Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.......
Bat ganun????
=(
12/23/10
12/19/10
Pamilya
Nung byernes pumunta kami sa airport ni mudra para kunin ang iphone na ipinakisuyo ni pudra sa kasama niyang uuwi ng pinas. Eksaktong alas kwatro ng hapon ng dumating kami sa airport. Ni wala pang bakas ng pamilya ng kaworkmate ni pudra at ng tinext namin "on d way palang sila dahil trapik." Sa isip isip ko daig pa namin ung susundo dahil sa napaaga kami. Eksayted???
Nakailang beses na din kaming tinanung ng echuserang katabi ko sa upuan kung sino daw ang susunduin namin? si pudra ko daw ba?. At ng sabihin kong hindi... sabay sabing ah boyfriend...
Keber niya ba...
Wala ako sa mood makipag-usap ng time na un at pati na rin si mudra.
Nakailang beses na din kaming tinanung ng echuserang katabi ko sa upuan kung sino daw ang susunduin namin? si pudra ko daw ba?. At ng sabihin kong hindi... sabay sabing ah boyfriend...
Keber niya ba...
Wala ako sa mood makipag-usap ng time na un at pati na rin si mudra.
Nakakalungkot ang bawat minutong naka-istambay kami habang naghihintay at nakatingin sa bawat pamilyang sumusundo sa kanilang mga mahal sa buhay. Kunting kunti na nga lang malalaglag na ang mga luhang pilit kong pinipigilan.
Habang nakaupo ako hindi mapigilang mapabaling ang tingin ko sa isang lalake na ginulat ang asawa niya. Para lang silang naglalaro ng taguan.... Sabay halik sa labi...
Nakakainggit talaga... Isang masayang pamilya sa darating na kapaskuhan...
Nung oras na un gustong gusto kong hilingin na sana hindi na lang cellphone ang kukunin namin dun kundi susunduin namin si Pudra.
Ang saya saya siguro nun...
Kaso sa ngaun malabo pa ung mangyari...
Sana sa susunod na Pasko kumpleto na kami...
12/7/10
REGALO
Last time tumawag sa akin ang isa sa friend ko na matagal tagal ko na ring hindi nakikita. Hindi ko halos napansin na almost 2 years na pala kaming hindi nagkikita personally. Ni hindi ko rin nabibigyan ng pamasko ang inaanak ko. Narealize ko lang na ganun na pala katagal nung i-check ko ung fb niya at makita ang mga pics. Si Sab 3 years old na at meron na siyang baby brother. Mas lalo ko lang napatunayan na tumatanda na talaga ko. Habang kausap ko si Dine sige naman ang epal sa kanya ni Sab dahil gusto daw akong makausap. Dinig na dinig ko ang boses niya na mas malakas pa sa boses ng Mama niya, kuntodo volume talaga ang bagetz.
sab: nang bili mo ko kendi ah...
ako: oo sige... kendi lang pala eh...
sab: ung madaming madame ah...
ako: oo... bibili kita isang sako...
Maya maya humirit na naman si Sab sa mama niya at nakipag-agawan sa cp.
sab: nang pati pala dora na tsinelas... wala kasi akong tsinelas e
ako: sige sige bibili ako nun kasama pa si boots...
Natatawa na lang ako habang kausap ko si Sab.
Wag ko daw kakalimutan ang regalo niya... =)
11/24/10
tanung sa sarili...
This past few weeks hindi na naman ako masyadong makatulog...
In short sinusumpong na naman ako ng insomia...
Tapos ang dami dami ko pang naiisip kahit na hindi naman na dapat isipin...
Ito kasing si isip eh ubod ng pasaway...
Sabi ko ng tama na at napapagod na kong mag-isip eh...
Buti ba sana kung ung naiisip ko eh iniisip din ako dba? Its unfair!!!
May mga pinagsisisihan kaba sa mga desisyon mo? kung pwede mong ibalik ang oras na iyon anong gagawin mo?
Sa totoo lang madami akong pinagsisihan... Kaso naisip ko kung habang buhay ko nalang iisipin ung mga regrets ko, wala lalong mangyayari sa buhay ko. Tsaka blessing in disguise na din kasi wala sana sa buhay ko ung mga kaibigan ko ngayon. Mas maganda kung titingnan mo sa magandang anggulo ung mga nangyari sayo kesa pagsisihan kung anuman ung mga hindi mo nagawa. Kasi ung mga nangyari sa nakaraan ay nagbibigay naman sa akin ng magandang aral at masayang ala-ala.
Hindi ko na iisipin kong anong pwede kong gawin kung pwede kong ibalik ung oras kasi babalik na naman ako sa step 1... Ayoko ng mag-isip.
Major major regrets?
Iyong time na nagsimula akong hindi maniwala sa second chance at pinairal ang pride.
Nung time na nagkita kayo ni first bf / ex after 5 years, anong nafeel mo?
Major major kaba... As in pakiramdam ko kasali sa marathon ang puso ko at parang lalabas na siya sa katawang lupa ko.
Masaya ka bang makita siya?
Oo na hindi... Oo kasi after so many years nagkita kami na akala ko hindi na dahil ayoko naman talaga. Hindi kasi ayoko lang nung pakiramdam na para bang may something pa sa kaibuturan ng aking wagas na puso. Kasi alam ko committed na siya sa gf niya. At ayoko nung pinaparamdam niya sakin na parang walang nagbago. I hate it...
Mahal mo pa ba?
Ang plastik ko kung sasabihin kong wala na akong nafefeel kahit na alam kong meron parin pala na akala ko eh wala na.
Bakit hindi ka naniniwala sa second chances?
Ung totoo naniwala naman ako noon sa second chances kaso parang umasa lang ako sa wala. Kaya ayoko ng maniwala sa salitang un. Once na niloko ka na may tendency pa din na maulit un... Siguro masyado lang akong duwag dahil hindi ko kayang magtake ng risk. Natatakot akong masaktan na naman at umasa...
May hinihintay kaba?
Siguro... Hindi ko alam kung ano o kung meron nga o kung ano man iyon. Ayoko nga ng feeling ng naghihintay mainipin ako eh...pero ewan nga ba?
Sa palagay mo ba kapag napalitan ang puso ng tao may tendency na magbago rin ung nararamdaman niya?
Nung minsang may mapakinggan akong love story na nagpa-heart transplant ang bf niya at simula noon eh nagbago na ito sa kanya. Napaisip ako ng bonggang bongga. Natanung ko pa nga ung isang kaibigan ko sabi niya siguro daw kasi un ang nakakaramdam pero ewan ko nga naguguluhan din ako.
Ikaw ano sa palagay mo?
SMP
Kamusta naman???
Namiss ko daw ang pagboblog...
Wala kasi akong maisip na isulat... inaabot ako ng katam...
Tsaka.. tsaka... nakakatamad mag-isip...
Mali pala... pagod lang ang isip ko sa kakaisip...
Pamilyar ba kayo sa nestea commercial?
Oo... un nga... ung may to the left to the left...
Sa totoo lang natatanga ako kapag napapanood ko un...
D ko kasi maisip kung bakit may factor na 'ung ilong naman niya to the left to the left'... (sorry naman tanga lang)
Pero sa kabuuan? natutuwa ako sa commercial na un..
Oo nakakatawa siya... parang tanga lang kasi....
Sabi ng lalake dun ayaw niyang maging member ng SMP in long term Samahan ng Malalamig ang Pasko...
Tugsh.... bonggang bonggang sapulso... as in bulls eye...
Ako din naman ayoko ng maging member nun kaso wala akong choice eh... charing lang...
Pero ayon sa aking masusing pananaliksik (may masabi lang)...
Hindi naman purket may bf eh hindi na malamig ang pasko mo....
May kakilala nga ko may bf nga pero ganun pa din naman...
Mas malamig pa kamo ang pasko niya...
Dahil si jowa eh nanlalamig na talaga....
Ang tanung....
Are you one of us???
11/4/10
SANA---- ako nalang
Ang pag-ibig minsan parang isang eksena sa isang pelikula...
Minsan hindi mo inaasahan...
"Pupunta kaba? Kanina kapa nakatitig sa invitation card na yan, baka mamaya malusaw yan, ikaw din," si Maanne, bestfriend ko. Napatingin ako sa katapat na sofa na inuupuan niya at bahagyang napangiti.
"Hindi ko alam kung kakayanin kong makita siya....... SILA...," pagdidiin ko pa sa huling salita.
"Ikaw pa rin naman ang magdedesisyon, Lizzie. Kung gusto mong ipakita sa kanya na masaya kana para sa kanya hindi masama kung pupunta ka. Nandito lang ako back-up mo," sabay ngiti niya't tapik ng balikat ko.
"Salamat Maanne..." matipid kong sagot sa kanya kasabay ng isang pilit na ngiti.
----
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon, kahit anong gawin ko hindi ako dalawin ng antok.
Pagod na ang isip ko...
Pagod na rin ang mga mata ko sa pag-iyak...
Sa kabilang kama mahimbing ng natutulog ang kasama kong si
Maanne, samantalang ako heto't dilat na dilat pa ang mga mata. Ni hindi ko na ata alam kung paano matulog daig ko pang nakainom ng sangkaterbang sleeping pills.
Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay, walang eksaktong lugar ng patutunguhan. Gusto kong libangin ang sarili ko, pero paano ko nga ba gagawin ang bagay na iyon? Hiniling ko din naman sa diyos na maging masaya siya pero hindi sa ganitong paraan na wasak na wasak ang puso ko.
Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay, walang eksaktong lugar ng patutunguhan. Gusto kong libangin ang sarili ko, pero paano ko nga ba gagawin ang bagay na iyon? Hiniling ko din naman sa diyos na maging masaya siya pero hindi sa ganitong paraan na wasak na wasak ang puso ko.
Alas-nueve na at alas-diyes ang oras ng kanilang kasal. Kanina pa ako nakaupo sa parke at nakailang bili na din ako ng mineral water, kumakalam ang sikmura ko pero wala namang gana ang bibig ko sa mga masasarap na pagkain sa paligid. Gusto kong kalimutan na ito ang araw ng kanilang kasal pero isa akong malaking hangal dahil sino nga bang matinong tao ang pupunta sa lugar kung saan malapit lamang sa mismong simbahan kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Pakiramdam ko dinadaya ko lamang ang sarili ko. Trenta minutos na ang nakakalipas, tumayo ako't nagpalakad lakad. Saan nga ba ako dadalhin ng mga paa ko. Maya maya napatingin ako sa isang simbahang nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala sakin sa harap ng lugar na ito. Bakit ba kailangan ko pang pasakitan masyado ang sarili ko, ang tanga tanga ko talaga. Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng simbahan kung saan ikakasal ang lalakeng pinakamamahal ko at ang babaeng nagdadala sa sinapupunan ng magiging anak niya.
Hindi ko alam kung dapat pa ba akong pumasok sa loob, kilangan ko ng nag-uumapaw na lakas na loob pakiramdam ko kasi anumang oras ay babagsak ako. Hindi lang ang isip at ang puso ko ang pagod, pati ang katawan ko pagod na pagod na. Mataman lang akong nakatitig sa labas ng simbahan, hindi ko alam kung dapat ko pa bang ihakbang ang mga paa ko papasok.
Nakarinig ako ng bahagyang ingay mula sa loob.
Pakiramdam ko may kung anong enerhiya ang tila ba humihila sa akin para pumasok sa loob. Wala sa sariling pilit hinahanap ng mga mata ko ang taong gustong gusto kong makita sa huling pagkakataon.
Si Sherwin...
Si Sherwin...
Napansin kong may kung anong komosyon sa harap ng altar na para bang may pagtatalong nagaganap na hindi ko maintindihan, at dun nakita ko ang lalakeng pilit hinahanap ng mga mata ko. Ilang dipa ang layo niya mula sa akin. Maya maya'y napatingin siya sa direksiyon ko at nagtama ang aming mga mata. Bakas sa mukha niya ang lungkot na para bang nagkaroon ng kunting kasiyahan ng makita ako. Hindi ko alam kung bakit ganun pero bahagya siyang lumakad papalapit sa akin kaya naman minabuti ko ng lumabas sa lugar na iyon.
Hindi ganito ang gusto kong mangyari, ayokong gumawa ng anumang eksena.
Wala na akong karapatan.
Wala na.
Pero bago pa ako makalabas ng tuluyan narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Lizzie..."napahinto ako at napapikit, tulad ng dati hindi pa rin nagbabago ang paraan niya ng pagtawag sa akin. May lambing at punong-puno ng pagmamahal.
"Lizzie..." tama, ito na ang huling beses na maririnig ko ang ganoong pagtawag niya sa akin.
Ito na ang huli...
Gustong gusto kong humarap sa kanya, lapitan siya at sabihing "congratulations! I'm happy for both of you" pero alam kong pinaplastik ko lang ang sarili ko. Gustong gusto kong makita ulit ang mukha niya sa huling pagkakataon pero nagtatalo ang puso at ang isip ko. Gustuhin ko mang sundin kung anong sinasabi ng puso ko at maging masaya. Alam ko sa bandang huli, hindi pa rin sapat iyon. Magiging makasarili ako kung sarili ko lamang ang iisipin ko.
Sa isang banda dinig na dinig ko din ang pagtawag sa kanya ng babaeng pakakasalan niya.
Sa isang banda dinig na dinig ko din ang pagtawag sa kanya ng babaeng pakakasalan niya.
"Sherwin..." tawag ng bride sa kanya, may bahagyang pagmamakaawa sa tono ng boses nito na para bang sinasabing bumalik ka dito at siya ang piliin nito. Pero hindi naman ako nakikipagkompetensiya sa kanya dahil alam kong talo na ko, masakit lang dun mahirap tanggapin ang pagkatalo ko.
Higit sa kanino man mas higit siyang kailangan ni Sherwin. Magkaka-anak na sila, at hindi ko gugustuhing sirain ang pamilyang ngayon palang mabubuo.
"Paalam," doon tuluyan ng dumaloy ang masaganang luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahal man namin ang isa't isa, hindi naman mababago nun ang katotohanang "ito ang araw ng kasal niya" at ang araw din ng pagkamatay ng puso ko.
Mabibigat na hakbang na nilisan ko ang lugar na iyon.
Ni hindi ako lumingon, dahil baka kapag nakita ko siya tumakbo akong papalapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Hindi naman mababago ng paglingon ko sa kanya ang nangyayari ngayon. Hindi naman nito maibabalik ang pinakammahal ko.
Dahil ang istorya namin ay nagtatapos sa mismong araw na ito.
Ang pagtatapos ng isang pagmamahalang hindi pa man nagsisimula ay nagkaroon na ng katapusan.
-end-
May makwento lang....
Noong nakaraang araw isinama ng kapatid ko sila mudra na pumunta ng S.M Fairview. Ako dapat sana ang isasama niya dahil gagawin ata akong chaperon, pero dahil sa tinatamad ako at wala akong kadatungan eh ndi na ako sumama kaya ang siste mukhang nacancel ang date niya (bwahahaha).
Naggrocery lang naman sila tapos ikot-ikot lang hanggang sa magsakitan na ang mga paa nila at magutom ang mga anaconda nila sa tyan. At ayun ang highlight sa grocery ang kapatid kong si loven (lalake po yan). Dahil sa gutom eh pinilahan lahat ng free taste, walang keber kung maiwan siya. Buti sana kung may pamasahe siya samantalang walang dalang pera ang mokong. At ayun kinabahan daw nung hindi na makita sila mama buti na lang at magaling maghanap.
Pagkatapos naman nilang maggrocery nakita ni mudra ung zagu, nacurious sa lasa dahil d pa daw siya nakatikim nun kaya nagpabili kay sisteret ko. Naibigay na ni kapatid ang zagu. Isa kay loven at isa kay mudra. Ang loven walang keber basta todo sip-sip at ng mapatingin kay mudra laking gulat niya daw na tinatanggal ni mudrakels ang cover sa zagu, as in hirap na hirap(buti nalang ndi ako kasama). Pagkatapos saka nilagay ang straw. Ang siste baliktad pa ang pagkakalagay ng straw, kaya naman sinabi ni loven un kay mudra. Eto namang si mudra eh sadya talagang adik biruin mong binaliktad ulit ang straw kung kilan paubos na...
Pagkauwi nila ng bahay todo kwento ang kapatid ko na may kasama pang action parang nanonood lang kami ng pelikula... Pati si mama ang bongga bongga magkwento, mas magaling pa sa pagkakakwento ko dito. Habang kumakain tuloy kami puro tawanan ang nangyari...
Minsan werdo talaga si mama... Nakakahiyang nakakatawa...
Pero kahit ganun I LOVE YOU MUDRA...
Naggrocery lang naman sila tapos ikot-ikot lang hanggang sa magsakitan na ang mga paa nila at magutom ang mga anaconda nila sa tyan. At ayun ang highlight sa grocery ang kapatid kong si loven (lalake po yan). Dahil sa gutom eh pinilahan lahat ng free taste, walang keber kung maiwan siya. Buti sana kung may pamasahe siya samantalang walang dalang pera ang mokong. At ayun kinabahan daw nung hindi na makita sila mama buti na lang at magaling maghanap.
Pagkatapos naman nilang maggrocery nakita ni mudra ung zagu, nacurious sa lasa dahil d pa daw siya nakatikim nun kaya nagpabili kay sisteret ko. Naibigay na ni kapatid ang zagu. Isa kay loven at isa kay mudra. Ang loven walang keber basta todo sip-sip at ng mapatingin kay mudra laking gulat niya daw na tinatanggal ni mudrakels ang cover sa zagu, as in hirap na hirap(buti nalang ndi ako kasama). Pagkatapos saka nilagay ang straw. Ang siste baliktad pa ang pagkakalagay ng straw, kaya naman sinabi ni loven un kay mudra. Eto namang si mudra eh sadya talagang adik biruin mong binaliktad ulit ang straw kung kilan paubos na...
Pagkauwi nila ng bahay todo kwento ang kapatid ko na may kasama pang action parang nanonood lang kami ng pelikula... Pati si mama ang bongga bongga magkwento, mas magaling pa sa pagkakakwento ko dito. Habang kumakain tuloy kami puro tawanan ang nangyari...
Minsan werdo talaga si mama... Nakakahiyang nakakatawa...
Pero kahit ganun I LOVE YOU MUDRA...
10/25/10
CONFUSE
Seriously? I don't know...
second chance???
alam mo namang hindi ako naniniwala sa ganun...
wala un sa vocabulary ko...
worth it ba? para kasing hindi...
pano ko malalaman na sincere ka?
jeeezzzz...
ANG LABO TALAGA!!!
second chance???
alam mo namang hindi ako naniniwala sa ganun...
wala un sa vocabulary ko...
worth it ba? para kasing hindi...
pano ko malalaman na sincere ka?
jeeezzzz...
ANG LABO TALAGA!!!
10/18/10
10/13/10
EMO MODE
Last night, emo mode ako. Sa kakatingin ko kasi ng mga pictures sa fb, ayun bumalandra tuloy sakin ang picture ng gf ng ex ko... Ewan ko ba pero parang naiinggit akong ewan... kasi si ex masaya na siya samantalang ako masaya din naman un nga lang may salitang kulang. Sa tuwing may makakasabay ako sa jeep na lovers o kaya naman sa paglalakad hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit. Hindi ko alam kung dala lang ito ng malamig na panahon dahil malapit na ang pasko o dahil feel na feel ko lang talaga ang loneliness. Sa tuwing maririnig ko ang gf ng kapatid na magiging asawa na niya na tinatawag siyang bo kahit na minsan eh parang minumura lang siya...hehehe... at kahit na korning korni ako sa mga tawagan na mahal koh, honey o sweety at kung ano pang kaechosan. Sana... may isang tao ding tatawagin akong mahal, hon, sweety o kahit na anong sweet endearment. Nanibago tuloy sakin ang friend ko kaya akala eh kung sino na ang katext niya.
Pero siguro natrapik lang talaga ang MR. EWAN ko...
Sana naman bilisan mo...hehehe
10/9/10
...mY DaY...
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang post na ito tungkol sa birthday ko...
Hmmmm Let me start with the word "THANK YOU..."
Thank you.... unang una ke lord kasi up to now I'm still breathing and enjoying my life with my loved ones...
Thank you sa parents kasi sila ung dahilan kung bakit ako nabubuhay.
Sa mga kaibigan ko na tanggap ako at ang mga kapintasan ko...
At sa mga taong nakilala ko lang sa blogsphere... Madaming thank you... =)
Paano ko nga ba idedescribe ang birthday ko?
Malungkot kasi nakatanggap ako ng hindi magandang balita...
Masaya kasi maraming taong nagpasaya sakin...
Sa unang pagkakataon binati ako sa mismong birthday ko ng papa ko. Tumawag siya sakin at binati ako ng happy birthday, un lang masaya na ako eh... teary-eyed pa... Madalas kasi late niya ko nababati dahil sa sobrang busy at nawawala na din sa isip niya.
Kahit na dalawa lang kami ng kaibigan kong si Mhai na pumunta ng Divine Mercy at nagsimba, enjoy na rin kasi busy ang iba naming friendship. At ang masasabi ko lang mahirap ang walang photographer dahil kahit bangko eh talo talo na makapagpicture-picture lang...hehehe... Nakareceive din ako ng isang cute na coin purse na may design ng favorite kong si mickey mouse galing kay Mhai... sobrang naappreciate ko talaga.
At natouch din ako sa friend kong nasa province na nagpa-unli kol pa para lang mabati ako ng exact 12am kaso naging 12:30 dahil nakatulog daw siya...hehehe...
Thanks din kay ate ayie sa pic greet na nirequest ko....ilabit... =)
At sa isang taga tikap na hindi ko naman kilala na nagsend din ng pic greet... thankumuch...
Kay adik na akala ko eh nalimutan ang birthday ko pero nakitawag pa para i-greet ako... thank you talaga...
Sa mga friendship ko sa fb na nagpost sa wall ko ng birthday greetings at messages... thanks ng madaming madami...
This year feel na feel ko talagang birthday ko dahil sa dami ng bumati sakin...
MARAMING THANK YOU talaga...
Next year ulit.... hehehe
10/6/10
HILINg...
"Masaya ka ba Kelly?" Napatitig ako sa lalakeng kaharap ko ngayon. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanung niya? Kung tutuusin dalawang sagot lang naman ang pwede kong sabihin sa kanya... "Oo" o "Hindi"... Ngayon ano bang dapat piliin ko sa dalawa? Bahagya akong napangiti. Imbes na sagutin ang tanung niya, tanung din ang ibinalik ko sa kanya.
"Ano bang klaseng tanung yan Jerome?," pabalewalang balik tanong ko sa kanya.
"Hindi mo naman sinagot ang tanung ko eh," seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw ng mga tingin niya. Ano bang dapat kong isagot? Mag-isip ka Kelly. Pakiramdam ko nabablangko ako lalo na dahil sa titig niya sa akin. Masaya naman ako pero---. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan.
"Ano bang meron tayo, Jerome...," wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin sa kawalan.
"Kelly"... Napapikit ako... Ayokong makita ang reaksiyon niya sa tanung ko. Ayokong makita ang pagkalito sa mga mata niya. Ayokong makita ang isang bagay na pwedeng makasira ng isang magandang araw na ito.
At ayokong masaktan sa pwedeng sabihin niya... AYOKO... dahil naduduwag ako. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, pero mas pinili kong ipikit ang mata ko.
"Kelly,"... Ayan na naman... Yan lagi ang naririnig ko sa kanya sa tuwing itatanong ko sa kanya ang bagay na iyon, at matatapos sa katahimikan pero babalik na naman ulit sa dati at magiging okay na naman kami. Ano nga bang meron kami? Kahit ako hindi ko rin alam.
We hugged...
We kissed...
We are just like a couple..
Tama "like" kasi wala naman kaming relasyon. Ni hindi ko siya maipakilala sa mga kaibigan ko bilang boyfriend ko dahil kahit ako hindi ko alam kung anong meron kami. M.U bang dapat itawag doon? Mutual understanding o Malabong usapan? Ayun nga ba? Hindi ko alam... Nalilito ako... Alam kong mahal ko siya at nararamdaman kong mahal niya ako pero bakit hindi niya kayang sabihin sakin kung anong meron sa aming dalawa. Kahit kilan hindi ko pa narinig sa kanyang sabihin na "Mahal kita..." Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ko.
Pilit akong ngumiti."Kalimutan mo ng sinabi ko. Wala kasi akong maisip na sabihin eh."
"Hindi ka na ba masaya Kelly?",seryoso parin siya pero bakit parang may lungkot sa mga mata niya. Bakit?
"Masaya pe---", unti-unti ng nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masaya ako pero--- pero parang may kulang...
"Kelly".... Lumapit siya't niyakap ako. Gustong gusto kong tinatawag niyang pangalan ko, ewan ko ba pero para kasing iba ang dating kapag siya ang tumatawag sakin. Siguro ganun lang talaga kapag mahal mo ang taong un.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan, pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanung ni Jerome. Masaya ako basta nasa tabi ko siya kahit na hindi ko alam kung anong meron kami.
"Bakit ka ba umiiyak? Ikaw talaga...Werdo ka talaga minsan, kaya mahal na mahal kita eh..."
Napaharap ako sa kanya at napangiti. Sa wakas narinig ko ring sabihin niyang mahal niya ko.
"Masaya ko... masaya ko basta't nasa tabi kita."
-the end-
sorry kornik eh...hehe
ung request ko pong pic greetings...hehehe... thanks much
BAD NEWS....
Ang saklap...
as in ang saklap talaga...
Ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon...
Kaya kahit na nakakahiya eh dito ko nalang sasabihin lahat ng gusto kong sabihin...
Nakakaiyak...
At nahihiya ako sa parents ko...
Kahit na pinapagaan ni mama ung loob ko at ng kaibigan ko...
Nalulungkot pa din ako...
Sobrang sad talaga ko ngayong araw na ito..
Ang ganda pa ng pasok ng araw na ito at ng text na bumungad sakin...
Wala na kong work... Ang gandang birthday gift sakin as in...
Back to pagiging tambay na naman ako...
Ang dami ko kasing sablay this week...
Aminado naman ako
Pang three weeks ko na sana this week kaso wala na...
Bago palang din kasi ako sa work na un and under observation pa...
First time ko mapasok sa ganitong klaseng trabaho.
At ngayon ko narealize na hindi pala ganun kadali ang trabaho sa office...
Sobra sobra at nag-uumapaw na pressure cooker talaga...
Kulang pa ko sa confident...
Saan ba kasi pwede ung bilhin?
Minsan iniisip ko tuloy sana makapal na lang ung mukha ko para naman hindi ako ganito.
So fragile...
Napakahinhin ko pa kumilos...
Shitness.... pano ko ba babaguhin ung kilos ko kung simula ng pinanganak ako ganito na ko???
Nakakainis.....
Sana pwede nalang bilhin ung super powers... kaso can't afford din un for sure...
Sobrang pressure talaga dahil lahat ng attention nasa kin...
Bawat kilos o galaw ko. At dahil dun mas lalo lang akong natataranta...
Sa nature kasi ng trabaho ko "No mistakes are allowed...."
Para kang isang doktor na isang pagkakamali mo lang pwede kang makapatay ng pasyente.
Maybe I am not really suitable for that kind of job...
Sinubukan ko namang gawin ung makakaya ko...
Enough na ba un?
Haaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.............
Disappointed talaga ko sa sarili ko... sobra...
Pero kahit ganun still thankful na binigyan ako ng chance at sa mga mali ko I learned a lot of things...
as in ang saklap talaga...
Ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon...
Kaya kahit na nakakahiya eh dito ko nalang sasabihin lahat ng gusto kong sabihin...
Nakakaiyak...
At nahihiya ako sa parents ko...
Kahit na pinapagaan ni mama ung loob ko at ng kaibigan ko...
Nalulungkot pa din ako...
Sobrang sad talaga ko ngayong araw na ito..
Ang ganda pa ng pasok ng araw na ito at ng text na bumungad sakin...
Wala na kong work... Ang gandang birthday gift sakin as in...
Back to pagiging tambay na naman ako...
Ang dami ko kasing sablay this week...
Aminado naman ako
Pang three weeks ko na sana this week kaso wala na...
Bago palang din kasi ako sa work na un and under observation pa...
First time ko mapasok sa ganitong klaseng trabaho.
At ngayon ko narealize na hindi pala ganun kadali ang trabaho sa office...
Sobra sobra at nag-uumapaw na pressure cooker talaga...
Kulang pa ko sa confident...
Saan ba kasi pwede ung bilhin?
Minsan iniisip ko tuloy sana makapal na lang ung mukha ko para naman hindi ako ganito.
So fragile...
Napakahinhin ko pa kumilos...
Shitness.... pano ko ba babaguhin ung kilos ko kung simula ng pinanganak ako ganito na ko???
Nakakainis.....
Sana pwede nalang bilhin ung super powers... kaso can't afford din un for sure...
Sobrang pressure talaga dahil lahat ng attention nasa kin...
Bawat kilos o galaw ko. At dahil dun mas lalo lang akong natataranta...
Sa nature kasi ng trabaho ko "No mistakes are allowed...."
Para kang isang doktor na isang pagkakamali mo lang pwede kang makapatay ng pasyente.
Maybe I am not really suitable for that kind of job...
Sinubukan ko namang gawin ung makakaya ko...
Enough na ba un?
Haaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.............
Disappointed talaga ko sa sarili ko... sobra...
Pero kahit ganun still thankful na binigyan ako ng chance at sa mga mali ko I learned a lot of things...
10/4/10
WISH...
Dahil birthday ko na sa friday sa may mabubuting puso naman diyan parequest ng pic-greetings...hehehe cge na naman... samahan nio na din ng prayers... ndi ko na kasi macecelebrate ang birthday ko eh, dahil busy sa work bago lang kasi si ako... kaya sige na parequest naman... lalagay ko sa album ko sa fb..hehe...
gift nio na sakin...hehe...
mafeel ko lang na birthday ko...
send lang sa cupid_angel08@yahoo.com...
thanks much....
gift nio na sakin...hehe...
mafeel ko lang na birthday ko...
send lang sa cupid_angel08@yahoo.com...
thanks much....
9/14/10
SI CLAUDE
"Hi! Jessica," nakangiting bati sakin ni Claude. Eto na naman po siya, ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siya talaga namang naalibadbaran ako sa kanya. Bakit? Eh paano ba naman ke aga aga heto na naman siya at parang naninira ng araw. Matagal na rin siyang nanliligaw sakin, ewan ko nga ba kung talagang matalino siya dahil napakahina naman niyang pumick-up. Ni hindi man lang ata niya maramdaman na hindi ko siya gusto. Ni wala sa kalingkingan niya ang ideal man ko. Matangkad siya, pero wala ding silbi dahil napakalampa naman niya. At hindi siya pwedeng mag-ala prince charming dahil sa katawan niya mukhang ako pa ata ang magtatanggol sa kanya. Sabi nila siya ang pinakamatalino sa campus dahil sa dami ng awards na meron siya, tingin ko mukang nagkamali ata sila sa pagbibigay sa kanya ng awards. Bakit? kasi naman ang hina niya makaramdam ah. Sa tagal niyang susunod sunod sakin hindi ko alam kung sadyang manhid ba siya o talagang ipinaglihi ata siya sa bato na walang pakiramdam. Nakasuot siya ng isang antique na eyeglasses na minana niya pa ata sa mga kanuno-nunuan niya. At ang buhok niya? sa tingin ko eh idol niya si Rizal dahil sa pagkakaplantsa ng buhok niya at sa gamit niyang pamada. Haller! uso na kaya ang gel. Sino ba namang makakatagal sa kanya. Daig ko pang may kasamang antique na gamit. At para rin siyang asong susunod sunod, kulang na nga lang maglagay siya ng tali sa leeg niya. Para na siyang pet para sakin. At sa tuwing nakikita ko siya sumusumpong ang migraine ko, hindi ko alam kung sadyang allergic lang talaga ako sa presensiya niya.
"Jess, pansinin mo naman si Claude. Kanina pa siya nakatayo diyan."
"Ok lang ako Tin..."
"Narinig mo naman siya eh, ok lang daw siya."
"Mauna ka nalang Claude, sabay na kaming uuwi ni Tin. May tatapusin pa kasi kaming project eh."
"Project? meron ba tayo nun?," kunot noong baling ni Tin.
"Meron nga dba? dba nga gagawa tayo?"
"Ah, oo."
"Kung ganun, mauuna na lang ako Jessica. Kung gusto mo itxt mo lang ako kung uuwi kana para may kasama ka, masyadong delikado sa panahon ngayon." As if naman maipagtatanggol mo ko.
"Don't worry ok lang ako. Sige na alis kana. Ingat ah," sabay ngiti ko ng pilit.
Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya pero wala na kong magawa dahil nasabi ko na. Ayoko namang bawiin pa dahil baka iba lang isipin niya. Bakit ba ganun? para tuloy nakokonsensiya ko dahil sa ginawa ko. Ang sama ko ba?
"Ang sama mo naman Jess," ang sabi sakin ni Tin habang nakatingin ako sa naglalakad papalayo na si Claude.
"Bakit ba?"
"Nagtatanong ka pa diyan? Tingnan mo nga ung ginawa mo dun sa tao. Hindi ka man lang ba naaawa?"
"Hi- hindi noh... Bat naman ako maaawa sa kanya?" Ano ba kasing ginawa ko? Bat ba masyado akong naging mean sa kanya. Hay, Jessica bat ba kasi ganyan ka.
"Sundan mo na kaya si Claude."
"Bakit ko naman siya susundan? Mamaya ano pa isipin nun."
"Bakit kaba ganyan sa kanya? Hindi ka naman ganyan sa iba ah. Siguro hindi mo lang matanggap na nagugustuhan mo na rin siya noh?"
"Paano ko naman magugustuhan un Tin? Haller??? Ni hindi nga siya ang ideal man ko eh."
"Talaga bang ayaw mo sa kanya?"
"O- Oo naman..." Kahit na ganun si Claude, lagi siyang nakangiti sakin kahit na lagi ko siyang tinatarayan. At kung may isang bagay man na nagustuhan ko sa kanya, iyon ay ang ngiti nya. Kahit kilan hindi ko pa siya narinig na nagreklamo sakin. Sweet din siya kasi minsan makikita ko nalang na may isang white rose sa desk ko. Lagi niya pa kong tinutulungan sa mga projects sa school, minsan tinuturuan pa niya ko ng mga lesson na hindi ko maintindihan. Dinadalan niya pa ko ng meryenda tuwing break time kahit na ang layo layo ng building ng room niya sakin. Kung tutuusin ang dami dami na niyang nagawa para lang sakin at hindi ko na nga mabilang ang lahat ng iyon. Ayaw ko nga ba sa kanya? O masyado ko lang iniisip na hindi siya ang ideal man ko.
