Noong nakaraang araw isinama ng kapatid ko sila mudra na pumunta ng S.M Fairview. Ako dapat sana ang isasama niya dahil gagawin ata akong chaperon, pero dahil sa tinatamad ako at wala akong kadatungan eh ndi na ako sumama kaya ang siste mukhang nacancel ang date niya (bwahahaha).
Naggrocery lang naman sila tapos ikot-ikot lang hanggang sa magsakitan na ang mga paa nila at magutom ang mga anaconda nila sa tyan. At ayun ang highlight sa grocery ang kapatid kong si loven (lalake po yan). Dahil sa gutom eh pinilahan lahat ng free taste, walang keber kung maiwan siya. Buti sana kung may pamasahe siya samantalang walang dalang pera ang mokong. At ayun kinabahan daw nung hindi na makita sila mama buti na lang at magaling maghanap.
Pagkatapos naman nilang maggrocery nakita ni mudra ung zagu, nacurious sa lasa dahil d pa daw siya nakatikim nun kaya nagpabili kay sisteret ko. Naibigay na ni kapatid ang zagu. Isa kay loven at isa kay mudra. Ang loven walang keber basta todo sip-sip at ng mapatingin kay mudra laking gulat niya daw na tinatanggal ni mudrakels ang cover sa zagu, as in hirap na hirap(buti nalang ndi ako kasama). Pagkatapos saka nilagay ang straw. Ang siste baliktad pa ang pagkakalagay ng straw, kaya naman sinabi ni loven un kay mudra. Eto namang si mudra eh sadya talagang adik biruin mong binaliktad ulit ang straw kung kilan paubos na...
Pagkauwi nila ng bahay todo kwento ang kapatid ko na may kasama pang action parang nanonood lang kami ng pelikula... Pati si mama ang bongga bongga magkwento, mas magaling pa sa pagkakakwento ko dito. Habang kumakain tuloy kami puro tawanan ang nangyari...
Minsan werdo talaga si mama... Nakakahiyang nakakatawa...
Pero kahit ganun I LOVE YOU MUDRA...
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na family. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na family. Ipakita ang lahat ng mga post
11/4/10
6/18/10
HAPPY TATAY'S DAY!!!
Sa totoo lang kagabi ko pa sana gustong gumawa ng isang video para sa aking pudra. Kaso lang habang naiisip ko ung mga gusto kong sabihin para sa kanya, nag-uunahan na sa pagpatak ung mga luha kong pilit pinipigilan. Pero sadya talagang makulit si luha dahil ayaw magpaawat... Ayun kagabi para akong tangang naiiyak, tulo pati sipon... (ewwww...yuckknesss...)
Pero para sa tatay ko...
Alam ko po hindi ako mabuting anak...
Hindi ako perpekto...
Higit pa dun, madalas ko kayong mabigo...
sa mga bagay bagay na ginagawa ko...
Sorry po kasi sa ngayon hindi ko pa natutupad ung pangarap ko na para sa inyo.
Sorry po kasi hindi ko kayang abutin ung expectation niyo para sa kapatid ko...
Sorry kasi mahina ang loob ko...
Sorry kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa inyo ni mama.
Basta sorry po kung hindi man ako naging mabuting anak para sa inyo.
Salamat po sa lahat ng pagtitiis niyo para lang mabigyan kami ng maayos na buhay...
kahit na alam kong hirap na hirap na din kayo...
Salamat po sa lahat ng mga sinasabi niyo kahit minsan masakit dahil ito ung mga bagay na nagpaparealize sakin na mali ako...
Salamat po sa mga encouraging words sa tuwing nawawalan na ako ng pag-asa...
Salamat po sa pagbibigay ng buhay sakin para makita ang mundong earth...
Salamat po sa pagiging TATAY...
Natawa ako sa sinabi niyo kanina sa phone...
Masaya na akong marinig iyong mga tawa niyo...
MAHAL NA MAHAL KA PO NAMIN.....
siguro d lang kami showy...
pero LOVE KA NAMIN..
Pero para sa tatay ko...
Alam ko po hindi ako mabuting anak...
Hindi ako perpekto...
Higit pa dun, madalas ko kayong mabigo...
sa mga bagay bagay na ginagawa ko...
Sorry po kasi sa ngayon hindi ko pa natutupad ung pangarap ko na para sa inyo.
Sorry po kasi hindi ko kayang abutin ung expectation niyo para sa kapatid ko...
Sorry kasi mahina ang loob ko...
Sorry kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa inyo ni mama.
Basta sorry po kung hindi man ako naging mabuting anak para sa inyo.
Salamat po sa lahat ng pagtitiis niyo para lang mabigyan kami ng maayos na buhay...
kahit na alam kong hirap na hirap na din kayo...
Salamat po sa lahat ng mga sinasabi niyo kahit minsan masakit dahil ito ung mga bagay na nagpaparealize sakin na mali ako...
Salamat po sa mga encouraging words sa tuwing nawawalan na ako ng pag-asa...
Salamat po sa pagbibigay ng buhay sakin para makita ang mundong earth...
Salamat po sa pagiging TATAY...
Natawa ako sa sinabi niyo kanina sa phone...
Masaya na akong marinig iyong mga tawa niyo...
MAHAL NA MAHAL KA PO NAMIN.....
siguro d lang kami showy...
pero LOVE KA NAMIN..
5/29/10
HINDI AKO TOMBOY...
(Pasintabi lang po sa mga tomboy na pwedeng mapadaan ah... wala akong ibig sabihin sa post na ito....)
I am single and I think wala namang masama sa pagiging single, right? Hindi naman crime ito at mas lalong hindi nakakamatay...hehehe... Maybe I am single but that doesn't mean na purket single ang isang babaeng tulad ko at may mga katext na mga babae eh, tomboy na ako. Paksyet naman kasi ang kapatid ko, imagine pinagbibintangan niya akong tomboy?
(Excuse lang po sa mga tomboy, hindi naman ako against sa kanila eh.)
(Excuse lang po sa mga tomboy, hindi naman ako against sa kanila eh.)
scenario
kapatid: eto si ate tomboy ata eto eh, mga katextmate puro babae.
ako: wala kang paki... sabay smile lang...
maya maya may nagtext
kapatid: te ung chicks mo nagtext nagrerequest ng load...
ako:baliw ka talaga... tapos tawanan naman ung 3 ko pang mga kapatid
kapatid: yan si ate tomboy ata yan eh... puro kasi mga katext, babae si paula, si grace etc.
ako:hindi purket mga babae katext ko eh tomboy ba ako noh? bat naman si ara (sis ko na sumunod sakin)?
kapatid:yan naman si ate may bf e ikaw wala! sabay tawanan sila lahat at sige pa rin sa pang-aasar...
Ang hindi niya alam si paula eh pol talaga ang name at guy friend ko un, kaso kinailangan ko lang na gawing name ng babae para hindi ako mabuking ni mama at tanungin pa ng kung anu-ano dahil ayoko ng issue at dahil na rin sa may gf na un. Gamit ko kasi ang phone ni madir dear ko dahil sa mas mura magpalod kaya gawain kong palitan ang name nila at gawing babae. (wag lang sanang mabasa dahil buking ako pag nagkataon..hehehe)
5/21/10
BAKIT nga ba AKHET?
Ano nga bang kwento tungkol sa nickname kong haket na ginawa kong akhet...?
Let me share this to you...hehehe... english un ah...
Umpisahan muna natin sa tunay kong pangalan...
I was named MICHELLE by my mother... nakakapagtaka noh? ang layo kasi ng pangalan ko sa nickname ko. Michelle daw dahil sa pinanganak ako sa shell craft kaya ayun naisip niyang idamay ang walang kamuwang muwang na shell at dinagdagan nalang niya kaya naman naging MICHELLE.
At kung bakit napakalayo ng nickname ko sa name ko eh kagagawan naman yan ng aking pudra. Ayon sa kwento ng aking madir dear... Nung unang panahon daw este nung bata pa ako, dahil daw sa ang taba taba ko at kalbong kalbo pa (na kabaliktaran ngaun...xmpre naglevel up na ko...hehehe) eh nakatuwaan ng papa ko na haket ang ipalayaw sa akin na nakuha naman niya sa idol niyang import ng basketball noon na ang pangalan ay MICHAEL HAKET. Idol na idol daw kasi un ng aking pudra dahil isa siyang basketball player dati. At dahil sa player na iyon, nadisgrasya tuloy ang walang kamalay na malay na batang si ako... Kaya tuloy hanggang ngayon eh un pa rin ang tawag sa akin. Buti na nga lang at nawala na ang letter h kaya naging aket nalang.. mas cute na un...hehehe
Dito po nagtatapos ang aking maikling kwento.. BOW....
5/9/10
ang mama ko?
- sa totoo lang ah, wala siya masyadong alam lutuin kaya minsan nakakasawa din kasi kung anong ulam ngayong week, ganun pa din yan next week iba iba nga lang ng araw...hehehe
- hindi niya ugali ang magmura kaya minsang narinig namin siyang magmura as in nanlaki talaga ang mata namin sabay tanung... si mama ba un?
- kapag wala siya sa mood paulit ulit na sermon ang aabutin mo... para kang nakikinig ng sirang plakang paulit ulit...
- hindi niya matandaan ng tama ang pangalan ng kahit sinong artista kaya kapag bumanat na yan si mama talaga namang matatawa ka...
- pag nagkuwento yan kwela kasi ba naman pati facial expression eh meron... san ka pa?
- kapag galit siya kahit na anong tanung mo dyan eh wala kang maririnig na sagot kahit pa yata magkabunga at ugatin kana diyan...
- kapag walang pera yan madalas mainit ang ulo kaya alam na kapag mainit ang ulo niya...
- kapag magtetext yan aabutin ng 48 years (wag ka ang nattype palang niyan "pa musta ka na?")
- hindi siya nangingialam ng cp (buti nalang dahil mabubuking ang mga kalokohan ko..hahaha)
- hindi siya tsismosa pero pag may kinuwento sa kanya siguradong itsitsimis niya yan sakin...haha
- maganda si madir dear ko, un nga lang kinulang sa height...parang ako..haha
- favorite niya ang kantang kabet at bestfriend ni kiroro ba un?
- trip na trip niyang kantahin ang kanta ng aegis tapos akala mo nag-iiba iba ng boses un pala nanghihina taz biglang tataas na naman..
- mahilig siyang tumawad sa bilihin..
- kuripot na galante..
basta kahit na may pagka adik si mama love na love namin yan...
HAPPY MOTHER's day...
meet my LOLA
Si Lola Belen, siya nalang ung natitira kong lola (pwera ung mga kapatid ni lola na iba). Ung parents kasi sa side ng mama ko, eh matagal ng patay. I never had the chance to spend time with them kaya nga bumabawi ako sa lola ko eh. Sa side ng papa ko si lola nalang ang natitira matagal na din kasing patay si lolo, at masaklap lang dun eh hindi ko man lang nakita si lolo.
Lola is staying here in our house for a vacation, un nga lang nakaka 1 month palang siya pero gusto na niyang umuwi sa Marinduque kasi daw namimiss niya na ung kanyang mga apo sa tuhod dun sa pinsan ko. Bukod pa dun masyado siyang nagwoworry sa mga alaga niyang hayop na aso, pusa at manok isama mo na rin ung baboy. Ewan ko ba pero natatawa talaga ko... masyado siyang nag-aalala samantalang andun naman ung pinsan ko at mga auntie ko. Tuwing nagbabakasyon siya dito samin bihirang bihira talaga na tumagal siya ng taon siguro dahil na rin sa hindi siya sanay na wala siyang ginagawa dito at mamimili nalang siya ng bahay na pupuntahan kung saan siya kakain since tatlo sa mga anak niya eh magkakatabi lang nga ng bahay. Minsan nga suko na siya sa kakakain dahil katatapos lang daw niya kumain eh kakain na naman... Sasabihin nalang namin na minsan ka lang kasi dito la eh.
ANG LOLA KO:
HINDI MARUNONG MAGSINUNGALING
EVIDENCE 101
Mama: Nay, hindi naman maalat ano? masarap naman...
Lola: Ah, ayos lang naman...
Ako: (nakiepal) ma ang alat kaya ng luto mo... la magsabi ka ng totoo?
Mama: Hindi naman ah...
Ako: la, dba maalat? (medyo natatawa)
Lola: ay, oo medyo maalat...sabay tawa.
Ako: sabi ko sayo ma eh, maalat nga ung luto mo...pano naman magcocomment si lola ng maayos eh mali naman ang tanung mo sa kanya...hehehehe...
Mama: Hindi napadami lang ung asin ko... eto nay tikman mo ung paksiw ko.. yan hindi na maalat sabay bigay kay lola.
Ako: sensiya na la, maalat talaga yang magluto si mama eh, lam mo naman kami dito may factory ng asin...hehehe
Lola: tinikman ng konti ung isda sabay nilagay na sa plato ko... khet sayo na laang yan, busog na ako eh sabay ngiti...
(HULAAN NIYO KUNG BAKIT BINIGAY SAKIN? ^_^)
SI LOLA TALAGA HINDI MARUNONG MAGSINUNGALING...hahaha
ANG LOLA KO:
AYAW MAG-ESCALATOR
EVIDENCE 102
Mama: Nay, tara akyat muna tayo sa taas at pili ka ng isusuot mong sandals.
Lola: Hala, sige...lakad
Ako: (sa side lang ako ni lola, p.a ba?hehe)
Lola: aakyat tayo dyan?
Mama: Oo nay, iapak mo lang ang paa mo diyan...madali lang naman...
Ako: don't worry la andito lang sa tabi mo ang maganda mong apo...(char lang un wala sa script ko un.hehehe) inalalayan ko lang si lola sa escalator... cge lang la wag kang matakot d ka naman kakainin ng buhay niyan..hehehe
Lola: kinakabahan talaga ako pagmag-eescalator na tayo.
ANG SISTE? KAPAG PUMUPUNTA KAMI NG MALL HANGGAT PWEDENG MAGHAGDAN, NAGHAHAGDAN KAMI...
SI LOLA:
THOUGHTFUL YAN
Bihira lang namin makasa si Lola kaya nga hindi na muna ako lumalabas labas ng bahay para pumunta sa kaibigan ko eh...at sa halip tatambay ako sa labas kasama si lola tapos makikipagkwentuhan sa mga auntie ko at least on that way bonding moments na din namin un... Madalas kapag wala na akong upuan sa labas, tatayo yan si lola tapos un pala kukuha ng upuan para sakin... (ayaw niya talagang mangawit ang maganda niyang apo...hehehe)
Nung one time na nag-aircon kami, namalayan ko nalang na nilalagyan ako ng kumot ni lola napansin niya sigurong nilalamig na si ako... sa totoo lang natouch talaga ako dun.. Un nga lang nadaganan ko ata ang braso niya (sori naman po akala ko ata unan..hehe).
Nung minsang galing silang doctor ni mama may pasalubong pa siyang egg sandwich sakin, un nga lang may ketchup eh and I HATE KETCHUP... Sori kasi hindi ko nakain... hindi dahil sa hindi ko naappreciate hate ko lang talaga ang ketchup samantalang kinaadikan un ng mga hinayupak kong kapatid..hehehe
ANG LOLA KO:
PILOSOPO at MAY SENSE OF HUMOR
Kapag nagkukwentuhan kami may time na namimilosopo din si lola at may mga pambanat din na joke kaya naman hindi na ako nagtataka kung kanino nagmana ang papa ko, malamang talaga walang kinalaman si lolo..hehehe...
ANG LOLA KO:
MABABAW ANG KALIGAYAHAN
Nung minsang kakwentuhan namin si ate lourdes na asawa ng pinsan ko talaga namang mabenta ang kwento niya kaya naman todo tawa kami labas na pati gilagid at kahit ayaw tumawa ng auntie ko na wala pang ngipin dahil d pa gawa ang pustiso niya hindi napigilan ang tawa...
Isang nakakalokong araw talaga...
Nung magkwento si lola mas natawa pa ako. BAKIT?
Kasi ba naman kahit daw hindi niya masyadong maintindihan ang ibang salita ni ate lourdes eh natatawa na siya...hehehe
DUN KO NAREALIZE NA MAY PAGKA ADIK DIN PALA ANG LOLA KO PARANG AKO LANG...
Para sa pinakamamahal kong lola... I'm so proud of you... The best ka talaga...
I LOVE YOU WOWA...
HAPPY MOTHER's DAY
5/3/10
ang TATAY kong OFW
Paano ko nga ba idedescribe ang tatay ko?
hmmmm....
...siya ung may pagkastrikto...
...conservative din...
...matalino...
...maparaan...
...malakas ang loob...
...business minded...
...may sense of humor...
...matangkad...
...talented kasi magaling na player ng basketball, mahilig din siyang magsulat ng mga tula tsaka
magaling kumanta..
...hawig niya si lito lapid...hehehe
...sweet...
...galante...
...friendly...
...magaling makisama...
...mainitin ang ulo pag minsan...
...masama magalit...
ayan ang tatay ko... pansin mo tatay ang tawag ko imbes na papa?
kasi ganito yan eh... ndi kami nasanay na tawagin siyang ganun dahil parang ang sagwa ng dating para sakin...ewan ko ba... d ko talaga makeri na tawagin siyang papa... d kasi talaga ako nasanay...
sa totoo lang bilang lang sa daliri ko ung mga bonding moments naming pamilya...
bakit? kasi nga isa siyang OFW... at simula nung nag-aral ako nagsimula na siyang magwork hanggang ngayon...kilangan kasing kumayod dahil 5 kaming magkakapatid... kapag umuuwi siya tumatagal lang siya ng ilang buwan o matagal na ung taon tapos babalik na naman ulit siya para magwork...
At ang pinakanakakalungkot sa lahat ung time na kilangan na niyang umalis... kasi kung kilan naman okey na at parang nasasanay na kami sa presence niya eh mawawala na naman siya... Nakakalungkot kasi kung kilan masaya na kami eh kilangan niya ulit bumalik para magwork... Nakakaiyak lalo na pag sasabihin pa niya sakin na "nak, kaw ng bahala sa mga kapatid mo at mama mo"...
Lumaki akong si mama at mga kapatid ko lang ang mga kasama ko sa lahat ng oras...
maging saya, o lungkot man ito...
Sa totoo lang kung may choice lang... mas gugustuhin ko pang lumaki na magkakasama kaming buong pamilya pero alam ko namang kilangan niyang gawin un para samin... ayaw niya kasing maranasan namin ung mga naranasan niya nung bata pa siya na pumapasok na walang baon at sira sira ang mga damit dahil walang pera...
Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sakripisyo niya para sa aming magkakapatid...
Pero minsan gusto ko ring maranasan na makasama ung tatay ko, ung lahat kami magkakasama para naman hindi kami nagkakailangan kapag umuuwi na siya... ang hirap din kasing mag-adjust. Ang hirap na sa loob ng isang buwan kung kilan okey na ang lahat. Aalis ulit siya... Para kang pinatakam sa isang pagkain na gustong gusto mo pero sa bandang huli hindi rin pala ibibigay sayo.
Sa edad kong 23, sa loob ng 8 taon ko lang siya nakasama. Bilang ko ung mga time na nakasama namin siya kasi madalas sa trabaho ung oras niya. Mahirap lumaki na nanay mo lang ung kasama mo dahil may time na hahanap hanapin mo din ung pagmamahal at pag-aalaga ng isang ama.
Natatandaan ko pa nga nung bata pa ako at nandito siya nun dahil tapos na ang work niya at inaantay pa niya kung kilan ang flight niya. Nagkasakit ako nun at nagkaroon ng mga pasa at dahil nag-aalala sila ni mama sakin dinala nila ako sa clinic sa Bayan para ipacheck up. Hinang hina ako nun kaya pinasan niya ako nun sa likod niya, un ata ung pinakamasayang araw para sakin kasi kahit na maysakit ako ramdam na ramdam ko naman ang pag-aalala nila para sa akin. Binilan pa niya ako nun ng tsinelas saka ako kinarga. Nahihiya ako nun pero masarap sa pakiramdam na karga karga ka ng tatay mo.
Nung namasyal kami lahat nun sa Manila Zoo ang saya saya ko din nun dahil magkakasama kami lahat. Masyado kasing mababaw ang kaligayahan ko, hindi naman kasi ako materialistic mas gusto kong makita na masaya ung mga taong mahal ko.
Isa sa mga hindi ko makakalimutan iyong sinundo namin siya sa airport, un ung kauna unahang pagkakataon na nagpasundo siya. Ugali kasi nun na mang-gulat at bigla nalang na sumulpot na parang kabute.
Natatandaan ko pa nga nung bata pa ako at nandito siya nun dahil tapos na ang work niya at inaantay pa niya kung kilan ang flight niya. Nagkasakit ako nun at nagkaroon ng mga pasa at dahil nag-aalala sila ni mama sakin dinala nila ako sa clinic sa Bayan para ipacheck up. Hinang hina ako nun kaya pinasan niya ako nun sa likod niya, un ata ung pinakamasayang araw para sakin kasi kahit na maysakit ako ramdam na ramdam ko naman ang pag-aalala nila para sa akin. Binilan pa niya ako nun ng tsinelas saka ako kinarga. Nahihiya ako nun pero masarap sa pakiramdam na karga karga ka ng tatay mo.
Nung namasyal kami lahat nun sa Manila Zoo ang saya saya ko din nun dahil magkakasama kami lahat. Masyado kasing mababaw ang kaligayahan ko, hindi naman kasi ako materialistic mas gusto kong makita na masaya ung mga taong mahal ko.
Isa sa mga hindi ko makakalimutan iyong sinundo namin siya sa airport, un ung kauna unahang pagkakataon na nagpasundo siya. Ugali kasi nun na mang-gulat at bigla nalang na sumulpot na parang kabute.
Isa lang naman ang hiling ko sana makatulong ako sa kanya at sana matupad ko na ung pangarap ko, para hindi na niya kilangan pang umalis at iwan kami...
Sana dumating ung araw na magkakasama sama kami lahat...
Isang simple at masayang pamilya...
SANA MANGYARI NA...
GUSTO KO NG KUYA
Simula pagkabata ko gustong gusto ko talaga magkaroon ng kuya. Kaya lang since ako ang eldest eh malabong mangyari ang hiling kong un... kasi ako ang ate, un nga lang hindi halata kasi ang nangyayari eh parang ako ang bunso...
GUSTO KO NG KUYA...
ung tipong pwede kong sabihan ng mga hinanakit ko...
ung magtatanggol sakin kapag may umaaway at nananakit sakin...
ung tutulong sa mga assignments at projects ko sa skul...
ung susundo at maghahatid sakin kapag ginabi na ako sa work...
ung pwede kong isama sa mga party kapag wala akong date...
ung tatawag sakin ng little sis...
basta gusto ko ng kuya...
Nung nasa kinder pa ako naiinggit ako sa mga classmates kong sinusundo ng mga kuya nila samantalang ako si mama lang ang madalas kong kasama o d kaya minsan umuuwi lang akong mag-isa. Wala din akong mga kaibigan kasi masyado akong mahiyain at lagi lang ako sa isang tabi.
Siguro kaya gustong gusto ko nun na magkaroon ng kuya dahil mama ko lang ang halos lagi kong kasama, bihira lang kasi kami magkita nun ng papa ko dahil nagwowork siya sa ibang bansa... isa siyang OFW. Magkasama sama man kami noon eh matagal na iyong taon o buwan para sakin... Kilangan kasi ulit niyang bumalik sa ibang bansa para magtrabaho at wala naman akong magagawa tungkol dun. Malungkot lumaki na hindi mo nakakasama iyong tatay mo at sa halip si mama lang lagi...
Noong nag-aaral pa ako kapag gumagawa ako nun ng assignment ko sa math at minsan nakikita ni mama sasabihin niyang sayang ang tatay mo magaling diyan kaso wala naman siya kaya wala din akong magawa kahit na hirap na hirap na ako dahil sa ayoko talaga ng math.
Kapag may mga drawing assignments kami wala akong mahingan ng tulong dahil hindi naman marunong si mama kaya kahit hindi ako marunong at pangit ung gawa ko wala akong choice kundi magdrawing buti na nga lang at kahit pano hindi naman ganun kasama, nakakainggit lang kasi ung sa mga classmates ko pinagmamalaki nilang gawa daw un ng kuya nila. Kahit na mali hindi ko talaga maiwasang maiinggit at hilingin na sana may kuya rin ako tulad nila...
May mga pagkakataon naman na iyong ibang mga classmates ko na may mga kuya ang hiling naman nila sana daw may ate sila kasi nakakainis daw ang mga kuya nila.
MAGULO noh?
Pero kahit na malaki na ko (d lang halata) gustong gusto ko parin magkaroon ng kuya...
PWEDE KA BA? =)
PWEDE KA BA? =)
4/4/10
HOT SEAT
SCENARIO 1
Si ate tuding ung asawa ng pinsan ko then si ara ung sister ko.
Ate Tuding: Khet dba magbibirthday kana ngaun?
ako: huh? hindi naman kaya ako april.
Ate tuding: hindi ba? eh sino ba?
ako: ayan oh, si ara...
Ate tuding: ah oo nga pala, october ka nga pala. Kilan nga ra ang birthday mo? 19 ba?
Ara: hindi ah, 21 ako tapos si loven (younger brother namin) 23. Sunod sunod nga kaming magbibirthday ngaun eh.
Ate tuding: ah, eh sino ba ang 19?
Ara: wala namang 19 samin eh.
Ate tuding: wala ba?
ako: ahemmmm... ung 19 kasi si ano.... si anoooooooo.... hehehehehe
Ate tuding: ah si jepoy (ex bf ni ara)?
ako: hehehe... ayun na nga...
Ara: friends naman kami eh...
Ate tuding: ikaw khet san na ung ex mo? may asawa na?
ako: (anak ng teteng yan ako ung nang-iinis eh sakin pa nabaling...) wala pa ata gf meron..
Ate tuding: talaga? wala pa... eh asan na un nagwowork ngaun?
ako: sa gma ata eh, ewan ko...
Ara: alam na alam ah... uiiiiiiiiii.... hehehehehe
ako: (defensive) eh dati pa naman un noh...
Ate tuding: (tumatawa din) aun lang ba ung naging bf mo?
ako: (nak ng teteng talaga oh, may follow-u question pa..) ndi ah, si khel din ah ung clasmate ko dati...
Ate tuding: bakit ndi ko ata nakita un?
Ara: nakita mo na un ung kamuka ni jay?
Ate tuding: ah aun..
ako: (defensive ulit..hehehe) hindi kaya sila magkamuka noh, ang layo layo ng diprensiya eh...
Lesson: huwag mang-asar kasi may possibility na bumalik sayo... at un ang tinatawag na KARMA... ^_^
SCENARIO 2
Nasa labas kasi ako at kasalukuyang nagbibilog ng malagkit para sa ginataang halo-halo.
Auntie Liza: khet asan si ara?
ako: wala eh...
Auntie Liza: may date?
ako: malamang...hehehe
Abby(anak ni ate tuding/pamangkin): ate akhet bakit ikaw wala kang boyfriend?
Auntie Liza: naku, walang ganyanan... (sabay tawa)
ako: hindi un uso sakin...hehehe (kala nila ah...bat ba kasi ako ang napapansin?wahahaaha)
Lesson: Minsan mas ok na wag ng lumabas..hehehe
Si ate tuding ung asawa ng pinsan ko then si ara ung sister ko.
Ate Tuding: Khet dba magbibirthday kana ngaun?
ako: huh? hindi naman kaya ako april.
Ate tuding: hindi ba? eh sino ba?
ako: ayan oh, si ara...
Ate tuding: ah oo nga pala, october ka nga pala. Kilan nga ra ang birthday mo? 19 ba?
Ara: hindi ah, 21 ako tapos si loven (younger brother namin) 23. Sunod sunod nga kaming magbibirthday ngaun eh.
Ate tuding: ah, eh sino ba ang 19?
Ara: wala namang 19 samin eh.
Ate tuding: wala ba?
ako: ahemmmm... ung 19 kasi si ano.... si anoooooooo.... hehehehehe
Ate tuding: ah si jepoy (ex bf ni ara)?
ako: hehehe... ayun na nga...
Ara: friends naman kami eh...
Ate tuding: ikaw khet san na ung ex mo? may asawa na?
ako: (anak ng teteng yan ako ung nang-iinis eh sakin pa nabaling...) wala pa ata gf meron..
Ate tuding: talaga? wala pa... eh asan na un nagwowork ngaun?
ako: sa gma ata eh, ewan ko...
Ara: alam na alam ah... uiiiiiiiiii.... hehehehehe
ako: (defensive) eh dati pa naman un noh...
Ate tuding: (tumatawa din) aun lang ba ung naging bf mo?
ako: (nak ng teteng talaga oh, may follow-u question pa..) ndi ah, si khel din ah ung clasmate ko dati...
Ate tuding: bakit ndi ko ata nakita un?
Ara: nakita mo na un ung kamuka ni jay?
Ate tuding: ah aun..
ako: (defensive ulit..hehehe) hindi kaya sila magkamuka noh, ang layo layo ng diprensiya eh...
Lesson: huwag mang-asar kasi may possibility na bumalik sayo... at un ang tinatawag na KARMA... ^_^
SCENARIO 2
Nasa labas kasi ako at kasalukuyang nagbibilog ng malagkit para sa ginataang halo-halo.
Auntie Liza: khet asan si ara?
ako: wala eh...
Auntie Liza: may date?
ako: malamang...hehehe
Abby(anak ni ate tuding/pamangkin): ate akhet bakit ikaw wala kang boyfriend?
