Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ex. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ex. Ipakita ang lahat ng mga post

3/6/12

FB status


Sa tuwing nakikita ko siya...
naalala kita...
at alam mo kung anong nakakatawa dun?
ewan ko ba pero napapangiti ako...

2/18/11

Kami daw...

"Baka naman kayo talaga ang para sa isa't isa?"

Napatingin ako sa taong kaharap ko ngayon at kasabay na kumakain. Si May ang isa sa mga close friend ko.
Kami ang para sa isa't isa? Hindi na ako umaasa at wala naman talagang dapat asahan.

"Malabo ng mangyari un May. Malabo pa sa tubig poso sabay ngiti. Kita mo nga may bago na naman siyang jowa."

"Ibig lang sabihin nun hindi pa rin niya mahanap ang babaeng gusto niya. Malay mo ikaw pa rin talaga ang gusto niya."

"Hindi rin siguro.. Mahirap mag-assume. Masakit lang..."

"Ikaw naman kasi eh... dba nakikipagbalikan naman sayo un dati? hindi mo kasi siya pinakinggan."

Hindi ako nakakibo. Aminado naman ako dun eh. Pinagsisihan ko din ung ginawa ko kasi mas nangibabaw sakin ung takot. Takot na masaktan na naman ako ulit. Ang nasa isip ko kung nagawa niya un. may tendency na magawa niya un ulit.
Natakot akong magtiwala..
My fault..
Pero wala na naman dapat pang panghinayangan dahil matagal ng tapos ang chapter na un ng buhay namin.. Matagal ng nangyari ang lahat almost 5 years na nga eh. Mukha namang masaya na siya kaya dba dapat lang na maging masaya ko para sa kanya?

Tama naman dba?

6/5/10

ANG WEIRD

Last time nakachat ko sandali si first bf, kita ko namang online siya sa fb kaso ayoko namang magmsg sa kanya kasi baka gf na naman niya makachat ko.hehehe... So ayun after a minute may nareceive akong pm mula sa kanya. Naisave ko pa nga un...hehehe Ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siyang online sa fb may kaba factor akong nararamdaman. Samantalang matagal na din naman kaming wala its been 4years and 6 months. Ganun na din kami katagal na hindi nagkita. Pero nabobothered ako sa presence niya kahit na sa fb lang. Para kasing ang weird ng pakiramdam ko. Tapos nung time na kachat ko siya nanlalamig ung kamay ko na para ba akong kinakabahan na ewan. Hindi ko alam kung dahil sa kinakabahan akong makita ng family ko kung sinong kausap ko o dahil siya ung kausap ko. 

Nawewirduhan ako sa sarili ko. Bakit kasi parang ang lakas ng dating niya na para bang affected ako sa presence niya? Sinabihan niya pa akong ang sungit ko daw. Samantalang sinasagot ko naman ng maayos ung tinatanung niya, pinipilosopo ko nga lang.hehehe.... 

Ang weird talaga...
Hay ewan....