Ipinapakita ang mga post na may etiketa na fiction. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na fiction. Ipakita ang lahat ng mga post

2/24/12

DEAR CRUSH,

Kanina naisip kong i-search sa facebook ang pangalan mo. Akala mo siguro hindi na kita natatandaan ano?Ikaw pa, eh kabisadong kabisado ko kaya ang buong pangalan mo. Pwede kong makalimutan ang iba pero hindi ikaw. Nakakatuwa nga kasi wala ka pa ding pinagbago pagkatapos ng maraming taon. Kung anong itsura mo noong elementary tayo, ganun pa din sa ngayon. At tulad dati payat ka pa din. Hehe

Matagal na kitang crush, alam mo ba yun? Hindi ko alam kung nahahalata mo pero sana naman hindi, nakakahiya kasi. Alam mo ba kung bakit kita nagustuhan? Ang totoo niyan eh, hindi ko din alam. Siguro nagsimula un noong sinimulan mo akong asarin. Maliit kasi ako at dahil dun naging madalas ang pang-aalaska mo sakin pero kahit ganun napapangiti na rin ako sa atensiyong binibigay mo sakin. Masaya ko dahil kahit papano naappreciate mo ako kahit sa paraang hindi ko gusto. 6 footer, yan ang madalas mong asar sa akin noon sabay ngisi mo pa. Ang sarap mo nga sanang batuhin ng floorwax at bunot. Nakakapikon ka din naman kasi, napapahiya ako sa mga classmates natin, naiinsulto ako sa sinasabi mo. Ang yabang mo kasing magsalita purke't matangkad ka sakin. Samantalang parang isang ihip lang ng hangin sayo eh parang matutumba kana. Imbes na magalit at mainis sayo, isang ngiti mo pa lang eh nawawala ng parang bula ang inis ko. Sabi nila magkahawig daw tayo at tuwing sasabihin nila un, iba ung tuwang nararamdaman ko. 

Pero isang araw inaasar kana sa isang classmate din natin na di hamak na maganda at dalagang tingnan di tulad ko. Nasasaktan ako sa tuwing maririnig kong mga pangalan niyo sa loob ng klase samantalang sa ibang classmate naman natin nila ako inaasar. Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanila na sana ikaw at ako na lang ang asarin nila. Siguro malamang eh walang pagsidlan ang tuwa ko nun at ndi maipinta ang ngiti ko. Pero habang tinitingnan ko ang profile mo sa fb lungkot naman ang nararamdaman ko dahil habang para sakin ikaw ang no, 1 sa puso ko samantalang para sayo iba naman ang laman nito. Masakit dahil hanggng ngayon mukang mananatiling fan mo lang ako.

Ikaw pa rin ang gusto ko kahit na may iba ng laman ang puso mo....


-seatmate

6/17/11

hakbang mula sa puso mo



Sa bawat hakbang mo gustong gusto kong tumakbo at hawakan ang kamay mo...
Isigaw at sabihin na huwag mo kong iwan...
Pero sa bawat salitang lumabas sa bibig mo...
Unti unti nitong dinurog ang puso ko...

Isang hakbang...
Makakaya ko bang mawala ka?

Pangalang hakbang...
Totoo ba ang lahat o isa lamang itong panaginip?

Pangatlong hakbang...
Tuluyan ka na bang mawawala sakin?

Pang-apat na hakbang...
Hanggang dito na lang ba tayo?

Ilang hakbang ba ang dapat kong gawin para manatili kang akin???

2/18/11

Eksena

"Ikaw kasi iniwan mo ko..."

Iyon na ang pinakaistupidang ginawa ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya at sa harap ng ibang taong nasa paligid namin. Ang alam ko lang hinding hindi ko na mababawi ang anumang salitang binitiwan ko. At oo, pinagkanulo na ko ng sarili kong nararamdaman. Ngayon ko narealize na bitter pa rin ako sa break up namin noon.
Ang bitter na para lamang sa ampalaya.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang reaksiyon niya ng mga sandaling iyon.
Nakatitig lamang siya sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot.
Ni hindi siya nagsalita ng kahit na ano pero ramdam ko ang pares ng matang nakatingin sa akin nung nilisan ko ang lugar na iyon.

Ni sa panaginip hindi ko naisip na makikita ko pa siya pagkalipas ng 10 taon. Ang gabing naging simula ng pagkagulo ng buhay ko.


-------

10/6/10

HILINg...

"Masaya ka ba Kelly?" Napatitig ako sa lalakeng kaharap ko ngayon. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanung niya? Kung tutuusin dalawang sagot lang naman ang pwede kong sabihin sa kanya... "Oo" o "Hindi"... Ngayon ano bang dapat piliin ko sa dalawa? Bahagya akong napangiti. Imbes na sagutin ang tanung niya, tanung din ang ibinalik ko sa kanya.

"Ano bang klaseng tanung yan Jerome?," pabalewalang balik tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman sinagot ang tanung ko eh," seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw ng mga tingin niya. Ano bang dapat kong isagot? Mag-isip ka Kelly. Pakiramdam ko nabablangko ako lalo na dahil sa titig niya sa akin. Masaya naman ako pero---. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan.

"Ano bang meron tayo, Jerome...," wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Kelly"... Napapikit ako... Ayokong makita ang reaksiyon niya sa tanung ko. Ayokong makita ang pagkalito sa mga mata niya. Ayokong makita ang isang bagay na pwedeng makasira ng isang magandang araw na ito.
At ayokong masaktan sa pwedeng sabihin niya... AYOKO... dahil naduduwag ako. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, pero mas pinili kong ipikit ang mata ko.

"Kelly,"... Ayan na naman...  Yan lagi ang naririnig ko sa kanya sa tuwing itatanong ko sa kanya ang bagay na iyon, at matatapos sa katahimikan pero babalik na naman ulit sa dati at magiging okay na naman kami. Ano nga bang meron kami? Kahit ako hindi ko rin alam.
We hugged...
We kissed...
We are just like a couple..
Tama "like" kasi wala naman kaming relasyon. Ni hindi ko siya maipakilala sa mga kaibigan ko bilang boyfriend ko dahil kahit ako hindi ko alam kung anong meron kami. M.U bang dapat itawag doon? Mutual understanding o Malabong usapan? Ayun nga ba? Hindi ko alam... Nalilito ako... Alam kong mahal ko siya at nararamdaman kong mahal niya ako pero bakit hindi niya kayang sabihin sakin kung anong meron sa aming dalawa. Kahit kilan hindi ko pa narinig sa kanyang sabihin na "Mahal kita..." Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ko.


Pilit akong ngumiti."Kalimutan mo ng sinabi ko. Wala kasi akong maisip na sabihin eh."


"Hindi ka na ba masaya Kelly?",seryoso parin siya pero bakit parang may lungkot sa mga mata niya. Bakit? 

"Masaya pe---", unti-unti ng nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masaya ako pero--- pero parang may kulang...

"Kelly".... Lumapit siya't niyakap ako. Gustong gusto kong  tinatawag niyang pangalan ko, ewan ko ba pero para kasing iba ang dating kapag siya ang tumatawag sakin. Siguro ganun lang talaga kapag mahal mo ang taong un.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan, pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanung ni Jerome. Masaya ako basta nasa tabi ko siya kahit na hindi ko alam kung anong meron kami.

"Bakit ka ba umiiyak? Ikaw talaga...Werdo ka talaga minsan, kaya mahal na mahal kita eh..."

Napaharap ako sa kanya at napangiti. Sa wakas narinig ko ring sabihin niyang mahal niya ko.

"Masaya ko... masaya ko basta't nasa tabi kita."