Auntie Liza: naku, walang ganyanan... (sabay tawa)
ako: hindi un uso sakin...hehehe (kala nila ah...bat ba kasi ako ang napapansin?wahahaaha)
Lesson: Minsan mas ok na wag ng lumabas..hehehe
3/29/10
SALAMAT MA...
Kagabi habang nagbobrowse ako ng blog napadaan ako sa blog ni khekz, nabasa ko ung post niya tungkol sa mama niya. It simply reminds me of my mother, kung paano niya ko i-comfort lalo na sa mga simpleng paraan niya.
I remember nung nagbreak kami ng ex-boyfriend ko, wala siyang kaalam alam that time. Wala naman kasi talaga akong balak na mag-open sa kanya about sa lovelife ko. Hindi ko kasi ugali na mag-open up sa kanya lalo na sa mga ganung topic para sakin, nakakailang at hindi ako sanay. Pero sa kasamaang palad ikinuwento na pala sa kanya ng pinagkwentuhan kong kaibigan at wala man lang akong kaalam alam dun. Kaya nga naniniwala talaga ako sa kasabihang "Walang lihim na hindi nabubunyag."
Gabi na noon ng umuwi siya sa bahay namin, pagkapasok niya ng pinto sinabi niya agad na
"MARAMI PA NAMAN DIYANG IBA, MARAMI KAPANG MAKIKILALA AT WALA NAMANG KWENTA UNG LALAKENG UN."
Habang sinasabi niya un hinahaplos niya ung buhok ko na para bang pinaparamdam na magiging okay din ang lahat na hindi ko dapat iyakin ung ex ko.
Wala nga kong balak iyakan ung ex ko kasi wala na sakin un eh, pero pagkatapos nung sinabi sakin ng mama ko ayun nag-uunahan na sa pagpatak ung mga luha sa mata ko. Tumayo ako nun sabay diretso sa ref para kumuha ng tubig pakiramdam ko kasi nadedehydrate ako, pero isang simpleng paraan din un para umiwas at itago ung mga luhang nagbagsakan na galing sa mga mata ko. Habang andun ako sa kusina sinagot kitang parang sira ito si mama, wala naman na sakin un eh. Tapos diretso ako sa cr para makapaghilamos, ayoko kasing makita mo kong umiiyak. Naiiyak ako hindi dahil sa nangyari samin ng ex-bf ko pero dahil sa mga sinabi mo sakin. At least on that way napatunayan kong maging kaaway ko man ang buong mundo, sa lahat ng oras kakampi parin kita.SALAMAT MA...
Noong isang beses naman nun ng umaga habang katabi kita sa kama eh bigla mo nalang akong niyakap habang sinasabi na "ANG LAKI NA TALAGA NG ANAK KO" sabay halik sa buhok ko, muntik na ngang tumulo luha ko pati sipon ko ng time na un eh pero ang nasabi ko lang eh, SI MAMA TALAGA... Masarap sa pakiramdam kapag yakap yakap mo ko pakiramdam ko kasi walang sinuman ang makakasakit sakin. At ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo para sakin. SALAMAT MA...
Bilang isang ina ginagawa mo ang lahat para sa aming magkakapatid, ibibigay lahat ng gusto at kahit kakainin mo nalang eh ibibigay mo pa para samin kasi sabi mo nga SAYO NALANG YAN PARA TUMABA NAMAN ANG PAYATOT KONG ANAK sabay ngiti sakin. SALAMAT MA...
Sa tuwing magrerequest ako ng ulam sasabihin mo huwag un dahil minsan hindi kumakain ung ibang kapatid ko o d kaya gusto mo ng ibang ulam pero pagdating mo galing sa palengke, makikita ko nalang na ung nirequest kong ulam ang niluluto mo. SALAMAT MA...
Sa totoo lang habang sinusulat ko ito, naiiyak ako. Masyado kasi akong iyakin eh, mana kasi ko sa mama ko. Ung mga simpleng bagay kasi na ginagawa niya para sakin, saming magkakapatid sobrang laking bagay kaya gusto kong suklian un ng mga simpleng bagay na pwedeng magpangiti sa kanya. Kaya nga kahit magmuka akong tanga sa harap ng mama ko, masaya na ko basta makita ko lang siyang masaya dahil napatawa ko siya.
Hindi ko man madalas sabihin ito pero ma MAHAL NA MAHAL KITA...
SALAMAT SA LAHAT...
Kung bibigyan kita ng award para sakin YOUR THE BEST NANAY sa puso naming magkakapatid...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)