Ipinapakita ang mga post na may etiketa na broken. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na broken. Ipakita ang lahat ng mga post

5/31/11

Ewan

Naramdaman mo na bang ung pakiramdam na inip na inip ka pero hindi ka makaalis sa kinatatayuan mo?
Ung gusto mo ng humakbang pero nagdadalawang isip ka?
Ung iconvince ung sarili mong darating siya kahit na sa sarili mo hindi mo alam kung may darating nga ba?
Ung nagmumuka ka ng tanga pero sige pa rin...
Ung mag-antay pa rin kahit na alam mong walang kasiguraduhan?
Ung ngumiti kahit na naiiyak kana?
Ung piliting maging masaya kahit na sa loob loob mo gusto mo ng sumigaw...
Ung magalit pero para saan pa nga ba?
Ung umasa kahit na ayaw mo na...
Ung sabihin sa sarili mo na kakalimutan mo na pero heto at siya na naman ang iniisip mo...

5/21/11

Emosyon

Minsan ung inaakala mong realidad, panaginip lang pala...
Sa isang iglap bigla bigla na lang magbabago ang lahat sa ayaw mo man o sa gusto...
Ung inaakala mong mahal mo at mahal ka... Pakiramdam mo lang pala pero wala talaga...
Ung inaakala mong "kayo"...
"Ikaw" lang pala...
Naiwan kang naghihintay...
Umaasa...

At kahit na gaano mo pa kagustong kalimutan ang lahat...
Makikita mo nalang ang sarili mo sa isang sulok...
Nagdarasal... na sana panaginip lang ang lahat...
Na sana pagdilat ng mata mo...
Babalik na ulit sa realidad...
Na kahit na anong gawin mo makikita mo pa rin ang sarili mo...
Nakatanaw sa bintana...
Naghihintay...
Na ung sinasabi mong hindi kana aasa pa...
Andun pa rin sa kaibuturan ng puso mo...
Hinihiling na sana bumalik siya...
Na sana hindi ka niya tuluyang nakalimutan...
Na sana mali lang lahat ng inaakala mo...
Na sana totoo ang salitang sinabi niyang "Mahal kita" at "hindi ko na hahayaang mawala ka sa piling ko."


9/11/10

I LOVE YOU MORE...

"You promised that you'd never leave. Pero nasaan kana ngayon?." Tulad kahapon, at sa mga susunod pang araw andito pa rin ako. Umaasa na darating ang time na bumalik ka. Na isang araw may taong hahawak sa balikat ko at pag lingon ko, ikaw ang makikita ng mga mata ko. 


Dalawang taon na rin simula ng umalis ka ng walang paalam at hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit humantong sa puntong hindi mo kailangang sabihin sakin na aalis ka pala. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ako... 
Hindi ko din alam kung dapat pa ba akong umasa... 

Susuko na ba ko? iyon lagi ang tanung na gumugulo sa isip ko, pero sa tuwing maguguluhan ako at mawawalan ng pag-asa maalala ko lang ang ngiti mo, babalik na naman sakin ang lahat. Kung bakit kita kailangang hintayin at kung bakit ako narito ngayon sa lugar na ito. Nakatingin sa malawak na karagatan habang unti unting natatakpan ng mga ulap ang araw. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong manatili sa lugar na ito o kung tama pa bang umasa akong darating ka.

Pero maghihintay pa rin akong bumalik ka...
Maghihintay ako...

Nangako kang hindi mo ako iiwan, pero nasaan ka na ba ngayon? Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha kong kanina pa pinipigilan. 

Magpakita kana please... 
Miss na miss na kita eh... 
mahal na mahal kita...

"Nasaan ka na ba kasi?"...

"Naiinip na kong maghintay sayo eh... Nasaan ka na ba?"

Nakaramdam ako na para bang may isang taong nakatingin mula sa likod ko. Napangiti ako. Alam kong darating ka... Alam kong hindi mo ako matitiis... 

Denver. ..

Paglingon ko nakita ko ang lungkot sa iyong mukha. Unti-unting nagbago ang ngiting kaninang nakaguhit sa labi ko at napalitan ng lungkot. 

Ipinikit ko ang mata ko, ayokong ng makita at marinig ang kung ano mang sasabihin mo.

"Im sorry..."

Bakit? Bakit? at bakit? iyon lang ang tanging tanung sa isip ko. Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko bumalik na sa dati ang buhay ko. Iyong masaya tayong dalawa. 

"wala na si kuya"...

Si Dennis ang nasa harap ko ngayon at hindi si Denver, ang kakambal niya. Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kakambal mo, ang sabihin sakin na wala kana. All along wala na kong hinihintay. Matagal na pala kong naghihintay sa isang taong matagal na rin akong iniwan. Ang saklap naman. At ang sakit sakit.... 


"Matagal na siyang patay. He died because of leukemia."

I'm sorry Celine hindi ko na kayang panindigan ang pangako ko sayo.
I love you...
Denver
I love you more....

