7/25/10

TAYA

Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Ngayon, sa larong ito magpapataya ka ba?
O ikaw ang magpapahabol?


Napangiti ako ng makita ang mga batang naghahabulan sa labas ng bahay. Naalala ko tuloy ang kababata ko.
Simula pagkabata paborito namin ang larong habulan. Madalas ngang ako ang taya...

"Taya ka Keith" sabay hawak ko sa braso nya. 
Tanda na nataya ko na siya. Gustong gusto ko siyang tayain dahil bukod sa mabagal siyang tumakbo eh may pagkalampa pa. Kaya nga inis na inis siya sakin dahil bukod sa madalas ko siyang asarin, basta ako ang taya siguradong siya ang susunod.

"Nakakainis ka talaga! tan. Bakit ba kasi laging ako ang tinataya mo? eh ang dami dami naman nating naglalaro?"

"Wala lang, alam ko kasi hindi ako mapapagod sa paghabol sayo, nakangisi kong sagot.
Eh, ikaw nga laging si Rick ang hinahabol mo," dagdag ko pa.

"Ang yabang mo talaga," iritado sabi niya sabay irap sakin. "Wala ka ng paki kung siya man gusto kong tayain."

"Sus, palibhasa crush mo un noh?" biro ko pa.

"Hindi kaya noh..." defensive mo namang sagot pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi mo.

Pilit akong napangiti. Sana pala hindi ko na tinanung pa un sayo, ayan tuloy nasaktan lang ako.

"Sige, uwi na ako," paalam ko sayo.

"Sige, buti pa nga."

Sa tuwing tumatakbo ako papunta sayo, ikaw naman tumatakbo papunta sa kanya.
Lagi na lang bang ganito? Hahabulin kita tapos hahabulin mo siya.
Sana kahit minsan habulin mo naman ako.

---

Labing-tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makita. Simula noong lumipat kami hindi ko na siya nakita. Pinuntahan ko siya pero nalaman kong lumipat na rin pala sila ng bahay gaya namin.

Nasaan ka na kaya ngayon Keith?

Napatingin ako sa oras ala-singko ng hapon. Narinig kong tumunog ang cp ko at agad ko naman itong dinampot.

1 message
received


Couz, wag mong kalimutang pumunta sa kasal ko ah.
Madami dung chicks...=p

Tin2

Napangiti ako ng mabasa ko ang txt ng pinsan ko. Madaming chicks. Napabuntong hininga ako.
Ang gusto ko lang naman ay si Keith...
Magkikita pa kaya kami?

Hanggang ngayon pakiramdam ko ako pa rin ang taya.
Sila na kaya ni Rick? Sana naman hindi.
Matagal ng natapos ang laro pero kilan ako magsasawang habulin siya?

-----

Maaga akong gumising para pumunta sa kasal ng pinsan ko.
Mukhang matagal pa akong maghihintay dahil wala pang laman ang dyip. Umupo ako malapit sa may driver para hindi naman nakakahiya kung sakali mang makatulog ako. Inilabas ko ang ipod ko atsaka ko inilagay ang headset sa tainga ko.

"Malinta... Malinta..." tawag ng barker sa mga taong nagdadaanan.

Mga ilang minuto pa ay halos napuno na rin.

Mabilis lang pala sa isip isip ko. Mukhang hindi ako malalate.

"Miss, isa na lang sakay ka na," narinig ko pang sabi nung lalake sa labas pero hindi na ako lumingon.

Maya maya sinimulan ng paandarin ng driver ang dyip.

"Bayad po...toll gate lang," sabi ng isang boses babae sa may bandang dulo.

"Paki-abot naman po..." galing parin sa boses mula sa likuran.

Bingi-bingihan naman ang mga katabi niya sa isip-isip ko kaya pinilit kong inabot ang bayad niya kahit na ang layo-layo naman niya sakin.

Ang mukha niya parang nakita ko na siya kung saan.

"Salamat..." nakangiting sabi niya saka ibinaling niya ang tingin niya sa labas.

Pamilyar talaga ang mukha niya sakin. Siguradong nakita ko na siya kung saan. 
Isip Ethan..
Isip...

---

"Oh! ung bababa diyan ng toll gate pwede na dito," sabi ng Manong Driver.
Kumilos na rin ako para bumaba. Naunang bumaba ung babae. Nakawhite na may halong black na dress siya. Sa itsura niya mukhang may pupuntahan siyang okasyon. Saan kaya ang punta nya? Sa isang binyagan o kasalan?

Sumakay na ulit ako ng dyip papuntang Marilao.
Hay, bat naman kasi napakalayo ng bahay ni Tintin. Nakakapagod na.

Maya maya sumakay na rin ang babae. Nagkatinginan kami at halatang medyo nagulat siya ng makita ako.
Ang mata niya... pamilyar talaga sakin.

---

Ang bilis ng byahe andito na kaagad kami. Nagsimula ng bumaba ang ilan sa mga pasahero kasama na rin ang babae.
Kung ganun parehas lang pala kami ng lugar na pupuntahan. Sino kayang pupuntahan niya dito? sa isip isip ko.
Nauna na siyang maglakad sakin pero maya maya'y huminto siya atsaka may kinuha sa bag.

Napangiti ako. Hindi ba siya makapaghintay na makapag-ayos at dito niya pa nagawang magsuklay at magpulbos.
Ang mga babae talaga, oo.
Nauna na akong maglakad sa kanya.

---

"Auntie, asan na po sila?" tanung ko sa tiyahin ko.

"Ikaw pala Ethan... naku eh andun na sila sa munisipyo. Kung gusto mo pumunta ka na lang dun o gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"Eh, baka ho marami na kayong kasabay. Mauna na lang po ako sa inyo."

"Oh, siya sige. Inaantay ko pa din ang kaibigan ni tin-tin eh."

"Sige po, aalis na ko."

"Sige, ingat ka."

---

Pagdating ko ng munisipyo hindi ko makita ang pinsan ko kaya naghanap-hanap pa ako.
Patay kang bata ka, naku Ethan malalate kana lagot.
Nagmamadali akong maglakad ng may mabangga akong babae.

"IKAW???" chorus pa naming sabi sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ng pinsan kong si Tin-tin.

"Ah, hindi tin, nakasabay ko kasi siya sa dyip kanina.

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko," pagpapakilala niya.

Keith ang pangalan niya? sigurado akong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali, sabay napatingin ako sa direksiyon nila.
Tama... siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar siya sakin, napangiti ako. Napansin kong nagbubulungan sila at nagtatawanan.
D kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Salamat, nakita din kita.

Dito na kaya magtatapos ang larong ito?

Sa pagkakataong ito.
Sana siya naman ang maging taya.




-----tapos------



2 komento:

  1. Ang haba nito sis ah...random na random. Andaming samu't saring kwento. ehehehe! Taya!

    TumugonBurahin
  2. @ayie: hehe... wala kasi akong magawa eh... eh aun pinagdugtung dugtong ko na lang ung mga kwento nila...

    TumugonBurahin