4/17/13

Single ka? BAKIT?


Status: SINGLE
Single - so what?

Sa totoo lang nakakarindi na iyong paulit ulit na tanong na may boyfriend ka na ba? 
Para kang nasa hot seat ng who wants to be a millionaire na kailangan tama ang sagot mo dahil kung hindi panigurado na uuwi ka ng luhaan. O kaya naman eh susundan pa iyon ng sandamukal na follow up question na talaga namang nakakairita na.

Bakit wala kang boyfriend?

Wala ka bang balak mag-asawa?

May balak ka bang magmadre?

Baka tumanda kang dalaga nyan?

Ilan lang yan sa mga normal na tanong na sasalubong sa iyo kapag isa kang single. Para bang may malaking placard na nakadikit sa noo mo na SINGLE AKO. Minsan nakakainis na rin at nakakasawang pakinggan para bang pirated na dvd.

Sa tuwing magkakamustahan kami ng mga kaibigan ko tru txt man o personal eh hindi talaga mawala wala sa eksena ang tanong na Oh, musta naman ang love life? Ewan ko ba pero pakiramdam ko yan ata ang mahiwagang tanong dahil kahit kilan eh hindi mawala wala sa eksena. Ang masaklap pa dun sinagot mo naman ng maayos ang tanong nila eh susundan pa ng isang malaking tanong na bakit? Na hindi ko alam kung saang baul ko nga hahalungkatin ang sagot sa tanong nila. Minsan tuloy wala akong choice kundi idaan nalang sa ngiti ang lahat. Kaso talagang may mga time na hindi sila madaan sa pagpapacute na para bang required akong may bf dahil nga naman sila ay may kanya kanya ng pamilya.

Hay talaga naman...

ikaw single ka rin ba???

Usapang ano?

Scenario
Pupunta kami ng sm ni mudra para i-withdraw ang sweldo ng kapatid ko.

Mudra: Ung ano ba? na-ano muna?
Ako: Oo
Mudra: San mo inano?
Ako: Wala sakin...
Mudra: Inano ko sayo ah.
Ako: Binigay ko kaya sayo


Scenario
Ung isang auntie ko at asawa ng pinsan ko nag-uusap tungkol sa mga bata(apo at anak).

Auntie1: Ung mga ano na yan, akala mo mga ano eh. Nakakainis kaya.
Ate: Oo nga eh..akala mo eh mga ano. kung tutuusin nga eh madami namang mga ano dyan. tapos ganyan Auntie1: Pano kasi inaano nila masyado eh. Naaano na nga ako eh. Sakin lagi umaano yang mga yan. Samantalang ang dami dami namang ano sa kanila? Ewan ko nga ba.
Ate2: Napapansin ko nga naaano na din ung anak ko eh. Naiinis nga ako.


Ung totoo naintindihan mo?