"Hi! Jessica," nakangiting bati sakin ni Claude. Eto na naman po siya, ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siya talaga namang naalibadbaran ako sa kanya. Bakit? Eh paano ba naman ke aga aga heto na naman siya at parang naninira ng araw. Matagal na rin siyang nanliligaw sakin, ewan ko nga ba kung talagang matalino siya dahil napakahina naman niyang pumick-up. Ni hindi man lang ata niya maramdaman na hindi ko siya gusto. Ni wala sa kalingkingan niya ang ideal man ko. Matangkad siya, pero wala ding silbi dahil napakalampa naman niya. At hindi siya pwedeng mag-ala prince charming dahil sa katawan niya mukhang ako pa ata ang magtatanggol sa kanya. Sabi nila siya ang pinakamatalino sa campus dahil sa dami ng awards na meron siya, tingin ko mukang nagkamali ata sila sa pagbibigay sa kanya ng awards. Bakit? kasi naman ang hina niya makaramdam ah. Sa tagal niyang susunod sunod sakin hindi ko alam kung sadyang manhid ba siya o talagang ipinaglihi ata siya sa bato na walang pakiramdam. Nakasuot siya ng isang antique na eyeglasses na minana niya pa ata sa mga kanuno-nunuan niya. At ang buhok niya? sa tingin ko eh idol niya si Rizal dahil sa pagkakaplantsa ng buhok niya at sa gamit niyang pamada. Haller! uso na kaya ang gel. Sino ba namang makakatagal sa kanya. Daig ko pang may kasamang antique na gamit. At para rin siyang asong susunod sunod, kulang na nga lang maglagay siya ng tali sa leeg niya. Para na siyang pet para sakin. At sa tuwing nakikita ko siya sumusumpong ang migraine ko, hindi ko alam kung sadyang allergic lang talaga ako sa presensiya niya.
"Jess, pansinin mo naman si Claude. Kanina pa siya nakatayo diyan."
"Ok lang ako Tin..."
"Narinig mo naman siya eh, ok lang daw siya."
"Mauna ka nalang Claude, sabay na kaming uuwi ni Tin. May tatapusin pa kasi kaming project eh."
"Project? meron ba tayo nun?," kunot noong baling ni Tin.
"Meron nga dba? dba nga gagawa tayo?"
"Ah, oo."
"Kung ganun, mauuna na lang ako Jessica. Kung gusto mo itxt mo lang ako kung uuwi kana para may kasama ka, masyadong delikado sa panahon ngayon." As if naman maipagtatanggol mo ko.
"Don't worry ok lang ako. Sige na alis kana. Ingat ah," sabay ngiti ko ng pilit.
Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya pero wala na kong magawa dahil nasabi ko na. Ayoko namang bawiin pa dahil baka iba lang isipin niya. Bakit ba ganun? para tuloy nakokonsensiya ko dahil sa ginawa ko. Ang sama ko ba?
"Ang sama mo naman Jess," ang sabi sakin ni Tin habang nakatingin ako sa naglalakad papalayo na si Claude.
"Bakit ba?"
"Nagtatanong ka pa diyan? Tingnan mo nga ung ginawa mo dun sa tao. Hindi ka man lang ba naaawa?"
"Hi- hindi noh... Bat naman ako maaawa sa kanya?" Ano ba kasing ginawa ko? Bat ba masyado akong naging mean sa kanya. Hay, Jessica bat ba kasi ganyan ka.
"Sundan mo na kaya si Claude."
"Bakit ko naman siya susundan? Mamaya ano pa isipin nun."
"Bakit kaba ganyan sa kanya? Hindi ka naman ganyan sa iba ah. Siguro hindi mo lang matanggap na nagugustuhan mo na rin siya noh?"
"Paano ko naman magugustuhan un Tin? Haller??? Ni hindi nga siya ang ideal man ko eh."
"Talaga bang ayaw mo sa kanya?"
"O- Oo naman..." Kahit na ganun si Claude, lagi siyang nakangiti sakin kahit na lagi ko siyang tinatarayan. At kung may isang bagay man na nagustuhan ko sa kanya, iyon ay ang ngiti nya. Kahit kilan hindi ko pa siya narinig na nagreklamo sakin. Sweet din siya kasi minsan makikita ko nalang na may isang white rose sa desk ko. Lagi niya pa kong tinutulungan sa mga projects sa school, minsan tinuturuan pa niya ko ng mga lesson na hindi ko maintindihan. Dinadalan niya pa ko ng meryenda tuwing break time kahit na ang layo layo ng building ng room niya sakin. Kung tutuusin ang dami dami na niyang nagawa para lang sakin at hindi ko na nga mabilang ang lahat ng iyon. Ayaw ko nga ba sa kanya? O masyado ko lang iniisip na hindi siya ang ideal man ko.
"Sundan mo na, hindi pa un nakakalayo Jess." Dapat ko ba siyang sundan? Mag-isip ka Jessica. Pag ginawa mo un, wala ng urungan pa.
"Sa totoo lang Jess, sa lahat ng manliligaw mo si Claude ang pinakagusto ko para sayo."
"Bakit siya pa?"
"Kasi kahit na hindi siya mala-prince charming. Alam kong mabuti siyang tao. Masyado ka lang nabubulagan kaya hindi mo nakikita un."
"Salamat tin, sige susundan ko siya."
Tumakbo ko ng tumakbo para lang maabutan si Claude pero ni bakas niya wala kong makita.
"Claude..."
"Claude..."
Maya maya may nakita kong nakatalikod na isang lalake. Tumakbo ko papalapit sa kanya hanggang sa maabutan ko siya sabay hinawakan ko ang kamay niya.
"C- Cla- Claude... sandali lang" pero paglingon ng lalake nagulat ako ng iba ang makita ko. Hindi siya si Claue. "Sorry."
Siguradong nakauwi na siya. Hay, Jessica naman kasi ang tanga tanga mo.
"Tawag mo ba ko Jessica?"
Narinig kong sabi ng boses sa likod ko. Pagharap ko nakita ko si Claude, na matamis na nakangiti sakin.
"Ikaw talaga, pinagod mo ko."
Siguro nga hindi siya ang ideal guy ko at hindi rin siya ang prince charming ko pero ito ang realidad ng buhay at wala kami sa fairytale.
Siya si Claude, ang mahal ko.
--the end---