Pumunta ko sa Malate para sana iwithdraw ang application ko para kunin na ang Passport ko kaso wala din namang nangyari dahil wala daw pasok ung isang department kaya wala pang 5 minuto eh pauwi na ako. Nang nasa mrt station na ako sa shangrila naisipan kong pumunta nalang muna sa SM Megamall dahil may job fair daw at dahil sa maaga pa naman ng time na un so ayun nga sige go ako sa Mega...
Nakakapagod kasi medyo malayo layo ring lakaran ang ginawa ko at napakainit pa. Nang makarating ako sa Megamall ang daming tao, hindi na nakakapagtaka kasi nga may Job fair so malamang magsisipag-apply ang karamihan dahil mga semi-formal ang mga attire. Naglakad lakad lang muna ako at hinanap ko na din kung saan banda ung venue ng Job fair, sobrang sakit ng binti ko sa kakalakad at after 2 hours nakita ko rin.
Nasa 4th flr ata un kung d ako nagkakamali. Makikipila sana ko kaso ang daming tao mga 12:30 na din ung time at wala pa akong lunch at tinamad na akong makipila dahil wala din akong dalang resume.hehehe... Makikiusyoso lang sana ako kaso hindi pala pwede pumasok lahat so naisipan kong umuwi nalang pero dahil nagugutom ako eh syempre kilangan kumain muna kaso naisip ko saturday nga pala at walang 39'ers sa Jobby..hehe tagtipid kasi ako dahil magkano lang ang pera kong dala tapos umay na ako sa chicken dahil sa halos araw araw panay manok ang ulam namin kulang na nga lang magkapak-pak kami.hehehe... Isa pa nalulungkot ako kumain mag-isa kaya naisip ko na punta nalang ako sa kaibigan ko para makipagkwentuhan na din kaya pumunta nalang ako ng supermarket para bumili ng snack at tinapay para makain ko bago man lang ako bumiyahe dahil tom jones na talaga ang lola niyo.
Pagkatapos kong bumili ng snack pati ng pasalubong na rin eh lakad na naman ulit ako at syempre ginamit ko na ang pinabaon na payong ni mader. Ang saklap lang dun dahil sira naman pala ung payong tanggal na ung isang alambre at nung malapit na ako sa elevator paakyat sa mrt eh sumabit pa sa buhok ko... kakainis talaga ang hirap pa naman tanggalin... buti na nga lang at wala masyadong nakakita sakin...dyahe naman kasi..hehe
nakakasira ng pose...
Nang nasa mrt station na ako so ayun bili na muna ako ng ticket papuntang cubao para dun nalang ako sakay paSM fairview dahil ang layo ng lalakarin ko pag sa kamuning ang ganda ganda pa naman ng payong ko...hehehe... so ayun nakasakay na ako sa mrt at dahil hindi naman rush hour eh may vacant seat kaya naman todo upo ang lola niyo, minsan lang kasi mangyari na hindi ako nakatayo sa mrt. Kaso lang nagulat ako ng sabihin na ang next station eh boni... sa isip isip ko bakit ganun alam ko una muna shangri-la bago ang boni station eh pero dahil palagay ang loob ko eh hindi muna ako nagpanic. Maya maya ang next station na daw eh buendia... anak ng pating at sampung kagaw naman oh, napatingin ako sa card at naconfirm ko ngang nagkamali ako ng sakay...kaya naman bumaba ako ng ayala station at ayun nga bili na naman ng card para makauwi ako dahil ang layo na ng narating ko...kaso lang nagkamali na naman ako ng daan dahil ung pataft pala ung napuntahan ko kaya balik na naman ako...nakakawindang na talaga... kaya naman bago ako sumakay sa mrt eh nagtanung muna ako sa manong kasi baka kung saan na ako mapadpad wala pa naman ako masyadong dalang pera baka d ako makauwi..hehe... dala na rin ata ng gutom kung bakit nawiwindang ako..hehehe... nagmadali na kasi akong makapunta sa friend ko para makikain nalang sana ako at nalilito na kasi ako sa megamall dahil ang laki laki hindi naman ako sanay dun. Kaya aral talaga sakin ung nangyari kaya sa susunod hindi na ako papagutom... hindi na talaga...
Nang makasakay ako ng bus kumain na talaga ako nung binili ko, wala na akong paki sa mga katabi ko basta ang alam ko nagugutom na talaga ako...
Nang makarating naman ng SM Fairview, grabe talaga ang timing ng ulan biruin mo ba namang bumuhos siya ng bonggang bongga... samantalang sa kabilang side eh super duper init to the max... buti na nga lang at kahit pano ay nakatulong naman ung mahiwagang payong na pinadala ni mader dear ko kundi talaga namang basang basa ko... at least nagmuka lang akong basang sisiw hindi manok...nyahaha...
At ayun nga sa wakas nakarating ako sa bahay ng kaibigan ko... todo kwento pa ng kamalasan ko...
Kaya ang masasabi ko lang....
HUWAG MAGPAPAGUTOM....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento