Ang himbing ng pagkakatulog niya mula sa kanyang kinahihigaan. Mas lalo siyang nagmukang anghel sa suot niyang puting bestida. Gustong gusto ko talaga siyang pinagmamasdan lalo na kapag natutulog siya. Napakaamo ng kanyang mukha at kahit sa pagtulog ay laging may ngiti sa kanyang mga labi.
Noong una ko siyang makita akala ko nasa langit na ako, paano ba naman kasi may isang anghel ata na nalaglag mula sa langit. Angel ang kanyang pangalan, na talaga namang bumagay sa kanya. Lagi siyang may ngiti sa kanyang labi, kaya nga halos lahat ng tao napapalitan ang lungkot na nadarama nila sa tuwing makikita siya. Lagi ding may ningning sa kanyang mga mata na parang bituin sa kalangitan. Gustong gusto ko kung paano niya ako tingnan. Pinaparamdam kasi niya sa akin na ako ang pinakamahalagang tao para sa kanya, higit pa sa pinakamahal na dyamante sa buong mundo. Napakasarap sa pakiramdam na mahalin ng isang tulad niya. Para sa akin siya ang nag-iisang anghel sa buhay ko. Isang anghel na kahit kilan hindi ko gugustuhing mawala sa paningin at piling ko. Mahal na mahal ko siya.
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Pero kahit nakapikit ang mga mata ko siya parin ang nakikita ko. Ang napakaamo niyang mukha..
Ang ningning sa kanyang mata...
Ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi...
Ang pagtawag niya sa akin ng "Mahal"...
Ang paraan kung pano niya ako tingnan...
Ang lahat lahat ng tungkol sa kanya ay hinding hindi ko malilimutan.
Unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Dahil ngayon ang aking anghel ay papunta na sa isang lugar kung saan siya nararapat.
Sa isang lugar na hinding hindi ko siya maaaring sundan...
Sa isang lugar na makikita niya ang mga katulad nyang anghel.
Gustong gusto ko talaga siyang tingnan sa tuwing natutulog siya. Pero hindi sa pagkakataong ito na kahit kilan hindi na siya magigising at hindi na niya ako magagawang tingnan ng buong pagmamahal. Hindi niya na rin masasabi sa akin iyong salitang gustong gusto kong naririnig mula sa kanya.
Sobrang kasiyahan ang naramdaman ko noong sinagot niya ako at sinabing "MAHAL din KITA..."
Pero ilang bilyong sakit naman ang dulot ng pagkawala ng isang anghel sa buhay ko.
Napakasakit na makita siyang unti unting nawawalan ng buhay sa mga bisig ko.
Napakasakit na unti unting ding nawawala ung mga ngiti sa labi niya, na kahit kilan hinding hindi ko na magagawang masilayan ung mga ngiting nagpapasaya sa bawat araw ng buhay ko.
Na kahit pagbali-baliktarin ko man ang mundo at ibahin ko ang mga pangalan ng mga planeta sa solar system. Mananatili pa rin ang isang katotohanang wala na sa akin ang Anghel ko. Pero magkaganun man mananatili siya sa puso ko habang buhay.
Paalam ANGEL ko...
Paalam MAHAL kong ANGHEL...
-end-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento