12/23/10

Hay....

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.......

Bat ganun????

=(

12/19/10

Pamilya

Nung byernes pumunta kami sa airport ni mudra para kunin ang iphone na ipinakisuyo ni pudra sa kasama niyang uuwi ng pinas. Eksaktong alas kwatro ng hapon ng dumating kami sa airport. Ni wala pang bakas ng pamilya ng kaworkmate ni pudra at ng tinext namin "on d way palang sila dahil trapik." Sa isip isip ko daig pa namin ung susundo dahil sa napaaga kami. Eksayted???

Nakailang beses na din kaming tinanung ng echuserang katabi ko sa upuan kung sino daw ang susunduin namin? si pudra ko daw ba?. At ng sabihin kong hindi... sabay sabing ah boyfriend...
Keber niya ba...
Wala ako sa mood makipag-usap ng time na un at pati na rin si mudra. 

Nakakalungkot ang bawat minutong naka-istambay kami habang naghihintay at nakatingin sa bawat pamilyang sumusundo sa kanilang mga mahal sa buhay. Kunting kunti na nga lang malalaglag na ang mga luhang pilit kong pinipigilan. 

Habang nakaupo ako hindi mapigilang mapabaling ang tingin ko sa isang lalake na ginulat ang asawa niya. Para lang silang naglalaro ng taguan.... Sabay halik sa labi... 
Nakakainggit talaga... Isang masayang pamilya sa darating na kapaskuhan...

Nung oras na un gustong gusto kong hilingin na sana hindi na lang cellphone ang kukunin namin dun kundi susunduin namin si Pudra.
Ang saya saya siguro nun...
Kaso sa ngaun malabo pa ung mangyari...

Sana sa susunod na Pasko kumpleto na kami...

12/7/10

REGALO

Last time tumawag sa akin ang isa sa friend ko na matagal tagal ko na ring hindi nakikita. Hindi ko halos napansin na almost 2 years na pala kaming hindi nagkikita personally. Ni hindi ko rin nabibigyan ng pamasko ang inaanak ko. Narealize ko lang na ganun na pala katagal nung i-check ko ung fb niya at makita ang mga pics. Si Sab 3 years old na at meron na siyang baby brother. Mas lalo ko lang napatunayan na tumatanda na talaga ko. Habang kausap ko si Dine sige naman ang epal sa kanya ni Sab dahil gusto daw akong makausap. Dinig na dinig ko ang boses niya na mas malakas pa sa boses ng Mama niya, kuntodo volume talaga ang bagetz.

sab: nang bili mo ko kendi ah...
ako: oo sige... kendi lang pala eh... 
sab: ung madaming madame ah...
ako: oo... bibili kita isang sako...

Maya maya humirit na naman si Sab sa mama niya at nakipag-agawan sa cp.

sab: nang pati pala dora na tsinelas... wala kasi akong tsinelas e
ako: sige sige bibili ako nun kasama pa si boots...


Natatawa na lang ako habang kausap ko si Sab.

Wag ko daw kakalimutan ang regalo niya... =)