Ipinapakita ang mga post na may etiketa na letter. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na letter. Ipakita ang lahat ng mga post

9/13/10

DEAR eX (part 2)

Minsan hindi ko maiwasang hindi maitanong sa sarili ko ang isang bagay... "bakit nga ba tayo nauwi sa hiwalayan?" Sino nga bang bumitaw? ako o ikaw? Ang dami dami kong tanung na what if and if only? Pero pag nasagot ba iyon babalik pa sa dati ang lahat. Babalik ba tayo sa kung anong meron tayo noon? Ayoko na ring mabuhay na panay what if at if only kasi wala namang mangyayari eh. Baka maging bitter lang ako imbes na maging better. Natanggap ko na namang wala ng ikaw at ako. Sa madaling salita, malabo ng maulit ang tayo. Kasi kung uso ang second chances para sa iba, d naman natin alam ang salitang un. Second chances? para lang un sa dalawang taong may pag-asa pang mabuo ulit ang relasyon nila... para sa dalawang taong may pagmamahal pa... Take note dalawa hindi isa. Ako nalang naman kasi ung nagmamahal dba? ako na lang...

Ok na ko ngayon eh, back to normal na nga iyong buhay ko. Bumalik na din ung dating ako nung wala kapa sa buhay ko. Kaso ayan ka na naman. Para kang kabuteng bigla na lang lumilitaw at parang multong bigla nalang magpaparamdam. Itatanong mo kung kamusta na ko? Ano bang gusto mong malaman mula sakin? Na ok ako kanina pero dahil sayo naliligalig na naman ang mundong ginagalawan ko. Na hanggang ngayon ang lakas pa rin ng epekto mo sakin? Ayos ka din noh? ok na nga ko eh tapos ayan kana naman na para bang nang-aasar lang. Kung gusto mo ng laro, sorry hindi na ko pwede diyan iba nalang ang isali mo baka sakali mahanap mo ang katapat mo iyong tipong kayang lumevel sa galing mo, malay mo sa oras na un ikaw naman ang luhaan at sugatan at sa pagkakataong iyon, wag mo akong kalimutang tawagan huh? Promise tatawanan kita ng bonggang bongga...


-eX gF

6/8/10

MR. DREAM BOY

Dear Mr. DREAM BOY,


      Muli na naman tayong nagkita. Iyon nga lang lagi ka nalang nagtatago sa likod ng isang maskara, ni hindi ko man lang makita ang iyong mukha. Ganunpaman alam ko na sa puso ko natatangi ka. Ikaw lamang kasi ang tanging lalake na may kayang pabilisin ang tibok ng puso ko na mas mabilis pa sa rumaragasang sasakyan. Natatangi ka kasi nararamdaman ko kung gaano kabusilak ang pagmamahal na inaalay mo sa akin. Para sa akin isa kang perpektong nilalang. Lagi kang may natatagong surpresa para lang masilayan mo ang mga ngiti ko. Kulang ang mga salita para ilarawan kung gaano ka karomantiko, dahil dinaig mo pa si Vhong bilang Mr. Romantiko. 
Iyon nga lang sana sa muli nating pagkikita maging makatotohanan na ang lahat. Dahil kahit gaano pa kaganda ang panaginip ng dahil sayo, ayoko pa ring mabuhay sa isang imahinasyon lamang. Mas gugustuhin ko pa ring magising sa isang katotohanan na ikaw ang kasama ko.

Hanggang sa muli nating pagkikita...




Nagmamahal,
your DREAM GIRL