11/30/09

Sulat

----------,
     Pagkabasa mo nito marahil ay wala na ako. Humihingi ako ng sorry kung hindi ko man nasabi sayo ang tungkol sa sakit ko. Sorry kung inilihim ko ito sayo, hindi ko din kasi alam kung pano ko sasabihin sayo. At isa pa ayokong kaawaan mo ako. Gusto kong makita mo ako bilang isang ordinaryong babae na nakilala mo at hindi isang kaawa awa na naghihintay na lang ng araw kung kilan siya mawawala sa mundong ito. Masaya akong makilala ka...Masaya ako na naging bahagi ka ng buhay ko kahit na isang kaibigan lamang. Sa totoo lang higit pa sa isang kaibigan ang tingin ko sayo... Mahal na kasi kita eh,hindi ko nga lang nagawang sabihin sayo ito. Wala kasi akong sapat na lakas ng loob para ipagtapat sayo ang nararamdaman ko at isa pa ayoko ding masaktan bandang huli. Sapat na para sa akin na pinararamdam mo kung gaano ako kahalaga para sayo. Sapat ng makita ko iyong mga ngiti mo. Sapat na sakin na makasama ka at mahalin ka ng hindi mo nalalaman. Masaya na ako sa ganung sitwasyon. Ikaw ung nagbigay ng kulay sa mundo ko. Ikaw iyong nagmimistulang liwanag ko sa madilim kong mundo. Ikaw ung inspirasyon ko para gumising sa bawat araw na may ngiti sa mga labi. Masaya ko kasi sa kahit sandaling panahon nabigyan pa rin ako ng pagkakataon na makakilala ng isang tulad mo. Na natuto akong magmahal dahil sayo. Maraming salamat... Para sa lahat lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa akin. Maraming salamat para sa paglalaan mo ng oras mo para sa akin. Maraming salamat sa pagiging mabuti mong kaibigan. At higit sa lahat maraming salamat sa pagbuo mo ng mundo ko...

Mahal na mahal kita... Kahit saan mang lugar ako naroon hindi magbabago ung nararamdaman ko para sayo...

See you in heaven......

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento