2/26/10

ADIK SAYO (2)

-SI BWESIT-

Dalawang araw akong hindi lumabas ng bahay namin dahil bumawi ako ng tulog mula sa ilang araw na ikinapuyat ko na naging dahilan kung bakit mukha akong nasapak. :lol: Kaya ngayon lang ulit ako lumabas ng bahay namin para bumili ng pandesal. Hindi na ako nag-ayos pa kasi malapit lang naman ang bakery sa bahay namin tsaka ano bang pakialam nila eh basta alam ko muka akong tao.

Kuya, pandesal nga po 15 pesos.

"20 pesos po ang sa akin, ang sabi ng lalake sa likod ko."

Wala sa sariling napalingon ako mula sa likod ko at nakita ko ang lalake.Hulaan niyo kung sino?
Tumpak siya nga ang "bwesit na lalake". Ang ganda ganda ng sikat ng araw kaya lang parang biglang kumulimlim.
Maya maya napansin ko na lang na nakatitig na ang bwesit na lalake sa akin.

Hoy, mister akala mo ba, hindi ko napapansin na kanina kapa nakatingin sa akin? may dumi ba ako sa muka at ganyan ka makatingin ha?

"Ms. masyado ka namang assuming diyan? bakit ano namang palagay mo sa sarili mo, Dyosa ng kagandahan?"

Wala akong sinabing ganyan. Nagtatanong lang ako.

"at sinasagot lang naman kita.ang sabi niya sabay ngiti ng mapang-asar."

Kinuha niya na iyong binili niyang pandesal at kinuha ko na din ang sa akin. Nagsimula na akong maglakad pauwi ng bigla akong magulantang sa biglang sinabi ng bwesit na lalake sa akin.

"Miss, sa susunod bago ka umalis sa bahay ninyo siguraduhin mo munang humarap sa salamin.Nakakatawa kasi ng itsura mo eh. .Atsaka nga pala ang pentel pen hindi ginagamit sa mata sabay tawa niya ng pagkalakas lakas."

Pagkarinig ko noon nagtatakbo ako, buti na nga lang at wala pa masyadong tao at malapit lang ang bahay namin. Agad agad akong humarap sa salamin. Nagulat ako ng makita kong may makitang dalawang bilog sa mata ko na tila ba salamin.

Kaya naman pala natatawa iyong tindero sa may bakery.OMG naman nakakahiya talaga...
John.......Jhhhhhhhhhhhhoooooooooooooooonnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn humanda ka sa aking bata ka. Bakit pinagtripan mo ako.???

Sa pangalawang pagkakataon napahiya na naman ako sa bwesit na lalakeng iyon. Hindi ko tuloy alam kong bakit napapadalas ata na mapahiya ako sa tuwing nakikita ko siya.

Nakakainis.....

Nakakainis talaga....

Utang na loob sana naman eh hindi na magkrus ang landas namin ng bwesit na iyon lagi na lang kasi akong napapahiya.
LESSON: Humarap muna sa salamin bago lumabas. :lol: :roll:

"ADIK SAYO"

-MRS. BETTYFUL-

January 2009 Nakilala ko siya. Katulad lamang ng ordinaryong pagkikita ng dalawang taong estranghero sa isa't isa. Isang simpleng eksena tulad sa isang pelikula.
At sa hudyat ng direktor nagsimula ng magsimula ang kwento ng buhay ko.

Lights...

camera....

Action.

Aray naman, mister hindi niyo po ba napansin na paa ko na iyong naapakan niyo?ang sabi kong iritado sa kasasakay na lalake sa jeep.

"Pasensiya kana misis hindi ko naman sinasadya, ang tila nang-aasar niyang baling sa akin."

Aba't hinahamon ata ako ng isang ito ah,misis? eh miss pa kaya ako.Siraulo ito ah, hindi purket hindi ako magkanda-ugaga sa mga dala ko,at daig ko pang hindi nagsuklay at pwede nang ipakilo ang eyebag ko eh pwede niya na akong tawaging misis. Nakakairita talaga siya. Ganun ba kalala ang itsura ko para isipin niyang may-asawa na ako? Wala na mang batas na nagsasabing ang lahat ng babaeng wala sa kaayusan eh pwedeng tawaging misis ah.

Sa wakas malapit na akong bumaba at mawawala na din sa paningin ko ang bwesit na lalake sa tabi ko. Lord, salamat at kahit pano'y magiging maganda pa rin pala ang araw na ito para sa akin.

Manong sa tabi lang po.Sandali lang po at marami akong dala.

Kapag minamalas ka nga naman oh, biruin mo ba namang makakasabay ko pa pala sa pagbaba ang siraulong lalake na iyon. Bwesit talaga.

