It was raining...
Dahil sa wala naman akong dalang payong minabuti kong sumilong sa isang waiting shed mula sa di-kalayuan. Patakbo ko itong tinungo.
Napangiti ako habang pinagmamasdan mula sa kalsada ang mga patak ng ulan. Para akong nanonood ng mga nagsasayaw. Tulad ng isang kanta, ang tunog ng nito ay parang isang musika sa aking tainga. Pero kanina ko napapansin na para bang may mga matang nakatingin sakin. Napatingin ako sa left side ko, and there he was, a simple guy wearing a simple polo shirt and jeans with his eye glasses.
Napangiti ako, base sa reaksiyon niya mukhang enjoy na enjoy siya sa pinapanood niya na para bang nanonood siya ng isang magandang pelikula. Hindi na ako nakatiis kaya naman nagsalita na ako.
“Huwag mo akong masyadong titigan baka matunaw ako... ang sabi kong ubod ng tamis na nakangiti sa kanya...”
Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya na para bang nasampal at napakamot pa siya sa ulo saka niya ibinaling ang tingin niya mula sa kung saan.
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaksiyon niya. Maya maya makalipas ang ilang minuto nakarinig ako ng boses mula sa kaliwang bahagi ng waiting shed.
"Hi!", maiksing sambit ni Mr. Goody goody boy na halata pa rin na medyo naiilang...
Ewan ko ba pero imbes na sungitan ko siya tulad ng nakagawian ko eh kabaliktaran nun ang ginawa ko. Sa pagkakataong ito magiging nice ako sa kanya.
“I’m Ella... Ella Henares sabay lahad ng palad ko na may kasamang pagkatamis tamis na ngiti.”
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya siguro akalain na papansinin ko siya. Ang lalakeng ito, may kung ano sa kanya na nagpapagaan sa pakiramdam ko. Pakiramdam ko namamagnet ako sa kanya samantalang wala na mang kakaiba sa kanya.
“M- Mike... Mike Dela Cruz... ang sabi niya sabay abot ng palad ko.”
Mike... nice name...
---
Iyon ang unang pagkakataon na nakipagkilala ako sa isang estranghero...
Sa isang estrangherong naging napakalaking bahagi ng buhay ko....
Nakakatawa pero maniniwala ka bang nalove at first sight ako sa isang lalakeng nagngangalang Mike Dela Cruz.
---
"Hon, ano bang tinitingnan mo diyan?," tanung ko mula sa isang lalakeng nakatanaw sa labas ng bintana namin sabay yakap sa kanya mula sa likod niya.
"Naalala ko lang nung una tayong magkakilala, sabay harap niya sakin." Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ko saka marahang dinampian ng halik ang labi ko.
"You know what hon? alam mo ba kung anong pinakagusto ko sayo?"
Napalabi ako. "Ano?," kunot-noong tanung kong nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
Dahil sa mga ngiti mong yan, mas lalo kitang minamahal. Simula noong araw na makilala kita hanggang ngayong kasama na kita.
"I love you..."
"I love you too...."
"Dalawang beses lang kita gustong makasama..."
"Hmmmp... bakit dalawa lang?takang tanung ko."
"Now and forever... my dear wife."
-the end-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento