Last night I was trying to call you... but unfortunately walang sumasagot...
Gusto lang sana kitang i-greet in advance kasi malapit ng birthday mo pero parang ayaw mo naman ata akong makausap.
Siguro nga ayaw mo lang talaga sagutin...
Siguro nga tulog kana...
Siguro nga your just busy...
at marami pang siguro...
Sabi ni ana wag na daw kasi kitang kulitin baka talagang ayaw mo kong makausap o baka daw busy ka lang or tulog kana. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin. Tsaka wala na din naman kasi akong karapatan eh. Alam ko namang hindi na talaga kita dapat tenetext and even ang tawagan ka pa but still I'm too stubborn talaga. Hindi ko din kasi alam kung pano ko gagawin un. I was really trying so hard para lang pigilan ang sarili ko. I pity myself. Nakakainis kasi sabi ng isip ko tumigil na ako pero letseng puso talaga oh, bakit ba kasi kilangan pang umapela ayan tuloy ung mga bagay na hindi ko na dapat ginagawa. Makikita ko nalang na nakapagsend na ako ng text, natawagan na kita. Sabi nga ni ana tumigil na ako para naman daw di nadin ako nasasaktan. Madaling sabihin pero sa totoo lang sobrang hirap panindigan. As in sobrang hirap. Pano ko nga ba gagawin un eh kahit anong gawin ko ilang beses ko mang i-delete ang number mo eh memorize ko naman ito. Ang saklap talaga. Mahirap gawin ung mga advises na sinasabi ko lang nun para sa mga kaibigan ko, madaling sabihin pero napakahirap gawin para sakin.
Paano nga ba?
Hindi ko na alam..
Hindi ko na talaga alam...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento