Nung byernes pumunta kami sa airport ni mudra para kunin ang iphone na ipinakisuyo ni pudra sa kasama niyang uuwi ng pinas. Eksaktong alas kwatro ng hapon ng dumating kami sa airport. Ni wala pang bakas ng pamilya ng kaworkmate ni pudra at ng tinext namin "on d way palang sila dahil trapik." Sa isip isip ko daig pa namin ung susundo dahil sa napaaga kami. Eksayted???
Nakailang beses na din kaming tinanung ng echuserang katabi ko sa upuan kung sino daw ang susunduin namin? si pudra ko daw ba?. At ng sabihin kong hindi... sabay sabing ah boyfriend...
Keber niya ba...
Wala ako sa mood makipag-usap ng time na un at pati na rin si mudra.

Nakakalungkot ang bawat minutong naka-istambay kami habang naghihintay at nakatingin sa bawat pamilyang sumusundo sa kanilang mga mahal sa buhay. Kunting kunti na nga lang malalaglag na ang mga luhang pilit kong pinipigilan.
Habang nakaupo ako hindi mapigilang mapabaling ang tingin ko sa isang lalake na ginulat ang asawa niya. Para lang silang naglalaro ng taguan.... Sabay halik sa labi...
Nakakainggit talaga... Isang masayang pamilya sa darating na kapaskuhan...
Nung oras na un gustong gusto kong hilingin na sana hindi na lang cellphone ang kukunin namin dun kundi susunduin namin si Pudra.
Ang saya saya siguro nun...
Kaso sa ngaun malabo pa ung mangyari...
Sana sa susunod na Pasko kumpleto na kami...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento