It’s raining... napangiti ako ng makita ang pagpatak ng ulan mula sa aking bintana. It simply reminds me of that day.
I was on my way home ng bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
“Shit! Bakit naman ngayon pa umulan kung kilan wala akong payong na dala.”
Imbes na sumugod sa ulan mas pinilikong magstay sa isang waiting shed habang naghihintay ng pagtila ng ulan. Maya maya may isang werdong babae ang pumukaw ng atensiyon ko. Sa lahat ng taong nakasilong sa waiting shed na iyon, hindi ko alam kung bakit tila ba namagnet ako at pinagmasdan ko siya. Ang ganda ng pagkakangiti niya habang pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan. Nang hindi makuntento sa panonood isinahod niya pa ang kanyang kamay na para bang kaya niyang saluhin ang bawat patak nito. Hindi ko alam pero wiling wili akong panoorin siya, para siyang bata samantalang kung titingnan ay nasa bente tres anyos na siya.
“Huwag mo akong masyadong titigan baka matunaw ako... ang sabi niyang ubod ng tamis na nakangiti sa akin...”
Pakiramdam ko napahiya ako,hindi ako nakapagsalita kaya napangiwi na lang ako.
“Nakakahiya”, bulong ko... Napansin pala niyang nakatingin ako sa kanya.Masyado kana man kasing obvious mike sabi ko sa sarili ko.
Maya maya naglakas loob na rin akong lapitan siya kahit alam kong wala naman ako nun. Kung alam ko lang kung saan pwedeng bumili nun, siguro bumili na ko ng sandamukal.
“Hi!”, maiksing bati ko sa kanya na medyo nahihiya pa.
“I’m Ella... Ella Henares sabay lahad ng palad niya na pagkatamis tamis pa din ng ngiti sakin.”
Sa tingin ko mas matamis pa ata sa asukal at coco jam ang mga ngiti niya. Kung ganito laging ngiti ang makikita ko tuwing gigising ako sa umaga, oks na oks na para bang nakainom ng sandosenang vitamins.
“Mike... Mike Dela Cruz... ang sabi ko sabay abot ng palad niya.”
---
It was the day I saw her...
The day I met her...
The day she started to changed my life...
The day I fell in love with a total stranger...
And I think it was love at first sight...
-the end-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento