Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naisipan lang.... Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naisipan lang.... Ipakita ang lahat ng mga post

11/14/11

Dear Mr. Smile,



Sa tuwing naiisip kita napapangiti ako. 
Ewan ko nga ba kung anong meron sau. 
Basta alam ko lang masaya ako period.  
Minsan kahit na kausap na kita namimiss pa rin kita. 
Ang weird dba? Parang adik lang...hehe  
Sabi mo napapasaya kita hindi mo lang alam ganun din naman ang nagagawa mo para sakin. 

Salamat ha... 

Kasi hindi ka nagsasawang makinig sakin. 
Nasosobrahan na nga ko ng kadaldalan minsan. 
Pero tawa ka lang ng tawa. 
Kahit na pinipilosopo pa kita okay lang sau. 
Sasabihin mo lang na araw mo lang ngayon sabay tawa. 
Kahit na panay kalokohan ung nasasabi ko sayo sabi mo na marami kang natutunan sakin. 
Sana nga meron talaga...hehehe...  
Madaming thank you sayo... 
Ibinalik mo kasi ung ngiti sa labi ko...   


Ms. Adik

6/29/10

COUPLE SHIRT


Kanina nagpunta kami ng mall ng kapatid ko. Habang tumitingin tingin kami may isang boutique dun na inaalok kami ng couple shirt. Kung tutuusin pwedeng bumili nun ang kapatid ko since may bf naman siya. At infairness ah ang cute nung couple shirt nga. Sa totoo lang dati ko pa gusto magkaroon ng ganun, un ung mga time na may bf pa ako. Kaso hindi kami nagkaroon ng chance na makabili ng ganun tsaka d ko din alam kung type ng guy na magsuot ng ganun parang ang korni kasi..hehehe... Gusto ko nga sana bumili ng isang shirt lang kanina kaso mas mapapamahal ata ako kung isa lang ang bibilin ko plus mukha akong ewan na magsuot nun dahil wala namang pakners..nyahaha... Ang dami dami pang lovers kanina, nakakainggit tuloy. 

6/12/10

ANOTHER CHANCE(SHORT long LOVE STORY)

Namamasyal kami ng girlfriend kong si Belle ng bigla nalang magring ang phone ko. Hindi ko na sana sasagutin kung sino man ang tumatawag pero pumayag si Belle na kausapin ko na kung sino man ang tumatawag.

“Sige na go ahead, answer your phone baka importante yan.”

Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng jacket at nakita kong nakarehistro ang pangalang “Cheska”. Nagtataka man sa tawag na iyon sinagot ko na rin hanggang sa makarinig ako ng malungkot na boses sa kabilang linya.

Cheska, bakit? May kailangan ka? Agad kong tanung sa kausap ko sa kabilang linya habang nakatingin ako kay Belle na tila ba bahagyang nagkaroon ng lungkot ang kanyang mga mata.

Oh, sige ang maikli kong sagot sa kausap ko at saka  ko ibinalik ang cp sa bulsa ko.

Belle, Ok lang ba kung pupuntahan ko siya? Tanung ko.

“Ok lang naman, uuwi nalang siguro ako.”

Hindi, intayin mo ako dun sa may park sa lagi nating pinupuntahan. Saglit lang ako, babalik ako agad. Ako ang sumundo sayo kaya dapat lang ako din ang maghatid sayo.
Basta antayin mo ako ah, ang sabi ko sa kanyang nakangiti bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

---------

Si Cheska... Sino nga ba siya sa buhay ko?
Siya ang babaeng minahal ko sa loob ng 5 taon mula pa noong nasa 3rd year High School ako. Simple lang siya, matalino, maganda para sa akin perpekto siya. Sabihin nalang natin na siya ang first love ko... Ang babaeng minsan kong pinangarap na makasama sa buhay ko, pero sa loob ng limang taon na iyon hindi ako nagkaroon ng chance sa kanya. Sabihin nalang nating dahil sa hindi niya ako gusto. Paunti-unti natanggap kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil hanggang sa pagkakaibigan lang ang pwede niyang i-offer sa akin.

Nasa harap na pala ako ng coffee shop kung saan niya ako binasted, kung dati rati’y nalulungkot ako sa tuwing maaalala ko un, ngayon natatawa nalang ako sa tuwing mapapadaan ako sa lugar na ito. Pumasok ako sa loob ng coffee shop at nakita ko siya sa mismong upuan na inupuan namin nun. Lumapit ako sa kanya saka ko napansing napakalungkot niya.

“Kamusta? Pasensiya kana kung pinaghintay kita, hindi rin nga pala ako pwedeng magtagal dahil may nag-aantay sa akin”, bungad ko sa kanya.

“Im sorry James, nagkamali ako... Siguro naman pwede pa nating ibalik ung dati?”

“Anong ibig mong sabihin Cheska?” Naguguluhan kong tanung sa kanya.

“James, narealize kong Mahal kita... na nasa iyo ang mga katangiang hinahanap ko sa isang lalake. Hindi ba pwedeng ako nalang ang mahalin mo ulit? Ako naman iyong mahal mo dati diba? Pwede ba siguro nating ibalik iyong dati? Na sa akin lang umiikot ang mundo mo? Hindi ba pwedeng ako nalang James? Ako nalang.... ang maluha-luhang pagsusumamo niya sa akin.”

Ngayon nasa harap ko ang babaeng minahal ko sa loob ng limang taon. Noon ako iyong nasa sitwasyon niya... Umaasa sa pagmamahal niya at atensiyon, ngayon naman iba na ang sitwasyon. Nabaliktad na para bang isang gulong. Hindi ko inaasahan na iyong mga salitang gusto kong marinig noon sa kanya, maririnig ko kung kilan huli na ang lahat.... kung kilan iba na ang mahal ko at marami ng nagbago. Kung dati makita ko lang siya buo na ang araw ko, ngayon si Belle na ang nakakagawa noon. Ayoko man makita siyang umiiyak at nasasaktan sa harap ko pero alam kong mas makabubuting malaman niyang marami ng nagbago sa pagitan naming dalawa. Kung dati’y siya lamang ang nagmamay-ari at laman ng puso ko, ngayon ay iba na, si Belle. Ang pinakamamahal kong si Belle.

“Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo Cheska, hindi ko gustong makita ka sa ganyang kalagayan. Sa loob ng limang taon ikaw lamang ang babaeng minahal ko, pero ng sabihin mo sa aking hindi mo ako gusto, paunti unti natutunan kong tanggapin iyon. Na sa pagkakaibigan lang talaga tayo pwede. Masaya ako dahil may isang taong nagmamahal sakin ng lubos, si Belle. Kapag kasama ko siya hindi ko alam kung anong salitang dapat sabihin para lang maidescribe ko iyong sayang nararamdaman ko. Basta ang tanging alam ko lang gagawin ko ang lahat para sa kanya. Ang paliwanag ko kay Cheska.”

“Sa tingin ko talagang mahal mo siya, ngayon lang kasi kita nakitang ganyan. Sa tuwing babanggitin mo kasi iyong pangalan niya iba iyong ning-ning sa mga mata mo. Akala ko kasi pwede ko pang itama ang maling desisyong nagawa ko, akala ko pwede ko bang ibalik iyong dating James na laging ako ang inaalala, inaalagaan at minamahal. Masakit lang dun kasi iyong dating oras na inilalaan mo para sa akin ngayon ay para sa iba na. Kung may pinagsisisihan man ako sa buhay ko ngayon, alam mo kung ano? Iyon ung oras na binalewala ko iyong pagmamahal mo para sa akin. Bakit nga ba kasi ngayon ko lang narealize na nasa iyo lang pala iyong hinahanap ko kung kilan huli na ang lahat? Ang tanga ko talaga...”

“I’m sorry”....iyon lamang ang tanging salitang nasabi ko.

“You don’t have to apologize James, ako naman iyong may kasalanan eh... You may go, someone’s waiting for you... huwag mo siyang pag-aantayin gaya ng ginawa ko sayo noon.”

