Ipinapakita ang mga post na may etiketa na emote. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na emote. Ipakita ang lahat ng mga post

4/2/11

SULAT KAY EX

DEAR eX,

Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.

Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.

Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...


Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon... 
Unknown...
walang value...


Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...

I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...


Nagmamahal,
eX-gf

2/18/11

Kami daw...

"Baka naman kayo talaga ang para sa isa't isa?"

Napatingin ako sa taong kaharap ko ngayon at kasabay na kumakain. Si May ang isa sa mga close friend ko.
Kami ang para sa isa't isa? Hindi na ako umaasa at wala naman talagang dapat asahan.

"Malabo ng mangyari un May. Malabo pa sa tubig poso sabay ngiti. Kita mo nga may bago na naman siyang jowa."

"Ibig lang sabihin nun hindi pa rin niya mahanap ang babaeng gusto niya. Malay mo ikaw pa rin talaga ang gusto niya."

"Hindi rin siguro.. Mahirap mag-assume. Masakit lang..."

"Ikaw naman kasi eh... dba nakikipagbalikan naman sayo un dati? hindi mo kasi siya pinakinggan."

Hindi ako nakakibo. Aminado naman ako dun eh. Pinagsisihan ko din ung ginawa ko kasi mas nangibabaw sakin ung takot. Takot na masaktan na naman ako ulit. Ang nasa isip ko kung nagawa niya un. may tendency na magawa niya un ulit.
Natakot akong magtiwala..
My fault..
Pero wala na naman dapat pang panghinayangan dahil matagal ng tapos ang chapter na un ng buhay namin.. Matagal ng nangyari ang lahat almost 5 years na nga eh. Mukha namang masaya na siya kaya dba dapat lang na maging masaya ko para sa kanya?

Tama naman dba?

1/14/11

Waiting


I'm still waiting...
Ung totoo? hindi ko din alam kung anong hinihintay ko...
Kung ano? sino? at bakit?
Para saan ba? Ang sagot "HINDI KO DIN ALAM."

Basta pakiramdam ko may hinihintay ko. Alam kong walang kasiguraduhan kung may darating ba o kung may mapapala ako. Pero sana meron...

I'm still hoping...