Ipinapakita ang mga post na may etiketa na friendship. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na friendship. Ipakita ang lahat ng mga post

4/2/11

Open Letter for a Friend

03-26-11
03:00pm


Tol,
Surprised? Kamusta? I just hope na ok ka... as in okay sa olryt para naman mabawasan ang mga emo-emohan sa earth. Nagtataka ka ba? Ako rin kaya nagtataka at nakagawa na pala ako ng love letter? hahaha... Wala lang... Brown out kasi kaya ayun napasulat ako since nasa mood akong magsulat un nga lang d ko na mapapadala sayo kasi inabot ako ng katam...Kaya heto't nitatype ko na lang sa blog. Private na private noh?hehehe... Belated Happy Birthday pala!!! Oo na... alam ko na may atraso ko sayo. Nalimutan ko ang araw na un ng pagtanda mo...hahaha... Sorry masyado akong bzbzhan sa wala. Alam mo naman si ako memory gap na din...=p 


Sa totoo lang wala naman talagang rason kung bat ako sumulat eh.. Wala lang, trip trip lang...hehehe... Pero ung totoo eh gusto lang kita mapasmyl ung tipong abot tenga kung pwede nga sana eh sumobra pa dun... Ikaw naman kasi eh feelingero ka din masyado. Feeling mo naman pasan mo ang problema ni mother earth samantalang lahat naman ng tao eh me problema. Parang ako? ang bigat bigat ng problema ko, panu ba naman hindi ko alam kung sinong pipiliin ko... si Tom Cruise o si Brad Pitt? si Piolo o si Dingdong? hahahaha...Ako na ang umaambisyon at nagmamaganda...hehehe... Yaan mo na lang tutal minsan lang naman eh...Minsan ko lang naman bolahin ang sarili ko kahit na parang tanga lang...hehehe...


Ah basta ang gusto ko lang naman sabihin eh, andito lang ako... As in dito lang talaga ko since ndi naman ako makakapunta dian. Paulit ulit man minsan ang sentimyento mo sa buhay eh lagi mo lang tatandaan na willing pa rin naman akong makinig kahit na pang 100000000 times to the 10th power ko ng narinig sayo yan. Sabi ko nga sayo ang problema, d yan pinoproblema... Nakakapangit lang un, ikaw din concern lang ako sayo...hahaha... Kahit na may libo libong taong kumukwestion sayo, may isang tao parin naman na andito sa Caloocan para suportahan ka...Oh, dba? San kapa? hehehe...


Pagbutihin mong maigi ung pag-aaral mo at ipamukha mo sa kanila na nagkamali sila sa panghuhusga nila sayo. Hindi mo mape-please lahat ng tao sa paligid mo. Ang magagawa mo lang eh ipakain mo sa kanila ung sasabihin nila...(hanu daw un?)Naintindihan mo ba? d ko na din kasi maintindihan eh..hehehe... Basta un na un... Sabi nga kahit anong gawin mo. May sasabihin at sasabihin ang ibang tao... Be happy na lang advice ni jollibee... =p


Sige babush na antok na si ako...


Your LDR friend,
M

9/13/10

Broken

Kani-kanina lang tumawag ang friend ko, to be specific guy. At ayun broken hearted ang lolo mo. Umiiyak siya habang kausap ko. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya kasi alam ko naman kahit anong sabihin ko sa kanya hindi gagaan kung ano man ung nasa loob niya plus the fact na pakiramdam niya wala man lang nakakaintindi sa kanya. Para tuloy dinudurog ang puso ko habang kausap siya, gustuhin ko man kasing tulungan siya. Ano naman bang magagawa ko para sa kanya? Pati tuloy ako parang maiiyak na habang kausap siya. Sa totoo lang ayokong mamroblema ng kahit ano lalo na tungkol sa lovelife dahil ako nga hindi namomroblema sa lovelife ko dahil wala naman akong poproblemahin.... Hay naku, hindi ko tuloy alam ano bang magandang sabihin sa kanya. Hindi din naman kasi siya nakikinig eh. Ang hirap hirap naman. Concern lang ako kasi baka kung anong maisipan niyang gawin. Sana lang maging ok na ang lahat...

Kaya mo yan, tol. AJA!!!

5/17/10

a LONG WALK ng dahil sa PISO

Last month sinamahan ko ung friend ko na mag-apply since hindi niya alam ung place and first time niya mag-apply ng work. So I insist na samahan siya since wala naman akong gagawin. Medyo alanganin nga kami coz she only have her resume, wala pa kasi siyang mga requirements pero sabi ko ok lang siguro un basta kapag nahire siya sabihin nalang niyang to follow nalang ung mga requirements. So ayun nga I instructed her kung ano ung mga gagawin niya pagpasok niya sa building and ayun hinintay ko muna siyang makapasok bago ako umalis. Since hindi naman ako nagmamadali medyo nagstay muna ako sa labas just to make sure na hindi nagkaroon ng problem pero unfortunately hindi pala pwede na resume lang ang dala kasi need ng nbi and e1. So ayun nga magkasama ulit kami pauwi. Pero dahil malapit na din ung quezon city hall, naisip niyang kumuha na ng nbi para naman the other day eh makabalik siya ulit. Pero kinompute muna namin ung pera naming dala dahil baka hindi magkasya, 100+ lang kasi ung dala ko dahil alam ko nga eh sasamahan ko lang siya. Nakapila na kami sa line 1 para sa application ng sabihin nung announcer ba un na need daw ng i.d. I asked her kung may dala ba siyang i.d pero ang problem is hindi namin alam kung valid i.d ba ung dala niya kaya just to make sure na hindi masayang ang pinipila namin eh pinakuha ko na siya ng sedula since ayun nga daw ang kilangan kung walang i.d. Kaya naiwan ako sa pila samantalang kumukuha ng sedula ung friend ko. Medyo natagalan din siya bago dumating pero nakakuha naman siya ng sedula. Tapos nung tinanung ko siya kung magkano ang kuha niya eh nasa 50+ ata ung sedula if I'm not mistaken.. Nagulat talaga ako sa price kasi ang mahal naman nun para sa kapirasong papel....hehehe... medyo nag-iisip na din ako nun kung kakasya pa ba ung pera pero tingin ko naman eh kasya pa makakarating pa naman kami Sm Fairview. At ayun nga sa tinagal tagal ng pila namin dun eh, naging ok naman. Masaklap nga lang dun pagdating na sa Encoding nagkaroon ng problem kasi may hit siya, so bale next week niya pa makukuha ung nbi. Nanlulumo na nga ung friend ko that time, kasi parang useless na din ung pagkuha niya ng nbi eh hindi din pala siya makakabalik para makapag-apply. Pero ako dinadaan ko nalang sa ngiti at tawa.

Meron nalang akong 50+ sa bulsa ko that time. Alam ko ngang parehas na kaming gutom that time pero sinabi ko sa kanyang kumain ako sa bahay. Napilitan akong magsinungaling kasi ayoko namang mag-alala pa siya sakin dahil alam niyang may ulcer ako at isa pa hiyang hiya na din siya. Nagbus nalang kami instead na magjeep kasi akala ko mas makakamura kami dun, pero un ang pagkakamali ko. Kasi napamahal pa lalo. Inaabot talaga kami ng kamalasan ng time na un. Pero dinadaan ko nalang sa biro. Nakarating kami ng Sm Fairview siguro mga 1:30pm na un. Pumasok muna kami ng mall para makapag-isip isip at tumingin tingin kung may hiring pa dun. Meron nalang kasi kaming 13 pesos. Pwede pa sana un pamasahe pauwi kaso kulang kami ng 1 peso. Tapos maya maya nakasalubong namin ung isa sa mga classmates namin nug high school, manager siya ng MCDO... Pagkakataon na sana namin un para manghiram ng piso kaso mukang wala siyang dalang pera kaya hindi na rin kami nang-hiram tsaka hindi rin kasi namin un ganun kaclose. Umiral din ung pride namin...hahaha... ang siste? wala kaming napala... pumunta kami ng mall at nakakita ulit kami ng isang classmate namin na isa sa mga crew sa Rice in a Box. Kaso for the second time umiral ulit ung hiya namin.... kaya ang siste? wala na naman kaming napala... Isa na lang ung naisip naming way para makauwi, kundi ang maglakad.... 

Sabi ng friend ko sakin sumakay na daw ako tutal naman may pera pa ako kasi kaya naman daw niyang maglakad mag-isa tsaka ok lang daw na iwan ko siya. As in sobrang kulit niya at paulit ulit niyang sinasabi sakin un habang nasa Robinson mall pa kami. Sabi ko naman uuwi ako tapos babalikan ko siya para kumuha ng pera... Hindi ko lang kasi talaga nadala ung pera ko dahil hindi ko din naman expected na ganito ung mangyayari. In the end hindi ako pumayag sa gusto niya at naglakad nalang kami. Para naman kasing napakawalang kwenta kong kaibigan nun kung ako sasakay samantalang hahayaan ko siyang maglakad sabi ko sa kanya... hindi ko rin kaya na iwanan siya sa ganung sitwasyon.

MAGKASAMA TAYONG UMALIS KAYA MAGKASAMA DIN TAYONG UUWI... GAGA KA HINDI KITA IIWAN DITO NOH... sabi ko sa kanya na tatawa tawa lang...

Nakangiti lang siya sakin habang sinasabi ung SALAMAT... pasaway ka talaga...
Sa totoo lang parehas na hindi namin alam kung saan dadaan pero dahil ako ang lider sa paglalakad..hehehe... hinula hulaan ko lang kung saan banda kami pupunta... Salamat na nga lang dahil hindi naman kami naligaw un nga lang ang sakit ng mga katawan namin... Mga 2 oras din siguro inabot ang paglalakad namin kasi napakagaling kong magturo ng daan..hehehehe.... At ng matanaw na namin ang liwanag este ang daan pala papauwi nakahinga na kami ng maluwag dahil sa hinaba haba ng paglalakad nakauwi din kami...

Great experience un para sakin...
at un ang pinakamasayang paglalakad na ginawa ko sa buong buhay ko....
MALAYO pero masaya...

MALAYONG PAGLALAKAD NG DAHIL SA PISO...

ikaw anong kwentong piso mo?

4/14/10

FRIENDSHIP

Para sa pinakamamahal kong kaibigan... 
HAPPY BIRTHDAY!!!
 
alam ko malabo mong mabasa ito...hehehe...
pero kapag dumating ung time na un sana naman kahit pano walang tutulong luha sa mga mata mo...
 
Paano ko nga ba sisimulan ang isang lathalain para sayo?
 
3rd year highschool tayo nun ng magsimula ang ating friendship(naks english un ah)...
isang grupo ng 8 kabataan...
mailap sa mga lalake...
at pagdating naman sa classroom mga d makabasag pinggan...
mahihinhin daw kasi tayo...
tahimik...
inosenteng inosente(noon..nyahaha)
 
nung highschool ndi pa tayo ganun kaclose sa isat isa...
sa grupo natin ndi din nawawala ung magkakaclose sa isat isa...
 
tanda ko pa nga nun ndi talaga tayo kasing close katulad ngayon..
tipong tamang kwenta pero may ilang factor pa din...
 
naalala ko pa nga nun...
parehas tayo ng crush... hehehe
 
ndi ko sinabi na gusto ko din ung clasmate natin...
 
hanggang sa dumating ung time na niloloko ka namin sa kanya...
tapos inaasar kita sa kanya...
kinuhaan ko pa nga kayo ng picture noon eh,graduation un...
tapos madalas mo pang ikwento sakin ung crush nating dalawa...
sa totoo lang kahit pano nasaktan ako nun kahit na simpleng crush lang un...
may pinagsabihan pa nga ako nun na isa sa mga kabarkada natin eh...sabi ko sa kanya wag na wag sasabihin sayo kaso masaklap dun eh sinabi niya naman...ayun tuloy nabuking ang lola mo...
 
nagulat pa nga ko sayo nun...bigla mong inopen ung topic na un eh..college na tayo nun..
sabi mo pa nga bakit hindi mo kasi sinabi sakin?nasasaktan na pala kita...naiyak ka pa nga nun...samantalang tumatawa tawa lang ako...wala naman na kasi un sakin...
masaklap lang dun eh nalaman mo pa...pasaway naman kasi, wala talagang lihim na ndi nabubunyag...
 
hindi pa rin tayo ganun kaclose nun...
 
hanggang isang araw pumunta ka sa shop para humiram ng sandals at damit na puti..biniro pa kitang anong gagawin mo sa hiniram mo?magpapakasal ka na ba? ngingiti ngiti ka lang naman sakin...
 
tapos isang araw nalaman naming ikinasal ka na nga...
langya ka ndi mo man lang kami inimbita para makakain..hehehe
pero sa totoo lang ah...nakakatampo talaga...
kasi naman minsan ka lang ikakasal ni ndi man lang namin nasaksihan...
 
alam ko naman nahihiya ka lang samin atsaka iniisip mo kung anong sasabihin namin sau..kaw kasi ang aga lumandi..hahaha peace!!!
pero hindi ka naman namin hinuhusgahan sa kung ano mang nangyari kasi wala kami sa sitwasyon mo...
 
dumating ung time na nalaman mong buntis ka at kami naman syempre todo support...
naalala ko pa nga nun dinalan kitang donut kasi sabi mo gusto mo un...kaya siguro un ang paborito ng inaanak ko...
 
alam ko marami ka pa ring pinagdadaanang problema basta wag mo lang kakalimutan na nandito kami lagi para sayo..
 
tanda mo pa ba ung sinabi ko sayo nung minsang nilakad natin ang sm hanggang satin?
"maglalakad tayong dalawa at hindi kita iiwang mag-isa"
 
mas ok na saking parehas tayong pagod na maglakad kesa naman umuwi akong nakasakay sa tricycle samantalang ikaw naman naglalakad mag-isa...
 
ikaw...kayo... mahalaga kayo sakin...
alam ko hindi ako perpektong kaibigan at minsan sablay ako pero kahit kilan ndi ko kau iiwan...
kasi mahal ko kayo eh...
tau tau na nga lang nagkakalokohan...hehehe
 
alam ko malungkot ka ngayong birthday mo...
pero hayaan mong ilipad ng hangin ang mga kalungkutang nadarama mo...
 
salamat sa lahat lahat...
 
tanda ko pa nga hanggang ngayon ung sinabi mo sakin eh kahit sa txt lang un...
"kung may problema ka sabihin mo samin...wag mong kimkimin diyan sa loob mo...ndi man kami makatulong sayo andito naman kami para sayo"
 
sobrang natouch talaga ko nun...
nahalata mo palang ndi ko ugali magsabi sa inyo...kasi naman ayoko lang makadagdag sa mga problema niyo...
pero ngayon open na ako sa inyo...lalong lalo na sayo...
 
minsan nga alam ko paulit ulit nalang ung mga sinasabi ko sayo pero sige ka parin sa pakikinig sakin...
 
habang tumatagal mas lalong nagiging matatag ung pagkakaibigan natin...
 
para na nga kitang bf kasi halos inaraw araw ko na ata ang pagpunta sa inyo buti nalang mabait ang asawa mo..hehehe
nakikikain pa...
nang-iistorbo...
naglalabas ng sama ng loob...
 
salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan...
sa totoo lang para na nga kitang kapatid eh...
 
sabi ko nga sayo kapag natupad ko na lahat ng pangarap ko pangako kasama ka dun...
 
magiging masaya ako pero kasama ka...
 
hanggang may bukas kaibigan kita...
remember walang iwanan..hehehe


p.s: sa next birthday mo nalang ako babawi...