“Salamat cheska... sige aalis na ako, ingat ka nalang...

-------

“Belle, tawag ko mula sa di kalayuan sabay ngiti sa kanya.”

Naglakad siya papalapit sakin at napansin kong ang bagal ng lakad niya dahil sa nasira pala ang sandals na suot niya.

“Anong nangyari diyan sa suot mo? Tanung ko.”

“Masyado na sigurong luma kaya natuluyang bumigay, sabay ngiti niya.”

“Sige sakay kana sa likod ko.”

“huh? Bakit?”...

“Masama bang kargahin ko ang girlfriend ko?”

“Pero nakakahiya, siguradong pagtatawanan tayo ng makakakita sa atin.”

“Hayaan mo na sila... naiingit lang iyong mga iyon...”

“Sige na nga, alam ko naman na hindi mo ako titigilan eh...”

“Akala ko James, hindi mo na ako babalikan eh”, ang sabi niya sa akin.

“Pwede ko ba namang gawin un sayo? Mahal kaya kita noh... wala ka bang tiwala sakin?”

“Syempre meron, may takot lang akong nararamdaman pero ok na iyon andito ka na eh...”

“I love you James...”

“Mas mahal kaya kita payat...”

“Payat ka diyan? Ang yabang mo...”

“Hahaha.... totoo naman eh...”

“Hindi na kita bati noh..”

“Bati naman kita...”

-the end-

5/29/10

HINDI AKO TOMBOY...

(Pasintabi lang po sa mga tomboy na pwedeng mapadaan ah... wala akong ibig sabihin sa post na ito....)

I am single and I think wala namang masama sa pagiging single, right? Hindi naman crime ito at mas lalong hindi nakakamatay...hehehe... Maybe I am single but that doesn't mean na purket single ang isang babaeng tulad ko at may mga katext na mga babae eh, tomboy na ako. Paksyet naman kasi ang kapatid ko, imagine pinagbibintangan niya akong tomboy? 


(Excuse lang po sa mga tomboy, hindi naman ako against sa kanila eh.)

scenario
kapatid: eto si ate tomboy ata eto eh, mga katextmate puro babae.
ako: wala kang paki... sabay smile lang...

maya maya may nagtext

kapatid: te ung chicks mo nagtext nagrerequest ng load...
ako:baliw ka talaga... tapos tawanan naman ung 3 ko pang mga kapatid
kapatid: yan si ate tomboy ata yan eh... puro kasi mga katext, babae si paula, si grace etc.
ako:hindi purket mga babae katext ko eh tomboy ba ako noh? bat naman si ara (sis ko na sumunod sakin)?
kapatid:yan naman si ate may bf e ikaw wala! sabay tawanan sila lahat at sige pa rin sa pang-aasar...

Ang hindi niya alam si paula eh pol talaga ang name at guy friend ko un, kaso kinailangan ko lang na gawing name ng babae para hindi ako mabuking ni mama at tanungin pa ng kung anu-ano dahil ayoko ng issue at dahil na rin sa may gf na un. Gamit ko kasi ang phone ni madir dear ko dahil sa mas mura magpalod kaya gawain kong palitan ang name nila at gawing babae. (wag lang sanang mabasa dahil buking ako pag nagkataon..hehehe)

5/22/10

kwentong ADIK

"Kapag nagmamahal hindi naman kilangan ng mata kundi puso dba?"
sabi ni adik

Sa lahat ng mga salitang sinabi niya sa akin, yan ang pinaka tumatak sa isip ko. Bakit? Kasi ldr (long distance relationship) kami, oo ilang milya ang layo niya sakin. Tipong ako nasa earth samantalang nasa mars naman siya. Kung tutuusin nasa iisang bansa naman kami. Pwede kaming magkita kung gugustuhin pero sadyang hindi umaayon ang pagkakataon. 

Si adik, siya iyong kapatid ng isang kaworkmate/kaibigan ko si pol. Nasa leyte siya at andun na rin ngayon ung kaibigan ko dahil sa parehas silang nag-aaral. Paano ko nga ba nakilala si adik? Simple lang dahil sa hi-tech na tayo ngaun malamang gamit ang cellphone. Binigay siya ni pol na textmate sa akin dala na rin ng kabagutan ko naisipan ko siyang itext at simula nun naging magkatextmate na kami. Masarap siyang katext kasing sarap ng ice cream at black forest na cake. May sense kasi siyang kausap kumpara sa ibang katext ko na wala na atang maisip itext eh ang nakakaumay na "anu gawa mo?", "kamusta kana?". Pero siya sa halos araw araw na magkatext kami laging may bagong topic, kumbaga hindi kami nauubusan ng sasabihin sa isa't isa. Simula nun pinagkatiwalaan ko na siya. Inoopen ko sa kanya lahat ng tungkol sa buhay ko, lahat ng kadramahan, lovelife at lahat ng pwede kong ikwento sinabi ko sa kanya. Naging magaan ang loob namin sa isa't isa. Masaya ako kapag katext ko siya na minsan pa nga parang may kulang kapag hindi ko siya nakakatext. Pero hindi pa namin nakikita ang isa't isa. Hanggang isang araw nagsend siya ng mms at ganun din ako sa kanya. Sa totoo lang hindi naman siya gwapo, tipong pangkaraniwan lang din tulad ko. Nagsimula na din kaming magtawagan nun. Natatawa pa nga siya kasi ang astig ko daw magsalita na para bang siga sa kanto. Akala niya muka akong maton kaya naman nagulat daw siya ng makita ako sa friendster, cute naman daw pala ako(ahem..hehehe).
Tinuring ko siyang bestfriend ko kasi sa halos araw araw na ginawa ng diyos siya lagi ang nakakausap ko. Kapag masama ang loob ko tatawag siya para tanungin kong okey lang ba ako. Pag malungkot, patatawanin na akala mo ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Isang araw nagkaroon kami ng problema, nalaman ko kasing may gf na siya na hindi ko man lang alam tapos nawrongsent pa siya sa akin. Alam ko wala naman akong karapatang magalit sa kanya ang point ko lang kasi sana man lang kahit pano pinagkatiwalaan niya din ako na tulad ng pagtitiwala ko sa kanya. Pero sabi niya ayaw niya daw sabihin dahil sinabi ko sa kanya na kapag may gf na siya hindi na ako magtetext dahil ayokong makasira ng relasyon. Umabot din ng ilang linggo na hindi ko siya tenext samantalang sige parin siya sa pagsosorry sakin para lang magtxt ako uli. Tapos isang araw tumawag siya na pinakialaman naman ng kapatid ko at sinagot kaya inagaw ko ang cp ko at pinatay ang tawag niya, pero pagkatapos nun pinatawad ko na siya. Balik sa normal tulad ng dati. Sinabi niyang nagbreak na sila ng gf niya dahil wala lang naman daw un at dahil na rin sa malayo din sila sa isa't isa. Atsaka ayaw naman daw niyang mawala ako sa kanya dahil mas mahalaga ako dun sa naging gf niya at mas una daw niya ako nakilala at ayaw niyang masira kung ano man ang meron kami kahit na wala naman kaming relasyon. Sa isang banda nakakatuwang isipin na mas pinili niya ako sa gf niya pero nakakalungkot dahil parang ako pa ang dahilan kung anong nangyari sa kanila.
One time nagulat ako ng bigla nalang magtxt ang exbf ko (si 1st bf) tapos tumawag pa siya na parang tinatanung niya kung pwede pa daw ba kami? Akala ko magiging ok na ung lahat that time pero hindi pala kasi para lang akong umasa sa isang pangakong hindi naman natupad. Gulong-gulo ung isip ko that time, nasasaktan din ako dahil parang pinapamukha sakin ng ex ko na ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari nun samin. Kaya naman tenext ko si adik, humingi ako ng advice. Pero nung time na un pakiramdam ko wala siya sa mood kausap, ewan ko kung bakit ayoko namang mag-assume na nagseselos siya dahil wala naman dapat. Pero pagkatapos nung time na un after a week hindi na rin siya nagparamdam sakin. Para nga siyang gumanti sa ginawa ko sa kanya nung nag-away kami. Nagtxt lang siya nung sinabi kong wala namang nangyaring balikan samin ng ex ko dahil mukang useless na un samin.
Dumating ang time na isang araw inamin niya sa akin na may feelings na siya for me. Sabi niya hindi daw niya expected un kasi nga sino ba namang maiinlove sa isang taong hindi mo pa nakikita ng personal? Nagulat ako pero flattered ako sa sinabi niya. Pero pagkatapos nun sinabi ko sa kanyang hindi kami pwede kasi ayoko ng long distance relationship dahil naranasan ko na un before at nadala na ko. Pero ang kulit kulit niya na iba raw siya sa mga un at patutunayan niya un sakin. Sinabi kong friendship lang ang kaya kong i-offer kasi on that way hindi magiging kumplikado, friendship lasts a lifetime. Ibang level na kasi kapag may relasyon parang nagiging kumplikado ang lahat at ayoko naman siyang mawala sakin. In some point nagiging selfish na nga ako  pagdating sa kanya. 
Pero nung sinabi niyang nagbago na ung isip niya at magmomove on na daw siya, nagbago ung isip ko. Pumayag ako na bigyan siya ng chance. I told him na sana hindi niya sayangin un kasi huli na un at sa isang taon at limang buwan ng friendship namin, kilala na din naman niya ako. Alam niya na kung anong ayaw at gusto ko at kung anong makakapagpasama ng loob ko. Nakakatuwa nga kasi sasabihin ko palang sa kanya pero alam niya na, sabi niya ganun daw talaga pag nagmamahalan magkarugtong ang mga puso pati ang isipan. Umabot din kami ng 6 months at doon na din natapos ang lahat. Sa anim na buwan na iyon ginawa ko ung best ko para mapasaya ko siya kahit na ilang milya ang layo naman sa isa't isa. Pero siguro nga were not meant to be. Hindi ko lang matanggap na pagkatapos ng lahat after 4 months ang dami dami ko pa atang hindi alam tungkol sa kanya. Ayoko siyang husgahan dahil kahit papano ramdam ko naman ung pagmamahal niya nun para sa akin pero sa mga nalaman ko hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galit sa kanya. Pakiramdam ko kasi he betrayed me behind my back. I'm still hoping na sana marinig ko ung side niya pero wala. Kunsabagay useless na din naman kasi wala ng "kami." Nakakainis lang dun kasi naging totoo ako sa kanya pero parang napaglaruan lang ako ng wala akong kamalay malay. I just only want a little respect pero parang ipinagkait pa ata un sakin, masaklap dun dahil sa lahat ng tao siya pa ang gumawa nun.
Last night tenext ko siya pero no response. Nakita ko siyang online so nagmsg ako sa kanya pero no response pa din... ang tanga tanga ko kasi mas gusto ko pa din siyang paniwalaan kahit paano pero seems that wala na ung halaga...
Ung galit ko sa kanya last time parang icecream na mabilis natunaw. Siguro kasi kahit paano naniniwala pa din ako sa mga sinabi niya. Pambobola man un o totoo, naniniwala ako sa kanya. Sana bukas paggising ko wala na siya sa isip at puso ko. Sana wala ng maiwan kahit na katiting na pagmamahal kasi nasasayang lang...
Hindi ko na din alam kung anong salitang dapat sabihin... I'm trying to be ok... Sana magawa ko...

5/21/10

BAKIT nga ba AKHET?

Ano nga bang kwento tungkol sa nickname kong haket na ginawa kong akhet...?

Let me share this to you...hehehe... english un ah...

Umpisahan muna natin sa tunay kong pangalan...
I was named MICHELLE by my mother... nakakapagtaka noh? ang layo kasi ng pangalan ko sa nickname ko. Michelle daw dahil sa pinanganak ako sa shell craft kaya ayun naisip niyang idamay ang walang kamuwang muwang na shell at dinagdagan nalang niya kaya naman naging MICHELLE.
At kung bakit napakalayo ng nickname ko sa name ko eh kagagawan naman yan ng aking pudra. Ayon sa kwento ng aking madir dear... Nung unang panahon daw este nung bata pa ako, dahil daw sa ang taba taba ko at kalbong kalbo pa (na kabaliktaran ngaun...xmpre naglevel up na ko...hehehe) eh nakatuwaan ng papa ko na haket ang ipalayaw sa akin na nakuha naman niya sa idol niyang import ng basketball noon na ang pangalan ay MICHAEL HAKET. Idol na idol daw kasi un ng aking pudra dahil isa siyang basketball player dati. At dahil sa player na iyon, nadisgrasya tuloy ang walang kamalay na malay na batang si ako... Kaya tuloy hanggang ngayon eh un pa rin ang tawag sa akin. Buti na nga lang at nawala na ang letter h kaya naging aket nalang.. mas cute na un...hehehe

Dito po nagtatapos ang aking maikling kwento.. BOW....

5/18/10

ALA-ALA ng KAHAPON

Iba ka na ngayon, kung dati sakto lang ang katawan mo ngayon nag level up kana... Siguro kasi hiyang ka sa work mo o dahil sa gf mo ngayon?hahaha... Naadd pala kita sa facebook ng hindi sinasadya dahil sa kakapindot ko nawala kasi sa isip ko na nasa contacts nga pala kita sa yahoo mail ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang pag-add sayo kasi kapag nakikita kitang online parang may kaba sa dibdib ko. Ewan ko kung bakit.

Masaya ako na makita kitang masaya kasama ngayon ang bago mong mahal. Nakakatuwang unti unti mo na ring natutupad ang mga pangarap mo para sa pamilya mo. Buti kapa nakita mo na iyong babaeng mamahalin mo samantalang ako heto pa rin, nag-iisa... Loveless... kumbaga sa load eh zero balance... kung sa score naman bokya.

Nung minsan nakita kong online ka nagpm ako sayo gusto ko lang naman sanang mangamusta kaso gf mo pala ang nag-oopen ng account mo. Nahiya tuloy ako...

Ikaw ang first bf ko...
ang first kiss at kauna unahang lalakeng nagbigay sakin ng bouquet ng bulaklak...
Ikaw din ung pinakasweet...

Tanda ko pa nga nun kapag may dadaanan tayong eskinita kakargahin mo pa ako kasi sabi mo nga baka mashoot ung paa ko sa kanal dahil masyadong makitid ung daan...
Kapag walang naglalaro sa computer shop dati kakantahan mo ako na may paemote emote mo pa. Tapos isasayaw ako, kahit na muka tayong tanga nun... Napakasaya ko talaga...
Nung minsan namang nag double date tayo kasama ang kapatid ko dahil sa sobrang pagod ko pinasan mo ko sa likod mo na para ka lang nagpasan ng isang bata... Tawa pa ako ng tawa nun kasi sabi ko sayo ibaba mo na ako pero ang kulit mo kasi hindi mo pa rin ako binababa... Tuwang tuwa sila satin nun kasi ang sweet sweet daw natin na para tayong mga bata. Siguro daw tayo ang magkakatuluyan pero malabo un.

Meron pa nga tayo nung notebook na para bang isang diary na kapag hindi tayo nagkikita dun natin isusulat lahat para alam natin kung anong nararamdaman ng bawat isa tapos kapag magkikita tayo saka tayo magpapalitan ng notebook. Walang palyang hindi mo ako napaiyak sa bawat sulat mo kahit na nga minsan eh parang paulit ulit lang ung mga nakasulat dun. Minsan nga may kasama pang tula para sa akin. Samantalang ikaw tinatawanan mo lang ung mga sulat ko sayo.

Sabi mo sakin nun ayaw mo kong makitang umiiyak. Ikaw pa nga lagi nagpupunas ng luha ko na minsan pati sipon kasama na..hahaha pero dinadaan mo lagi sa biro ang lahat para lang patawanin ako. Hindi mo lang alam na tears of joy un dahil sayo.

Sa tuwing kakain tayo kulang na lang subuan mo ko. Pinaghihimay mo pa ako minsan tapos pipiliting kumain ng gulay para naman tumaba ako. Kapag naman gabi na, lagi nating pinapanood ang mga bituin sa langit tapos titingin ka sakin na may ngiti sa labi mo. Minsan nga naisip ko nakakatawa ba ang mukha ko? 


Madalas din kitang mahuling nakatitig sakin tapos nakangiti ka na parang ewan. Alam mo namang ayoko ng tinititigan ako, naiilang kasi ako. Pero sa totoo lang kinikilig kasi ako kapag nakatitig ka sakin pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo kahit hindi naman.

Sinabi mo ding ako lang ang nakakaintindi sayo at nagpapasalamat ka dahil dumating ako sa buhay mo. Masarap sa pakiramdam kasi galing sayo. 

Kapag namamasyal tayo lagi mong sinasabing sana huminto ang oras para matagal pa tayong magkasama. Naalala ko pa nung minsang magkaroon ng problem ang smart dahil delay ang mga txt na narereceive mo. Pumunta ka ng dis oras ng gabi para lang icheck kung nakauwi na ba ako. Napangiti ako ng makita kita nun kasi akala ko binibiro mo lang ako na nasa labas ka ng bintana ko. Tapos ilang minuto lang umalis kana din dahil sabi mo nga gusto mo lang akong makita. Hay ang adik mo talaga...

Nung nag-away naman tayo napaiyak kita ng hindi ko sinasadya, nagseselos ka na pala ng hindi ko alam. Hindi ko alam ung gagawin ko that time sabi mo kasi wag kitang tingnan, nakasandal ka lang at nakayuko sa likod ko. Awang awa ako nun sayo kasi un ung unang beses na nakita kitang ganun, hindi ko rin kasi alam kung anong gagawin ko para icomfort ka pero buti nalang at naayos din un...

Dumating ung time na nagkaroon tayo ng problema at dahil na rin masyadong magulo ung sitwasyon umabot tayo sa hiwalayan. Hindi kasi tayo nagkaintindihan... Ni hindi na din tayo nagkaayos at nakapag-usap ng personal.

Nawalan man ng salitang "tayo".
Naging napakalaking bahagi ka pa rin ng buhay ko.

SALAMAT SA MGA ALA-ALA...

5/17/10

MOON and the STAR



Ung moon and star parang dalawang taong nagmamahalan... in time magkakasama din sila...


un ung naisip ko kagabi ng makita ko sa fb ang ibat ibang pictures ng eclipse kagabi...


sa totoo lang nalulungkot ako kagabi but when I saw that picture napangiti ako... madalas kasi magkahiwalay sila dba? and minsan lang sila magkasama... tulad ng dalawang taong nagmamahalan...


sana in time magkasama din kami ng MOON ko...haha






5/14/10

PHOTOGRAPHS (LOVE STORY)




"Ate, baka gusto mong sumama sakin sa tabing dagat? Baka kasi naiinip kana dito samin eh, nag-aalalang tanung sa akin ng pinsan kong si Candy". 
Nakatingin ako noon sa labas ng bintana ng marinig kong anyaya niya, bahagya akong tumango at maigsing sige ang sinagot ko.
"Kung ganoon ay sumunod ka na lamang sa akin sa baba may kukunin lang ako, dagdag pa niya". Pagkatapos noon ay kumilos na ako at nag-ayos saka bumaba na.

Si Candy ay pinsan ko, 18 taon pa lamang siya samantalang nasa 25 anyos na ako. Kung bakit man ako muling nagbalik pagkatapos ng ilang taong pagtira sa Maynila at nagmumukmok sa kanilang probinsya siya lang ang nakakaalam. 

"Hindi ba't napakaganda ng lugar na ito ate, nakakarelax... ang sabi niya ng makarating kami sa dalampasigan".
Oo, napakaganda nga. Sariwang hangin, tahimik na kapaligiran, walang kaduda dudang napakaganda ng lugar na ito lalo na ang dagat, na para bang hinahalina ka nito na lumapit sa kanya, pero sapat na ba ito para maalis ang sakit na nararamdaman ko? ang makahulugang sagot ko sa kanya na mababakas ang kalungkutan sa bawat salitang binitiwan.

"Ate... un lamang ang tanging salitang nasambit niya habang bahagya akong pinagmasdan na may halong awa sa kanyang mga mata.
Am I that pathetic? tanung ko isip ko, kasabay ng isang malalim na buntong hininga.
Pwede mo ba akong iwan muna candy? gusto ko lang mapag-isa... pakiusap ko sa pinsan ko.
"Kung iyan ang gusto mo, hihintayin na lamang kita sa bahay ate huwag ka masyado magpagabi. Hindi man sapat ang lugar na ito para mawala ang sakit na nararamdaman mo pero marahil sapat na ito para maibsan kahit paano ang sakit...ang nakangiting sambit niya bago siya tuluyang umalis."

Siguro nga tama si Candy, hindi man nito magawang alisin ang sakit na nararamdaman ko kahit paano naman ay nababawasan...kasalukuyan akong nasa gaanong pag-iisip ng bigla kong mapansin ang flash ng camera mula sa di kalayuan. Paglingon ko, isang lalake papalayo mula sa kinaroroonan ko ang naglalakad papalayo. 
Marahil isa siyang photographer base sa itsura ng camerang hawak niya. Pagkatapos ng ilang minutong pananatili ko sa lugar na iyon, umalis na rin ako at naisip kong muling bumalik.. Masarap sa pakiramdam ang katahimikang bumabalot sa lugar na iyon. Malayo sa mga mapanghusgang taong napakaliit ng tingin sa akin na para bang ako ang pinakawalang kwentang tao sa mundo.

Hindi lang isang beses na nagpunta ko ng dalampasigan kundi naulit ito sa maraming pagkakataon. Sa tuwing pinagmamasadan ko kasi ang dagat nakakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko. Na para bang sa lugar na iyon nababawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa isang nakaraang gusto ko ng kalimutan. Sa nakaraang minsan kong sinubukang takasan pero sa bawat araw ng buhay ko iyong mga bagay na gusto kong kalimutan kung kilan para bang nagiging maayos ang lahat saka naman para bang nananadya ang tadhana at bigla nalang isang balita ang mas lalong magbibigay ng sakit.

Isang araw habang nagbabasa ako ng dyaryo, isang article doon ang kumuha ng atensyon ko at isang pamilyar na larawan ng isang lalake kasama ang isang babae.
"Mr. Lee are now married to a very beautiful woman Ms. Lopez...." Hindi ko na nagawa pang tapusing basahin ang article. Sapat ng nalaman kong nagpakasal na pala ang lalakeng ikakasal sana sakin. Ang lalakeng minsan kong minahal at hanggang ngayon ay laman pa rin ng puso ko. Sa galit ko itinapon ko sa labas ang dyaryo at tumakbo sa paborito kong lugar. Doon ko ibinuhos ang lahat ng luhang kaya kong ilabas. Napakasakit...
sobrang sakit...
Bakit ganun na lang kadali para sa kanya ang kalimutan ako? tanung ko sa isip ko.
Bakit kilangan ko pa siyang makilala para lamang masaktan ako? at sa lahat ng bakit...
Bakit siya pa ang minahal ko?

-------





Sa di kalayuan isang pamilyar na bulto ng katawan ang natanaw ko na nakaupo sa may batuhan. Sa halos araw-araw na ginagawa kong pamamasyal sa may dalampasigan halos araw-araw ko ding nakikita ang isang magandang babaeng laging may malungkot na aura sa kanyang katauhan. At dahil sa kuryusidad naisipan kong magtanung kung sino ang babaeng iyon. Doon nalaman kong siya pala ang batang babaeng minsan kong pinangakuan. Isang pangakong hindi ko alam kung natatandaan niya pa. Masaya ako ng malaman kong siya pala ang kababata ko pero napalitan din ito ng lungkot ng malaman ko mula kay Candy kung anong pinagdadaanan niya. Ikakasal na sana siya sa isang sikat na Businessman sa Maynila ng hindi sumipot ang groom sa kasal niya, bukod sa kahihiyang natamo niya at ng kanyang pamilya higit pa roon ang sakit na naramdaman niya ng malaman niyang ikinasal na pala ang lalakeng minahal niya. 

Sa loob ng ilang taon nakita ko rin siyang muli. Iyon nga lang hindi ko inaasahan na sa pagbabalik niya dito isang malungkot na babae ang makikita ko, kabaligtaran sa isang batang babaeng nakilala ko noon. Hindi ko man gustong makita siya sa ganoong kalagayan, hindi ko alam kong paano ko maaalis ang lungkot sa mga mata niya, sa maamong mukha niya.
Sana pwede kong akuin ang lahat lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Sana kaya kong ibalik muli ang dating ngiti sa mga labi niya.

Miss okay ka lang ba? tanung ko ng makalapit ako sa kinauupuan niya. Sa halip na humarap sa akin ay sa kabilang side siya tumingin na para bang gusto niyang itago ang pag-iyak niya. Hetong panyo? sabay abot ko sa kanya. Wag kang mag-aalala malinis naman yan eh, dagdag ko pa. Ni isang salita wala akong narinig mula sa kanya, katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon. Maya maya'y siya rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. 
"Salamat, maigsing sagot niya na mababakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan."
Hindi ka tagarito hindi ba? ngayon lang kasi kita nakita dito samin, pagsisimula ko ng usapan.
Oo, hindi nga... matipid nyang sagot.
....
Bakit ka umiiyak? naaalangang tanung ko sa kanya.
Hindi naman dahil sa pinahiram mo ako ng panyo mo eh sapat na iyon para sabihin ko sayo ang dahilan ko, ang sabi niyang walang kare-are-aksyon sa mukha sabay tayo at akmang aalis na.
Teka, aalis ka na?
Oo, salamat sa panyo hayaan mo papalitan ko ito sabay talikod niya sa akin.
Siya nga pala may exhibit bukas sa bayan baka gusto mong pumunta para mabawasan naman yung lungkot mo, paanyaya ko sa kanya sabay hiling na sana ay pumunta siya.




--------
"Oh, ate andiyan ka na pala, galing ka ba ulit sa dalampasigan?"
Ah, oo nanggaling nga ako doon..
"Siya nga pala sinabi sa akin ng ni Kuya James na may Exhibit daw bukas sa bayan, baka gusto mong mamasyal at tingnan?
Exhibit? pagkarinig ko nun naalala ko ang sinabi sakin ng lalake kanina sa dalampasigan. May exhibit bukas sa bayan baka gusto mong pumunta para naman mabawasan ung lungkot mo.Hindi naman siguro masama kung pupunta ako. Sige pumunta tayo bukas candy. Teka sino naman ung sinasabi mong James? 
"Ah, si Kuya James? kaibigan ko siya ate. Hayaan mo ipapakilala ko siya sayo bukas."
Ah, ikaw ang bahala. 

Kinabukasan maaga kaming pumunta ni Candy sa Bayan para tingnan iyong exhibit na sinasabi ng kaibigan niyang nagngangalang James, at ng lalake sa dalampasigan. Pero habang tinitingnan ko ang mga larawan, may isa doong kumuha ng atensyon ko at ni candy.
"Ate, tingnan mo ang larawan nitong babae na nakaupo parang ikaw? puna ni candy."
Pinagmasdan kong maigi ang larawan at tama nga si Candy, hindi ako maaaring magkamali dahil talagang ako nga ang babae sa larawan. Hindi lang pala isa ang larawang iyon sa may batuhan kundi marami pa at sa iba't ibang anggulo, mababakas ang lungkot sa mga mata nga babae. Masasabi kong maganda at magaling ang kumuha ng mga larawang iyon dahil ramdam mo ang emosyon sa bawat kuha. Pero kahit ganun inis ang nararamdaman ko sa pagkuha niya ng mga litrato ko na walang paalam mula sa akin. Bakit kilangan niyang kuhaan ako ng pictures para lamang ipakita sa lahat kung anong lungkot ang nararamdaman ko? Nagngingitngit ang kalooban ko at pakiramdam ko naiinsulto ako sa walangyang photographer na hindi man lang humingi ng permiso sa akin. Nagsimula akong magtanung sa mga tao para alamin kung sinong photographer at laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na muka. Ang lalake sa dalampasigan, nandito din. Sa kakatingin ko ng mga larawan nawala na sa paningin ko ang pinsan kong si candy at laking gulat ko ng makita siyang kausap niya ang lalake na iyon kaya naman agad agad akong lumapit para magtanung. Pero dahil sa naunahan na ako ni candy nasagot na din ang tanung sa isip ko.

"Ate, buti naman at lumapit kana pala dito. Gusto ko nga palang ipakilala sayo si Kuya James? siya ung sinasabi ko sayo kagabi, natatandaan mo?"
Ah, oo candy.. maigsing sagot ko na hindi pa rin makapaniwala. 
Kuya james, baling naman ni candy sa lalake, siya nga pala ang pinsan ko si ate Ysa.
Nice meeting you... sambit ni James sabay ngiti.
Teka candy alam mo ba kung sino ang bwesit na photographer na kumuha ng mga pictures ko? gusto kong makausap ang kumag na un para alisin niya dito ang mga pictures ko.
Bahagyang nagkatinginan sila James at Candy na para bang takang taka sa inaakto ko pero binalewala ko un.
Magsasalita na sana si candy ng biglang putulin ni James ang sasabihin nito.

"Ako ang bwesit na photographer na sinasabi mo ang sabi ni James na para bang nang-aasar ang ngiti."
Ah, ikaw pala.. Ikaw pala ang bastos na lalakeng hindi man lang humingi ng permiso ko para ilagay dito ang mga larawan ko. Pwede bang tanggalin mo ngayon din ang mga pictures na iyon? utos ko sa kanya.
"Why should I do that? hindi mo ba alam na maraming nagagandahan sa mga pictures mo?"
Nagagandahan? o naaawa sila sa nakikita nila? pagkasabi ko noon agad akong lumabas sa lugar na iyon. 

Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at patakbong tumungo sa dalampasigan. Doon ibinuhos ko ang masaganang luhang kanina pa nag-uunahang lumabas.
Pumunta ako sa lugar na ito para magkaroon ng katahimikan pero heto't kahit saan ako magpunta hindi ako tinatantanan ng mga matang mapang husga.


5/9/10

mY mr. EWAN

CONVERSATION NAMIN NG FRIEND KO

pol: ikaw kilan ka mag-aasawa? napag-iwanan kana ah...
ikaw kasi binasted mo ako...hehehe

ako: loko loko... bf nga wala ako eh, asawa pa kaya?

pol: bat kasi wala kang bf?

ako: eh sa wala eh, ano namang magagawa ko?

pol: maghanap ka kasi...

ako: hindi ko kilangan maghanap, sila dapat maghanap sakin..hehehe

pol: malay mo andyan lang sa tabi tabi ung mr. ryt mo

-end-

ayan na naman yang mr. right na yan...
pano mo ba malalaman na siya na nga si mr. right?

  • kapag ba kanan ang gamit niya?
  • kapag ba lagi siyang nakatingin sa right side?
  • kapag ba lagi siyang right?
eh pano kung kaliwete? eh d ndi na siya pwedeng tawaging mr. right? so mr. left ba dapat ang itawag sa kanya?hehehe

seriously? i used to believe sa mga mr. right na yan... kalokohan ndi ba?
oo tama... isang malaking kalokohan talaga...
sino ba naman kasing nakakaalam kung nag-eexist nga ba talaga si mr. right?
eh siya kaya alam niyang nag-eexist ako? hahaha...

basta ang pinaniniwalaan ko lang ngayon...
sa bawat isa satin may isang taong nakalaan para sa kanya...
hindi ko alam kung siya ba ung tinatawag nilang mr. right? the one? o mr. perfect.?
basta ang alam ko siya ang MR. EWAN ng buhay ko...
at itatago ko siya sa ganung pangalan...

MY MR. EWAN...

PHOBIA

phobia (from the Greekφόβος,phóbos, meaning "fear" or "morbid fear") is an intense and persistent fear of certain situations, activities, things, animals, or people. The main symptom of this disorder is the excessive and unreasonable desire to avoid the feared stimulus. When the fear is beyond one's control, and if the fear is interfering with daily life, then a diagnosis under one of the anxiety disorders can be made


kanina ito ung topic sa aha! hosted by drew arellano sa channel 7. 
naisip ko tuloy ung mga phobia ko... ang dami ko kasing kinatatakutan...

takot ako sa bola - nagsimula ito noong high school ako. natamaan kasi ako noon sa likod ko habang nakatambay kami sa may likod ng puno. ang sakit sakit naman kasi... simula noon kapag nakakakita talaga ako ng bola lalayo na ako niyan kahit na ang layo pa naman sakin, pakiramdam ko kasi may paa ang bola at baka habulin ako... hehehe... kaya nga kapag nanonood ako ng naglalaro ng basketball sinisigurado kong malayo talaga ako dahil makakita lang ako ng bola eh napaparanoid na talaga ako...at hanggang ngayon hindi pa rin maalis sakin un...

takot din ako sa mga nakakatakot na rides tulad ng roller coaster - makita ko lang kasi ung taas nun pakiramdam ko pag sumakay ako eh malalaglag ako... lalo na ung sa part na papaakyat tapos biglang bababa para bang maiiwan ung kaluluwa mo... kaya ayoko talaga sa mga ganyang rides.. baka mamatay ako.. o.a noh?

takot din ako sa palaka - (irrelevant na ung mababasa mo sa topic ko.. may makwento lang ako..hehe)nung high school nung minsang pinagdala kami ng palaka talaga namang halos umiyak ako nun sa pinsan ko para lang ihuli ako ng palaka dahil nga kilangan para sa isang activity. ang siste, mag-aala doctor pala kami na kala mo e ooperahan ang palaka... nung nakita ko na ginagawa un ng mga classmates ko talaga namang hindi ko maiwasang maawa sa palaka... ikaw ba namang isabit sa kahoy na para kang nagpenitensiya ng mahal na araw... masaklap dun eh mamatay din sila dahil kilangan lang bilangin ung heartbeat ata un... (nakalimutan ko kasi ung term para activity na un eh..disect ata un)..tsaka sino ba namang mabubuhay na hiwa na ang tyan mo? kaawa awang mga frog... at dahil sa activity na un hindi ko dinissect ang aking malaking frog kawawa naman kasi siya eh...buntis pa naman ata... kaya aun wala akong grade tuloy... tapos pinakawalan ko nalang siya...habang sinasabing "humayo kayo at magpakadami" hehehe...


5/2/10

ANG MALAS

May 1, 2010

Pumunta ko sa Malate para sana iwithdraw ang application ko para kunin na ang Passport ko kaso wala din namang nangyari dahil wala daw pasok ung isang department kaya wala pang 5 minuto eh pauwi na ako. Nang nasa mrt station na ako sa shangrila naisipan kong pumunta nalang muna sa SM Megamall dahil may job fair daw at dahil sa maaga pa naman ng time na un so ayun nga sige go ako sa Mega...

Nakakapagod kasi medyo malayo layo ring lakaran ang ginawa ko at napakainit pa. Nang makarating ako sa Megamall ang daming tao, hindi na nakakapagtaka kasi nga may Job fair so malamang magsisipag-apply ang karamihan dahil mga semi-formal ang mga attire. Naglakad lakad lang muna ako at hinanap ko na din kung saan banda ung venue ng Job fair, sobrang sakit ng binti ko sa kakalakad at after 2 hours nakita ko rin.

Nasa 4th flr ata un kung d ako nagkakamali. Makikipila sana ko kaso ang daming tao mga 12:30 na din ung time at wala pa akong lunch at tinamad na akong makipila dahil wala din akong dalang resume.hehehe... Makikiusyoso lang sana ako kaso hindi pala pwede pumasok lahat so naisipan kong umuwi nalang pero dahil nagugutom ako eh syempre kilangan kumain muna kaso naisip ko saturday nga pala at walang 39'ers sa Jobby..hehe tagtipid kasi ako dahil magkano lang ang pera kong dala tapos umay na ako sa chicken dahil sa halos araw araw panay manok ang ulam namin kulang na nga lang magkapak-pak kami.hehehe... Isa pa nalulungkot ako kumain mag-isa kaya naisip ko na punta nalang ako sa kaibigan ko para makipagkwentuhan na din kaya pumunta nalang ako ng supermarket para bumili ng snack at tinapay para makain ko bago man lang ako bumiyahe dahil tom jones na talaga ang lola niyo.

Pagkatapos kong bumili ng snack pati ng pasalubong na rin eh lakad na naman ulit ako at syempre ginamit ko na ang pinabaon na payong ni mader. Ang saklap lang dun dahil sira naman pala ung payong tanggal na ung isang alambre at nung malapit na ako sa elevator paakyat sa mrt eh sumabit pa sa buhok ko... kakainis talaga ang hirap pa naman tanggalin... buti na nga lang at wala masyadong nakakita sakin...dyahe naman kasi..hehe
nakakasira ng pose...

Nang nasa mrt station na ako so ayun bili na muna ako ng ticket papuntang cubao para dun nalang ako sakay paSM fairview dahil ang layo ng lalakarin ko pag sa kamuning ang ganda ganda pa naman ng payong ko...hehehe... so ayun nakasakay na ako sa mrt at dahil hindi naman rush hour eh may vacant seat kaya naman todo upo ang lola niyo, minsan lang kasi mangyari na hindi ako nakatayo sa mrt. Kaso lang nagulat ako ng sabihin na ang next station eh boni... sa isip isip ko bakit ganun alam ko una muna shangri-la bago ang boni station eh pero dahil palagay ang loob ko eh hindi muna ako nagpanic. Maya maya ang next station na daw eh buendia... anak ng pating at sampung kagaw naman oh, napatingin ako sa card at naconfirm ko ngang nagkamali ako ng sakay...kaya naman bumaba ako ng ayala station at ayun nga bili na naman ng card para makauwi ako dahil ang layo na ng narating ko...kaso lang nagkamali na naman ako ng daan dahil ung pataft pala ung napuntahan ko kaya balik na naman ako...nakakawindang na talaga... kaya naman bago ako sumakay sa mrt eh nagtanung muna ako sa manong kasi baka kung saan na ako mapadpad wala pa naman ako masyadong dalang pera baka d ako makauwi..hehe... dala na rin ata ng gutom kung bakit nawiwindang ako..hehehe... nagmadali na kasi akong makapunta sa friend ko para makikain nalang sana ako at nalilito na kasi ako sa megamall dahil ang laki laki hindi naman ako sanay dun. Kaya aral talaga sakin ung nangyari kaya sa susunod hindi na ako papagutom... hindi na talaga...

Nang makasakay ako ng bus kumain na talaga ako nung binili ko, wala na akong paki sa mga katabi ko basta ang alam ko nagugutom na talaga ako...

Nang makarating naman ng SM Fairview, grabe talaga ang timing ng ulan biruin mo ba namang bumuhos siya ng bonggang bongga... samantalang sa kabilang side eh super duper init to the max... buti na nga lang at kahit pano ay nakatulong naman ung mahiwagang payong na pinadala ni mader dear ko kundi talaga namang basang basa ko... at least nagmuka lang akong basang sisiw hindi manok...nyahaha...

At ayun nga sa wakas nakarating ako sa bahay ng kaibigan ko... todo kwento pa ng kamalasan ko...

Kaya ang masasabi ko lang....

HUWAG MAGPAPAGUTOM....

4/27/10

WAITING

Naranasan mo na bang mag-hintay?
Ung tipong gusto mo ng sapakin at pagsasampalin ung taong hinihintay mo sa sobrang tagal niya...
Ung tipong sasabihin sayo sa text na on the way na siya pero anak ng teteng eh isang oras ka ng nag-hihintay...
Ung tipong hindi mo alam kung naghihintay ka ba sa wala dahil baka ininjan kana ng hinihintay mo...
Ung tipong naghihintay ka sa hindi mo alam kung meron ka nga bang dapat antayin pero patuloy ka pa rin sa pag-asa na baka sakali may dumating pa...
Ung tipong suko ka na at aalis ka na pero hahakbang ka pa lang eh babalik kana para magbakasakali...
Ung tipong mag-aantay ka hanggang sa maubos ang bukas...

Ako naranasan ko na at hanggang ngayon naghihintay pa rin ako.
Kung itatanung mo kung ano? sino? at bakit?
Isang ngiti lang ang maisasagot ko sayo...
Hindi ko din kasi alam kung ano? sino? at bakit ako nag-hihintay...
basta naghihintay ako... at kung ano man iyon hindi ko rin alam...
bahala na si batman...

Nakakainis mag-hintay dba?
Nakakairita...

Sa totoo lang ang pinaka ayoko sa lahat ay ang maghintay...
Mainipin kasi ako eh...

Madalas kasi ako sa ganyang sitwasyon...
at iyon ang pinaka nakakainis sa lahat...

Naalala ko noon madalas ako ang malate samin. Ayoko kasing mauna sa usapan tapos mag-hihintay ako.
No way.... mas gugustuhin ko ng ako ang hintayin kesa ako ang maghintay... Mainipin kasi talaga ako pero kahit naman ganun matyaga naman ako... ang gulo noh?

Noon ako ang madalas na hintayin ng mga kaibigan ko pero naiba na ngayon ang sitwasyon nagbago na kasi ung pananaw ko. Naisip ko kasi ayoko ng feeling ng taong naghihintay kaya mas magandang dumating ako sa oras, masaklap lang dun sila naman ang late. 

Isang beses nagpasama sakin ang isang kaworkmate ko. Makikipagmeet daw kasi siya sa katextmate niya at syempre wala naman din akong gagawin kaya sinamahan ko nalang siya. Usapan namin na magkita sa Nova Mall sa Novaliches dun daw kasi ang usapan nila sa isip isip ko ang korni naman ng place sana man lang sa SM nalang kaso ang iyong katextmate nga ng kaworkmate ko eh malayo daw kapag sa Sm pa...

Dumating ako ng sakto sa oras. Ang nakakainis dun wala pa ung nagpapasama sakin na kaworkmate ko samantalang malapit lang ung boarding house niya sa meeting place. So, ayun tenext ko na ang bruha sabi on the way na daw siya... at wait lang daw ako... So ako naman eh ikot ikot muna sa meeting place, nakailang minuto na rin akong naglalakad at naikot ko na rin halos ang buong lugar, maliit lang kasi ung mall na un eh.. text na naman ako sa bruhilda kong kaibigan, malapit na daw siya. Paksyet sa isip-isip ko kanina pa ako nag-hihintay at naiinip na talaga ako. Napagkamalan pa nga akong kaeyeball nung isang lalake, pano ba naman kasi panay ang text ko. Nagsisimula na talagang maubos ang pasensiya ko at gustong gusto ko ng iwan ung kaibigan ko. Tenext ko ulit siya "hoy bruha tinutubuan na ako ng ugat dito ah..." at isa pang text "anak ng pating kang babae ka asan ka na ba? may bunga na ako dito"... Maya maya nakareceive ako ng text sa kanya na papasok na daw siya ng mall at ang bruha eh todo ngiti pa sakin samantalang sambakol na ung mukha ko sa sobrang inis sa kanya... Pasalamat nalang talaga siya at sadyang mabait ako...

Ewan ko ba pero mainipin talaga ako sa totoo lang pero kahit ganun matyaga naman akong maghintay...
Malabo noh?

Until now I'm still waiting...

at kung ano man iyon....

hindi ko talaga alam....

IKAW NASUBUKAN MO NA BANG MAG-HINTAY?

4/20/10

HAPPILY EVER AFTER

......and they live happily ever after...
pamilyar ba sa inyo ang mga salitang yan?
malamang sa oo...
sino ba namang hindi makakarelate sa salitang yan eh lahat tayo may ngipin o wala, matanda o bata eh narinig ang gasgas ng kwento nila cinderella, snowhite, rapunzel at kung sinu-sino pang prinsesa na hindi nawawalan ng prince charming...

isa din ako sa mga nahumaling sa mga fairytales...
isang babae na naniniwala na mayroon din akong prince charming...
at gusto ko rin magkaroon ng sarili kong love story na nagtatapos sa and they live happily ever after.

HAPPILY EVER AFTER....
sa totoong kwento ng tao hindi nagtatapos sa mga simpleng salitang yan ang bawat buhay natin...
araw-araw panibagong pagsubok ang dumarating... depende sayo kung sa paanong paraan mo ito haharapin.
hindi ito nagtatapos sa simpleng period...

ang alam ko lang...

hangga't may bukas hindi mo ito basta basta pwedeng dugtungan ng
and they live happily ever after...

4/7/10

SECOND CHANCE?

Ung totoo?
hindi ako naniniwala sa mga second chances pagdating sa relasyon...
Sabi nila "LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND" (tama ba?wahehehe)
pero d ako naniniwala diyan..
ang adik ko noh? basta ganun ang paniniwala ko noon...

Naalala ko pa nga nung time na tinanong ako ng exbf ko ng "bhe, what if magkahiwalay tayo? bibigyan mo ba ako ng second chance?"
nagulantang ako sa tanong niyang un...na para bang nakita ko si sadako sa harap ko... 0_0
at kinabahan din... un kasi ung time na para bang nagkakalamigan na..(december kasi nun..hehehe)
nakakawindang na tanong na para bang may balak ang kumag...

at ayun nga bago kami mag-anniversary eh nagbreak kami...saklap noh?
dami ko pa namang plano nun...(next post na ung kwento kung balak mong makitsismis..hehe)

Balik tayo sa tanung ni ex ang sinagot ko sa kanya ay ang isang nag-aalangang DEPENDE..
Depende kung ganu kalaki ung kasalan mo at sa nagawa mo.
Speechless ako ng time na un, nagulat kasi talaga ako... Hindi ako makapag-isip ng tama kasi ang naiisip ko bakit naitanung niya un?

Bakit nga ba ayoko ng SECOND CHANCE?
kasi para sakin once na sinaktan ako ng isang tao may tendency na gawin niya ulit un...
hindi lang ng isang beses pero ng maraming beses pa...
katangahan na lang kung bibigyan mo pa siya ng pagkakataon para saktan ka...
at siguro dahil na rin sa napakataas kong PRIDE na mas mataas pa sa Mt. Everest.

Kung hihingi man sayo ang isang taong ng second chance buong puso mong ibigay un sa kanya...
sa pangalawang pagkakataon ibigay mo ulit ung tiwala mo sa kanya... ung hindi pilit at ung bukal sa loob mo...
Hindi naman masama kung bibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang isang tao para itama ang mga maling nagawa niya pero kung ung pagkakataon na binigay mo sa kanya ay sinayang niya lang siguro pagsasampalin mo na siya ng bonggang bongga with matching flying kick pa...

Hindi masamang magbigay ng SECOND CHANCE...
wag lang sanang umabot sa THIRD CHANCE at ng marami pa...

kaya ang masasabi ko lang eh...

"LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND"


at sana magkaroon din kami ng second chance ni adik..nyahaha asa pa..

4/6/10

HAPPY 10th MONTHSARY

Tommorrow is supposedly our 10th monthsary...
D ko alam kung maaalala mo pa, pero malamang sa hindi...
Bakit ba kasi nag-eemote na naman ako para lang palungkutin ang sarili ko.
Ang ADIK ko naman kasi sayo eh... Paksyet yan...





HAPPY 10th MONTHSARY ADIK... =(

BLOG

Samot saring blog na ang nabasa ko...
at sa totoo lang masarap magbasa ng blog ng may blog...hehehe
dahil bukod sa simpleng pagiging chismosa eh nakakakuha din ako ng kagaguhan kalokohan aral.

naenjoy kana...
narelax...
kinabagan sa kakatawa...
natuto kapa.... panalo dba?

Baguhan lang din ako sa pagboblog at aminado naman akong hindi talaga ako writer...
frustrated pwede pa...

Bakit nga ba ako nagboblog?
kasi dito pwede kong aminin ang kahit na ano tungkol sakin na hindi ko kayang aminin sa iba...
dito nasasabi ko ang mga hindi ko masabi sa pamamagitan ng simpleng pagsusulat...
dito mailalabas ko ang totoong nararamdaman ko sa likod ng mga ngiti ko...
dito ako ang bida sa sarili kong mundo... 

4/4/10

HOT SEAT

SCENARIO 1

Si ate tuding ung asawa ng pinsan ko then si ara ung sister ko.

Ate Tuding: Khet dba magbibirthday kana ngaun?

ako: huh? hindi naman kaya ako april.

Ate tuding: hindi ba? eh sino ba?

ako: ayan oh, si ara...

Ate tuding: ah oo nga pala, october ka nga pala. Kilan nga ra ang birthday mo? 19 ba?

Ara: hindi ah, 21 ako tapos si loven (younger brother namin) 23. Sunod sunod nga kaming magbibirthday ngaun eh.

Ate tuding: ah, eh sino ba ang 19?

Ara: wala namang 19 samin eh.

Ate tuding: wala ba?

ako: ahemmmm... ung 19 kasi si ano.... si anoooooooo.... hehehehehe

Ate tuding: ah si jepoy (ex bf ni ara)?

ako: hehehe... ayun na nga...

Ara: friends naman kami eh...

Ate tuding: ikaw khet san na ung ex mo? may asawa na?

ako: (anak ng teteng yan ako ung nang-iinis eh sakin pa nabaling...) wala pa ata gf meron..

Ate tuding: talaga? wala pa... eh asan na un nagwowork ngaun?

ako: sa gma ata eh, ewan ko...

Ara: alam na alam ah... uiiiiiiiiii.... hehehehehe

ako: (defensive) eh dati pa naman un noh...

Ate tuding: (tumatawa din) aun lang ba ung naging bf mo?

ako: (nak ng teteng talaga oh, may follow-u question pa..) ndi ah, si khel din ah ung clasmate ko dati...

Ate tuding: bakit ndi ko ata nakita un?

Ara: nakita mo na un ung kamuka ni jay?

Ate tuding: ah aun..

ako: (defensive ulit..hehehe) hindi kaya sila magkamuka noh, ang layo layo ng diprensiya eh...

Lesson: huwag mang-asar kasi may possibility na bumalik sayo... at un ang tinatawag na KARMA... ^_^


SCENARIO 2

Nasa labas kasi ako at kasalukuyang nagbibilog ng malagkit para sa ginataang halo-halo.

Auntie Liza: khet asan si ara?

ako: wala eh...

Auntie Liza: may date?

ako: malamang...hehehe

Abby(anak ni ate tuding/pamangkin): ate akhet bakit ikaw wala kang boyfriend?

Auntie Liza: naku, walang ganyanan... (sabay tawa)

ako: hindi un uso sakin...hehehe (kala nila ah...bat ba kasi ako ang napapansin?wahahaaha)

Lesson: Minsan mas ok na wag ng lumabas..hehehe

3/24/10

ALA-ALA

Sabi mo sakin noon:
AKO LANG ANG NAGING GF MO NA GUMAGAWA SAYO NG MGA KORNING BAGAY PERO GUSTONG GUSTO MO...
AKO UNG SWEET...UNG KORNI...UNG MATIGAS ANG ULO...UNG MAKULIT...
AKO LANG UNG NAGBIGAY NG TAWAGAN NA HON...
at higit sa lahat...
AKO UNG MINAHAL MO NG TODO... pero sana

kahit wala ng tayo AKO PA DIN ANG LAMAN NG PUSO MO...

Sabi ko sayo noon gagawin kong special ang bawat monthsary natin kahit na hindi tayo magkasama. Sisiguraduhin ko na hinding hindi mo makakalimutan ang bawat araw na un kasi gagawin ko ung memorable para sau. At sinubukan ko namang tuparin un eh, ginawa ko sa abot ng makakaya ko.

Remember nung 4th monthsary natin tinext ko lahat ng mga kabordmate mo para lang igreet ka nila ng "HAPPY MONTHSARY" at sabihin sayong MAHAL NA MAHAL KA NG GIRLFRIEND MO. Sabi mo pa nga nun nasurprise ka talaga kasi pagkadating mo noon isa isa silang bumati sayo at sinabi kung ano ung pinapasabi ko sa kanila. Tuwang tuwa nga ako noon kasi akala ko papalpak ung plano ko eh, but thank God nakisama naman silang lahat tapos inaasar kapa nila pero ikaw naman ngiti ngiti ka lang. Pero thank you kasi naappreciate mo ung ginawa ko na un para sayo. Ikaw lang ung sinurprise ko ng ganun at buti nalang dahil nasurprise ka talaga at pati na rin ang mga kabordmate mo. Masaya ko na napasaya kita sa araw na un. Pero alam mo kung anong pinakamasaya sa bawat monthsary natin? kasi buong buwan mo akong binabati ng HAPPY MONTHSARY HON...

Kaya nga sa tuwing darating ang ika 7th day every month namimiss ko iyong HON ko na laging bumabati sakin ng happy monthsary. Ewan ko kung naaalala mo pa pero sana importante pa din sayo ang araw na un. Sa totoo lang nalulungkot talaga ako habang nagtatype ako ngayon, kasi naalala ko lahat lahat ng memories na meron tayo. At kunti nalang babagsak na ung mga luha sa mga mata ko. Nakakainis naman kasi eh bakit ba kasi napakaiyakin ko. Sabi mo sakin ayaw mo kong nakikitang umiiyak kasi ang pangit ko.hahahaha... Pero pano ko nga ba pipigilin ang mga luha ng kalungkutan na gustong gusto ng bumagsak mula sa mga mata ko?

PAANO?

11/21/09

Friendship to love

its hard to fall for a friend especially kung alam mong he/she like sum1 else… ouch ryt? but wat can u do? eh ala ka namang ryt db?




Panu mo sasabihing gus2 mo xa? F he/she asks u?



Pwede mo bang sabihing ikaw ang gus2 q?… O pwede mo mo bang sabihng "u fall for him/her na"… U pretend dat u like sum1 else but the truth isa xa talaga…



Pa2kso 2kso kapa… But deep inside sobrang ouch na…



Minsan naicip mo sabihin xa kanya pero natatakot ka kasi baka sabihin nia pwede ba d kita gus2… wag asa…tsk tsk…



Eidy sobrang ouch na naman… Pero pag ganun sabihin mo sa knya sabi q i like u… ndi q naman cnbing gus2hin mo din aq db? (sa quotes un…hehehe)



Ang hirap talaga mainlove sa isang kaibigan kasi baka isang araw sabihin mo… "IM SO STUPID TO MAKE THE BIGGEST MISTAKE OF FALLING INLOVE WID MY FRIEND"… o san kapa… line yan ni jolina sa isang movie nia…



Minsan naman may situation na u both fil d same pero d nio lang masabi sa isa’t isa kasi iniicip nung isa baka iba ang gus2 nia? E panu kung mali ka pala…kasi ganun din iniicip nia….(anoder quotes?hehe)



Eidy wala ng chance kea malamang mapunta xa sa iba…



Hahayaan mo bang mangyari un?



hahayaan mo bang mawala xa sau? o



hahayaan mong maging masaya ka dahil alam mong xa lang makakapagpasaya sau?



Maraming pwedeng mangyari… Pero sa lahat ng pwedeng mangyari handa kaba? kaya mo bang i-take lahat ng mga consequence?



kaya mo bang magpaka22o sa sarili mo?



Oh ikaw anung gagawin mo?