Naranasan mo na bang mag-hintay?
Ung tipong gusto mo ng sapakin at pagsasampalin ung taong hinihintay mo sa sobrang tagal niya...
Ung tipong sasabihin sayo sa text na on the way na siya pero anak ng teteng eh isang oras ka ng nag-hihintay...
Ung tipong hindi mo alam kung naghihintay ka ba sa wala dahil baka ininjan kana ng hinihintay mo...
Ung tipong naghihintay ka sa hindi mo alam kung meron ka nga bang dapat antayin pero patuloy ka pa rin sa pag-asa na baka sakali may dumating pa...
Ung tipong suko ka na at aalis ka na pero hahakbang ka pa lang eh babalik kana para magbakasakali...
Ung tipong mag-aantay ka hanggang sa maubos ang bukas...
Ako naranasan ko na at hanggang ngayon naghihintay pa rin ako.
Kung itatanung mo kung ano? sino? at bakit?
Isang ngiti lang ang maisasagot ko sayo...
Hindi ko din kasi alam kung ano? sino? at bakit ako nag-hihintay...
basta naghihintay ako... at kung ano man iyon hindi ko rin alam...
bahala na si batman...
Nakakainis mag-hintay dba?
Nakakairita...
Sa totoo lang ang pinaka ayoko sa lahat ay ang maghintay...
Mainipin kasi ako eh...
Madalas kasi ako sa ganyang sitwasyon...
at iyon ang pinaka nakakainis sa lahat...
Naalala ko noon madalas ako ang malate samin. Ayoko kasing mauna sa usapan tapos mag-hihintay ako.
No way.... mas gugustuhin ko ng ako ang hintayin kesa ako ang maghintay... Mainipin kasi talaga ako pero kahit naman ganun matyaga naman ako... ang gulo noh?
Noon ako ang madalas na hintayin ng mga kaibigan ko pero naiba na ngayon ang sitwasyon nagbago na kasi ung pananaw ko. Naisip ko kasi ayoko ng feeling ng taong naghihintay kaya mas magandang dumating ako sa oras, masaklap lang dun sila naman ang late.
Isang beses nagpasama sakin ang isang kaworkmate ko. Makikipagmeet daw kasi siya sa katextmate niya at syempre wala naman din akong gagawin kaya sinamahan ko nalang siya. Usapan namin na magkita sa Nova Mall sa Novaliches dun daw kasi ang usapan nila sa isip isip ko ang korni naman ng place sana man lang sa SM nalang kaso ang iyong katextmate nga ng kaworkmate ko eh malayo daw kapag sa Sm pa...
Dumating ako ng sakto sa oras. Ang nakakainis dun wala pa ung nagpapasama sakin na kaworkmate ko samantalang malapit lang ung boarding house niya sa meeting place. So, ayun tenext ko na ang bruha sabi on the way na daw siya... at wait lang daw ako... So ako naman eh ikot ikot muna sa meeting place, nakailang minuto na rin akong naglalakad at naikot ko na rin halos ang buong lugar, maliit lang kasi ung mall na un eh.. text na naman ako sa bruhilda kong kaibigan, malapit na daw siya. Paksyet sa isip-isip ko kanina pa ako nag-hihintay at naiinip na talaga ako. Napagkamalan pa nga akong kaeyeball nung isang lalake, pano ba naman kasi panay ang text ko. Nagsisimula na talagang maubos ang pasensiya ko at gustong gusto ko ng iwan ung kaibigan ko. Tenext ko ulit siya "hoy bruha tinutubuan na ako ng ugat dito ah..." at isa pang text "anak ng pating kang babae ka asan ka na ba? may bunga na ako dito"... Maya maya nakareceive ako ng text sa kanya na papasok na daw siya ng mall at ang bruha eh todo ngiti pa sakin samantalang sambakol na ung mukha ko sa sobrang inis sa kanya... Pasalamat nalang talaga siya at sadyang mabait ako...
Ewan ko ba pero mainipin talaga ako sa totoo lang pero kahit ganun matyaga naman akong maghintay...
Malabo noh?
Until now I'm still waiting...
at kung ano man iyon....
hindi ko talaga alam....
IKAW NASUBUKAN MO NA BANG MAG-HINTAY?