5/18/11

April 28,2011

Wala naman talaga sa plano na mababago pala ang desisyon ko oras na magkita kami. Sabi ko pa sa kanya hindi ako naniniwala sa second chance at hindi na rin kami pwedeng magkabalikan. Friendship lang ang kaya kong i-offer sa kanya. Pero kinain ko ang lahat ng sinabi ko.

First time namin magkita ni adik sa tinagal tagal na nagkakatxt kami d ko akalain na magkikita pa kami. Ang plano ko lang naman talaga pagbigyan siya dahil hindi ko man lang siya binati nung birthday niya kasi akala ko galit siya sakin. Marami talagang namamatay sa maling akala at isa na ko dun. 

Kahit na nakita ko na siya sa picture iba parin talaga ung first time mong i-memet. Para kang nakikipagpag-eyeball sa txtmate, kunsabagay ganun naman talaga kami dati... textmate...

Habang papalapit ako ng papalapit sa mismong lugar ng usapan namin ganun naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga gusto ng tumalon ng puso ko sa katawang lupa ko sa sobrang kaba. At sa kapraningan ko nalaglag pa sa pouch ang cellphone ko. Pagdampot ko sa cellphone ko napatingin ako sa nakatayong lalake ilang hakbang ang layo mula sa akin...

Siya na un...
Alam kong siya un...

Tumayo lang ako sa harap niya na walang kahit anong sinasabi. Ewan ko hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin. 

Nagkatinginan lang kami.... Pakiramdam ko huminto ang oras ng mga sandaling iyon.

Ang weird sa pakiramdam...

Siya ang bumasag sa katahimikan...

Wala kasi kong idea sa dapat kong sabihin o sa kung ano nga bang dapat kong sabihin.

Ngumiti siya...
Napangiti din ako...

























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento