Kagabi habang nagbobrowse ako ng blog napadaan ako sa blog ni khekz, nabasa ko ung post niya tungkol sa mama niya. It simply reminds me of my mother, kung paano niya ko i-comfort lalo na sa mga simpleng paraan niya.
I remember nung nagbreak kami ng ex-boyfriend ko, wala siyang kaalam alam that time. Wala naman kasi talaga akong balak na mag-open sa kanya about sa lovelife ko. Hindi ko kasi ugali na mag-open up sa kanya lalo na sa mga ganung topic para sakin, nakakailang at hindi ako sanay. Pero sa kasamaang palad ikinuwento na pala sa kanya ng pinagkwentuhan kong kaibigan at wala man lang akong kaalam alam dun. Kaya nga naniniwala talaga ako sa kasabihang "Walang lihim na hindi nabubunyag."
Gabi na noon ng umuwi siya sa bahay namin, pagkapasok niya ng pinto sinabi niya agad na
"MARAMI PA NAMAN DIYANG IBA, MARAMI KAPANG MAKIKILALA AT WALA NAMANG KWENTA UNG LALAKENG UN."
Habang sinasabi niya un hinahaplos niya ung buhok ko na para bang pinaparamdam na magiging okay din ang lahat na hindi ko dapat iyakin ung ex ko.
Wala nga kong balak iyakan ung ex ko kasi wala na sakin un eh, pero pagkatapos nung sinabi sakin ng mama ko ayun nag-uunahan na sa pagpatak ung mga luha sa mata ko. Tumayo ako nun sabay diretso sa ref para kumuha ng tubig pakiramdam ko kasi nadedehydrate ako, pero isang simpleng paraan din un para umiwas at itago ung mga luhang nagbagsakan na galing sa mga mata ko. Habang andun ako sa kusina sinagot kitang parang sira ito si mama, wala naman na sakin un eh. Tapos diretso ako sa cr para makapaghilamos, ayoko kasing makita mo kong umiiyak. Naiiyak ako hindi dahil sa nangyari samin ng ex-bf ko pero dahil sa mga sinabi mo sakin. At least on that way napatunayan kong maging kaaway ko man ang buong mundo, sa lahat ng oras kakampi parin kita.SALAMAT MA...
Noong isang beses naman nun ng umaga habang katabi kita sa kama eh bigla mo nalang akong niyakap habang sinasabi na "ANG LAKI NA TALAGA NG ANAK KO" sabay halik sa buhok ko, muntik na ngang tumulo luha ko pati sipon ko ng time na un eh pero ang nasabi ko lang eh, SI MAMA TALAGA... Masarap sa pakiramdam kapag yakap yakap mo ko pakiramdam ko kasi walang sinuman ang makakasakit sakin. At ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo para sakin. SALAMAT MA...
Bilang isang ina ginagawa mo ang lahat para sa aming magkakapatid, ibibigay lahat ng gusto at kahit kakainin mo nalang eh ibibigay mo pa para samin kasi sabi mo nga SAYO NALANG YAN PARA TUMABA NAMAN ANG PAYATOT KONG ANAK sabay ngiti sakin. SALAMAT MA...
Sa tuwing magrerequest ako ng ulam sasabihin mo huwag un dahil minsan hindi kumakain ung ibang kapatid ko o d kaya gusto mo ng ibang ulam pero pagdating mo galing sa palengke, makikita ko nalang na ung nirequest kong ulam ang niluluto mo. SALAMAT MA...
Sa totoo lang habang sinusulat ko ito, naiiyak ako. Masyado kasi akong iyakin eh, mana kasi ko sa mama ko. Ung mga simpleng bagay kasi na ginagawa niya para sakin, saming magkakapatid sobrang laking bagay kaya gusto kong suklian un ng mga simpleng bagay na pwedeng magpangiti sa kanya. Kaya nga kahit magmuka akong tanga sa harap ng mama ko, masaya na ko basta makita ko lang siyang masaya dahil napatawa ko siya.
Hindi ko man madalas sabihin ito pero ma MAHAL NA MAHAL KITA...
SALAMAT SA LAHAT...
Kung bibigyan kita ng award para sakin YOUR THE BEST NANAY sa puso naming magkakapatid...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento