Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kakornihan ni adik. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kakornihan ni adik. Ipakita ang lahat ng mga post

3/6/12

FB status


Sa tuwing nakikita ko siya...
naalala kita...
at alam mo kung anong nakakatawa dun?
ewan ko ba pero napapangiti ako...

2/2/12

Naguguluhan...

Ang hirap ipaliwanag ng kung ano nga bang nararamdaman ko...
Kulang ang salita...
Mali pala...
Sadyang hindi ko lang alam kung ano nga bang salita ang dapat kong gamitin...

Sabi ko "OKAY LANG" sabay ngiti...
Pero sa likod ng ngiting iyon, nakakaramdam ako ng lungkot...
Ang ewan lang dba?

11/14/11

Dear Mr. Smile,



Sa tuwing naiisip kita napapangiti ako. 
Ewan ko nga ba kung anong meron sau. 
Basta alam ko lang masaya ako period.  
Minsan kahit na kausap na kita namimiss pa rin kita. 
Ang weird dba? Parang adik lang...hehe  
Sabi mo napapasaya kita hindi mo lang alam ganun din naman ang nagagawa mo para sakin. 

Salamat ha... 

Kasi hindi ka nagsasawang makinig sakin. 
Nasosobrahan na nga ko ng kadaldalan minsan. 
Pero tawa ka lang ng tawa. 
Kahit na pinipilosopo pa kita okay lang sau. 
Sasabihin mo lang na araw mo lang ngayon sabay tawa. 
Kahit na panay kalokohan ung nasasabi ko sayo sabi mo na marami kang natutunan sakin. 
Sana nga meron talaga...hehehe...  
Madaming thank you sayo... 
Ibinalik mo kasi ung ngiti sa labi ko...   


Ms. Adik

5/30/11

Miss ko na siya...

Sobrang miss ko na siya na kung pwede lang lumipad eh ginawa ko na para lang makita siya... 
Kaso milya milyang distansiya ang layo naman sa isa't isa... =( 

5/18/11

April 28,2011

Wala naman talaga sa plano na mababago pala ang desisyon ko oras na magkita kami. Sabi ko pa sa kanya hindi ako naniniwala sa second chance at hindi na rin kami pwedeng magkabalikan. Friendship lang ang kaya kong i-offer sa kanya. Pero kinain ko ang lahat ng sinabi ko.

First time namin magkita ni adik sa tinagal tagal na nagkakatxt kami d ko akalain na magkikita pa kami. Ang plano ko lang naman talaga pagbigyan siya dahil hindi ko man lang siya binati nung birthday niya kasi akala ko galit siya sakin. Marami talagang namamatay sa maling akala at isa na ko dun. 

Kahit na nakita ko na siya sa picture iba parin talaga ung first time mong i-memet. Para kang nakikipagpag-eyeball sa txtmate, kunsabagay ganun naman talaga kami dati... textmate...

Habang papalapit ako ng papalapit sa mismong lugar ng usapan namin ganun naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga gusto ng tumalon ng puso ko sa katawang lupa ko sa sobrang kaba. At sa kapraningan ko nalaglag pa sa pouch ang cellphone ko. Pagdampot ko sa cellphone ko napatingin ako sa nakatayong lalake ilang hakbang ang layo mula sa akin...

Siya na un...
Alam kong siya un...

Tumayo lang ako sa harap niya na walang kahit anong sinasabi. Ewan ko hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin. 

Nagkatinginan lang kami.... Pakiramdam ko huminto ang oras ng mga sandaling iyon.

Ang weird sa pakiramdam...

Siya ang bumasag sa katahimikan...

Wala kasi kong idea sa dapat kong sabihin o sa kung ano nga bang dapat kong sabihin.

Ngumiti siya...
Napangiti din ako...

























keso

akala ko ba gusto mo parehas tayo ng last 2 digit ng number ng sim?
oo.. nga kaso wala kaya akong mahanap... Pinabili ko lang un kay kapatid.
Dapat kasi ikaw ang bumili...
Eh wala kaya akong mahanap dito tapos ang mahal mahal pa...
Wala ka namang ka effort effort...hahahaha
Anong wala? Nag-effort naman ako...
Ginagaya ko lang ung sinabi mo sakin?
Alin un?
Sabi mo kasi wala akong ka effort effort nung naging tayo???
Oo nga... wala masyado..hehehe
Hindi pa ba sapat na "tinawid ko ang dagat para sayo?"
Halleeer??? nagbarko ka kaya... hahaha
hahahaha
Adik ka talaga...
ADIK SAYO...
bumabanat kana naman...
totoo naman un hon...
weeeeeh???hehehehe
I love you so much hon...
I love you too... =)

11/4/10

SANA---- ako nalang


Ang pag-ibig minsan parang isang eksena sa isang pelikula...
Minsan hindi mo inaasahan...

"Pupunta kaba? Kanina kapa nakatitig sa invitation card na yan, baka mamaya malusaw yan, ikaw din," si Maanne, bestfriend ko. Napatingin ako sa katapat na sofa na inuupuan niya at bahagyang napangiti.
"Hindi ko alam kung kakayanin kong makita siya.......  SILA...," pagdidiin ko pa sa huling salita.
"Ikaw pa rin naman ang magdedesisyon, Lizzie. Kung gusto mong ipakita sa kanya na masaya kana para sa kanya hindi masama kung pupunta ka. Nandito lang ako back-up mo," sabay ngiti niya't tapik ng balikat ko.
"Salamat Maanne..." matipid kong sagot sa kanya kasabay ng isang pilit na ngiti.


----
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon, kahit anong gawin ko hindi ako dalawin ng antok.
Pagod na ang isip ko...
Pagod na rin ang mga mata ko sa pag-iyak...
Sa kabilang kama mahimbing ng natutulog ang kasama kong si  Maanne, samantalang ako heto't dilat na dilat pa ang mga mata. Ni hindi ko na ata alam kung paano matulog daig ko pang nakainom ng sangkaterbang sleeping pills.

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay, walang eksaktong lugar ng patutunguhan. Gusto kong libangin ang sarili ko, pero paano ko nga ba gagawin ang bagay na iyon? Hiniling ko din naman sa diyos na maging masaya siya pero hindi sa ganitong paraan na wasak na wasak ang puso ko.

Alas-nueve na at alas-diyes ang oras ng kanilang kasal. Kanina pa ako nakaupo sa parke at nakailang bili na din ako ng mineral water, kumakalam ang sikmura ko pero wala namang gana ang bibig ko sa mga masasarap na pagkain sa paligid. Gusto kong kalimutan na ito ang araw ng kanilang kasal pero isa akong malaking hangal dahil sino nga bang matinong tao ang pupunta sa lugar kung saan malapit lamang sa mismong simbahan kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Pakiramdam ko dinadaya ko lamang ang sarili ko. Trenta minutos na ang nakakalipas, tumayo ako't nagpalakad lakad. Saan nga ba ako dadalhin ng mga paa ko. Maya maya napatingin ako sa isang simbahang nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala sakin sa harap ng lugar na ito. Bakit ba kailangan ko pang pasakitan masyado ang sarili ko, ang tanga tanga ko talaga. Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng simbahan kung saan ikakasal ang lalakeng pinakamamahal ko at ang babaeng nagdadala sa sinapupunan ng magiging anak niya.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong pumasok sa loob, kilangan ko ng nag-uumapaw na lakas na loob pakiramdam ko kasi anumang oras ay babagsak ako. Hindi lang ang isip at ang puso ko ang pagod, pati ang katawan ko pagod na pagod na. Mataman lang akong nakatitig sa labas ng simbahan, hindi ko alam kung dapat ko pa bang ihakbang ang mga paa ko papasok.

Nakarinig ako ng bahagyang ingay mula sa loob.
Pakiramdam ko may kung anong enerhiya ang tila ba humihila sa akin para pumasok sa loob. Wala sa sariling pilit hinahanap ng mga mata ko ang taong gustong gusto kong makita sa huling pagkakataon.

Si Sherwin...
Napansin kong may kung anong komosyon sa harap ng altar na para bang may pagtatalong nagaganap na hindi ko maintindihan, at dun nakita ko ang lalakeng pilit hinahanap ng mga mata ko. Ilang dipa ang layo niya mula sa akin. Maya maya'y napatingin siya sa direksiyon ko at nagtama ang aming mga mata. Bakas sa mukha niya ang lungkot na para bang nagkaroon ng kunting kasiyahan ng makita ako. Hindi ko alam kung bakit ganun pero bahagya siyang lumakad papalapit sa akin kaya naman minabuti ko ng lumabas sa lugar na iyon.
Hindi ganito ang gusto kong mangyari, ayokong gumawa ng anumang eksena.
Wala na akong karapatan.
Wala na.
Pero bago pa ako makalabas ng tuluyan narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Lizzie..."napahinto ako at napapikit, tulad ng dati hindi pa rin nagbabago ang paraan niya ng pagtawag sa akin. May lambing at punong-puno ng pagmamahal.

"Lizzie..." tama, ito na ang huling beses na maririnig ko ang ganoong pagtawag niya sa akin.
Ito na ang huli...
Gustong gusto kong humarap sa kanya, lapitan siya at sabihing "congratulations! I'm happy for both of you" pero alam kong pinaplastik ko lang ang sarili ko. Gustong gusto kong makita ulit ang mukha niya sa huling pagkakataon pero nagtatalo ang puso at ang isip ko. Gustuhin ko mang sundin kung anong sinasabi ng puso ko at maging masaya. Alam ko sa bandang huli, hindi pa rin sapat iyon. Magiging makasarili ako kung sarili ko lamang ang iisipin ko.

Sa isang banda dinig na dinig ko din ang pagtawag sa kanya ng babaeng pakakasalan niya.
"Sherwin..." tawag ng bride sa kanya, may bahagyang pagmamakaawa sa tono ng boses nito na para bang sinasabing bumalik ka dito at siya ang piliin nito. Pero hindi naman ako nakikipagkompetensiya sa kanya dahil alam kong talo na ko, masakit lang dun mahirap tanggapin ang pagkatalo ko.
Higit sa kanino man mas higit siyang kailangan ni Sherwin. Magkaka-anak na sila, at hindi ko gugustuhing sirain ang pamilyang ngayon palang mabubuo.

"Paalam," doon tuluyan ng dumaloy ang masaganang luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahal man namin ang isa't isa, hindi naman mababago nun ang katotohanang "ito ang araw ng kasal niya" at ang araw din ng pagkamatay ng puso ko.
Mabibigat na hakbang na nilisan ko ang lugar na iyon.
Ni hindi ako lumingon, dahil baka kapag nakita ko siya tumakbo akong papalapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Hindi naman mababago ng paglingon ko sa kanya ang nangyayari ngayon. Hindi naman nito maibabalik ang pinakammahal ko.

Dahil ang istorya namin ay nagtatapos sa mismong araw na ito.

Ang pagtatapos ng isang pagmamahalang hindi pa man nagsisimula ay nagkaroon na ng katapusan.

-end-

8/27/10

TERMINAL

Nagsimula ng pumatak ang ulan. Mula sa labas ng sinasakyan ko ay kitang kita ang mga taong nagmamadaling nagtatakbuhan para may masilungan dahil tulad ko wala rin silang dalang payong. Sa tuwing uulan hindi ko na kailangan pang mamroblema dahil alam kong hinihintay mo ako. Hindi na rin ako nagugulat sa tuwing makikita kita sa may terminal ng sakayan at sinasalubong ako ng ngiti.

"Hindi ka na naman nagdala ng payong, alam mo namang tag-ulan na. Pano na lang kung hindi kita susunduin siguradong para kang basang sisiw niyan," sermon mo sa akin.

"Nakalimutan ko kasi...," ngingiti-ngiting sagot ko sayo.

"Pasalamat ka may mabait kang boyfriend."

"Thank you Lord, binigyan niyo ko ng isang mabuting boyfriend."
Ngingitian mo lang ako.

----

"Miss, hindi ka pa ba bababa?"

Nagising ako sa boses ng driver.

"Pasensiya na po, bababa na ko."

Pagkababa ko sa jeep, nakita kitang kumakaway mula sa di-kalayuan na nakangiti sakin, may dala-dala kang payong. Patakbo kong tinungo ang lugar na kinatatayuan mo. 
Isa...
dalawa...
tatlo...
apat... malapit na ko sayo.

lima...

anim...

pito...

walo... 

Pero bakit ganun? Habang palapit ako ng papalapit sayo, unti-unti kang nawawala sa paningin ko, kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.

Hindi na nga pala kita makikita kahit kailan...



Dahil wala kana...


Wala ka na sa mundong ito...

7/25/10

TAYA

Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Ngayon, sa larong ito magpapataya ka ba?
O ikaw ang magpapahabol?


Napangiti ako ng makita ang mga batang naghahabulan sa labas ng bahay. Naalala ko tuloy ang kababata ko.
Simula pagkabata paborito namin ang larong habulan. Madalas ngang ako ang taya...

"Taya ka Keith" sabay hawak ko sa braso nya. 
Tanda na nataya ko na siya. Gustong gusto ko siyang tayain dahil bukod sa mabagal siyang tumakbo eh may pagkalampa pa. Kaya nga inis na inis siya sakin dahil bukod sa madalas ko siyang asarin, basta ako ang taya siguradong siya ang susunod.

"Nakakainis ka talaga! tan. Bakit ba kasi laging ako ang tinataya mo? eh ang dami dami naman nating naglalaro?"

"Wala lang, alam ko kasi hindi ako mapapagod sa paghabol sayo, nakangisi kong sagot.
Eh, ikaw nga laging si Rick ang hinahabol mo," dagdag ko pa.

"Ang yabang mo talaga," iritado sabi niya sabay irap sakin. "Wala ka ng paki kung siya man gusto kong tayain."

"Sus, palibhasa crush mo un noh?" biro ko pa.

"Hindi kaya noh..." defensive mo namang sagot pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi mo.

Pilit akong napangiti. Sana pala hindi ko na tinanung pa un sayo, ayan tuloy nasaktan lang ako.

"Sige, uwi na ako," paalam ko sayo.

"Sige, buti pa nga."

Sa tuwing tumatakbo ako papunta sayo, ikaw naman tumatakbo papunta sa kanya.
Lagi na lang bang ganito? Hahabulin kita tapos hahabulin mo siya.
Sana kahit minsan habulin mo naman ako.

---

Labing-tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makita. Simula noong lumipat kami hindi ko na siya nakita. Pinuntahan ko siya pero nalaman kong lumipat na rin pala sila ng bahay gaya namin.

Nasaan ka na kaya ngayon Keith?

Napatingin ako sa oras ala-singko ng hapon. Narinig kong tumunog ang cp ko at agad ko naman itong dinampot.

1 message
received


Couz, wag mong kalimutang pumunta sa kasal ko ah.
Madami dung chicks...=p

Tin2

Napangiti ako ng mabasa ko ang txt ng pinsan ko. Madaming chicks. Napabuntong hininga ako.
Ang gusto ko lang naman ay si Keith...
Magkikita pa kaya kami?

Hanggang ngayon pakiramdam ko ako pa rin ang taya.
Sila na kaya ni Rick? Sana naman hindi.
Matagal ng natapos ang laro pero kilan ako magsasawang habulin siya?

-----

Maaga akong gumising para pumunta sa kasal ng pinsan ko.
Mukhang matagal pa akong maghihintay dahil wala pang laman ang dyip. Umupo ako malapit sa may driver para hindi naman nakakahiya kung sakali mang makatulog ako. Inilabas ko ang ipod ko atsaka ko inilagay ang headset sa tainga ko.

"Malinta... Malinta..." tawag ng barker sa mga taong nagdadaanan.

Mga ilang minuto pa ay halos napuno na rin.

Mabilis lang pala sa isip isip ko. Mukhang hindi ako malalate.

"Miss, isa na lang sakay ka na," narinig ko pang sabi nung lalake sa labas pero hindi na ako lumingon.

Maya maya sinimulan ng paandarin ng driver ang dyip.

"Bayad po...toll gate lang," sabi ng isang boses babae sa may bandang dulo.

"Paki-abot naman po..." galing parin sa boses mula sa likuran.

Bingi-bingihan naman ang mga katabi niya sa isip-isip ko kaya pinilit kong inabot ang bayad niya kahit na ang layo-layo naman niya sakin.

Ang mukha niya parang nakita ko na siya kung saan.

"Salamat..." nakangiting sabi niya saka ibinaling niya ang tingin niya sa labas.

Pamilyar talaga ang mukha niya sakin. Siguradong nakita ko na siya kung saan. 
Isip Ethan..
Isip...

---

"Oh! ung bababa diyan ng toll gate pwede na dito," sabi ng Manong Driver.
Kumilos na rin ako para bumaba. Naunang bumaba ung babae. Nakawhite na may halong black na dress siya. Sa itsura niya mukhang may pupuntahan siyang okasyon. Saan kaya ang punta nya? Sa isang binyagan o kasalan?

Sumakay na ulit ako ng dyip papuntang Marilao.
Hay, bat naman kasi napakalayo ng bahay ni Tintin. Nakakapagod na.

Maya maya sumakay na rin ang babae. Nagkatinginan kami at halatang medyo nagulat siya ng makita ako.
Ang mata niya... pamilyar talaga sakin.

---

Ang bilis ng byahe andito na kaagad kami. Nagsimula ng bumaba ang ilan sa mga pasahero kasama na rin ang babae.
Kung ganun parehas lang pala kami ng lugar na pupuntahan. Sino kayang pupuntahan niya dito? sa isip isip ko.
Nauna na siyang maglakad sakin pero maya maya'y huminto siya atsaka may kinuha sa bag.

Napangiti ako. Hindi ba siya makapaghintay na makapag-ayos at dito niya pa nagawang magsuklay at magpulbos.
Ang mga babae talaga, oo.
Nauna na akong maglakad sa kanya.

---

"Auntie, asan na po sila?" tanung ko sa tiyahin ko.

"Ikaw pala Ethan... naku eh andun na sila sa munisipyo. Kung gusto mo pumunta ka na lang dun o gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"Eh, baka ho marami na kayong kasabay. Mauna na lang po ako sa inyo."

"Oh, siya sige. Inaantay ko pa din ang kaibigan ni tin-tin eh."

"Sige po, aalis na ko."

"Sige, ingat ka."

---

Pagdating ko ng munisipyo hindi ko makita ang pinsan ko kaya naghanap-hanap pa ako.
Patay kang bata ka, naku Ethan malalate kana lagot.
Nagmamadali akong maglakad ng may mabangga akong babae.

"IKAW???" chorus pa naming sabi sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ng pinsan kong si Tin-tin.

"Ah, hindi tin, nakasabay ko kasi siya sa dyip kanina.

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko," pagpapakilala niya.

Keith ang pangalan niya? sigurado akong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali, sabay napatingin ako sa direksiyon nila.
Tama... siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar siya sakin, napangiti ako. Napansin kong nagbubulungan sila at nagtatawanan.
D kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Salamat, nakita din kita.

Dito na kaya magtatapos ang larong ito?

Sa pagkakataong ito.
Sana siya naman ang maging taya.




-----tapos------



5/30/10

HULING SULAT PARA SA KANYA

Para sayo...

      First of all gusto kong magpasalamat sayo para sa time, sa love sa lahat lahat ng dapat kong ipagpasalamat. Siguro huli na din itong sulat na ito, marami na rin kasi akong narealize sa pakikinig kay Papa jack sa TLC. Sa totoo lang naiinis ako sayo kasi you are not brave enough to tell me everything...lalong lalo na sagutin ung mga tanung sa utak ko. Siguro nga may mga tanong talagang mahirap hanapan ng sagot pero in due time malalaman din daw un. Ayoko ng maging bitter....hahaha... pang ampalaya lang un eh. Natural lang naman siguro na maramdaman ko un, minahal kita eh. Nung may malaman akong hindi maganda tungkol sayo, aminado ako na pinagsisihan ko talaga na nakilala kita pati ung mga effort na ginawa ko para sayo, pero narealize ko mali ung ganun eh, kasi sa loob ng 6 months na naging tayo at 1 1/2 taon na friendship naging masaya din naman ako. Hindi mo naman pinilit na gawin ko ung mga effort na un. Kasi masaya kong ginawa ko un para sayo, para malaman mo kung gaano kita kamahal at ayoko kasing maicompare mo ako sa mga ex mo, gusto ko na ung mga effort na un tumatak sa isip mo. At least on that way kahit wala ng tayo, maalala mo naman ung mga simple things na ginawa ko para sayo, sana mapangiti ka. 

       Thank you kasi naging malaking parte ka ng buhay ko bilang isang matalik na kaibigan at bilang isang dating bf. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon... Sana nakita mo na din ung babaeng mamahalin mo at mamahalin ka higit pa sa kaya kong ibigay. 

Thank you sa lahat adik...
Bee happy always....=)


5/29/10

MAY NATITIRA PA...

Sa pakikinig ko sa True Love Conversation (TLC) ni Papa Jack, narealize ko na marami rami padin palang mga lalake ang ma-effort na kahit na magmuka silang tanga or muka silang desperado sa paningin ng iba, wala silang pakialam for as long as para sa mga babaeng mahal nila. Iyong pagpunta sa Love Radio para lang gawin ung best and desperate moves nila para mapansin at makuha ang atensiyon ng mga gf nila was really romantic for me.   You can't do such thing unless you really love that person or you're really scared na mawala siya sa buhay mo. Though in some point hindi sa lahat ng oras nagiging okay ang pag-uusap at napapatawad sila ng gf nila but in some cases it also failed. Nakakapanghinayang ung effort ng iba pero at least nagawa naman nila ung best shot nila at naipaglaban nila ung pagmamahal nila para sa taong mahal nila. Hindi man iyon sapat para sa mga taong mahal nila, pero it was just enough para malaman ng buong mundo kung anong kaya nilang gawin para sa mga mahahalagang tao sa buhay nila.

I really admired those guys who really put a lot of effort just to win back their girlfriend. The sad part is....

there were just certain things that are not meant to be...

5/24/10

DEAR CRUSH

Dear Crush,

      Nakita na naman kita kahapon, ung smile mo na cute na cute ako kapag nakikita ko.Pag ngumingiti ka pati ung mata mo parang tumatawa na din, ang cute cute mo talaga. Kahit na matino ka hindi halata sayo kasi ba naman para kang nakainom ng ilang baldeng red horse, ang labo mo pang kausap. Pero kahit ganun, crush pa rin kita. Gustong gusto ko kasi ung pagiging weird mo, siguro kasi dahil weird din ako. Oh dba? hindi tayo tao, kasi bagay talaga tayo.
     Kahapon nakasalubong na naman kita, syempre kumpleto na naman ang araw ko. Kaya nga kahit hindi maipinta ang mukha ko makita lang kita daig ko pang tumama sa lotto. Minsan nga iniisip ko kung paghanga lang ba ung nararamdaman ko para sayo? Para kasing habang lumilipas ang araw mas naglelevel up ung nararamdaman ko para sayo. Kaso lang hindi mo naman napapansin na nag-eexist ako. Pano mo ba ako mapapansin? Sa tuwing magpapakita na kasi ako sayo, mawawala kana sa paningin ko. Sabihin mo naman sakin para magawan ko ng paraan. Wala ka namang dapat ikatakot kasi mabait naman ako eh, lalong lalo na pagdating sayo. Alam mo naman sobrang lakas mo sakin eh, mas malakas pa bagyong ondoy. Kita naman tayo mamaya sa may balete alas-8 ng gabi, hihintayin kita.

Love lots,
whitelady

5/22/10

kwentong ADIK

"Kapag nagmamahal hindi naman kilangan ng mata kundi puso dba?"
sabi ni adik

Sa lahat ng mga salitang sinabi niya sa akin, yan ang pinaka tumatak sa isip ko. Bakit? Kasi ldr (long distance relationship) kami, oo ilang milya ang layo niya sakin. Tipong ako nasa earth samantalang nasa mars naman siya. Kung tutuusin nasa iisang bansa naman kami. Pwede kaming magkita kung gugustuhin pero sadyang hindi umaayon ang pagkakataon. 

Si adik, siya iyong kapatid ng isang kaworkmate/kaibigan ko si pol. Nasa leyte siya at andun na rin ngayon ung kaibigan ko dahil sa parehas silang nag-aaral. Paano ko nga ba nakilala si adik? Simple lang dahil sa hi-tech na tayo ngaun malamang gamit ang cellphone. Binigay siya ni pol na textmate sa akin dala na rin ng kabagutan ko naisipan ko siyang itext at simula nun naging magkatextmate na kami. Masarap siyang katext kasing sarap ng ice cream at black forest na cake. May sense kasi siyang kausap kumpara sa ibang katext ko na wala na atang maisip itext eh ang nakakaumay na "anu gawa mo?", "kamusta kana?". Pero siya sa halos araw araw na magkatext kami laging may bagong topic, kumbaga hindi kami nauubusan ng sasabihin sa isa't isa. Simula nun pinagkatiwalaan ko na siya. Inoopen ko sa kanya lahat ng tungkol sa buhay ko, lahat ng kadramahan, lovelife at lahat ng pwede kong ikwento sinabi ko sa kanya. Naging magaan ang loob namin sa isa't isa. Masaya ako kapag katext ko siya na minsan pa nga parang may kulang kapag hindi ko siya nakakatext. Pero hindi pa namin nakikita ang isa't isa. Hanggang isang araw nagsend siya ng mms at ganun din ako sa kanya. Sa totoo lang hindi naman siya gwapo, tipong pangkaraniwan lang din tulad ko. Nagsimula na din kaming magtawagan nun. Natatawa pa nga siya kasi ang astig ko daw magsalita na para bang siga sa kanto. Akala niya muka akong maton kaya naman nagulat daw siya ng makita ako sa friendster, cute naman daw pala ako(ahem..hehehe).
Tinuring ko siyang bestfriend ko kasi sa halos araw araw na ginawa ng diyos siya lagi ang nakakausap ko. Kapag masama ang loob ko tatawag siya para tanungin kong okey lang ba ako. Pag malungkot, patatawanin na akala mo ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Isang araw nagkaroon kami ng problema, nalaman ko kasing may gf na siya na hindi ko man lang alam tapos nawrongsent pa siya sa akin. Alam ko wala naman akong karapatang magalit sa kanya ang point ko lang kasi sana man lang kahit pano pinagkatiwalaan niya din ako na tulad ng pagtitiwala ko sa kanya. Pero sabi niya ayaw niya daw sabihin dahil sinabi ko sa kanya na kapag may gf na siya hindi na ako magtetext dahil ayokong makasira ng relasyon. Umabot din ng ilang linggo na hindi ko siya tenext samantalang sige parin siya sa pagsosorry sakin para lang magtxt ako uli. Tapos isang araw tumawag siya na pinakialaman naman ng kapatid ko at sinagot kaya inagaw ko ang cp ko at pinatay ang tawag niya, pero pagkatapos nun pinatawad ko na siya. Balik sa normal tulad ng dati. Sinabi niyang nagbreak na sila ng gf niya dahil wala lang naman daw un at dahil na rin sa malayo din sila sa isa't isa. Atsaka ayaw naman daw niyang mawala ako sa kanya dahil mas mahalaga ako dun sa naging gf niya at mas una daw niya ako nakilala at ayaw niyang masira kung ano man ang meron kami kahit na wala naman kaming relasyon. Sa isang banda nakakatuwang isipin na mas pinili niya ako sa gf niya pero nakakalungkot dahil parang ako pa ang dahilan kung anong nangyari sa kanila.
One time nagulat ako ng bigla nalang magtxt ang exbf ko (si 1st bf) tapos tumawag pa siya na parang tinatanung niya kung pwede pa daw ba kami? Akala ko magiging ok na ung lahat that time pero hindi pala kasi para lang akong umasa sa isang pangakong hindi naman natupad. Gulong-gulo ung isip ko that time, nasasaktan din ako dahil parang pinapamukha sakin ng ex ko na ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari nun samin. Kaya naman tenext ko si adik, humingi ako ng advice. Pero nung time na un pakiramdam ko wala siya sa mood kausap, ewan ko kung bakit ayoko namang mag-assume na nagseselos siya dahil wala naman dapat. Pero pagkatapos nung time na un after a week hindi na rin siya nagparamdam sakin. Para nga siyang gumanti sa ginawa ko sa kanya nung nag-away kami. Nagtxt lang siya nung sinabi kong wala namang nangyaring balikan samin ng ex ko dahil mukang useless na un samin.
Dumating ang time na isang araw inamin niya sa akin na may feelings na siya for me. Sabi niya hindi daw niya expected un kasi nga sino ba namang maiinlove sa isang taong hindi mo pa nakikita ng personal? Nagulat ako pero flattered ako sa sinabi niya. Pero pagkatapos nun sinabi ko sa kanyang hindi kami pwede kasi ayoko ng long distance relationship dahil naranasan ko na un before at nadala na ko. Pero ang kulit kulit niya na iba raw siya sa mga un at patutunayan niya un sakin. Sinabi kong friendship lang ang kaya kong i-offer kasi on that way hindi magiging kumplikado, friendship lasts a lifetime. Ibang level na kasi kapag may relasyon parang nagiging kumplikado ang lahat at ayoko naman siyang mawala sakin. In some point nagiging selfish na nga ako  pagdating sa kanya. 
Pero nung sinabi niyang nagbago na ung isip niya at magmomove on na daw siya, nagbago ung isip ko. Pumayag ako na bigyan siya ng chance. I told him na sana hindi niya sayangin un kasi huli na un at sa isang taon at limang buwan ng friendship namin, kilala na din naman niya ako. Alam niya na kung anong ayaw at gusto ko at kung anong makakapagpasama ng loob ko. Nakakatuwa nga kasi sasabihin ko palang sa kanya pero alam niya na, sabi niya ganun daw talaga pag nagmamahalan magkarugtong ang mga puso pati ang isipan. Umabot din kami ng 6 months at doon na din natapos ang lahat. Sa anim na buwan na iyon ginawa ko ung best ko para mapasaya ko siya kahit na ilang milya ang layo naman sa isa't isa. Pero siguro nga were not meant to be. Hindi ko lang matanggap na pagkatapos ng lahat after 4 months ang dami dami ko pa atang hindi alam tungkol sa kanya. Ayoko siyang husgahan dahil kahit papano ramdam ko naman ung pagmamahal niya nun para sa akin pero sa mga nalaman ko hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galit sa kanya. Pakiramdam ko kasi he betrayed me behind my back. I'm still hoping na sana marinig ko ung side niya pero wala. Kunsabagay useless na din naman kasi wala ng "kami." Nakakainis lang dun kasi naging totoo ako sa kanya pero parang napaglaruan lang ako ng wala akong kamalay malay. I just only want a little respect pero parang ipinagkait pa ata un sakin, masaklap dun dahil sa lahat ng tao siya pa ang gumawa nun.
Last night tenext ko siya pero no response. Nakita ko siyang online so nagmsg ako sa kanya pero no response pa din... ang tanga tanga ko kasi mas gusto ko pa din siyang paniwalaan kahit paano pero seems that wala na ung halaga...
Ung galit ko sa kanya last time parang icecream na mabilis natunaw. Siguro kasi kahit paano naniniwala pa din ako sa mga sinabi niya. Pambobola man un o totoo, naniniwala ako sa kanya. Sana bukas paggising ko wala na siya sa isip at puso ko. Sana wala ng maiwan kahit na katiting na pagmamahal kasi nasasayang lang...
Hindi ko na din alam kung anong salitang dapat sabihin... I'm trying to be ok... Sana magawa ko...

5/17/10

MOON and the STAR



Ung moon and star parang dalawang taong nagmamahalan... in time magkakasama din sila...


un ung naisip ko kagabi ng makita ko sa fb ang ibat ibang pictures ng eclipse kagabi...


sa totoo lang nalulungkot ako kagabi but when I saw that picture napangiti ako... madalas kasi magkahiwalay sila dba? and minsan lang sila magkasama... tulad ng dalawang taong nagmamahalan...


sana in time magkasama din kami ng MOON ko...haha






5/9/10

mY mr. EWAN

CONVERSATION NAMIN NG FRIEND KO

pol: ikaw kilan ka mag-aasawa? napag-iwanan kana ah...
ikaw kasi binasted mo ako...hehehe

ako: loko loko... bf nga wala ako eh, asawa pa kaya?

pol: bat kasi wala kang bf?

ako: eh sa wala eh, ano namang magagawa ko?

pol: maghanap ka kasi...

ako: hindi ko kilangan maghanap, sila dapat maghanap sakin..hehehe

pol: malay mo andyan lang sa tabi tabi ung mr. ryt mo

-end-

ayan na naman yang mr. right na yan...
pano mo ba malalaman na siya na nga si mr. right?

  • kapag ba kanan ang gamit niya?
  • kapag ba lagi siyang nakatingin sa right side?
  • kapag ba lagi siyang right?
eh pano kung kaliwete? eh d ndi na siya pwedeng tawaging mr. right? so mr. left ba dapat ang itawag sa kanya?hehehe

seriously? i used to believe sa mga mr. right na yan... kalokohan ndi ba?
oo tama... isang malaking kalokohan talaga...
sino ba naman kasing nakakaalam kung nag-eexist nga ba talaga si mr. right?
eh siya kaya alam niyang nag-eexist ako? hahaha...

basta ang pinaniniwalaan ko lang ngayon...
sa bawat isa satin may isang taong nakalaan para sa kanya...
hindi ko alam kung siya ba ung tinatawag nilang mr. right? the one? o mr. perfect.?
basta ang alam ko siya ang MR. EWAN ng buhay ko...
at itatago ko siya sa ganung pangalan...

MY MR. EWAN...

4/27/10

WAITING

Naranasan mo na bang mag-hintay?
Ung tipong gusto mo ng sapakin at pagsasampalin ung taong hinihintay mo sa sobrang tagal niya...
Ung tipong sasabihin sayo sa text na on the way na siya pero anak ng teteng eh isang oras ka ng nag-hihintay...
Ung tipong hindi mo alam kung naghihintay ka ba sa wala dahil baka ininjan kana ng hinihintay mo...
Ung tipong naghihintay ka sa hindi mo alam kung meron ka nga bang dapat antayin pero patuloy ka pa rin sa pag-asa na baka sakali may dumating pa...
Ung tipong suko ka na at aalis ka na pero hahakbang ka pa lang eh babalik kana para magbakasakali...
Ung tipong mag-aantay ka hanggang sa maubos ang bukas...

Ako naranasan ko na at hanggang ngayon naghihintay pa rin ako.
Kung itatanung mo kung ano? sino? at bakit?
Isang ngiti lang ang maisasagot ko sayo...
Hindi ko din kasi alam kung ano? sino? at bakit ako nag-hihintay...
basta naghihintay ako... at kung ano man iyon hindi ko rin alam...
bahala na si batman...

Nakakainis mag-hintay dba?
Nakakairita...

Sa totoo lang ang pinaka ayoko sa lahat ay ang maghintay...
Mainipin kasi ako eh...

Madalas kasi ako sa ganyang sitwasyon...
at iyon ang pinaka nakakainis sa lahat...

Naalala ko noon madalas ako ang malate samin. Ayoko kasing mauna sa usapan tapos mag-hihintay ako.
No way.... mas gugustuhin ko ng ako ang hintayin kesa ako ang maghintay... Mainipin kasi talaga ako pero kahit naman ganun matyaga naman ako... ang gulo noh?

Noon ako ang madalas na hintayin ng mga kaibigan ko pero naiba na ngayon ang sitwasyon nagbago na kasi ung pananaw ko. Naisip ko kasi ayoko ng feeling ng taong naghihintay kaya mas magandang dumating ako sa oras, masaklap lang dun sila naman ang late. 

Isang beses nagpasama sakin ang isang kaworkmate ko. Makikipagmeet daw kasi siya sa katextmate niya at syempre wala naman din akong gagawin kaya sinamahan ko nalang siya. Usapan namin na magkita sa Nova Mall sa Novaliches dun daw kasi ang usapan nila sa isip isip ko ang korni naman ng place sana man lang sa SM nalang kaso ang iyong katextmate nga ng kaworkmate ko eh malayo daw kapag sa Sm pa...

Dumating ako ng sakto sa oras. Ang nakakainis dun wala pa ung nagpapasama sakin na kaworkmate ko samantalang malapit lang ung boarding house niya sa meeting place. So, ayun tenext ko na ang bruha sabi on the way na daw siya... at wait lang daw ako... So ako naman eh ikot ikot muna sa meeting place, nakailang minuto na rin akong naglalakad at naikot ko na rin halos ang buong lugar, maliit lang kasi ung mall na un eh.. text na naman ako sa bruhilda kong kaibigan, malapit na daw siya. Paksyet sa isip-isip ko kanina pa ako nag-hihintay at naiinip na talaga ako. Napagkamalan pa nga akong kaeyeball nung isang lalake, pano ba naman kasi panay ang text ko. Nagsisimula na talagang maubos ang pasensiya ko at gustong gusto ko ng iwan ung kaibigan ko. Tenext ko ulit siya "hoy bruha tinutubuan na ako ng ugat dito ah..." at isa pang text "anak ng pating kang babae ka asan ka na ba? may bunga na ako dito"... Maya maya nakareceive ako ng text sa kanya na papasok na daw siya ng mall at ang bruha eh todo ngiti pa sakin samantalang sambakol na ung mukha ko sa sobrang inis sa kanya... Pasalamat nalang talaga siya at sadyang mabait ako...

Ewan ko ba pero mainipin talaga ako sa totoo lang pero kahit ganun matyaga naman akong maghintay...
Malabo noh?

Until now I'm still waiting...

at kung ano man iyon....

hindi ko talaga alam....

IKAW NASUBUKAN MO NA BANG MAG-HINTAY?

3/25/10

hay... ang TANGA

Bakit kaya ang ewan ko? hahaha... nakakainis naman... hay...
Delete kita sa list ng friends ko sa fb pero after a month narealize ko bakit kilangan kong gawin un kaya naman naisipan kong i-add kita ulit. Kaya lang ang tanga naman talaga oo... Iba naman pala ung na-add ko at wag ka ha,kapangalan mo talaga. Tapos nung sinearch ko ung fb mo may bago kang friends at infairness ah ang ganda niya... Para tuloy pinagsisisihan kong inopen ko pa ang fb mo.

Bakit?

kasi ung totoo?

it hurts you know...paksyet!!!

Mukang may iba kana nga ata...










Pero sana nga mali lang ako... (pray)

3/24/10

HILING NG PUSO

Minsan may oras na gustong gusto kong mabasa mo ung blog ko. Bakit? Syempre para naman malaman mo kung anong laman ng puso at isip ko. Pero sa kabilang banda ayoko din. Nahihiya kasi ako sayo (meron pa pala ko nun noh?kala ko din wala na eh..) nakakahiya kasi hindi ko alam kung anong iisipin mo. O kung magiging positive ba ung outcome kapag nabasa mo nga ung blog ko pero kasi panu kung negative? at masamain mo, ayoko din naman na ako pa ung makasakit sayo. Kasi dba nangyari na un dati, nasaktan kita dun sa ibang sinulat ko tungkol sayo. Sa totoo lang hindi ko naman talaga intension na saktan ka eh. Gusto ko lang sanang malaman mo kung anong iniisip ko but unfortunately hindi nga naging maganda ang outcome at sumama pa ung loob mo sakin. I'M SORRY... hindi ko talaga gustong mangyari iyon... lalo na ang masaktan kita...

