5/3/10

ang TATAY kong OFW

Paano ko nga ba idedescribe ang tatay ko?
hmmmm....
...siya ung may pagkastrikto...
...conservative din...
...matalino...
...maparaan...
...malakas ang loob...
...business minded...
...may sense of humor...
...matangkad...
...talented kasi magaling na player ng basketball, mahilig din siyang magsulat ng mga tula tsaka
   magaling kumanta..
...hawig niya si lito lapid...hehehe
...sweet...
...galante...
...friendly...
...magaling makisama...
...mainitin ang ulo pag minsan...
...masama magalit...

ayan ang tatay ko... pansin mo tatay ang tawag ko imbes na papa?
kasi ganito yan eh... ndi kami nasanay na tawagin siyang ganun dahil parang ang sagwa ng dating para sakin...ewan ko ba... d ko talaga makeri na tawagin siyang papa... d kasi talaga ako nasanay...

sa totoo lang bilang lang sa daliri ko ung mga bonding moments naming pamilya...
bakit? kasi nga isa siyang OFW... at simula nung nag-aral ako nagsimula na siyang magwork hanggang ngayon...kilangan kasing kumayod dahil 5 kaming magkakapatid... kapag umuuwi siya tumatagal lang siya ng ilang buwan o matagal na ung taon tapos babalik na naman ulit siya para magwork...

At ang pinakanakakalungkot sa lahat ung time na kilangan na niyang umalis... kasi kung kilan naman okey na at parang nasasanay na kami sa presence niya eh mawawala na naman siya... Nakakalungkot kasi kung kilan masaya na kami eh kilangan niya ulit bumalik para magwork... Nakakaiyak lalo na pag sasabihin pa niya sakin na "nak, kaw ng bahala sa mga kapatid mo at mama mo"...

Lumaki akong si mama at mga kapatid ko lang ang mga kasama ko sa lahat ng oras...
maging saya, o lungkot man ito...

Sa totoo lang kung may choice lang... mas gugustuhin ko pang lumaki na magkakasama kaming buong pamilya pero alam ko namang kilangan niyang gawin un para samin... ayaw niya kasing maranasan namin ung mga naranasan niya nung bata pa siya na pumapasok na walang baon at sira sira ang mga damit dahil walang pera...

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sakripisyo niya para sa aming magkakapatid...
Pero minsan gusto ko ring maranasan na makasama ung tatay ko, ung lahat kami magkakasama para naman hindi kami nagkakailangan kapag umuuwi na siya... ang hirap din kasing mag-adjust. Ang hirap na sa loob ng isang buwan kung kilan okey na ang lahat. Aalis ulit siya... Para kang pinatakam sa isang pagkain na gustong gusto mo pero sa bandang huli hindi rin pala ibibigay sayo.

Sa edad kong 23, sa loob ng 8 taon ko lang siya nakasama. Bilang ko ung mga time na nakasama namin siya kasi madalas sa trabaho ung oras niya. Mahirap lumaki na nanay mo lang ung kasama mo dahil may time na hahanap hanapin mo din ung pagmamahal at pag-aalaga ng isang ama.

Natatandaan ko pa nga nung bata pa ako at nandito siya nun dahil tapos na ang work niya at inaantay pa niya kung kilan ang flight niya. Nagkasakit ako nun at nagkaroon ng mga pasa at dahil nag-aalala sila ni mama sakin dinala nila ako sa clinic sa Bayan para ipacheck up. Hinang hina ako nun kaya pinasan niya ako nun sa likod niya, un ata ung pinakamasayang araw para sakin kasi kahit na maysakit ako ramdam na ramdam ko naman ang pag-aalala nila para sa akin. Binilan pa niya ako nun ng tsinelas saka ako kinarga. Nahihiya ako nun pero masarap sa pakiramdam na karga karga ka ng tatay mo.

Nung namasyal kami lahat nun sa Manila Zoo ang saya saya ko din nun dahil magkakasama kami lahat. Masyado kasing mababaw ang kaligayahan ko, hindi naman kasi ako materialistic mas gusto kong makita na masaya ung mga taong mahal ko.

Isa sa mga hindi ko makakalimutan iyong sinundo namin siya sa airport, un ung kauna unahang pagkakataon na nagpasundo siya. Ugali kasi nun na mang-gulat at bigla nalang na sumulpot na parang kabute.

Isa lang naman ang hiling ko sana makatulong ako sa kanya at sana matupad ko na ung pangarap ko, para hindi na niya kilangan pang umalis at iwan kami...
Sana dumating ung araw na magkakasama sama kami lahat...
Isang simple at masayang pamilya...

SANA MANGYARI NA...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento