9/25/11

Dear Mr. Stranger

Hindi ko alam kung para saan ang post na ito... Wala lang... Siguro kasi masyado lang akong natutuwa sayo. Tatlong araw palang ang nakakalipas ng makilala kita... accidentally. Nakakatuwang isipin na sa dinami dami ng mobile number na pwede mong matawagan eh ung mobile number ko pa ang talagang natsambahan mo. Malas o swerte? Ewan... 

Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sayo... Kahit na hindi naman kita nakikita... Masarap pakinggan ung tawa mo... O siguro kasi masaya lang din ako dahil nakakapagpasaya ako ng ibang tao sa sarili kong paraan kahit na nga ba puro kalokohan ang sinasabi ko... Nakakatuwa na naappreciate mo ung pagiging makulit ko at ung topak ko. Sabi mo nga okay lang kahit may topak ako basta ang mahalaga masaya ka at kausap mo ko... Nakakataba ng puso...hahaha

Madalas na nakokornihan ako sa mga sinasabi mo... Masyado ka kasing malalim magsalita na hindi ko na mareach... as in to the highest level ang drama mo.. Pero kahit ganun, natutuwa talaga ko sayo... Siguro kasi dahil sa pinaparamdam mo na mahalaga ko sayo... Salamat...

Kagabi siguro ung time na talagang marami kang sinabi sakin, siguro dahil na rin sa epekto ng alak. Sabi mo nga uminom ka talaga para pampalakas loob... Nakakatawa talaga... Sa edad mong 25 eh may pagkatorpe kapa... Napakadaldal mo pala at talagang nagawa mo ngang sabihin ang lahat... Sabi mo pa naguguluhan ka.. Ako nga din naguguluhan na sayo...hahahaha... 

Ang gusto ko lang naman sabihin eh SALAMAT sa walang sawang pakikinig sa kakulitan ko.

Hindi ko alam kung darating ang oras na magkakakilala tayo ng personal, ang alam ko lang masaya akong makilala ka...



P.s Nakakatuwa kung paano mo bigkasin ang pangalan ko...




Adik

9/6/11

blah..blah..blah...

Its hard to pretend that you're okay...
when you're in pain...
It feels like crying...
It feels like shouting...
but no matter what you say...
no matter what you do...
One thing will surely be the same...
Your heart is broken
and drowning in pain...