"Sundan mo na, hindi pa un nakakalayo Jess." Dapat ko ba siyang sundan? Mag-isip ka Jessica. Pag ginawa mo un, wala ng urungan pa.
"Sa totoo lang Jess, sa lahat ng manliligaw mo si Claude ang pinakagusto ko para sayo."
"Bakit siya pa?"
"Kasi kahit na hindi siya mala-prince charming. Alam kong mabuti siyang tao. Masyado ka lang nabubulagan kaya hindi mo nakikita un."
"Salamat tin, sige susundan ko siya."
Tumakbo ko ng tumakbo para lang maabutan si Claude pero ni bakas niya wala kong makita.
"Claude..."
"Claude..."
Maya maya may nakita kong nakatalikod na isang lalake. Tumakbo ko papalapit sa kanya hanggang sa maabutan ko siya sabay hinawakan ko ang kamay niya.
"C- Cla- Claude... sandali lang" pero paglingon ng lalake nagulat ako ng iba ang makita ko. Hindi siya si Claue. "Sorry."
Siguradong nakauwi na siya. Hay, Jessica naman kasi ang tanga tanga mo.
"Tawag mo ba ko Jessica?"
Narinig kong sabi ng boses sa likod ko. Pagharap ko nakita ko si Claude, na matamis na nakangiti sakin.
"Ikaw talaga, pinagod mo ko."
Siguro nga hindi siya ang ideal guy ko at hindi rin siya ang prince charming ko pero ito ang realidad ng buhay at wala kami sa fairytale.
Siya si Claude, ang mahal ko.
--the end---
9/13/10
Broken
Kani-kanina lang tumawag ang friend ko, to be specific guy. At ayun broken hearted ang lolo mo. Umiiyak siya habang kausap ko. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya kasi alam ko naman kahit anong sabihin ko sa kanya hindi gagaan kung ano man ung nasa loob niya plus the fact na pakiramdam niya wala man lang nakakaintindi sa kanya. Para tuloy dinudurog ang puso ko habang kausap siya, gustuhin ko man kasing tulungan siya. Ano naman bang magagawa ko para sa kanya? Pati tuloy ako parang maiiyak na habang kausap siya. Sa totoo lang ayokong mamroblema ng kahit ano lalo na tungkol sa lovelife dahil ako nga hindi namomroblema sa lovelife ko dahil wala naman akong poproblemahin.... Hay naku, hindi ko tuloy alam ano bang magandang sabihin sa kanya. Hindi din naman kasi siya nakikinig eh. Ang hirap hirap naman. Concern lang ako kasi baka kung anong maisipan niyang gawin. Sana lang maging ok na ang lahat...
Kaya mo yan, tol. AJA!!!
DEAR eX (part 2)
Minsan hindi ko maiwasang hindi maitanong sa sarili ko ang isang bagay... "bakit nga ba tayo nauwi sa hiwalayan?" Sino nga bang bumitaw? ako o ikaw? Ang dami dami kong tanung na what if and if only? Pero pag nasagot ba iyon babalik pa sa dati ang lahat. Babalik ba tayo sa kung anong meron tayo noon? Ayoko na ring mabuhay na panay what if at if only kasi wala namang mangyayari eh. Baka maging bitter lang ako imbes na maging better. Natanggap ko na namang wala ng ikaw at ako. Sa madaling salita, malabo ng maulit ang tayo. Kasi kung uso ang second chances para sa iba, d naman natin alam ang salitang un. Second chances? para lang un sa dalawang taong may pag-asa pang mabuo ulit ang relasyon nila... para sa dalawang taong may pagmamahal pa... Take note dalawa hindi isa. Ako nalang naman kasi ung nagmamahal dba? ako na lang...
Ok na ko ngayon eh, back to normal na nga iyong buhay ko. Bumalik na din ung dating ako nung wala kapa sa buhay ko. Kaso ayan ka na naman. Para kang kabuteng bigla na lang lumilitaw at parang multong bigla nalang magpaparamdam. Itatanong mo kung kamusta na ko? Ano bang gusto mong malaman mula sakin? Na ok ako kanina pero dahil sayo naliligalig na naman ang mundong ginagalawan ko. Na hanggang ngayon ang lakas pa rin ng epekto mo sakin? Ayos ka din noh? ok na nga ko eh tapos ayan kana naman na para bang nang-aasar lang. Kung gusto mo ng laro, sorry hindi na ko pwede diyan iba nalang ang isali mo baka sakali mahanap mo ang katapat mo iyong tipong kayang lumevel sa galing mo, malay mo sa oras na un ikaw naman ang luhaan at sugatan at sa pagkakataong iyon, wag mo akong kalimutang tawagan huh? Promise tatawanan kita ng bonggang bongga...
-eX gF
9/11/10
I LOVE YOU MORE...
"You promised that you'd never leave. Pero nasaan kana ngayon?." Tulad kahapon, at sa mga susunod pang araw andito pa rin ako. Umaasa na darating ang time na bumalik ka. Na isang araw may taong hahawak sa balikat ko at pag lingon ko, ikaw ang makikita ng mga mata ko.
Dalawang taon na rin simula ng umalis ka ng walang paalam at hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit humantong sa puntong hindi mo kailangang sabihin sakin na aalis ka pala. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ako...
Hindi ko din alam kung dapat pa ba akong umasa...
Susuko na ba ko? iyon lagi ang tanung na gumugulo sa isip ko, pero sa tuwing maguguluhan ako at mawawalan ng pag-asa maalala ko lang ang ngiti mo, babalik na naman sakin ang lahat. Kung bakit kita kailangang hintayin at kung bakit ako narito ngayon sa lugar na ito. Nakatingin sa malawak na karagatan habang unti unting natatakpan ng mga ulap ang araw. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong manatili sa lugar na ito o kung tama pa bang umasa akong darating ka.
Pero maghihintay pa rin akong bumalik ka...
Maghihintay ako...
Nangako kang hindi mo ako iiwan, pero nasaan ka na ba ngayon? Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha kong kanina pa pinipigilan.
Magpakita kana please...
Miss na miss na kita eh...
mahal na mahal kita...
"Nasaan ka na ba kasi?"...
"Naiinip na kong maghintay sayo eh... Nasaan ka na ba?"
Nakaramdam ako na para bang may isang taong nakatingin mula sa likod ko. Napangiti ako. Alam kong darating ka... Alam kong hindi mo ako matitiis...
Denver. ..
Paglingon ko nakita ko ang lungkot sa iyong mukha. Unti-unting nagbago ang ngiting kaninang nakaguhit sa labi ko at napalitan ng lungkot.
Ipinikit ko ang mata ko, ayokong ng makita at marinig ang kung ano mang sasabihin mo.
"Im sorry..."
Bakit? Bakit? at bakit? iyon lang ang tanging tanung sa isip ko. Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko bumalik na sa dati ang buhay ko. Iyong masaya tayong dalawa.
"wala na si kuya"...
Si Dennis ang nasa harap ko ngayon at hindi si Denver, ang kakambal niya. Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kakambal mo, ang sabihin sakin na wala kana. All along wala na kong hinihintay. Matagal na pala kong naghihintay sa isang taong matagal na rin akong iniwan. Ang saklap naman. At ang sakit sakit....
"Matagal na siyang patay. He died because of leukemia."
I'm sorry Celine hindi ko na kayang panindigan ang pangako ko sayo.
I love you...
Denver
I love you more....
KASAL
"Bakit hindi ka pa nagpapakasal? Ano bang nangyari dati?," iyon ang tanung na madalas kong iniiwasan. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko sa kaharap ko.
"Bibisitahin ko pa ang pamangkin ko, maiwan na kita Dianne," ang sabi ko sa dati kong officemate bago tuluyang umalis.
"Tatanda kang dalaga niyan Lizzie", narinig kong sigaw pa ni Dianne.
Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan, isang napakagandang araw para isipin ang kasalukuyan kesa ibalik ang nakaraan.
5 years ago ikakasal na sana ako pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Halos lahat ng kakailanganin ay naisayos na. Ang mga damit, ang reception, ang simbahan maliban na lamang sa mga invitation cards at souvenier items. Masakit man ang nangyari hindi ko na rin pinagsisihang hindi iyon natuloy, sabi nga nila everything happens for a reason.
Bumungad sakin ang 5 taong gulang kung pamangking babae.
Si Kyle..
"Tita, tala lalo tayo ng balbie ko."
"Nasaan ang yaya mo Kyle?"
"Nagyayaba po si aya, dun oh...," sabay turo niya sa may kusina nila.
Sa tuwing pinagmamasdan ko si Kyle hindi ko mapigilang hindi mapangiti, nalulungkot lang ako dahil napakabata pa niya para maulila sa kanyang ina, 2 years ago namatay ang kapatid ko sa isang malubhang sakit. At dahil sa dalawa na lamang kaming magkapatid madalas akong pumunta sa bahay nila para alagaan si Kyle. Para sa akin, para ko na siyang anak.
Napagandang bata ni Kyle mahaba ang kanyang buhok na lampas balikat, bilugan ang kanyang mga mata at mapula ang kanyang labi. Minsan nagugulat na lang ako sa mga bagay bagay na itinatanong niya sa akin para kasing matanda na siya kung mag-isip.
"Ta, kanina nood kami ni aya nung nikakasal. Ang danda nga eh. Tita, kilan taw itatasal?," curious niyang tanung na nakatingin sa mga mata ko.
Natawa lang ko sa tanung niya. Paano ko nga ba sasagutin ang isang bata samantalang ako itong matanda eh hindi alam kung ikakasal pa ako. Bente nueve na ako pero heto't single pa rin ako.
Inip na inip na naghihintay ng sagot si Kyle.
"Tilan ta?," ulit niya...
"Hindi pa kasi alam ni Tita eh..."
"Talaga? yehey, eidy dito kapa din lagi."
"Syempre naman... Gusto mo ba dito lagi si Tita?"
"Opo, tase wala na si Mama, sana taw na lang mama ko." Bigla nalang nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at bigla kong nayakap si Kyle.
5 years ago para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman kong nabuntis ng lalakeng pinakamamahal ko ang nag-iisang kapatid ko. Parehas silang lasing hanggang sa dumating sa point na may nangyari. Pakiramdam ko gumuho ang mundong kinatatayuan ko. At sa mismong araw ng kasal ko ikinasal ang kapatid ko sa lalakeng pinakamamahal ko. Iyon na ata ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang babaeng malapit ng ikasal, ang hindi matuloy ang kasal niya.
Pagkabitiw ko sa pamangkin ko nakita kong papikit pikit na siya. Inihiga ko siya sa kwarto niya at binantayan hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
Paano ko nga ba magagawang kamuhian ang batang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ko?
Ga'yong siya ang lahat lahat sa akin...
9/9/10
GOODNEWS
"He loves me not... muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang isang talutot na lang ng gumamela ang natitira sa hawak kong kanina'y isang magandang bulaklak, pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makitang may isang maliit pa palang parte...
"He loves me... not... " Madaling dayain ang sarili at isiping iisa na lang ang talulot ng gumamelang natitira sa hawak kong tangkay ng bulaklak para lang pagaanin ang loob ko. Na sana kahit man lang sa ganitong paraan marinig ko ang salitang matagal ko ng inaasam. Pero sadyang ipinagkait sakin ang tanging lalakeng ilang taon ko ng lihim na minamahal, si Yuan Miguel Isidro ang schoolmate ko.
He loves me not...
He loves me not...
He loves me not... iyon ang pilit kong itinatatak sa isip ko.
Hindi niya ko mahal. At kailanma'y hindi mamahalin.
Para sa kanya walang Alessandra Samonte na nag-eexist na babae kundi isang Alex na lalake.
Kasalanan ko ba kung mas gusto kong manamit na parang isang lalake dahil dun ako komportable?
Siguro nga I act as a guy pero kahit ganun I'm still a girl, in my heart and in my soul.
I've been silently loving a guy for the past five years at sa tingin ko hanggang dun nalang talaga un.
Kasi he loves me not... Tama... He loves me not...
"Alex, tara punta tayo kila Janna? Kasama daw niya si Irish, dba crush mo un?"
"Wala ko sa mood..." Lagi na lang si Janna. Nakakasawa na. At kilan ko pa naging crush si Irish? buti kapa alam mo, samantalang ako hindi. Ikaw nga ung gusto ko, ang bulag bulag mo kasi. Matutuklaw ka nalang ng ahas ndi mo pa nakikita. Tanga... pero mas tanga ko.
"Ano? sasama ka ba? may goodnews pa naman ako sayo? Tara na..." sabay hawak mo sa kamay ko. Paano pa ba ko makakatangi sayo? sa tuwing hahawakan mo ung kamay ko nanghihina na ko. At sa tuwing katabi kita para kong nauupos na kandila at ung puso ko para ng sasali sa karera sa bilis ng tibok.
"Sige na nga. Ano ba ung goodnews mo?"
"Basta malalaman mo din," sabay ngiti mo. Ayan ngumingiti ka na naman, ndi mo lang alam dahil sa ngiting yan mas lalo lang akong nahuhulog sayo, kakayanin ko pa bang makabangon nito?
Habang nasa daan nakaakbay ka sakin. Ang saya saya ko pakiramdam ko kasi mayroong "tayo" kahit alam ko namang hindi mangyayari un. Iniisip ko tuloy baka nakikita mo din ako bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan, at kaklase mo. Makukuntento na lang ako sa kung anong meron tayo, sana lang huwag kang mawala sa tabi ko kahit na parang imposible un.
Masayang masay si Janna ng salubungin niya tayo at kitang kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan ng lumapit ka sa kanya at inakbayan siya. Sana nanaginip lang ako kung isa nga lang ba itong panaginip. Gustong gusto ko na kasing magising. Pero kahit anong gawin ko alam kong ito ang realidad. Gustuhin ko mang takpan ang mata ko at tainga ko para hindi ko makita at marinig sinabi mo. Huli na ang lahat.
"Kami na ni Janna," ang sabi mong kulang na lang mawasak ang labi mo sa pagkakangiti mo. Kayo na pala, ang saya saya niyo na samantalang nagpira-piraso naman ang puso ko.
Sana kaya ko ding sabihin sayong "masaya ko para sayo," pero sorry ah isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isukli sa inyo.
Sa tuwing titingnan ko siya mas lalo ko lang napapansin na hindi niya ko makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya. Kasi kahit anong gawin ko isa akong lalake sa paningin nya.
And I know He'll never see me the way I see him...
-----
isa lamang kwentong barbero.... =)
8/27/10
TERMINAL
Nagsimula ng pumatak ang ulan. Mula sa labas ng sinasakyan ko ay kitang kita ang mga taong nagmamadaling nagtatakbuhan para may masilungan dahil tulad ko wala rin silang dalang payong. Sa tuwing uulan hindi ko na kailangan pang mamroblema dahil alam kong hinihintay mo ako. Hindi na rin ako nagugulat sa tuwing makikita kita sa may terminal ng sakayan at sinasalubong ako ng ngiti.
"Hindi ka na naman nagdala ng payong, alam mo namang tag-ulan na. Pano na lang kung hindi kita susunduin siguradong para kang basang sisiw niyan," sermon mo sa akin.
"Nakalimutan ko kasi...," ngingiti-ngiting sagot ko sayo.
"Pasalamat ka may mabait kang boyfriend."
"Thank you Lord, binigyan niyo ko ng isang mabuting boyfriend."
Ngingitian mo lang ako.
----
"Miss, hindi ka pa ba bababa?"
Nagising ako sa boses ng driver.
"Pasensiya na po, bababa na ko."
Pagkababa ko sa jeep, nakita kitang kumakaway mula sa di-kalayuan na nakangiti sakin, may dala-dala kang payong. Patakbo kong tinungo ang lugar na kinatatayuan mo.
Isa...
dalawa...
tatlo...
apat... malapit na ko sayo.
lima...
anim...
pito...
walo...
Pero bakit ganun? Habang palapit ako ng papalapit sayo, unti-unti kang nawawala sa paningin ko, kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.
Hindi na nga pala kita makikita kahit kailan...
Dahil wala kana...
Wala ka na sa mundong ito...
8/20/10
ILUSYON
Minsan na kitang nakasalubong... pero pinilit kitang iwasan...
Minsan na rin kitang nakabangga pero isang mapait na patawad ang iyong sinabi...
Akala ko noon hindi na kita muli makikita...
Hindi na muling mararamdaman...
Pero dahil sa kakaiwas ko sayo sa maraming pagkakataon, nahulog na naman ako sa patibong mo. Nakakatawa kasi maraming beses na kitang pilit na iniwasan. Ayoko na kasing masaktan, takot na rin akong magtiwala at muling magmahal. Sabi nga nila isa akong malaking hangal dahil kahit anong gawin ko hinding hindi kita maiiwasan. Tama nga sila... Isa talaga akong malaking hangal dahil sa kakaiwas ko sayo, mas lalo lang akong nahuhulog sayo. Mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko...
Minsan ko ng naramdaman kong gaano kasarap ang magmahal. Ganunpaman, kung gaano naman kasarap sa pakiramdam, ilang libong sakit naman ang dulot nito sa puso ko na para bang pinag-pirapiraso. Unti-unti itong nadudurog... Unti-unting nawawasak...
Mahal kita...
Mahal mo ako...
pero kahit kailan walang tayo... at hindi magkakaroon.
Dahil ikaw at ako ay mula sa magkaibang mundo.
8/18/10
COINCIDENCE
Last week ng mag-open ako ng fb nagtaka ko ng makatanggap ako ng 1 message. Kung gusto niyong itanung kung anong kataka taka eh dahil sa kataka taka talaga na makatanggap ako ng isang message.... Kasi wala namang nag-memessage sakin eh, bukod sa mga relatives at kaibigan syempre...hehehe
So ayun nga... inopen ko na at binasa galing sa isang lalakeng itago na lang natin sa pangalang bolero. Ayun nakikipagkaibigan si bolero at kung okay lang daw sa akin. Syempre dahil mabait naman si ako eh pumayag naman ang lola niyo kaya nagreply ako sa message niya. At dahil sa curious rin ako kung paano niya nalaman ang fb ko eh tiningnan ko ang profile niya, pasimpleng pagchecheck dahil baka may nagtitrip lang sakin...hehehe Sensya na adik lang...
Nakita ko din ang kanyang picture at ayun nga "pwede"... =p
Chinito si bolero. Sa totoo lang kung sa iba eh attractive sa kanila ang ganung mga mata pero para sakin eh hindi, pero dahil sa mata naappreciate ko na cute naman pala....hehehe
Isa lang sa napansin ko sa kanya ay payatot siya...hehehe (parang ang taba ko daw...)
Nung minsang may pinuntahan kami ng mama ko sa may novaliches naisipan muna naming kumain sa isang resto at dahil nga ang dami nilang customers eh muntik na ding maunsyami ang pagkain namin dahil sa ang tagal ng service eh gutom na si mader dear ko. Pero after a minute tinanung nadin ang aming order at ayun nga nakakain na din kami pagkatapos ng maraming pagod. Dun sa mismong resto na un napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Chinito na payat at may kasamang dilag, malamang sa oo na gf niya un kasi imposible namang kapatid niya eh hindi sila magkamuka. Tinitingnan ko siya kasi talagang sa tingin ko eh siya si bolero at nakakapagtaka lang dun eh, coincidence na nagkita pa kami sa iisang lugar. Un nga lang hindi niya siguro ako kilala... Naisip ko din na baka hindi siya un at kamuka niya lang siguro.
Kagabi nagkataong online siya at ganun din ako kaya nakapagchika chika kami ng kunti at tanungan portion. Inadd niya din ako sa fb. At dahil nacucurious na naman ang lola niyo eh tiningnan ko ang mga album niya at mga info baka kasi maging complicated pa ang buhay ko dahil sa kanya. At dun nakita ko ang picture nila ng kanyang labidabs. Tama, may gf na ang mokong at gusto pa makipagmet, aba'y lokong bata. Buti na lang d ako pumayag..nyahahaha.... Nung nakita ko ung kanilang picture dun ko narealize na sila talaga ung nakita ko sa resto.
Ang masasabi ko lang....
SMALL WORLD talaga....
8/13/10
DEAR eX
Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.
Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.
Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...
Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon...
Unknown...
walang value...
Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...
I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...
Nagmamahal,
eX-gf
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)