5/22/10

kwentong ADIK

"Kapag nagmamahal hindi naman kilangan ng mata kundi puso dba?"
sabi ni adik

Sa lahat ng mga salitang sinabi niya sa akin, yan ang pinaka tumatak sa isip ko. Bakit? Kasi ldr (long distance relationship) kami, oo ilang milya ang layo niya sakin. Tipong ako nasa earth samantalang nasa mars naman siya. Kung tutuusin nasa iisang bansa naman kami. Pwede kaming magkita kung gugustuhin pero sadyang hindi umaayon ang pagkakataon. 

Si adik, siya iyong kapatid ng isang kaworkmate/kaibigan ko si pol. Nasa leyte siya at andun na rin ngayon ung kaibigan ko dahil sa parehas silang nag-aaral. Paano ko nga ba nakilala si adik? Simple lang dahil sa hi-tech na tayo ngaun malamang gamit ang cellphone. Binigay siya ni pol na textmate sa akin dala na rin ng kabagutan ko naisipan ko siyang itext at simula nun naging magkatextmate na kami. Masarap siyang katext kasing sarap ng ice cream at black forest na cake. May sense kasi siyang kausap kumpara sa ibang katext ko na wala na atang maisip itext eh ang nakakaumay na "anu gawa mo?", "kamusta kana?". Pero siya sa halos araw araw na magkatext kami laging may bagong topic, kumbaga hindi kami nauubusan ng sasabihin sa isa't isa. Simula nun pinagkatiwalaan ko na siya. Inoopen ko sa kanya lahat ng tungkol sa buhay ko, lahat ng kadramahan, lovelife at lahat ng pwede kong ikwento sinabi ko sa kanya. Naging magaan ang loob namin sa isa't isa. Masaya ako kapag katext ko siya na minsan pa nga parang may kulang kapag hindi ko siya nakakatext. Pero hindi pa namin nakikita ang isa't isa. Hanggang isang araw nagsend siya ng mms at ganun din ako sa kanya. Sa totoo lang hindi naman siya gwapo, tipong pangkaraniwan lang din tulad ko. Nagsimula na din kaming magtawagan nun. Natatawa pa nga siya kasi ang astig ko daw magsalita na para bang siga sa kanto. Akala niya muka akong maton kaya naman nagulat daw siya ng makita ako sa friendster, cute naman daw pala ako(ahem..hehehe).
Tinuring ko siyang bestfriend ko kasi sa halos araw araw na ginawa ng diyos siya lagi ang nakakausap ko. Kapag masama ang loob ko tatawag siya para tanungin kong okey lang ba ako. Pag malungkot, patatawanin na akala mo ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Isang araw nagkaroon kami ng problema, nalaman ko kasing may gf na siya na hindi ko man lang alam tapos nawrongsent pa siya sa akin. Alam ko wala naman akong karapatang magalit sa kanya ang point ko lang kasi sana man lang kahit pano pinagkatiwalaan niya din ako na tulad ng pagtitiwala ko sa kanya. Pero sabi niya ayaw niya daw sabihin dahil sinabi ko sa kanya na kapag may gf na siya hindi na ako magtetext dahil ayokong makasira ng relasyon. Umabot din ng ilang linggo na hindi ko siya tenext samantalang sige parin siya sa pagsosorry sakin para lang magtxt ako uli. Tapos isang araw tumawag siya na pinakialaman naman ng kapatid ko at sinagot kaya inagaw ko ang cp ko at pinatay ang tawag niya, pero pagkatapos nun pinatawad ko na siya. Balik sa normal tulad ng dati. Sinabi niyang nagbreak na sila ng gf niya dahil wala lang naman daw un at dahil na rin sa malayo din sila sa isa't isa. Atsaka ayaw naman daw niyang mawala ako sa kanya dahil mas mahalaga ako dun sa naging gf niya at mas una daw niya ako nakilala at ayaw niyang masira kung ano man ang meron kami kahit na wala naman kaming relasyon. Sa isang banda nakakatuwang isipin na mas pinili niya ako sa gf niya pero nakakalungkot dahil parang ako pa ang dahilan kung anong nangyari sa kanila.
One time nagulat ako ng bigla nalang magtxt ang exbf ko (si 1st bf) tapos tumawag pa siya na parang tinatanung niya kung pwede pa daw ba kami? Akala ko magiging ok na ung lahat that time pero hindi pala kasi para lang akong umasa sa isang pangakong hindi naman natupad. Gulong-gulo ung isip ko that time, nasasaktan din ako dahil parang pinapamukha sakin ng ex ko na ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari nun samin. Kaya naman tenext ko si adik, humingi ako ng advice. Pero nung time na un pakiramdam ko wala siya sa mood kausap, ewan ko kung bakit ayoko namang mag-assume na nagseselos siya dahil wala naman dapat. Pero pagkatapos nung time na un after a week hindi na rin siya nagparamdam sakin. Para nga siyang gumanti sa ginawa ko sa kanya nung nag-away kami. Nagtxt lang siya nung sinabi kong wala namang nangyaring balikan samin ng ex ko dahil mukang useless na un samin.
Dumating ang time na isang araw inamin niya sa akin na may feelings na siya for me. Sabi niya hindi daw niya expected un kasi nga sino ba namang maiinlove sa isang taong hindi mo pa nakikita ng personal? Nagulat ako pero flattered ako sa sinabi niya. Pero pagkatapos nun sinabi ko sa kanyang hindi kami pwede kasi ayoko ng long distance relationship dahil naranasan ko na un before at nadala na ko. Pero ang kulit kulit niya na iba raw siya sa mga un at patutunayan niya un sakin. Sinabi kong friendship lang ang kaya kong i-offer kasi on that way hindi magiging kumplikado, friendship lasts a lifetime. Ibang level na kasi kapag may relasyon parang nagiging kumplikado ang lahat at ayoko naman siyang mawala sakin. In some point nagiging selfish na nga ako  pagdating sa kanya. 
Pero nung sinabi niyang nagbago na ung isip niya at magmomove on na daw siya, nagbago ung isip ko. Pumayag ako na bigyan siya ng chance. I told him na sana hindi niya sayangin un kasi huli na un at sa isang taon at limang buwan ng friendship namin, kilala na din naman niya ako. Alam niya na kung anong ayaw at gusto ko at kung anong makakapagpasama ng loob ko. Nakakatuwa nga kasi sasabihin ko palang sa kanya pero alam niya na, sabi niya ganun daw talaga pag nagmamahalan magkarugtong ang mga puso pati ang isipan. Umabot din kami ng 6 months at doon na din natapos ang lahat. Sa anim na buwan na iyon ginawa ko ung best ko para mapasaya ko siya kahit na ilang milya ang layo naman sa isa't isa. Pero siguro nga were not meant to be. Hindi ko lang matanggap na pagkatapos ng lahat after 4 months ang dami dami ko pa atang hindi alam tungkol sa kanya. Ayoko siyang husgahan dahil kahit papano ramdam ko naman ung pagmamahal niya nun para sa akin pero sa mga nalaman ko hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galit sa kanya. Pakiramdam ko kasi he betrayed me behind my back. I'm still hoping na sana marinig ko ung side niya pero wala. Kunsabagay useless na din naman kasi wala ng "kami." Nakakainis lang dun kasi naging totoo ako sa kanya pero parang napaglaruan lang ako ng wala akong kamalay malay. I just only want a little respect pero parang ipinagkait pa ata un sakin, masaklap dun dahil sa lahat ng tao siya pa ang gumawa nun.
Last night tenext ko siya pero no response. Nakita ko siyang online so nagmsg ako sa kanya pero no response pa din... ang tanga tanga ko kasi mas gusto ko pa din siyang paniwalaan kahit paano pero seems that wala na ung halaga...
Ung galit ko sa kanya last time parang icecream na mabilis natunaw. Siguro kasi kahit paano naniniwala pa din ako sa mga sinabi niya. Pambobola man un o totoo, naniniwala ako sa kanya. Sana bukas paggising ko wala na siya sa isip at puso ko. Sana wala ng maiwan kahit na katiting na pagmamahal kasi nasasayang lang...
Hindi ko na din alam kung anong salitang dapat sabihin... I'm trying to be ok... Sana magawa ko...

5/10/10

I HATE YOU...

I hate him...

I even hate myself...

bakit kilangan niyang iparamdam sakin ung ganitong feeling na para ba kong isang basura para sa kanya...
Nakakainis...
Ang tanga tanga ko talaga...
I trust him with all my heart.. tapos in the end malalaman ko na it was just a game..
Shit talaga...
Sana sinabi mo sakin para naman inenjoy ko masyado ung larong un... Paksyet...
Nakakainis ka talaga...
The worst thing is I still wanted to believe with your words...
Tell me, talaga bang wala lang un para sayo? 
Para saan pa ung pagpapadala mo ng stuff toy? anu un profs mo lang?
My gulay naman oh! sana hindi kana nag-effort para lang makipaglaro sakin...
Ngayon sobrang saya mo ba? dahil napaniwala mo ko? at dahil nagago mo ko ng bonggang bongga?
I salute you... sobrang galing mong artista eh... alam mo un pang famas award eh... as in...

Ang tanga tanga ko talaga... nakakainis...
Naisahan mo ko dun ah...
All this time akala ko totoo lahat ng pinakita mo un naman pala scripted ata lahat ng un...
Shit talaga...
Of all people bakit ikaw pa? bakit ikaw pa na pinagkatiwalaan ko?
Wala naman akong ginawang masama sayo, pero bakit mo ko ginanito?
Bakit mo ko pinagmukang tanga?
Habang ang lahat ng tao alam na kung gaano ko kaengot eh ako naman walang kaalam alam...
Akala ko kasi iba ka...
akala ko hindi ka katulad niya...
pero shit, dinaig mo pa siya eh...
Marami talagang namamatay sa maling akala at isa na ako dun...
Isa sa mga tanga...

Ngayon tuloy natatakot na kong magtiwala ulit...
Lahat nalang ng pinagkakatiwalaan ko, palpak...
Akala ko pagdating sayo tumama ako, un pala sablay din...
Akala ko magaling na ko kumilala ng tao...
Ndi pa rin pala...

Nice game...
Nag-enjoy ako...