"Masaya ka ba Kelly?" Napatitig ako sa lalakeng kaharap ko ngayon. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanung niya? Kung tutuusin dalawang sagot lang naman ang pwede kong sabihin sa kanya... "Oo" o "Hindi"... Ngayon ano bang dapat piliin ko sa dalawa? Bahagya akong napangiti. Imbes na sagutin ang tanung niya, tanung din ang ibinalik ko sa kanya.
"Ano bang klaseng tanung yan Jerome?," pabalewalang balik tanong ko sa kanya.
"Hindi mo naman sinagot ang tanung ko eh," seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw ng mga tingin niya. Ano bang dapat kong isagot? Mag-isip ka Kelly. Pakiramdam ko nabablangko ako lalo na dahil sa titig niya sa akin. Masaya naman ako pero---. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan.
"Ano bang meron tayo, Jerome...," wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin sa kawalan.
"Kelly"... Napapikit ako... Ayokong makita ang reaksiyon niya sa tanung ko. Ayokong makita ang pagkalito sa mga mata niya. Ayokong makita ang isang bagay na pwedeng makasira ng isang magandang araw na ito.
At ayokong masaktan sa pwedeng sabihin niya... AYOKO... dahil naduduwag ako. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, pero mas pinili kong ipikit ang mata ko.
"Kelly,"... Ayan na naman... Yan lagi ang naririnig ko sa kanya sa tuwing itatanong ko sa kanya ang bagay na iyon, at matatapos sa katahimikan pero babalik na naman ulit sa dati at magiging okay na naman kami. Ano nga bang meron kami? Kahit ako hindi ko rin alam.
We hugged...
We kissed...
We are just like a couple..
Tama "like" kasi wala naman kaming relasyon. Ni hindi ko siya maipakilala sa mga kaibigan ko bilang boyfriend ko dahil kahit ako hindi ko alam kung anong meron kami. M.U bang dapat itawag doon? Mutual understanding o Malabong usapan? Ayun nga ba? Hindi ko alam... Nalilito ako... Alam kong mahal ko siya at nararamdaman kong mahal niya ako pero bakit hindi niya kayang sabihin sakin kung anong meron sa aming dalawa. Kahit kilan hindi ko pa narinig sa kanyang sabihin na "Mahal kita..." Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ko.
Pilit akong ngumiti."Kalimutan mo ng sinabi ko. Wala kasi akong maisip na sabihin eh."
"Hindi ka na ba masaya Kelly?",seryoso parin siya pero bakit parang may lungkot sa mga mata niya. Bakit?
"Masaya pe---", unti-unti ng nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masaya ako pero--- pero parang may kulang...
"Kelly".... Lumapit siya't niyakap ako. Gustong gusto kong tinatawag niyang pangalan ko, ewan ko ba pero para kasing iba ang dating kapag siya ang tumatawag sakin. Siguro ganun lang talaga kapag mahal mo ang taong un.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan, pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanung ni Jerome. Masaya ako basta nasa tabi ko siya kahit na hindi ko alam kung anong meron kami.
"Bakit ka ba umiiyak? Ikaw talaga...Werdo ka talaga minsan, kaya mahal na mahal kita eh..."
Napaharap ako sa kanya at napangiti. Sa wakas narinig ko ring sabihin niyang mahal niya ko.
"Masaya ko... masaya ko basta't nasa tabi kita."
-the end-
sorry kornik eh...hehe
ung request ko pong pic greetings...hehehe... thanks much
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento