nakangiti kong baling sa kanila.

Napatingin silang dalawa sakin sa may labas ng pinto. 
Kitang kita sa mukha ni ate ang pagkagulat samantalang nakangiti naman ng ubod tamis sakin si Tan, mali pala si kuya Tan.

"Kita mo, buti pa si Belle eh, nakikilala ako, samantalang ung lampa diyan ni hindi man lang ako makilala."

Napatingin si ate kay Tan, na para bang tinitingnan niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

"Ikaw pala. Sana kasi nagsabi ka na ikaw pala yan. Malay ko kaya noh."

"Ganyan ka naman eh. Pero kung si Rick un siguradong makikilala mo agad."

"Sus, kala mo lang..."

"Tara na pasok na kayong dalawa. Mukhang babagsak na ang ulan, ayaw niyo naman sigurong mabasa hindi ba?"

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko siyang kuya. Ito na siguro ang simula ng pagsuko ko. 


Sa larong ito, minsan na akong naging taya kaya hindi na ako magpapataya pa.
Ayoko ng maghabol sa taong may hinahabol namang iba.

Sana dumating ang araw na may isang taong gustuhing maging taya para habulin naman ako.