Sa halos araw araw na ginawa ng Diyos, wala atang araw na hindi ko nakita si ate na hindi nakangiti. Hindi naman dahil sa may saltik siya sa ulo. Pero ewan ko ba may kakaiba sa mga ngiti niya. Madalas ko siyang pagmasdan lalo na kapag magkasama kami habang kabiruan ang mga kapatid namin. Tapos makikita iyong ngiti niya, kakaiba.. Para bang may ningning sa mga mata niya. Minsan naman kahit nakangiti siya napapansin kong may lungkot sa mga mata, hindi ko alam kung anong dahilan. Para siyang isang payaso na may nakatagong maskara, hindi mo maintindihan kung bakit pabago-bago ang klase ng ngiti niya. Pero isang araw natuklasan ko kung saan nanggaling ang mga iba't ibat ngiting iyon. Inlove pala ang ate ko. Ganun pala ang inlove minsan masaya, minsan malungkot. Nahihirapan pa rin akong intindihin kung minsan bakit ganun. Pero sabi ni ate paglaki ko daw maiintindihan ko din ang lahat. Para tuloy natatakot akong mainlove kasi magmumuka pala akong baliw. Magulo... Pero sabi nga ni ate MASARAP MAINLOVE.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento