Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kung anu-ano lang. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kung anu-ano lang. Ipakita ang lahat ng mga post

3/6/12

FB status


Sa tuwing nakikita ko siya...
naalala kita...
at alam mo kung anong nakakatawa dun?
ewan ko ba pero napapangiti ako...

11/14/11

Dear Mr. Smile,



Sa tuwing naiisip kita napapangiti ako. 
Ewan ko nga ba kung anong meron sau. 
Basta alam ko lang masaya ako period.  
Minsan kahit na kausap na kita namimiss pa rin kita. 
Ang weird dba? Parang adik lang...hehe  
Sabi mo napapasaya kita hindi mo lang alam ganun din naman ang nagagawa mo para sakin. 

Salamat ha... 

Kasi hindi ka nagsasawang makinig sakin. 
Nasosobrahan na nga ko ng kadaldalan minsan. 
Pero tawa ka lang ng tawa. 
Kahit na pinipilosopo pa kita okay lang sau. 
Sasabihin mo lang na araw mo lang ngayon sabay tawa. 
Kahit na panay kalokohan ung nasasabi ko sayo sabi mo na marami kang natutunan sakin. 
Sana nga meron talaga...hehehe...  
Madaming thank you sayo... 
Ibinalik mo kasi ung ngiti sa labi ko...   


Ms. Adik

6/7/11

Naramdaman mo na din ba???

Ung pakiramdam na para bang may nagpahinto ng galaw ng oras dahil bawat galaw mo para bang slow motion lahat?
Ung para bang ng magtama ang mga mata niyo may kakaibang magic?
Ung gustong gusto mo ng magsalita pero parang ayaw bumuka ng mga labi mo?
Ung pakiramdam na mahirap i-explain...
na hindi mo alam kung anong salita ba sa diksyonaryo ang dapat mong gamitin dahil sa nababangko ang utak mo?

Nasaan na???



May mga taong katulad ng mga bagay...
Pinababayaan lang...
Alam mo kasi na andiyan lang...
Pero minsan sa sobrang abala mo hindi mo na napapansin...
Na ang mga taong un, unti unti na palang nawawala sayo...
Akala mo andiyan pa...
Wala na pala...

Pilit mong hahanapin...
Kasi kailangan mo...

Bakit kasi?

Kung kilan wala na...
Kung kilan napabayaan mo na...
Saka mo napagtanto na mahalaga pala siya...
Pano yan kung huli na?