6/12/10

ANOTHER CHANCE(SHORT long LOVE STORY)

Namamasyal kami ng girlfriend kong si Belle ng bigla nalang magring ang phone ko. Hindi ko na sana sasagutin kung sino man ang tumatawag pero pumayag si Belle na kausapin ko na kung sino man ang tumatawag.

“Sige na go ahead, answer your phone baka importante yan.”

Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng jacket at nakita kong nakarehistro ang pangalang “Cheska”. Nagtataka man sa tawag na iyon sinagot ko na rin hanggang sa makarinig ako ng malungkot na boses sa kabilang linya.

Cheska, bakit? May kailangan ka? Agad kong tanung sa kausap ko sa kabilang linya habang nakatingin ako kay Belle na tila ba bahagyang nagkaroon ng lungkot ang kanyang mga mata.

Oh, sige ang maikli kong sagot sa kausap ko at saka  ko ibinalik ang cp sa bulsa ko.

Belle, Ok lang ba kung pupuntahan ko siya? Tanung ko.

“Ok lang naman, uuwi nalang siguro ako.”

Hindi, intayin mo ako dun sa may park sa lagi nating pinupuntahan. Saglit lang ako, babalik ako agad. Ako ang sumundo sayo kaya dapat lang ako din ang maghatid sayo.
Basta antayin mo ako ah, ang sabi ko sa kanyang nakangiti bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

---------

Si Cheska... Sino nga ba siya sa buhay ko?
Siya ang babaeng minahal ko sa loob ng 5 taon mula pa noong nasa 3rd year High School ako. Simple lang siya, matalino, maganda para sa akin perpekto siya. Sabihin nalang natin na siya ang first love ko... Ang babaeng minsan kong pinangarap na makasama sa buhay ko, pero sa loob ng limang taon na iyon hindi ako nagkaroon ng chance sa kanya. Sabihin nalang nating dahil sa hindi niya ako gusto. Paunti-unti natanggap kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil hanggang sa pagkakaibigan lang ang pwede niyang i-offer sa akin.

Nasa harap na pala ako ng coffee shop kung saan niya ako binasted, kung dati rati’y nalulungkot ako sa tuwing maaalala ko un, ngayon natatawa nalang ako sa tuwing mapapadaan ako sa lugar na ito. Pumasok ako sa loob ng coffee shop at nakita ko siya sa mismong upuan na inupuan namin nun. Lumapit ako sa kanya saka ko napansing napakalungkot niya.

“Kamusta? Pasensiya kana kung pinaghintay kita, hindi rin nga pala ako pwedeng magtagal dahil may nag-aantay sa akin”, bungad ko sa kanya.

“Im sorry James, nagkamali ako... Siguro naman pwede pa nating ibalik ung dati?”

“Anong ibig mong sabihin Cheska?” Naguguluhan kong tanung sa kanya.

“James, narealize kong Mahal kita... na nasa iyo ang mga katangiang hinahanap ko sa isang lalake. Hindi ba pwedeng ako nalang ang mahalin mo ulit? Ako naman iyong mahal mo dati diba? Pwede ba siguro nating ibalik iyong dati? Na sa akin lang umiikot ang mundo mo? Hindi ba pwedeng ako nalang James? Ako nalang.... ang maluha-luhang pagsusumamo niya sa akin.”

Ngayon nasa harap ko ang babaeng minahal ko sa loob ng limang taon. Noon ako iyong nasa sitwasyon niya... Umaasa sa pagmamahal niya at atensiyon, ngayon naman iba na ang sitwasyon. Nabaliktad na para bang isang gulong. Hindi ko inaasahan na iyong mga salitang gusto kong marinig noon sa kanya, maririnig ko kung kilan huli na ang lahat.... kung kilan iba na ang mahal ko at marami ng nagbago. Kung dati makita ko lang siya buo na ang araw ko, ngayon si Belle na ang nakakagawa noon. Ayoko man makita siyang umiiyak at nasasaktan sa harap ko pero alam kong mas makabubuting malaman niyang marami ng nagbago sa pagitan naming dalawa. Kung dati’y siya lamang ang nagmamay-ari at laman ng puso ko, ngayon ay iba na, si Belle. Ang pinakamamahal kong si Belle.

“Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo Cheska, hindi ko gustong makita ka sa ganyang kalagayan. Sa loob ng limang taon ikaw lamang ang babaeng minahal ko, pero ng sabihin mo sa aking hindi mo ako gusto, paunti unti natutunan kong tanggapin iyon. Na sa pagkakaibigan lang talaga tayo pwede. Masaya ako dahil may isang taong nagmamahal sakin ng lubos, si Belle. Kapag kasama ko siya hindi ko alam kung anong salitang dapat sabihin para lang maidescribe ko iyong sayang nararamdaman ko. Basta ang tanging alam ko lang gagawin ko ang lahat para sa kanya. Ang paliwanag ko kay Cheska.”

“Sa tingin ko talagang mahal mo siya, ngayon lang kasi kita nakitang ganyan. Sa tuwing babanggitin mo kasi iyong pangalan niya iba iyong ning-ning sa mga mata mo. Akala ko kasi pwede ko pang itama ang maling desisyong nagawa ko, akala ko pwede ko bang ibalik iyong dating James na laging ako ang inaalala, inaalagaan at minamahal. Masakit lang dun kasi iyong dating oras na inilalaan mo para sa akin ngayon ay para sa iba na. Kung may pinagsisisihan man ako sa buhay ko ngayon, alam mo kung ano? Iyon ung oras na binalewala ko iyong pagmamahal mo para sa akin. Bakit nga ba kasi ngayon ko lang narealize na nasa iyo lang pala iyong hinahanap ko kung kilan huli na ang lahat? Ang tanga ko talaga...”

“I’m sorry”....iyon lamang ang tanging salitang nasabi ko.

“You don’t have to apologize James, ako naman iyong may kasalanan eh... You may go, someone’s waiting for you... huwag mo siyang pag-aantayin gaya ng ginawa ko sayo noon.”

“Salamat cheska... sige aalis na ako, ingat ka nalang...

-------

“Belle, tawag ko mula sa di kalayuan sabay ngiti sa kanya.”

Naglakad siya papalapit sakin at napansin kong ang bagal ng lakad niya dahil sa nasira pala ang sandals na suot niya.

“Anong nangyari diyan sa suot mo? Tanung ko.”

“Masyado na sigurong luma kaya natuluyang bumigay, sabay ngiti niya.”

“Sige sakay kana sa likod ko.”

“huh? Bakit?”...

“Masama bang kargahin ko ang girlfriend ko?”

“Pero nakakahiya, siguradong pagtatawanan tayo ng makakakita sa atin.”

“Hayaan mo na sila... naiingit lang iyong mga iyon...”

“Sige na nga, alam ko naman na hindi mo ako titigilan eh...”

“Akala ko James, hindi mo na ako babalikan eh”, ang sabi niya sa akin.

“Pwede ko ba namang gawin un sayo? Mahal kaya kita noh... wala ka bang tiwala sakin?”

“Syempre meron, may takot lang akong nararamdaman pero ok na iyon andito ka na eh...”

“I love you James...”

“Mas mahal kaya kita payat...”

“Payat ka diyan? Ang yabang mo...”

“Hahaha.... totoo naman eh...”

“Hindi na kita bati noh..”

“Bati naman kita...”

-the end-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento