8/8/10
KUYA
TAYA
Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Pero sa larong ito ako ang taya...
Ang naghahabol sa taong mahirap habulin dahil may hinahabol ding iba...
Kilan kaya kami mapapagod na maghabol sa bawat isa?
"Belle," tawag sakin ni ate.
"Bakit?"
"Uwi na daw sabi ni mama. Kakain na tayo."
"Sige ate, mauna ka na. Susunod na ako sayo."
"Dalian mo ah.."
"Oo.."
"Tan, laro ulit tayo mamaya ah. Babalik din agad ako,".
"Ok, sige pero isama mo ang ate keith mo ah."
"Pero--" gusto ko sana tayo lang ang maglaro.
"wala ng pero pero. Basta isama mo si Keith ah?" pilit na kumbinsi sakin ni Tan.
Nakakainis talaga siya. Napakamanhid niya. Bakit ba sa tuwing lumalapit ako sa kanya lagi na lang si ate ang nakikita niya. Nakakainis talaga.
"Oh! Belle, natulala kana diyan. Wag mong kalimutang isama ate mo ah para naman may aasarin ako."
Sana ako na lang ang asarin mo, bulong ko.
"May sinasabi ka ba?"
"wala, sige Tan. Eh, ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?"
"Sige, tara na nga tutal naman nagugutom na din ako eh."
Nakakatuwa naman kasabay ko siya at kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya.
Sana hindi lang si ate ang mapansin niya, mas maganda pa nga ako kay ate eh.
"Dito na pala tayo sa inyo eh. Asan ba ang ate mo?"sabay silip niya sa pintuan.
Napasimangot ako. Magkakuliti ka sana.
"Baka nasa kusina."
"Ah, sige aalis na ako. Hintayin ko kayo mamaya ah sabay ngiti niya."
Ang cute niya talaga, kaya gusto ko siya eh.
Iniwan na akong mag-isa ni Tan kaya pumasok na ko sa loob ng bahay ng bumungad sakin si ate. Naalala ko tuloy ung kanina.Napasimangot ako.
"Nanghahaba ata nguso mo Belle, may umaway ba sayo?,"
"Wala naman ate."
"May kasama ka ba kanina sa labas?"
"Wala."pagsisisnungaling ko.
"Para kasing narinig ko ang boses ni tan eh."
"Bat naman ako sasamahan ni Tan?,"naiinis ko pa ding sagot.
Bakit naman kaya tinatanung ni ate kung kasama ko si tan? D kaya may gusto rin siya kay tan? D pwedeng mangyari un, akin lang si ethan.
"Kunsabagay. Ikaw nawiwili kana dapat kuya ang tawag mo sa kanya ah. Mas matanda siya sayo ng isang taon."
"Kahit na. Hindi ko naman siya kapatid eh."
"Hindi nga, pero iba pa rin kung tatawagin mo siyang kuya dahil mas matanda pa rin siya sayo."
"Iba siya ate."
"Anong iba?"
"Ah, basta, sakin na lang un."
"Tena na nga dito sa kusina, kakain na tayo nila mama. Ang kulit mong bata ka."
----
"Oh, asan na ang ate mo belle?"
"Nasa bahay. May gagawin daw siya."
"Ah, d wag na tayong maglaro. Boring kasi kung tayo lang."
"Ayain na lang natin sila kuya Rick, Tan."
"Wag na bukas na lang. Tinatamad na ako. Gusto mo kayo na lang."
Tinatamad ka lang dahil wala si ate eh.
"Ano?"
"Wala naman akong sinasabi."
"Tara uwi na lang tayo. Samahan na lang natin ang ate mo."
"Ayoko pang umuwi."
"Ikaw ang bahala, pupunta na lang ako sa inyo."
Nakakainis talaga.
"Tara na?",naiinis kong aya sa kanya.
"Oh! kala ko ba ayaw mo pang umuwi?"
"Nagbago na ung isip ko. Dalian mo."
Hindi ako papayag na masolo mo si ate. Kala mo ah.
---
Nakaupo si ate sa labas ng bahay ng makita namin ni Tan. Lagot mukhang mabubuking ako, sa isip isip ko.
"Oh, bat ang bilis mo Belle? nakangiting tanung ni ate. Kasama mo pala si Tan."
"Akala ko ba may ginagawa ka Keith?"
"Ako?"napatingin sakin si ate saka nagsalita ulit. "Ah, oo kanina...pero tapos ko na naman."
Umupo naman sa tabi ni ate si Tan pero sumingit ako sa gitna.
"Tan, usog ka naman ang lawak lawak diyan eh."
Tatawa tawa lang si ate samantalang nakakunot-noo naman si Tan.
Siguro alam niyang gusto ko si Tan. Etong si Tan naman kasi ubod ng manhid, ndi naman siya bato na walang pakiramdam.
Ang nakakalungkot lang dun, iyon na pala ang huling araw na makikita ko si Tan.
Iyak ako ng iyak ng malaman ko un, samantalang parang balewala lang kay ate ang lahat. Siguro nga nagkamali ako ng hinila na gusto niya din si Tan.
Siguro nga magkaibigan lang talaga sila.
Habang hinahabol ko si Tan, lumalayo siya sakin para lapitan si ate.
Labing dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na un. Parang kailan lang. Nasaan na kaya si Tan? Kapag nakita ko kaya siya babalik ang nararamdaman ko para sa kanya?
Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa labas.
Boses ni ate at ng isang lalake. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas para tingnan. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake.
Walang iba kundi si Tan...
Si Ethan...
"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?"inis na inis na sigaw ni Ate Keith sa lalake. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?
"Hindi na kailangan, pulis ako."nakangising sagot ng lalake.
Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Tan na mahilig asarin si ate. Pero bakit kaya hindi man lang siya namukhaan ni ate? Samantalang unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya si Ethan. Tulad pa rin siya ng dati gwapo.
At tulad dati hanggang ngayon talagang si ate pa rin ang gusto niya.
"Ate, hindi mo man lang ba papapasukin si Kuya Tan?"nakangiti kong baling sa kanila.
Napatingin silang dalawa sakin sa may labas ng pinto.
Kitang kita sa mukha ni ate ang pagkagulat samantalang nakangiti naman ng ubod tamis sakin si Tan, mali pala si kuya Tan.
"Kita mo, buti pa si Belle eh, nakikilala ako, samantalang ung lampa diyan ni hindi man lang ako makilala."
Napatingin si ate kay Tan, na para bang tinitingnan niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.
"Ikaw pala. Sana kasi nagsabi ka na ikaw pala yan. Malay ko kaya noh."
"Ganyan ka naman eh. Pero kung si Rick un siguradong makikilala mo agad."
"Sus, kala mo lang..."
"Tara na pasok na kayong dalawa. Mukhang babagsak na ang ulan, ayaw niyo naman sigurong mabasa hindi ba?"
Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko siyang kuya. Ito na siguro ang simula ng pagsuko ko.
Sa larong ito, minsan na akong naging taya kaya hindi na ako magpapataya pa.
Ayoko ng maghabol sa taong may hinahabol namang iba.
Sana dumating ang araw na may isang taong gustuhing maging taya para habulin naman ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento