7/20/12

Chicken barbeque



Labing dalawang taon na rin ang nakalipas simula noong huli kaming namasyal sa Manila Zoo na magkakasama. Anim na taong kumukumpleto sa salitang "pamilya". Hindi ko alam pero iyon ata ang lugar at araw na tumatak sa isip ko. Ewan ko kung dahil iyon sa paghahanap ko ng gripo na kung saan pa ako napadpad samantalang meron naman pala sa malapit sa pwesto namin (ang laking katangahan). O dahil iyon sa suot naming jumper ng kapatid ko? hahaha... O baka naman sa masarap at talaga namang makakapagpalimot sa pangalan mo na chicken barbeque na kinain namin. Sa totoo lang may kung anong sangkap sa inihaw na manok na iyon na talaga namang siguradong uulit-ulitin mo. Hindi kaya eh may gayuma na un? Pero sa tingin ko wala ng ibang rason kung bakit espesyal ang araw na iyon dahil kumpleto kami at masaya. 

Hindi naman talaga mahalaga iyong magandang lugar o kung masarap ba iyong pagkain minsan kasi bonus na lang iyon kung nararamdaman mo naman ang saya kasama ang pamilya mo. 

Wala ng lugar na mas gaganda pa kung katabi mo ang nanay at tatay mo kasama na rin ang mga kapatid mo na may mga ngiti sa mga labi nila. 

5/28/12

Goodnews???

"He loves me not... muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang isang talutot na lang ng gumamela ang natitira sa hawak kong kanina'y isang magandang bulaklak, pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makitang may isang maliit pa palang parte...
"He loves me... not... " Madaling dayain ang sarili at isiping iisa na lang ang talulot ng gumamelang natitira sa hawak kong tangkay ng bulaklak para lang pagaanin ang loob ko. Na sana kahit man lang sa ganitong paraan marinig ko ang salitang matagal ko ng inaasam. Pero sadyang ipinagkait sakin ang tanging lalakeng ilang taon ko ng lihim na minamahal, si Yuan Miguel Isidro ang schoolmate ko.

He loves me not...
He loves me not...
He loves me not... iyon ang pilit kong itinatatak sa isip ko. 

Hindi niya ko mahal. At kailanma'y hindi mamahalin.
Para sa kanya walang Alessandra Samonte na nag-eexist na babae kundi isang Alex na lalake.

Kasalanan ko ba kung mas gusto kong manamit na parang isang lalake dahil dun ako komportable? 
Siguro nga I act as a guy pero kahit ganun I'm still a girl, in my heart and in my soul.
I've been silently loving a guy for the past five years at sa tingin ko hanggang dun nalang talaga un.
Kasi he loves me not... Tama... He loves me not...

"Alex, tara punta tayo kila Janna? Kasama daw niya si Irish, dba crush mo un?"

"Wala ko sa mood..." Lagi na lang si Janna. Nakakasawa na. At kilan ko pa naging crush si Irish? buti kapa alam mo, samantalang ako hindi. Ikaw nga ung gusto ko, ang bulag bulag mo kasi. Matutuklaw ka nalang ng ahas ndi mo pa nakikita. Tanga... pero mas tanga ko.

"Ano? sasama ka ba? may goodnews pa naman ako sayo? Tara na..." sabay hawak mo sa kamay ko. Paano pa ba ko makakatangi sayo? sa tuwing hahawakan mo ung kamay ko nanghihina na ko. At sa tuwing katabi kita para kong nauupos na kandila at ung puso ko para ng sasali sa karera sa bilis ng tibok.

"Sige na nga. Ano ba ung goodnews mo?"

"Basta malalaman mo din," sabay ngiti mo. Ayan ngumingiti ka na naman, ndi mo lang alam dahil sa ngiting yan mas lalo lang akong nahuhulog sayo, kakayanin ko pa bang makabangon nito?

Habang nasa daan nakaakbay ka sakin. Ang saya saya ko pakiramdam ko kasi mayroong "tayo" kahit alam ko namang hindi mangyayari un. Iniisip ko tuloy baka nakikita mo din ako bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan, at kaklase mo. Makukuntento na lang ako sa kung anong meron tayo, sana lang huwag kang mawala sa tabi ko kahit na parang imposible un.

Masayang masay si Janna ng salubungin niya tayo at kitang kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan ng lumapit ka sa kanya at inakbayan siya. Sana nanaginip lang ako kung isa nga lang ba itong panaginip. Gustong gusto ko na kasing magising. Pero kahit anong gawin ko alam kong ito ang realidad. Gustuhin ko mang takpan ang mata ko at tainga ko para hindi ko makita at marinig sinabi mo. Huli na ang lahat.
"Kami na ni Janna," ang sabi mong kulang na lang mawasak ang labi mo sa pagkakangiti mo. Kayo na pala, ang saya saya niyo na samantalang nagpira-piraso naman ang puso ko. 
Sana kaya ko ding sabihin sayong "masaya ko para sayo," pero sorry ah isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isukli sa inyo.

Sa tuwing titingnan ko siya mas lalo ko lang napapansin na hindi niya ko makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya. Kasi kahit anong gawin ko isa akong lalake sa paningin nya.


And I know He'll never see me the way I see him...

Against the world

Simula pagkata magkasama na kami.
Madalas kaming maglaro.
Mamasyal sa park.

Manood ng mga bituin sa langit.

Masasabi kong sa maraming pagkakataon mas lamang iyong mga oras na magkasama kami. Kaya nga nagkaroon ako ng espesyal na nararamdaman para sa kanya.

At kahit ngayong nagtatrabaho na siya kahit kailan hindi niya ako nakalimutan. Kapag dumarating siya galing sa trabaho niya, mas una niya pa akong hinahanap bukod sa mga magulang niya.

Madalas niya din akong bigyan ng mga rosas. Hindi ko nga alam kung para saan iyon pero tanggapin ko na lamang daw.

Gusto niya akong laging nakikitang nakangiti. Maganda daw kasi ako lalo na kapag nakangiti. Kung minsan hindi ko alam kong papano ko magrereact, naguguluhan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko. Para kasing bago para sa akin ang pakiramdam na iyon.

Kung minsan isinasama niya ako sa pagpunta sa tabing dagat at sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw. Sa tuwing tititigan ko siya, kakaiba iyong nararamdaman ko na para bang may isang parte ng katawan ko na para bang sasabog at gustong lumabas. Napapansin ko din ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.

Nang minsang maglakas ako ng loob na itanong sa kanya kung bakit tila malungkot siya, tumitig siya sakin at pilit na ngumiti sabay bitaw ng mga salitang "bakit kasi? kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

May time na madalas siya mapaaway dahil sa akin lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Pero kahit kilan hindi niya ako pinabayaan at sa halip na ako ang maging tagapagtanggol niya, siya ang nagiging tagapagtanggol ko.Tandang tanda ko pa iyong mga salitang binitiwan niya 

"KAHIT KILAN HINDI KO HAHAYAAN NA MAY MANAKIT SAYO, NI DULO NG DALIRI MO HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAHAWAKAN NILA... I'LL DO EVERYTHING FOR YOU ELLA KAHIT NA MAKIPAGPATENTERO PA AKO KAY KAMATAYAN..."


Noong mga sandaling iyon, mas lalong tumindi iyong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa pakiramdam na iyon. Pero kung PAG-IBIG nga ang tawag doon gaya ng sabi ng iba, marahil MAHAL KO NA NGA SIYA.


Pero sadyang may mga bagay na naghihiwalay sa aming dalawa. 






Nakalimutan ko palang sabihing isa siyang MORTAL samantalang isa lamang akong CYBORG.

3/6/12

anong STATUS mo?

Last time eh pumunta kami ni mudra sa S.M para maningin lang dahil nga 3 day sale at para na rin i-renew ang aking advantage card. So ayun nga pumunta kami sa dept. store at hinanap namin kung saan magrerenew. After ko magbayad ng 100php sa cashier eh pila ulit ako dun sa isang counter para mabigyan ng bagong card. Napansin ko ung nasa unahan ko na babae nasa 30 something na siguro ang edad nun, kasama niya ung dalawang batang babae na sa tingin ko eh anak niya. After niya mag-fill up binigay nya na sa nag-aassist dun then chineck kung wala ba siyang nakalimutang i-fill up. Ayun nakita nung nag-aassist na hindi nya nalagay ung status niya kaya tinanung si mrs. 30 something
"Ma'am ano  pong status nila."

Timer starts now...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Hindi ko nakita ung facial expression ni ate kaya hindi ko din alam kasi hindi naman ako nag-effort na tingnan. Nahiya din ako...hehehehe
Pero nung time na un parang navivibes ko ung aura niya at tinatanung nya sa sarili niya kung ano nga bang status nya. At sa tingin ko isang malaking question mark ang mababasa sa mukha nya.




"Single po ba o married?" 
dagdag na tanung nung nag-aassist siguro nainip na din sya mag-intay sa sagot ni ate.

Ah, married sagot ni ate sa nag-aassist.

Sa tingin ko matatawa nalang si ate sa sarili nya kasi ayun lang pala ang tinatanung sa kanya.

Madalas talaga nakakatawa ung mga katangahan ng tao...hehehehe

Lesson: Masama mag-drugs, Matulog at kumain. hehehehe


FB status


Sa tuwing nakikita ko siya...
naalala kita...
at alam mo kung anong nakakatawa dun?
ewan ko ba pero napapangiti ako...

2/24/12

DEAR CRUSH,

Kanina naisip kong i-search sa facebook ang pangalan mo. Akala mo siguro hindi na kita natatandaan ano?Ikaw pa, eh kabisadong kabisado ko kaya ang buong pangalan mo. Pwede kong makalimutan ang iba pero hindi ikaw. Nakakatuwa nga kasi wala ka pa ding pinagbago pagkatapos ng maraming taon. Kung anong itsura mo noong elementary tayo, ganun pa din sa ngayon. At tulad dati payat ka pa din. Hehe

Matagal na kitang crush, alam mo ba yun? Hindi ko alam kung nahahalata mo pero sana naman hindi, nakakahiya kasi. Alam mo ba kung bakit kita nagustuhan? Ang totoo niyan eh, hindi ko din alam. Siguro nagsimula un noong sinimulan mo akong asarin. Maliit kasi ako at dahil dun naging madalas ang pang-aalaska mo sakin pero kahit ganun napapangiti na rin ako sa atensiyong binibigay mo sakin. Masaya ko dahil kahit papano naappreciate mo ako kahit sa paraang hindi ko gusto. 6 footer, yan ang madalas mong asar sa akin noon sabay ngisi mo pa. Ang sarap mo nga sanang batuhin ng floorwax at bunot. Nakakapikon ka din naman kasi, napapahiya ako sa mga classmates natin, naiinsulto ako sa sinasabi mo. Ang yabang mo kasing magsalita purke't matangkad ka sakin. Samantalang parang isang ihip lang ng hangin sayo eh parang matutumba kana. Imbes na magalit at mainis sayo, isang ngiti mo pa lang eh nawawala ng parang bula ang inis ko. Sabi nila magkahawig daw tayo at tuwing sasabihin nila un, iba ung tuwang nararamdaman ko. 

Pero isang araw inaasar kana sa isang classmate din natin na di hamak na maganda at dalagang tingnan di tulad ko. Nasasaktan ako sa tuwing maririnig kong mga pangalan niyo sa loob ng klase samantalang sa ibang classmate naman natin nila ako inaasar. Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanila na sana ikaw at ako na lang ang asarin nila. Siguro malamang eh walang pagsidlan ang tuwa ko nun at ndi maipinta ang ngiti ko. Pero habang tinitingnan ko ang profile mo sa fb lungkot naman ang nararamdaman ko dahil habang para sakin ikaw ang no, 1 sa puso ko samantalang para sayo iba naman ang laman nito. Masakit dahil hanggng ngayon mukang mananatiling fan mo lang ako.

Ikaw pa rin ang gusto ko kahit na may iba ng laman ang puso mo....


-seatmate

Kape

"Refill sir?" Nakangiting tanung sakin ng crew ng coffee shop kung saan ako ngayon naghihintay.
"Hindi na," salamat atsaka pilit akong ngumit sa crew.

Nakasampung refill na nga ako ng kape pero heto't wala pa rin siya. Nauubos na ang pasensiya ko. Pang ilang beses niya na ba itong nagawa sakin? Ang paghintayin ako lagi... Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang sa daliri ko. Ang alam ko lang ang pinaka aayawan ko sa lahat ay ang paghihintay. Siguradong hanggang mamaya eh tirik na tirik ang mga mata ko nito dahil sa kapeng nainom ko. Kung bakit naman kasi hanggang ngayon ay wala pa siya? Asan na kaya ang babaeng iyon? Kung bakit naman kasi ni hindi man lang siya magtxt para naman hindi ako magmukhang tanga sa kaka-antay sa kanya.
Kulang na nga lang ay bilangin ko ang mga taong labas pasok sa lugar na ito. Nananakit na din ang pwetan ko kakaupo. 

Janine asan ka na ba?

"Sir James mukang late na naman po si Ma'am ah," untag sakin ng isang crew. Halos kilala na rin kasi nila kami dito. Ito ang lugar kung saan ako madalas pag-antayin ni Janine. Hindi lang pala madalas kundi sa halos pagkikita namin.
"Oo nga eh.."

Naaasar na talaga ko. Lagi nya na lang akong ginaganito. Nakakapagod na din maghintay, hindi niya man lang  ako naisip. 

Patayo na ko sa kinauupuan ko ng makita ko ang pamilyar na mukha.

Alon alon ang kanyang mahabang buhok na bumagay sa kanyang maliit na mukha.
Ang pares ng matang kasing-ganda ng mga bituin sa kalangitan.
Ang mga labing simpula ng rosas na ubod tamis na nakangiti mula sa direksiyon ko.


Si Janine...

Ang babaeng pinakahihintay ko.

Ang babaeng pinakamamahal ko.


Ang kaninang hindi maipintang mukha ko ay napalitan ng mga ngiti sa labi.
Paano nga ba ko magagalit sa babaeng nasa harap ko ngayon?
Kinaiinisan ko man ang paghihintay, ang makita ang isang anghel na nakangiti ngayon sa harap mo sulit na din ang ilang oras na paghihintay.



(note: nakita ko lang sa drafts ko.. naisipang ipost kahit na alam kong kulang pa...hehe sana makaisip na rin ako ng ideya.)

MARRY ME!!! (1)

Marry me...

Kaiba sa mga eksena sa pelikula. Hindi ito pangkaraniwang marriage proposal ng isang lalake para sa isang babae. Sa halip na patanong na "will you marry me?" ang marinig ko sa kanya heto't para ba siyang nag-uutos na animoy amo sa kanyang empleyado.


MARRY ME....may diin sa bawat salitang kanyang binitawan.

Sa reaksiyong nakikita ko sa mukha niya halatang iritado at inip na inip na siya sa paghihintay sa sagot na kanina niya pa inaasam.

Mainiping tao... sa isip isip ko.

Pakiramdam ko may mali sa eksenang ito. Lumingon ako sa kanan, sa kaliwa at inulit ko ulit ang ginawa ko. Mukha na kong tanga. Oo alam ko. Napakunot noo ako, ako ba ang sinasabihan niya? tanung ko sa sarili ko? Pero imposible... as in sobrang labo na ako ang sinasabihan niya. Haller? ako? sasabihan niya ng marry me, eh ni hindi ko nga kilala ang mokong na ilang hakbang ang layo mula sa akin.

Nagsimula na siyang maglakad. Dire-diretso papunta sa direksyon ko.

Dug-dug-dug...

Oo, sabihin na natin na gwapo siya. Mala prince charming ang dating pero sa inaakto niya ngayon hindi mala prince charming ang mga lumalabas sa bibig niya. Tama bang mang utos siya ng ganun ganun na para bang sinabi niyang lunukin mo ung piso. Ang labo dba?

Kaw kaya mo ba un?


Dug-dug-dug...

Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? May abnormal bang nangyayari sa katawan ko? Sa pagkakaalam ko wala akong sakit sa puso. At bakit ba ganito ang pakiramdam ko na para bang may hindi magandang mangyayari sa araw na ito?

Hahakbang na sana ako ng makita ko ang isang babae na papalapit rin sa mismong kinatatayuan ko. Para akong nakakita ng isang diwatang naglalakad. Ang ganda ganda niya. Hindi lang basta ganda pero may kung anong kakaiba sa kanya. Nakangiti siya sakin.

Teka nanlalabo na ba ang mata ko? Nakangiti siya sakin? Eh hindi ko naman siya kilala. Tinapik tapik ko ang pisngi ko baka panaginip lang ito. Pero hindi totoo talaga.

May bigla nalang humawak sa kamay ko. Pagtingin ko si mokong pala.

Nasa tabi na rin namin ang diwata. Nagpalit palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Ewan ko ba pero kanina ko pa gustong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Napipi na ba ako?

"That was awesome Zhian... Ngayon lang ako nakarinig ng ganung klaseng proposal." Natatawang sabi ng diwata na iilang dipa lang ang layo sakin.

Inip na inip akong naghihintay ng magsasabi ng cut pero wala kahit anino man lang na magsasabing nasa shooting ako ng kung ano mang teleserye. O kaya naman ng magsesermon sakin kahit na alam kong byernes ngayon at wala ako sa simbahan. Epal lang naman ako sa eksenang ito eh, at sana may magsabi na nun sakin ngayon. As in now na pero hindi dahil totoo ang lahat ng nagaganap at ang masaklap lang dun hindi ko na alam ang pinagkaiba ng panaginip sa realidad.

Utang na loob gisingin niyo na ako....

Brownout o Blackout

Sa isang lugar kung saan nababalot ng kadiliman...
Isa lang ang masasabi ko...

"Kahit ang LAMOK naghahanap din ng liwanag sa kadiliman."



Anong sabi ng lamok sa liwanag mula sa telepono?

YOU LIGHT UP MY LIFE....

2/3/12

Ano ba?

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang gusto ko...
Nakakainis ung ganitong feeling...
Akala mo siya na...
Hindi pa rin pala...

Everything happens for a reason...
So para sa anong rason?

Nakakadisappoint na ewan...
Hay... magulo...
Ang gulo gulo talaga...

May isang taong nagsabi sakin na alam niya ang nararamdaman ko.
"alam ko kaya ka tumawag kasi naiiyak kana... nalulungkot ka dinadaan mo lang sa biro ang lahat"


Paksyet lang kasi tama siya...
May tama talaga siya...
Akala ko hindi ako affected...
Kinukumbinsi ko ung sarili ko na hindi ako affected sa nangyari...
Kaso ang masaklap dun alam ko namang niloloko ko lang ang sarili ko..
Ang hirap sabihin sa sarili mong okay lang ang lahat when in fact is masyado kang affected...

Hindi man siguro literal na bumabagsak ang luha mula sa mata ko pero ung puso ko naman ang umiiyak.




2/2/12

Naguguluhan...

Ang hirap ipaliwanag ng kung ano nga bang nararamdaman ko...
Kulang ang salita...
Mali pala...
Sadyang hindi ko lang alam kung ano nga bang salita ang dapat kong gamitin...

Sabi ko "OKAY LANG" sabay ngiti...
Pero sa likod ng ngiting iyon, nakakaramdam ako ng lungkot...
Ang ewan lang dba?

11/14/11

Dear Mr. Smile,



Sa tuwing naiisip kita napapangiti ako. 
Ewan ko nga ba kung anong meron sau. 
Basta alam ko lang masaya ako period.  
Minsan kahit na kausap na kita namimiss pa rin kita. 
Ang weird dba? Parang adik lang...hehe  
Sabi mo napapasaya kita hindi mo lang alam ganun din naman ang nagagawa mo para sakin. 

Salamat ha... 

Kasi hindi ka nagsasawang makinig sakin. 
Nasosobrahan na nga ko ng kadaldalan minsan. 
Pero tawa ka lang ng tawa. 
Kahit na pinipilosopo pa kita okay lang sau. 
Sasabihin mo lang na araw mo lang ngayon sabay tawa. 
Kahit na panay kalokohan ung nasasabi ko sayo sabi mo na marami kang natutunan sakin. 
Sana nga meron talaga...hehehe...  
Madaming thank you sayo... 
Ibinalik mo kasi ung ngiti sa labi ko...   


Ms. Adik

10/18/11

quote from a friend

"Mas magandang masaktan ng harapan kesa hindi mo alam kung sayo pa."

9/25/11

Dear Mr. Stranger

Hindi ko alam kung para saan ang post na ito... Wala lang... Siguro kasi masyado lang akong natutuwa sayo. Tatlong araw palang ang nakakalipas ng makilala kita... accidentally. Nakakatuwang isipin na sa dinami dami ng mobile number na pwede mong matawagan eh ung mobile number ko pa ang talagang natsambahan mo. Malas o swerte? Ewan... 

Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sayo... Kahit na hindi naman kita nakikita... Masarap pakinggan ung tawa mo... O siguro kasi masaya lang din ako dahil nakakapagpasaya ako ng ibang tao sa sarili kong paraan kahit na nga ba puro kalokohan ang sinasabi ko... Nakakatuwa na naappreciate mo ung pagiging makulit ko at ung topak ko. Sabi mo nga okay lang kahit may topak ako basta ang mahalaga masaya ka at kausap mo ko... Nakakataba ng puso...hahaha

Madalas na nakokornihan ako sa mga sinasabi mo... Masyado ka kasing malalim magsalita na hindi ko na mareach... as in to the highest level ang drama mo.. Pero kahit ganun, natutuwa talaga ko sayo... Siguro kasi dahil sa pinaparamdam mo na mahalaga ko sayo... Salamat...

Kagabi siguro ung time na talagang marami kang sinabi sakin, siguro dahil na rin sa epekto ng alak. Sabi mo nga uminom ka talaga para pampalakas loob... Nakakatawa talaga... Sa edad mong 25 eh may pagkatorpe kapa... Napakadaldal mo pala at talagang nagawa mo ngang sabihin ang lahat... Sabi mo pa naguguluhan ka.. Ako nga din naguguluhan na sayo...hahahaha... 

Ang gusto ko lang naman sabihin eh SALAMAT sa walang sawang pakikinig sa kakulitan ko.

Hindi ko alam kung darating ang oras na magkakakilala tayo ng personal, ang alam ko lang masaya akong makilala ka...



P.s Nakakatuwa kung paano mo bigkasin ang pangalan ko...




Adik

9/6/11

blah..blah..blah...

Its hard to pretend that you're okay...
when you're in pain...
It feels like crying...
It feels like shouting...
but no matter what you say...
no matter what you do...
One thing will surely be the same...
Your heart is broken
and drowning in pain...

8/10/11

HUWAT???

Nanonood kami ng t.v sa kwarto ng biglang ipalabas ang ost ng tween academy ang title ng kanta is back to december ata un. Basta un na un...hahahaha Kasama ko sa kwarto si Ara, Mira at biglang pasok naman sa kwarto ang hipag ko dahil kukunin na sana niya ang pamangkin ko pero dahil sa hindi pa naman umiiyak eh nagstay pa siya dun.

Habang nanonood eh napacomment ako sa music video ng tween academy as in ung seryosong seryoso ang facial expression sabay banat

"Hindi sila bagay noh???" sabi ko sa kaharap kong kapatid na si Ara.

Nakatingin lang naman siya sa t.v.

Sabay dugtong ko "mas bagay kami".

Napatingin sila sakin ng bonggang bongga sabay tawa...

Pati ako natawa din...


Lesson: Huwag magpapalipas ng gutom...lol =p

8/7/11

SURPRISE

Guy side:


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. 
Inis ko itong dinampot mula sa taas ng bed ko. 
Tiningnan ko ang screen ng telepono ko at nakarehistro doon ang pangalang "HON"...
Napalitan ng isang ngiti sa labi ang pagkainis ko.


"Good morning hon!" masigla kong bati sa kanya...

"Nasaan ka hon? Bakit parang maingay diyan?" nagtatakang tanung ko.

"Sira ka talaga, natatawa kong sagot dahil sa sinabi niya. Asan ka nga? ulit na tanung ko sa kanya."Inutusan niya akong tumingin sa bintana ko. At ano naman kayang makikita ko dun? Nacurious din ako kaya naman bumangon ako para sumilip sa bintana.
"Huh? Bakit ba kasi?" sabi ko pa...
"Ikaw talaga... ang dami mong alam. Andito na ko".


Ngayon naman pinatitingnan  niya sakin ang gate ng boarding house namin. Ang kulit talaga ng babaeng iyon. 

"Ano ba kasi-"

Sinunod ko din naman ang utos niya at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha na nakatayo mula sa harap ng gate ng boarding house at nakatingin mula sa direksyon ko. Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan ng hindi man lang nakapaghilamos.

Ang babaeng iyon talaga napakahilig sa mga sorpresa...

Pagkababa ko agad agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Alam kong maraming taong napatingin sa direksyon namin pero wala na akong pakialam. Sobrang saya ko kasi na makita ang pinakamamahal ko. At wala ng hihigit pa sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

"Ginulat mo ako, adik ka talaga", ang nasabi ko nalang habang yakap siya.

Matagal na akong adik, alam ko na kaya iyon ang sabi niya. Wala ka bang balak na bitawan ako? Tanung pa niya.
Bahagya lang akong natawa sa tinanung niya pero hindi ko pa rin siya binitiwan.
"Hayaan mo lang muna ako, baka kasi nananaginip lang ako hon".
Bigla naman niya kong kinurot sa tagilirin para patunayang hindi panaginip ang lahat.
Kaya naman napabitiw ako sa pagkakayakap at tiningnan ko siya ng masama.
"Masakit iyon ah", ang sabi ko pang kunwari'y galit.
Tatawa tawa lamang siya.
"Para malaman mong hindi panaginip ang lahat. Hindi mo man lang ba ako papasukin mister? Kanina pa nanakit ang binti ko kakatayo baka akala mo sabi pa niyang nagrereklamo.

"Oo nga pala noh... Pasensiya na hon. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito? Di sana nasundo man lang kita". 

Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na kami sa loob ng boarding house.
Kanina pa kami nakaupo sa may taas ng rooftop at kanina ko pa rin siya tinititigan pero pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na talaga siya.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo hon? Para kang nastroke diyan,."
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Para bang isang panaginip lang ang lahat na paggising ko andito kana, d makapaniwalang sagot ko".
"Kilangan pa ba kitang kurutin ulit para malaman mo na hindi panaginip ang lahat?".
"Ah... hindi hindi na... gising na ako."
"Aalis na din ako mamaya kaya sulutin na natin ang araw na ito".
Bahagya akong nalungkot sa sinabi niyang iyon na agad rin namang napalitan ng saya. Ang mahalaga may ilang oras pa ako para makasama siya.

"I'm sorry, wala sa sariling nasabi niya".
Nagulat ako dahil hindi naman niya ugali magsalita ng sorry lalo na kung wala siyang kasalan at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya na mabilis din namang nawala. Ewan ko, parang may hindi siya sinasabi sakin o baka imahinasyon ko lang ang lahat. Baka nga.

"Bakit ka naman nagsosorry diyan eh at least dba may isang araw tayo."

"Gusto kong mapanood ang sunset hon," ang sabi niyang nakatingin sa langit.
Napakaganda talaga niyang panoorin mula sa ganitong posisyon. Pero bakit may lungkot na naman akong nakikita mula sa mga mata niya?
"Sige punta tayong tabing dagat. Maliligo lang muna ako. Wag kang aalis diyan ah."
"At saan naman ako pupunta aber? tanung niya?"
"Ayoko sanang iwan ka dito kasi baka bigla kang mawala".
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko na para bang bigla akong kinabahan na para bang may mangyayaring hindi maganda. Sana naman wala lang ito.
Bumaba na ko mula sa rooftop at dumiretso ng banyo para mag-ayos ng sarili. Pero kahit ganun hindi pa rin mawala sa isip ko ang lungkot na nakita ko sa mga mata niya.

-----

"Maglaro tayo?"
Ano namang laro? Para ka talagang bata
"Sige na please???"
Oo na nga...
"Diyan ka lang ah..."
Ano bang balak mong gawin? kunot noong tanong ko? Humahakbang kasi siya papalayo sakin.
"Basta...."

Ilang dipa na ang layo niya mula sakin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Nakakaramdam ako ng takot sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Game starts now."
Ano bang klaseng laro ito hon? sigaw ko...
"Hindi ka pwedeng humakbang papalapit sakin... Hindi na pwede hon..."
Ano ba?? Naiinis na ako. Iritado kong sabi.
"I'm sorry hon..."
Ano bang sinasabi mo? Hindi na ito nakakatuwa...
"Just listen hon..."
Tumalikod siya mula sa akin saka biglang nagsalita.
"I'm leaving..."
Sige ihahatid na kita...
"No, hindi pwede hon. Huwag kang lalapit or else you'll lose this game."
Wala akong pakialam... Ano bang laro ito? Bat hindi mo ko harapin? Ihahatid na kita kung aalis kana.. Hindi ko na talaga gusto ang nangyayaring ito. Alam ko na hindi na ito basta laro na lang. Alam kong may problema siya pero bakit hindi niya sabihin sakin?
"You don't understand hon..."
Ano bang hindi ko maintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sakin sasabihin?
"I told you I'm leaving.... for good."
What? Ok kung lilipat man kayo o kung kahit saang planeta pa yan susunod ako. Just wait for me.
"No... Hindi mo ako pwedeng sundan."
Bakit ba kasi? Hindi mo naba ko mahal? Bakit kaba kasi nakatalikod? Face me gusto kong makita iyong mukha mo.
"Ayoko... Stay there and don't make any more steps."
Hon... please don't do this to me..
"Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ito ginusto eh.."
Goodbye... pagkasabi niya noon agad agad siyang tumakbo ng mabilis papalayo mula sakin.