Pero sana... sana... sana...

AKO PA RIN ANG MAHAL MO...

ALA-ALA

Sabi mo sakin noon:
AKO LANG ANG NAGING GF MO NA GUMAGAWA SAYO NG MGA KORNING BAGAY PERO GUSTONG GUSTO MO...
AKO UNG SWEET...UNG KORNI...UNG MATIGAS ANG ULO...UNG MAKULIT...
AKO LANG UNG NAGBIGAY NG TAWAGAN NA HON...
at higit sa lahat...
AKO UNG MINAHAL MO NG TODO... pero sana

kahit wala ng tayo AKO PA DIN ANG LAMAN NG PUSO MO...

Sabi ko sayo noon gagawin kong special ang bawat monthsary natin kahit na hindi tayo magkasama. Sisiguraduhin ko na hinding hindi mo makakalimutan ang bawat araw na un kasi gagawin ko ung memorable para sau. At sinubukan ko namang tuparin un eh, ginawa ko sa abot ng makakaya ko.

Remember nung 4th monthsary natin tinext ko lahat ng mga kabordmate mo para lang igreet ka nila ng "HAPPY MONTHSARY" at sabihin sayong MAHAL NA MAHAL KA NG GIRLFRIEND MO. Sabi mo pa nga nun nasurprise ka talaga kasi pagkadating mo noon isa isa silang bumati sayo at sinabi kung ano ung pinapasabi ko sa kanila. Tuwang tuwa nga ako noon kasi akala ko papalpak ung plano ko eh, but thank God nakisama naman silang lahat tapos inaasar kapa nila pero ikaw naman ngiti ngiti ka lang. Pero thank you kasi naappreciate mo ung ginawa ko na un para sayo. Ikaw lang ung sinurprise ko ng ganun at buti nalang dahil nasurprise ka talaga at pati na rin ang mga kabordmate mo. Masaya ko na napasaya kita sa araw na un. Pero alam mo kung anong pinakamasaya sa bawat monthsary natin? kasi buong buwan mo akong binabati ng HAPPY MONTHSARY HON...

Kaya nga sa tuwing darating ang ika 7th day every month namimiss ko iyong HON ko na laging bumabati sakin ng happy monthsary. Ewan ko kung naaalala mo pa pero sana importante pa din sayo ang araw na un. Sa totoo lang nalulungkot talaga ako habang nagtatype ako ngayon, kasi naalala ko lahat lahat ng memories na meron tayo. At kunti nalang babagsak na ung mga luha sa mga mata ko. Nakakainis naman kasi eh bakit ba kasi napakaiyakin ko. Sabi mo sakin ayaw mo kong nakikitang umiiyak kasi ang pangit ko.hahahaha... Pero pano ko nga ba pipigilin ang mga luha ng kalungkutan na gustong gusto ng bumagsak mula sa mga mata ko?

PAANO?

SANA

Isang araw na naman ang natapos...
Isang araw na laman kapa din ng isip at puso ko.

Hay namimiss na naman kita lalo na pag ganitong mag-isa lang ako nakaharap sa laptop habang nagtatype ng kung anong anik anik na tungkol na naman sayo. Minsan nga parang ayoko ng magblog kasi wala nang pumapasok sa isip ko na idea kundi puro ikaw na lang...

Hindi naman dahil sa nakakasawa na magsulat ng tungkol sayo kaya lang kasi sa kabilang banda ako kaya naiisip mo? Hay...

Minsan alam mo ba gustong gusto ko ng itxt ka ng I LOVE YOU HON... I MISS YOU SO MUCH... SANA AKIN KA NALANG ULIT... kaso lang kapag naiisip ko iyon bumabalik din agad ung katinuan ko. Ganun na ba ako kadesperada? Hindi naman eh. Kaya lang kasi un talaga ung gusto kong gawin. Pero ayun si pride hindi pa din nagpapaawat eh. Natatakot din kasi ako na baka masupalpal ako kapag tnxt kita ng ganun tapos irereply mo sakin. SORRY HINDI NA PWEDE. Eidy nagmuka akong kawawa naman. Pero sa totoo lang hindi ko na nga din naiisip ung pride ko eh. Kaya lang ung takot andun pa din, nangingibabaw sakin. Akala ko mas matapang na ako ngayon pero sa kabilang banda eh hindi pa rin pala. DUWAG pa rin ako. Nakakatawa ako noh, nakakaawa at para akong tanga? Siguro nga pero wala eh ayun talaga ung nasa isip ko.

PANO KO BA BABAWIIN IYONG TAONG MAHAL KO KUNG AKO MISMO ANG NAGING DAHILAN PARA MAWALA SIYA SAKIN?
Hay... sana kasi alam ko kung ano ang nasa isip mo.

Anak ng pating naman oh, pwede ba sabihin mo naman sakin na TANTANAN MO NA AKO para naman tumigil na ko..ang ewan ko naman kasi eh...

BAKIT BA KASI MAHAL KITA?
AT BAKIT PATULOY PA DIN KITANG MINAMAHAL? anak ng takte talaga...

Kilan ba ko magkakaroon ng lakas ng loob na itanong sayo ung mga bagay na nagpapagulo ng isip ko para naman manahimik na ko ng bonggang bongga.?

SANA NGAYON NA...