-the end-

sorry kornik eh...hehe


ung request ko pong pic greetings...hehehe... thanks much

9/11/10

I LOVE YOU MORE...

"You promised that you'd never leave. Pero nasaan kana ngayon?." Tulad kahapon, at sa mga susunod pang araw andito pa rin ako. Umaasa na darating ang time na bumalik ka. Na isang araw may taong hahawak sa balikat ko at pag lingon ko, ikaw ang makikita ng mga mata ko. 


Dalawang taon na rin simula ng umalis ka ng walang paalam at hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit humantong sa puntong hindi mo kailangang sabihin sakin na aalis ka pala. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ako... 
Hindi ko din alam kung dapat pa ba akong umasa... 

Susuko na ba ko? iyon lagi ang tanung na gumugulo sa isip ko, pero sa tuwing maguguluhan ako at mawawalan ng pag-asa maalala ko lang ang ngiti mo, babalik na naman sakin ang lahat. Kung bakit kita kailangang hintayin at kung bakit ako narito ngayon sa lugar na ito. Nakatingin sa malawak na karagatan habang unti unting natatakpan ng mga ulap ang araw. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong manatili sa lugar na ito o kung tama pa bang umasa akong darating ka.

Pero maghihintay pa rin akong bumalik ka...
Maghihintay ako...

Nangako kang hindi mo ako iiwan, pero nasaan ka na ba ngayon? Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha kong kanina pa pinipigilan. 

Magpakita kana please... 
Miss na miss na kita eh... 
mahal na mahal kita...

"Nasaan ka na ba kasi?"...

"Naiinip na kong maghintay sayo eh... Nasaan ka na ba?"

Nakaramdam ako na para bang may isang taong nakatingin mula sa likod ko. Napangiti ako. Alam kong darating ka... Alam kong hindi mo ako matitiis... 

Denver. ..

Paglingon ko nakita ko ang lungkot sa iyong mukha. Unti-unting nagbago ang ngiting kaninang nakaguhit sa labi ko at napalitan ng lungkot. 

Ipinikit ko ang mata ko, ayokong ng makita at marinig ang kung ano mang sasabihin mo.

"Im sorry..."

Bakit? Bakit? at bakit? iyon lang ang tanging tanung sa isip ko. Sana panaginip lang ang lahat. Sana paggising ko bumalik na sa dati ang buhay ko. Iyong masaya tayong dalawa. 

"wala na si kuya"...

Si Dennis ang nasa harap ko ngayon at hindi si Denver, ang kakambal niya. Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kakambal mo, ang sabihin sakin na wala kana. All along wala na kong hinihintay. Matagal na pala kong naghihintay sa isang taong matagal na rin akong iniwan. Ang saklap naman. At ang sakit sakit.... 


"Matagal na siyang patay. He died because of leukemia."

I'm sorry Celine hindi ko na kayang panindigan ang pangako ko sayo.
I love you...
Denver
I love you more....

9/9/10

GOODNEWS

"He loves me not... muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang isang talutot na lang ng gumamela ang natitira sa hawak kong kanina'y isang magandang bulaklak, pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makitang may isang maliit pa palang parte...
"He loves me... not... " Madaling dayain ang sarili at isiping iisa na lang ang talulot ng gumamelang natitira sa hawak kong tangkay ng bulaklak para lang pagaanin ang loob ko. Na sana kahit man lang sa ganitong paraan marinig ko ang salitang matagal ko ng inaasam. Pero sadyang ipinagkait sakin ang tanging lalakeng ilang taon ko ng lihim na minamahal, si Yuan Miguel Isidro ang schoolmate ko.

He loves me not...
He loves me not...
He loves me not... iyon ang pilit kong itinatatak sa isip ko. 

Hindi niya ko mahal. At kailanma'y hindi mamahalin.
Para sa kanya walang Alessandra Samonte na nag-eexist na babae kundi isang Alex na lalake.

Kasalanan ko ba kung mas gusto kong manamit na parang isang lalake dahil dun ako komportable? 
Siguro nga I act as a guy pero kahit ganun I'm still a girl, in my heart and in my soul.
I've been silently loving a guy for the past five years at sa tingin ko hanggang dun nalang talaga un.
Kasi he loves me not... Tama... He loves me not...

"Alex, tara punta tayo kila Janna? Kasama daw niya si Irish, dba crush mo un?"

"Wala ko sa mood..." Lagi na lang si Janna. Nakakasawa na. At kilan ko pa naging crush si Irish? buti kapa alam mo, samantalang ako hindi. Ikaw nga ung gusto ko, ang bulag bulag mo kasi. Matutuklaw ka nalang ng ahas ndi mo pa nakikita. Tanga... pero mas tanga ko.

"Ano? sasama ka ba? may goodnews pa naman ako sayo? Tara na..." sabay hawak mo sa kamay ko. Paano pa ba ko makakatangi sayo? sa tuwing hahawakan mo ung kamay ko nanghihina na ko. At sa tuwing katabi kita para kong nauupos na kandila at ung puso ko para ng sasali sa karera sa bilis ng tibok.

"Sige na nga. Ano ba ung goodnews mo?"

"Basta malalaman mo din," sabay ngiti mo. Ayan ngumingiti ka na naman, ndi mo lang alam dahil sa ngiting yan  mas lalo lang akong nahuhulog sayo, kakayanin ko pa bang makabangon nito?

Habang nasa daan nakaakbay ka sakin. Ang saya saya ko pakiramdam ko kasi mayroong "tayo" kahit alam ko namang hindi mangyayari un. Iniisip ko tuloy baka nakikita mo din ako bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan, at kaklase mo. Makukuntento na lang ako sa kung anong meron tayo, sana lang huwag kang mawala sa tabi ko kahit na parang imposible un.

Masayang masay si Janna ng salubungin niya tayo at kitang kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan ng lumapit ka sa kanya at inakbayan siya. Sana nanaginip lang ako kung isa nga lang ba itong panaginip. Gustong gusto ko na kasing magising. Pero kahit anong gawin ko alam kong ito ang realidad. Gustuhin ko mang takpan ang mata ko at tainga ko para hindi ko makita at marinig sinabi mo. Huli na ang lahat.
"Kami na ni Janna," ang sabi mong kulang na lang mawasak ang labi mo sa pagkakangiti mo. Kayo na pala, ang saya saya niyo na samantalang nagpira-piraso naman ang puso ko.   
Sana kaya ko ding sabihin sayong "masaya ko para sayo," pero sorry ah isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isukli sa inyo.

Sa tuwing titingnan ko siya mas lalo ko lang napapansin na hindi niya ko makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya. Kasi kahit anong gawin ko isa akong lalake sa paningin nya.


And I know He'll never see me the way I see him...


-----

isa lamang kwentong barbero.... =)

8/13/10

Dear Mr. Stranger

Kanina habang naglalakad ako papauwi, nakasalubong na naman kita. Mag-isa ka lang naglalakad tulad ko. Sa itsura mo, mukhang napakasuplado mo at para bang nakakailang kang kausapin pero kahit ganun ang lakas ng dating mo sakin. Ito na siguro ang pang labin-limang beses na pagtatagpo ng landas natin. Nacucurious na nga akong malaman kung anong pangalan mo. Kaso alam ko naman na para sayo isa lamang din akong estranghero katulad mo sakin. Maaaring madalas magtagpo ang landas natin pero gaya ko napapansin mo din kaya ang isang tulad ko? Binibilang mo din kaya kung ilang beses na tayong nagkakasalubong? Naiisip mo din kaya ang iniisip ko sayo?

Sa tuwing uuwi ako galing sa skul, lagi nga akong excited eh. Kasi siguradong makakasalubong na naman kita. Akala nga ng mga classmates ko, may susundong boyfriend sakin dahil abot tenga daw ang ngiti ko. Ngingitian ko lang sila pagkatapos nun nagmamadali na kong sumakay sa sakayan baka kasi mahuli ako ng isang minuto at hindi kita makita. Pihidong malulungkot ako nun. Ewan ko ba pero sa ngayon kasi makita lang kita masaya na ako. Masayang masaya...

Eksaktong 5:30 ng hapon nakababa na ko ng sasakyan at naglalakad na ako papasok ng village. Binagalan ko ng maglakad pero ni anino mo hindi ko nakita. Halos araw-araw ganitong oras papalabas kana ng village samantalang papasok naman ako pero bakit ngayon wala ka pa rin? Nasaan ka na ba? Ibig bang sabihin nito hindi kita makikita?

Pinagmasdan ko ang langit, unti unti itong nababalutan ng kadiliman katulad ng lungkot na nararamdaman ko ngayon. Nagsimula ng pumatak ang ulan, kasabay ng pagpatak ng luha ko. Bakit nga ba ko umiiyak? Samantalang hindi naman kita kilala at ganun ka din sakin. Ni hindi mo nga napapansin na nag-eexist ako sa mundong ito. Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira, kung anong pangalan mo at lahat ng mga simpleng bagay tungkol sayo. Ang alam ko lang masaya ko sa tuwing nakakasalubong kita kahit na para sa iba ang ngiti mo.


Nagmamahal,
Ms. Stranger

8/8/10

KUYA



TAYA




Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Pero sa larong ito ako ang taya...
Ang naghahabol sa taong mahirap habulin dahil may hinahabol ding iba...
Kilan kaya kami mapapagod na maghabol sa bawat isa?


"Belle," tawag sakin ni ate.
"Bakit?"
"Uwi na daw sabi ni mama. Kakain na tayo."
"Sige ate, mauna ka na. Susunod na ako sayo."
"Dalian mo ah.."
"Oo.."


"Tan, laro ulit tayo mamaya ah. Babalik din agad ako,".

"Ok, sige pero isama mo ang ate keith mo ah."

"Pero--" gusto ko sana tayo lang ang maglaro.

"wala ng pero pero. Basta isama mo si Keith ah?" pilit na kumbinsi sakin ni Tan.

Nakakainis talaga siya. Napakamanhid niya. Bakit ba sa tuwing lumalapit ako sa kanya lagi na lang si ate ang nakikita niya. Nakakainis talaga.

"Oh! Belle, natulala kana diyan. Wag mong kalimutang isama ate mo ah para naman may aasarin ako."
Sana ako na lang ang asarin mo, bulong ko.

"May sinasabi ka ba?"

"wala, sige Tan. Eh, ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?"

"Sige, tara na nga tutal naman nagugutom na din ako eh."

Nakakatuwa naman kasabay ko siya at kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya.
Sana hindi lang si ate ang mapansin niya, mas maganda pa nga ako kay ate eh.

"Dito na pala tayo sa inyo eh. Asan ba ang ate mo?"sabay silip niya sa pintuan.
Napasimangot ako. Magkakuliti ka sana.

"Baka nasa kusina."

"Ah, sige aalis na ako. Hintayin ko kayo mamaya ah sabay ngiti niya."

Ang cute niya talaga, kaya gusto ko siya eh.
Iniwan na akong mag-isa ni Tan kaya pumasok na ko sa loob ng bahay ng bumungad sakin si ate. Naalala ko tuloy ung kanina.Napasimangot ako.

"Nanghahaba ata nguso mo Belle, may umaway ba sayo?,"

"Wala naman ate."

"May kasama ka ba kanina sa labas?"

"Wala."pagsisisnungaling ko.

"Para kasing narinig ko ang boses ni tan eh."

"Bat naman ako sasamahan ni Tan?,"naiinis ko pa ding sagot.
Bakit naman kaya tinatanung ni ate kung kasama ko si tan? D kaya may gusto rin siya kay tan? D pwedeng mangyari un, akin lang si ethan.

"Kunsabagay. Ikaw nawiwili kana dapat kuya ang tawag mo sa kanya ah. Mas matanda siya sayo ng isang taon."

"Kahit na. Hindi ko naman siya kapatid eh."

"Hindi nga, pero iba pa rin kung tatawagin mo siyang kuya dahil mas matanda pa rin siya sayo."

"Iba siya ate."

"Anong iba?"

"Ah, basta, sakin na lang un."

"Tena na nga dito sa kusina, kakain na tayo nila mama. Ang kulit mong bata ka."

----

"Oh, asan na ang ate mo belle?"

"Nasa bahay. May gagawin daw siya."

"Ah, d wag na tayong maglaro. Boring kasi kung tayo lang."

"Ayain na lang natin sila kuya Rick, Tan."

"Wag na bukas na lang. Tinatamad na ako. Gusto mo kayo na lang."
Tinatamad ka lang dahil wala si ate eh.

"Ano?"

"Wala naman akong sinasabi."

"Tara uwi na lang tayo. Samahan na lang natin ang ate mo."

"Ayoko pang umuwi."

"Ikaw ang bahala, pupunta na lang ako sa inyo."
Nakakainis talaga.

"Tara na?",naiinis kong aya sa kanya.

"Oh! kala ko ba ayaw mo pang umuwi?"

"Nagbago na ung isip ko. Dalian mo."
Hindi ako papayag na masolo mo si ate. Kala mo ah.

---

Nakaupo si ate sa labas ng bahay ng makita namin ni Tan. Lagot mukhang mabubuking ako, sa isip isip ko.

"Oh, bat ang bilis mo Belle? nakangiting tanung ni ate. Kasama mo pala si Tan."

"Akala ko ba may ginagawa ka Keith?"

"Ako?"napatingin sakin si ate saka nagsalita ulit. "Ah, oo kanina...pero tapos ko na naman."
Umupo naman sa tabi ni ate si Tan pero sumingit ako sa gitna.

"Tan, usog ka naman ang lawak lawak diyan eh."

Tatawa tawa lang si ate samantalang nakakunot-noo naman si Tan.
Siguro alam niyang gusto ko si Tan. Etong si Tan naman kasi ubod ng manhid, ndi naman siya bato na walang pakiramdam.

Ang nakakalungkot lang dun, iyon na pala ang huling araw na makikita ko si Tan.
Iyak ako ng iyak ng malaman ko un, samantalang parang balewala lang kay ate ang lahat. Siguro nga nagkamali ako ng hinila na gusto niya din si Tan.
Siguro nga magkaibigan lang talaga sila.

Habang hinahabol ko si Tan, lumalayo siya sakin para lapitan si ate.
Labing dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na un. Parang kailan lang. Nasaan na kaya si Tan? Kapag nakita ko kaya siya babalik ang nararamdaman ko para sa kanya?

Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa labas.
Boses ni ate at ng isang lalake. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas para tingnan. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake.

Walang iba kundi si Tan...
Si Ethan...


"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?"inis na inis na sigaw ni Ate Keith sa lalake. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?

"Hindi na kailangan, pulis ako."nakangising sagot ng lalake.

Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Tan na mahilig asarin si ate. Pero bakit kaya hindi man lang siya namukhaan ni ate? Samantalang unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya si Ethan. Tulad pa rin siya ng dati gwapo.
At tulad dati hanggang ngayon talagang si ate pa rin ang gusto niya.

"Ate, hindi mo man lang ba papapasukin si Kuya Tan?"nakangiti kong baling sa kanila.

Napatingin silang dalawa sakin sa may labas ng pinto. 
Kitang kita sa mukha ni ate ang pagkagulat samantalang nakangiti naman ng ubod tamis sakin si Tan, mali pala si kuya Tan.

"Kita mo, buti pa si Belle eh, nakikilala ako, samantalang ung lampa diyan ni hindi man lang ako makilala."

Napatingin si ate kay Tan, na para bang tinitingnan niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

"Ikaw pala. Sana kasi nagsabi ka na ikaw pala yan. Malay ko kaya noh."

"Ganyan ka naman eh. Pero kung si Rick un siguradong makikilala mo agad."

"Sus, kala mo lang..."

"Tara na pasok na kayong dalawa. Mukhang babagsak na ang ulan, ayaw niyo naman sigurong mabasa hindi ba?"

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko siyang kuya. Ito na siguro ang simula ng pagsuko ko. 


Sa larong ito, minsan na akong naging taya kaya hindi na ako magpapataya pa.
Ayoko ng maghabol sa taong may hinahabol namang iba.

Sana dumating ang araw na may isang taong gustuhing maging taya para habulin naman ako.






7/25/10

TAYA

Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Ngayon, sa larong ito magpapataya ka ba?
O ikaw ang magpapahabol?


Napangiti ako ng makita ang mga batang naghahabulan sa labas ng bahay. Naalala ko tuloy ang kababata ko.
Simula pagkabata paborito namin ang larong habulan. Madalas ngang ako ang taya...

"Taya ka Keith" sabay hawak ko sa braso nya. 
Tanda na nataya ko na siya. Gustong gusto ko siyang tayain dahil bukod sa mabagal siyang tumakbo eh may pagkalampa pa. Kaya nga inis na inis siya sakin dahil bukod sa madalas ko siyang asarin, basta ako ang taya siguradong siya ang susunod.

"Nakakainis ka talaga! tan. Bakit ba kasi laging ako ang tinataya mo? eh ang dami dami naman nating naglalaro?"

"Wala lang, alam ko kasi hindi ako mapapagod sa paghabol sayo, nakangisi kong sagot.
Eh, ikaw nga laging si Rick ang hinahabol mo," dagdag ko pa.

"Ang yabang mo talaga," iritado sabi niya sabay irap sakin. "Wala ka ng paki kung siya man gusto kong tayain."

"Sus, palibhasa crush mo un noh?" biro ko pa.

"Hindi kaya noh..." defensive mo namang sagot pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi mo.

Pilit akong napangiti. Sana pala hindi ko na tinanung pa un sayo, ayan tuloy nasaktan lang ako.

"Sige, uwi na ako," paalam ko sayo.

"Sige, buti pa nga."

Sa tuwing tumatakbo ako papunta sayo, ikaw naman tumatakbo papunta sa kanya.
Lagi na lang bang ganito? Hahabulin kita tapos hahabulin mo siya.
Sana kahit minsan habulin mo naman ako.

---

Labing-tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makita. Simula noong lumipat kami hindi ko na siya nakita. Pinuntahan ko siya pero nalaman kong lumipat na rin pala sila ng bahay gaya namin.

Nasaan ka na kaya ngayon Keith?

Napatingin ako sa oras ala-singko ng hapon. Narinig kong tumunog ang cp ko at agad ko naman itong dinampot.

1 message
received


Couz, wag mong kalimutang pumunta sa kasal ko ah.
Madami dung chicks...=p

Tin2

Napangiti ako ng mabasa ko ang txt ng pinsan ko. Madaming chicks. Napabuntong hininga ako.
Ang gusto ko lang naman ay si Keith...
Magkikita pa kaya kami?

Hanggang ngayon pakiramdam ko ako pa rin ang taya.
Sila na kaya ni Rick? Sana naman hindi.
Matagal ng natapos ang laro pero kilan ako magsasawang habulin siya?

-----

Maaga akong gumising para pumunta sa kasal ng pinsan ko.
Mukhang matagal pa akong maghihintay dahil wala pang laman ang dyip. Umupo ako malapit sa may driver para hindi naman nakakahiya kung sakali mang makatulog ako. Inilabas ko ang ipod ko atsaka ko inilagay ang headset sa tainga ko.

"Malinta... Malinta..." tawag ng barker sa mga taong nagdadaanan.

Mga ilang minuto pa ay halos napuno na rin.

Mabilis lang pala sa isip isip ko. Mukhang hindi ako malalate.

"Miss, isa na lang sakay ka na," narinig ko pang sabi nung lalake sa labas pero hindi na ako lumingon.

Maya maya sinimulan ng paandarin ng driver ang dyip.

"Bayad po...toll gate lang," sabi ng isang boses babae sa may bandang dulo.

"Paki-abot naman po..." galing parin sa boses mula sa likuran.

Bingi-bingihan naman ang mga katabi niya sa isip-isip ko kaya pinilit kong inabot ang bayad niya kahit na ang layo-layo naman niya sakin.

Ang mukha niya parang nakita ko na siya kung saan.

"Salamat..." nakangiting sabi niya saka ibinaling niya ang tingin niya sa labas.

Pamilyar talaga ang mukha niya sakin. Siguradong nakita ko na siya kung saan. 
Isip Ethan..
Isip...

---

"Oh! ung bababa diyan ng toll gate pwede na dito," sabi ng Manong Driver.
Kumilos na rin ako para bumaba. Naunang bumaba ung babae. Nakawhite na may halong black na dress siya. Sa itsura niya mukhang may pupuntahan siyang okasyon. Saan kaya ang punta nya? Sa isang binyagan o kasalan?

Sumakay na ulit ako ng dyip papuntang Marilao.
Hay, bat naman kasi napakalayo ng bahay ni Tintin. Nakakapagod na.

Maya maya sumakay na rin ang babae. Nagkatinginan kami at halatang medyo nagulat siya ng makita ako.
Ang mata niya... pamilyar talaga sakin.

---

Ang bilis ng byahe andito na kaagad kami. Nagsimula ng bumaba ang ilan sa mga pasahero kasama na rin ang babae.
Kung ganun parehas lang pala kami ng lugar na pupuntahan. Sino kayang pupuntahan niya dito? sa isip isip ko.
Nauna na siyang maglakad sakin pero maya maya'y huminto siya atsaka may kinuha sa bag.

Napangiti ako. Hindi ba siya makapaghintay na makapag-ayos at dito niya pa nagawang magsuklay at magpulbos.
Ang mga babae talaga, oo.
Nauna na akong maglakad sa kanya.

---

"Auntie, asan na po sila?" tanung ko sa tiyahin ko.

"Ikaw pala Ethan... naku eh andun na sila sa munisipyo. Kung gusto mo pumunta ka na lang dun o gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"Eh, baka ho marami na kayong kasabay. Mauna na lang po ako sa inyo."

"Oh, siya sige. Inaantay ko pa din ang kaibigan ni tin-tin eh."

"Sige po, aalis na ko."

"Sige, ingat ka."

---

Pagdating ko ng munisipyo hindi ko makita ang pinsan ko kaya naghanap-hanap pa ako.
Patay kang bata ka, naku Ethan malalate kana lagot.
Nagmamadali akong maglakad ng may mabangga akong babae.

"IKAW???" chorus pa naming sabi sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ng pinsan kong si Tin-tin.

"Ah, hindi tin, nakasabay ko kasi siya sa dyip kanina.

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko," pagpapakilala niya.

Keith ang pangalan niya? sigurado akong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali, sabay napatingin ako sa direksiyon nila.
Tama... siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar siya sakin, napangiti ako. Napansin kong nagbubulungan sila at nagtatawanan.
D kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Salamat, nakita din kita.

Dito na kaya magtatapos ang larong ito?

Sa pagkakataong ito.
Sana siya naman ang maging taya.




-----tapos------