Wala akong naiintindihan at hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero hinding hindi ako papayag na mawala siya sakin ng ganun na lang. Hindi kahit kailan. Tumakbo ako para sundan siya at agad ko naman siyang naabutan at hinawakan ko ang wrist niya. Saka ko siya niyakap ng mahigpit. Umiyak siya ng umiyak na para bang wala ng bukas.

"I'-m I'-m so-rry....
I'm so scared...
I don't wanna lose you... but---
but I'm gonna leave you sooner or later...
I don't wanna hurt you..."

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari pero isang bagay lang ang alam ko. Kailangan niya ko.

I'm here...
I'm always be here to protect you...
You don't have to be scared...
I would never leave you...
But your hurting me by doing this...
"I'm dying hon..."
Pagkarinig ko nun mula sa kanya pakiramdam ko huminto ang oras. She's dying... Ngayon alam ko na kung bakit siya nagkakaganito. 

Shhhsshhhhh....Everythings gonna be fine...
Hindi ko alam kung sapat na ba ang mga sinabi ko para gumaan ang pakiramdam niya. Alam ko hindi magiging madali ang lahat pero aalagaan ko siya at poprotektahan sa abot ng makakaya ko.

I'll take care of you...


-----------

Girl Side:

Ilang hakbang na lang makikita ko na siya. Napangiti ako sa isiping iyon. Alam ko siguradong magugulat siya pag nakita niya ako. Napatingin ako sa kulay green na gate na nasa harap ko ngayon, ito na iyon.
Relax Shella...
Relax...
Agad kong kinuha mula sa handbag ko ang telepono ko at agad na dial ang call button...

Nagriring na ang kabilang linya ng telepono....
Kinakabahan ako pero sa kabila nun eh excited akong makita ang reaksiyon niya.

Sana mapasaya ko siya kahit sa huling sandali... Bahagyang gumuhit ang lungkot sa mga mata ko na agad ring napalitan ng kasiyahan ng marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya.

"Good morning hon!" masigla niyang bati sa akin...
Good morning din, sagot ko...
"Nasaan ka hon? Bakit parang maingay diyan?"
Nasa puso mo... natatawang sagot ko. Baka naman heartbeat mo lang iyong naririnig mo, pabiro ko pang sagot.
"Sira ka talaga, natatawa din niyang sabi. Asan ka nga? ulit niya sa tanung?"
Tumingin ka sa bintana mo, utos ko.
"Huh? Bakit ba kasi?"
Ai naku ang dami mong tanung gawin mo nalang kasi...
"Ikaw talaga... ang dami mong alam. Andito na ko".
Tingin ka sa labas ng gate.
"Ano ba kasi-"
Hindi na nakapagsalita ang taong kausap ko sa kabilang linya. Alam ko na mula sa kinatatayuan ko ay nakita na niya ako. Nagsalita pa rin ako kahit na hindi na siya nakapagsalita.
Nakikita mo ba ang isang magandang babaeng kumakaway sayo?
Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nasa harap ko na ang lalakeng kanina lang ay kausap ko.
Agad agad niya akong niyakap sabay sabing "Ginulat mo ako, adik ka talaga".

Matagal na akong adik, alam ko na kaya iyon ang sabi kong nakayakap pa rin sa kanya. Wala ka bang balak na bitawan ako? Tanung ko.
"Hayaan mo lang muna ako, baka kasi nananaginip lang ako hon".
Bigla ko siyang kinurot sa tagilirin para patunayang hindi panaginip ang lahat.
Kaya naman napabitiw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako ng masama.
"Masakit iyon ah".
Tatawa tawa lamang ako, para malaman mong hindi panaginip ang lahat.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin mister? Kanina pa nanakit ang binti ko kakatayo baka akala mo kunwari'y reklamo ko.
"Oo nga pala noh... Pasensiya na hon. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito? Di sana nasundo man lang kita". Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng boarding house nila.
Kanina pa kami nakaupo sa may taas ng rooftop at kanina pa rin siya nakatitig sakin na akala mo eh namatanda.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo hon? Para kang nastroke diyan, natatawa kong puna."
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Para bang isang panaginip lang ang lahat na paggising ko andito kana, d makapaniwalang sagot niya".
"Kilangan pa ba kitang kurutin ulit para malaman mo na hindi panaginip ang lahat?".
"Ah... hindi hindi na... gising na ako."
"Aalis na din ako mamaya kaya sulutin na natin ang araw na ito".
Nakita kong bahagya siyang nalungkot pero pinilit niyang maging masaya.
"I'm sorry, wala sa sariling nasabi ko".
"Bakit ka naman nagsosorry diyan eh at least dba may isang araw tayo."
Pinilit kong ipakita sa kanya na masaya ako kahit na gustong gusto ng bumuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Alam ko kasi sa sarili ko na ito na marahil ang huli naming pagkikita.
"Gusto kong mapanood ang sunset hon".
"Sige punta tayong tabing dagat. Maliligo lang muna ako. Wag kang aalis diyan ah."
"At saan naman ako pupunta aber? tanung ko sa kanya?"
"Ayoko sanang iwan ka dito kasi baka bigla kang mawala".
"Natawa ako pero sa kaibuturan ng puso ko gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Pero hindi ko kaya... Hindi ko alam kung saan ba ako dapat magsimula. Hindi ko siya gustong saktan. Hindi na nga sana ako dapat nagpakita sa kanya pero hindi ko kaya. Gustong gusto ko siyang makita kahit sa huling sandali. Sa pag-alis niya doon bumuhos ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.

-----
Maglaro tayo?
Ano namang laro? Para ka talagang bata.
Sige na please???
Oo na nga...
Diyan ka lang ah...
Ano bang balak mong gawin?
Basta....
Humakbang ako 1 step... 2-3-4-5-6- 20

Game starts now.
Ano bang klaseng laro ito hon? sigaw niya...
Hindi ka pwedeng humakbang papalapit sakin... Hindi na pwede hon...
Ano ba?? Naiinis na ako. Iritado niyang sabi.
I'm sorry hon...
Ano bang sinasabi mo? Hindi na ito nakakatuwa...
Just listen hon...
Tumalikod ako saka biglang nagsalita.
"I'm leaving..."
Sige ihahatid na kita.
No, hindi pwede hon. Huwag kang lalapit or else you'll lose this game.
Wala akong pakialam... Ano bang laro ito? Bat hindi mo ko harapin?
Ihahatid na kita kung aalis kana..
You don't understand hon...
Ano bang hindi ko maintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sakin sasabihin?
I told you I'm leaving.... for good.
What? Ok kung lilipat man kayo o kung kahit saang planeta pa yan susunod ako. Just wait for me.
No... Hindi mo ako pwedeng sundan.
Bakit ba kasi? Hindi mo naba ko mahal? Bakit kaba kasi nakatalikod? Face me gusto kong makita iyong mukha mo.
Ayoko... Stay there and don't make any more steps.
Hon... please don't do this to me..
Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ito ginusto eh..
Goodbye... pagkasabi ko nun agad agad akong mabilis na tumakbo palayo sa kanya.

I'm really sorry hon. Hindi ko ito gustong gawin pero ito ang dapat kong gawin. Magiging miserable lang ang buhay mo kapag nagstay ka sakin at ayokong mangyari iyon.

Hindi ko namalayan nahabol na pala ko ni Daniel. Hawak niya ang wrist ko at wala akong magawa para matanggal niya iyon. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. At alam ko na sa oras na iyon hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.

I'm I'm sorry....
I'm so scared...
I don't wanna lose you... but---
but I'm gonna leave you sooner or later...
I don't wanna hurt you...

I'm here...
I'm always be here to protect you...
You don't have to be scared...
I would never leave you...
But your hurting me by doing this...

I'm dying hon...

"Shhhsshhhhh....
Everythings gonna be fine...
I'll take care of you..."



8/6/11

do the opposite

nung isang araw nag-away kami ng bf ko...
aminado naman akong kasalanan ko...
ewan ko nga ba pero parang namiss ko lang na magselos siya...
at aun nga nainis ang mokong...

medyo naasar na din ako sa mga reply niya sa txt
kahit na alam ko namang kasalan ko..
ewan ko ba...
nakakaasar na ewan...

gusto ko na sanang patulan siya kaso naisip ko...
ano bang mapapala ko?
ndi ko naman ikayayaman un...
isa pa???
ako naman ang nag-umpisa so dapat lang na ayusin ko ung ginawa ko...

kahit na as in sobrang pikon na ko sa kanya...
ginawa ko ung opposite na dapat kong sasabihin sana...
tnxt ko siya saba'y sabing...

"I love you hon... kahit na ganyan ka sakin ngayon... Mahal pa rin kita... I'm sorry"

After a few minutes..

Nagtxt siya
"kaw kasi hon"...

Alam ko sa txt na un... bati na kami... =)

7/26/11

Kasi nga BLANGKO...

Gusto kong magsulat...
Pero tanging pangalan mo
ang aking naisulat...

Dahil???

Blangko....

Pero laman ka naman ng isip at puso ko...

Kasi nga???

Blangko...

Gusto ko lang naman malaman mo na...
PINAKAMAMAHAL kita...


Kahit nabablangko ang utak ko... =)

6/23/11

sunset

LOVE is like loving SUNSET
you can loved it but you can never own it...