2/24/12

DEAR CRUSH,

Kanina naisip kong i-search sa facebook ang pangalan mo. Akala mo siguro hindi na kita natatandaan ano?Ikaw pa, eh kabisadong kabisado ko kaya ang buong pangalan mo. Pwede kong makalimutan ang iba pero hindi ikaw. Nakakatuwa nga kasi wala ka pa ding pinagbago pagkatapos ng maraming taon. Kung anong itsura mo noong elementary tayo, ganun pa din sa ngayon. At tulad dati payat ka pa din. Hehe

Matagal na kitang crush, alam mo ba yun? Hindi ko alam kung nahahalata mo pero sana naman hindi, nakakahiya kasi. Alam mo ba kung bakit kita nagustuhan? Ang totoo niyan eh, hindi ko din alam. Siguro nagsimula un noong sinimulan mo akong asarin. Maliit kasi ako at dahil dun naging madalas ang pang-aalaska mo sakin pero kahit ganun napapangiti na rin ako sa atensiyong binibigay mo sakin. Masaya ko dahil kahit papano naappreciate mo ako kahit sa paraang hindi ko gusto. 6 footer, yan ang madalas mong asar sa akin noon sabay ngisi mo pa. Ang sarap mo nga sanang batuhin ng floorwax at bunot. Nakakapikon ka din naman kasi, napapahiya ako sa mga classmates natin, naiinsulto ako sa sinasabi mo. Ang yabang mo kasing magsalita purke't matangkad ka sakin. Samantalang parang isang ihip lang ng hangin sayo eh parang matutumba kana. Imbes na magalit at mainis sayo, isang ngiti mo pa lang eh nawawala ng parang bula ang inis ko. Sabi nila magkahawig daw tayo at tuwing sasabihin nila un, iba ung tuwang nararamdaman ko. 

Pero isang araw inaasar kana sa isang classmate din natin na di hamak na maganda at dalagang tingnan di tulad ko. Nasasaktan ako sa tuwing maririnig kong mga pangalan niyo sa loob ng klase samantalang sa ibang classmate naman natin nila ako inaasar. Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanila na sana ikaw at ako na lang ang asarin nila. Siguro malamang eh walang pagsidlan ang tuwa ko nun at ndi maipinta ang ngiti ko. Pero habang tinitingnan ko ang profile mo sa fb lungkot naman ang nararamdaman ko dahil habang para sakin ikaw ang no, 1 sa puso ko samantalang para sayo iba naman ang laman nito. Masakit dahil hanggng ngayon mukang mananatiling fan mo lang ako.

Ikaw pa rin ang gusto ko kahit na may iba ng laman ang puso mo....


-seatmate

Kape

"Refill sir?" Nakangiting tanung sakin ng crew ng coffee shop kung saan ako ngayon naghihintay.
"Hindi na," salamat atsaka pilit akong ngumit sa crew.

Nakasampung refill na nga ako ng kape pero heto't wala pa rin siya. Nauubos na ang pasensiya ko. Pang ilang beses niya na ba itong nagawa sakin? Ang paghintayin ako lagi... Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang sa daliri ko. Ang alam ko lang ang pinaka aayawan ko sa lahat ay ang paghihintay. Siguradong hanggang mamaya eh tirik na tirik ang mga mata ko nito dahil sa kapeng nainom ko. Kung bakit naman kasi hanggang ngayon ay wala pa siya? Asan na kaya ang babaeng iyon? Kung bakit naman kasi ni hindi man lang siya magtxt para naman hindi ako magmukhang tanga sa kaka-antay sa kanya.
Kulang na nga lang ay bilangin ko ang mga taong labas pasok sa lugar na ito. Nananakit na din ang pwetan ko kakaupo. 

Janine asan ka na ba?

"Sir James mukang late na naman po si Ma'am ah," untag sakin ng isang crew. Halos kilala na rin kasi nila kami dito. Ito ang lugar kung saan ako madalas pag-antayin ni Janine. Hindi lang pala madalas kundi sa halos pagkikita namin.
"Oo nga eh.."

Naaasar na talaga ko. Lagi nya na lang akong ginaganito. Nakakapagod na din maghintay, hindi niya man lang  ako naisip. 

Patayo na ko sa kinauupuan ko ng makita ko ang pamilyar na mukha.

Alon alon ang kanyang mahabang buhok na bumagay sa kanyang maliit na mukha.
Ang pares ng matang kasing-ganda ng mga bituin sa kalangitan.
Ang mga labing simpula ng rosas na ubod tamis na nakangiti mula sa direksiyon ko.


Si Janine...

Ang babaeng pinakahihintay ko.

Ang babaeng pinakamamahal ko.


Ang kaninang hindi maipintang mukha ko ay napalitan ng mga ngiti sa labi.
Paano nga ba ko magagalit sa babaeng nasa harap ko ngayon?
Kinaiinisan ko man ang paghihintay, ang makita ang isang anghel na nakangiti ngayon sa harap mo sulit na din ang ilang oras na paghihintay.



(note: nakita ko lang sa drafts ko.. naisipang ipost kahit na alam kong kulang pa...hehe sana makaisip na rin ako ng ideya.)

MARRY ME!!! (1)

Marry me...

Kaiba sa mga eksena sa pelikula. Hindi ito pangkaraniwang marriage proposal ng isang lalake para sa isang babae. Sa halip na patanong na "will you marry me?" ang marinig ko sa kanya heto't para ba siyang nag-uutos na animoy amo sa kanyang empleyado.


MARRY ME....may diin sa bawat salitang kanyang binitawan.

Sa reaksiyong nakikita ko sa mukha niya halatang iritado at inip na inip na siya sa paghihintay sa sagot na kanina niya pa inaasam.

Mainiping tao... sa isip isip ko.

Pakiramdam ko may mali sa eksenang ito. Lumingon ako sa kanan, sa kaliwa at inulit ko ulit ang ginawa ko. Mukha na kong tanga. Oo alam ko. Napakunot noo ako, ako ba ang sinasabihan niya? tanung ko sa sarili ko? Pero imposible... as in sobrang labo na ako ang sinasabihan niya. Haller? ako? sasabihan niya ng marry me, eh ni hindi ko nga kilala ang mokong na ilang hakbang ang layo mula sa akin.

Nagsimula na siyang maglakad. Dire-diretso papunta sa direksyon ko.

Dug-dug-dug...

Oo, sabihin na natin na gwapo siya. Mala prince charming ang dating pero sa inaakto niya ngayon hindi mala prince charming ang mga lumalabas sa bibig niya. Tama bang mang utos siya ng ganun ganun na para bang sinabi niyang lunukin mo ung piso. Ang labo dba?

Kaw kaya mo ba un?


Dug-dug-dug...

Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? May abnormal bang nangyayari sa katawan ko? Sa pagkakaalam ko wala akong sakit sa puso. At bakit ba ganito ang pakiramdam ko na para bang may hindi magandang mangyayari sa araw na ito?

Hahakbang na sana ako ng makita ko ang isang babae na papalapit rin sa mismong kinatatayuan ko. Para akong nakakita ng isang diwatang naglalakad. Ang ganda ganda niya. Hindi lang basta ganda pero may kung anong kakaiba sa kanya. Nakangiti siya sakin.

Teka nanlalabo na ba ang mata ko? Nakangiti siya sakin? Eh hindi ko naman siya kilala. Tinapik tapik ko ang pisngi ko baka panaginip lang ito. Pero hindi totoo talaga.

May bigla nalang humawak sa kamay ko. Pagtingin ko si mokong pala.

Nasa tabi na rin namin ang diwata. Nagpalit palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Ewan ko ba pero kanina ko pa gustong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Napipi na ba ako?

"That was awesome Zhian... Ngayon lang ako nakarinig ng ganung klaseng proposal." Natatawang sabi ng diwata na iilang dipa lang ang layo sakin.

Inip na inip akong naghihintay ng magsasabi ng cut pero wala kahit anino man lang na magsasabing nasa shooting ako ng kung ano mang teleserye. O kaya naman ng magsesermon sakin kahit na alam kong byernes ngayon at wala ako sa simbahan. Epal lang naman ako sa eksenang ito eh, at sana may magsabi na nun sakin ngayon. As in now na pero hindi dahil totoo ang lahat ng nagaganap at ang masaklap lang dun hindi ko na alam ang pinagkaiba ng panaginip sa realidad.

Utang na loob gisingin niyo na ako....

Brownout o Blackout

Sa isang lugar kung saan nababalot ng kadiliman...
Isa lang ang masasabi ko...

"Kahit ang LAMOK naghahanap din ng liwanag sa kadiliman."



Anong sabi ng lamok sa liwanag mula sa telepono?

YOU LIGHT UP MY LIFE....

2/3/12

Ano ba?

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang gusto ko...
Nakakainis ung ganitong feeling...
Akala mo siya na...
Hindi pa rin pala...

Everything happens for a reason...
So para sa anong rason?

Nakakadisappoint na ewan...
Hay... magulo...
Ang gulo gulo talaga...

May isang taong nagsabi sakin na alam niya ang nararamdaman ko.
"alam ko kaya ka tumawag kasi naiiyak kana... nalulungkot ka dinadaan mo lang sa biro ang lahat"


Paksyet lang kasi tama siya...
May tama talaga siya...
Akala ko hindi ako affected...
Kinukumbinsi ko ung sarili ko na hindi ako affected sa nangyari...
Kaso ang masaklap dun alam ko namang niloloko ko lang ang sarili ko..
Ang hirap sabihin sa sarili mong okay lang ang lahat when in fact is masyado kang affected...

Hindi man siguro literal na bumabagsak ang luha mula sa mata ko pero ung puso ko naman ang umiiyak.




2/2/12

Naguguluhan...

Ang hirap ipaliwanag ng kung ano nga bang nararamdaman ko...
Kulang ang salita...
Mali pala...
Sadyang hindi ko lang alam kung ano nga bang salita ang dapat kong gamitin...

Sabi ko "OKAY LANG" sabay ngiti...
Pero sa likod ng ngiting iyon, nakakaramdam ako ng lungkot...
Ang ewan lang dba?