"Misis baka ho gusto niyong tulungan ko na kayo?"

Hindi na yan tinatanong pa kundi ginagawa, sagot ko sa lalake.
Pagkasabi ko noon kinuha naman niya agad iyong mga bitbit kong pasalubong para sa pamilya ko.

"Saang bansa ho ba kayo galing at parang kulang nalang eh pati mall sinami niyo sa mga bagahe niyo.?"

Nangingialam ka?

"Hindi naman...sige ingat nalang ho misis."paalam ng lalake kasabay ng isang mapang-asar na ngiti.

Ang epal talaga ng lalake na un... Chismoso pa kalalakeng tao.Hay naku nakakasira ng araw.
Sumakay na ako ng tricycle papunta sa amin. Nakasimangot ako pagdating sa bahay namin, dala na rin sa sobrang init at sa lalakeng bwesit na akala mo naman eh gwapo pero totoo naman.

Payat na ate bat nakasimangot ka? bungad na tanong sa akin ng kapatid ko.

May nakakabwesit kasi na lalake na nakasabay ko sa jeep, pagkamalan ba akong misis? Haller? ako misis eh ni boyfriend nga eh wala ako.

Hahahaha...nakakalokang tawa ng kapatid ko, ayun pala ang pinagsesentir mo? kahit naman siguro ako eh mapagkakamalan kang misis eh, natingnan mo na bang itsura mo sa salamin ha ate?

Sa totoo lang hindi pa, nakangiwing sagot ko sa kanya.

Sa tingin ko mas mabuting humarap ka muna sa salamin, ang sabi niya sa akin sabay kuha ng mga dala dala ko at ipinasok sa loob ng bahay namin.

Pagpasok ko sa bahay namin gulat na gulat na reaksiyon sa mga mukha nila ang nakita ko.
Oh! anong nangyari sa inyo? bat ganyan mga itsura niyo.

"Huwag mo kaming tanungin ng ganyan dahil alam mo ate kung sino ang dapat magtanong niyan, walang iba kundi kami sabay tawa nila at tanung ng "WHAT HAPPEN at bat ganyan itsura mo?"

Hindi ko na sinagot pa iyong mga tanong nila at sa halip eh tumingin ako sa salamin para makita ang itsura ko at sa totoo lang kahit ako natatawa sa sarili ko. Muka akong isang problemadong misis na pasan pasan ang lahat ng bagay na pwedeng pasanin. Dinaig ko pa ata si betty la fea.

I'm bettyful... :lol:

2/24/10

FROM ME TO YOU

Feb 18,2010
4:40pm
(This letter is supposedly para sa isang taong mahalaga sa akin pero sana wag niya itong mabasa..hahaha... nakakahiya kasi talaga...iisipin niya ang pathetic ko talaga...)
Adik,
Hi! Kamusta ka naman ngayon? Alam ko namang hindi mo ito mababasa at kung magkaroon man ng chance just dont mind it... wala naman itong kwenta eh...
Alam mo bang sobrang miss na kita? malamang hindi siguro... at alam ko hindi mo na rin maiisip pa un. Hindi na rin naman mahalaga dba? Kahit na alam kong you dont feel the same way ok lang naman eh. Eh wala na akong magagawa sa nararamdaman ko. Namimiss na talaga kita eh. Masyado kasi akong naattached sayo kaya tuloy heto ang hirap mong kalimutan samantalang napakadali para sau na gawin un. Naiisip mo pa kaya ako? Siguro ndi nah... Bakit pa dba? Eh ako ung nakipagbreak eh... Ewan ko nga ba kung bakit hindi kita maalis sa isip at puso ko. Ewan ko nga ba kung bakit ang hirap hirap para sakin na kalimutan ka.Ewan ko nga ba kung bakit mahal kita.Oo tama ka,hanggang sa mga oras at araw na ito ikaw pa rin ang nagmamay ari ng puso ni MICHELLE LANARIO. Nakakatawa ko no? Nakakaawa. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ung isang taong hindi naman ako iniisip. Sabi nga ni ana mahal daw talaga kita kasi ba naman wala atang araw na hindi kita naiikwento sa kanya. Kahit na sabihin pa niyang naiinis siya sayo kasi bat daw ganun, pinagtatanggol pa din kita sa kanya. I know yo have your own reason kung bakit hindi mo na nagagawang magreply sa txt ko. Walang duda mahal nga daw talaga kita. Higit pa sa pagmamahal ko nun kay jay. Remember that name? ung pinagseselosan mo nun ng bonggang bongga.

Nung nagreply ka at tinawag mo akong adik. Alam mo bang ang saya saya ko nun? Kahit pano naramdaman ko pa rin ung concern mo kahit na ganun lang. Pero mas masarap pa din pala na tinatawag mo kong hon. Nakakamiss din pala. Kung dati rati hon ang tawag mo sakin ngayon adik na lang. Nagbago na kasi ang lahat eh. Lalong lalo ka na. Iba ka na talaga kumpara noon. Masaya na din naman ako na masaya ka. At least wala pala kong dapat pagsisihan sa kung ano mang nangyari satin. Kung wala ng "tayo". Ayos na rin kasi masaya kana man na.Magsasawa din akong isipin ka. Mapapagod din ang isip ko at kung kilan un hindi ko pa alam. Pero hayaan mo nalang muna ako sa ngayon ayoko kasing pilitin ko ang sarili ko. Ang hirap kasi eh. Ang hirap mag-adjust. Alam mo namang matagal din akong walang boyfriend bago naging tayo dba? Kala ko nga huli ka na eh. Hindi pa din pala. Sa totoo lang ung 6 months na naging tayo i really cherished those moments kahit na nga ldr lang tayo. Ung mga time na magkausap tayo, ung mga time na kulitan natin, ung mga kwento mo, ung mga simpleng banat mo, higit sa lahat ung pagiging sweet mo at ung boses mo na gustong gusto kong naririnig lalo na kapag tumatawa ka kahit na asar na asar ako dun.

Hay namimiss na talaga kita. Miss na miss na...

Tutuparin mo pa rin kaya ung mga sinabi mo sakin?ung mga pangako mo? Hindi ko kasi alam kung ano bang gagawin ko eh. Kasi ung 70% ng utak at puso ko umaasa pa din sa mga salitang un. Siguro nga mag-hihintay nalang ako..Ganun naman talaga dba? maghihintay nalang ako kung may darating pa ba o talagang wala na. Kung magiging tayo hindi ko din alam. Ayoko na nga din masyadong umasa. Pero kahit na ganun ung sinasabi ko may parte pa rin ng puso ko na naghihintay at umaasa na tuparin mo ung sinabi mo.

Sakim ba ko kung hihilingin kong sana akin ka nalang?
Hay, ang ewan ko talaga...



Naghihintay,
Adik sayo...

2/23/10

CONFESSION OF MY HEART

Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos maisip kung bakit humantaong tayo sa ganito. Para tayong mga estranghero sa isa't isa na akala mo hindi magkakilala. Hanggang ngayon questionable pa din sakin kung bakit naging ganito ang lahat. Kasalanan ko, alam ko naman iyon eh. Ako ang nag-initiate ng break-up kaya ano bang ineexpect ko d ba? Masakit lang kasi dun bakit parang wala kang pakiaalam? Ibig sabihin ba noon eh talagang hindi mo na ako mahal? o may mahal ka na kasing iba?

Siguro nga napagod ka na din sa akin.
Siguro nga mahirap talaga akong intindihin.
Siguro nga hindi talaga maganda iyong LDR.

Alam mo bang gustong gusto kong itanong sayo kung talaga bang sineryoso mo ko? Pero alam ko namang magagalit ka. Tsaka naramdaman ko namang mahal mo ko nung mga time na naging tayo at kahit naman nung time na wala pang "tayo" ramdam ko naman iyong concern mo sa akin. Ang weird lang kasi dahil parang ang lamig lamig mo sakin a week after our monthsary, ok naman tayo noon dba? Hindi ko alam kung may problema ka ba at nakisabay pa ako. Wala ka naman kasing sinasabi. O masyado lang talaga akong paranoid at demanding that time? Noong nagtetext ako sayo ni isang text ko wala ka man lang reply. Gusto ko lang naman kasi sanang malaman kung anong iniisip mo. Hindi ko kasi alam, hindi ko na din kasi maramdamang mahal mo pa ko that time. Para kasing ang layo layo mo sakin, kung dati pakiramdam ko parang katabi lang kita pag kausap kita pero nung month ng December, hindi ko talaga mafeel ung presence mo. Pakiramdam ko kasi may nagbago sayo o baka ako lang ung nagbago. Sa totoo lang wala naman talaga akong balak na makipagbreak eh, kaso pakiramdam ko masyado na akong kalabisan para sayo. Pinaparamdam mo ngang wala ka ng pakialam eh alangan namang ipagpilitan ko pa ung sarili ko sayo. Alam mo naman ako ma-pride din. Pero sa totoo lang pagdating sayo ung pride na un kahit pano natutunaw bigla.Iyong mga bagay na usually hindi ko gustong gawin nagagawa ko. Isang text lang naman iyong hinihintay ko galing sayo eh, kaso masyado akong nag-eexpect, lagi naman akong bigo. Wala na nga akong balak magtext sayo eh, kaso ewan ko nga ba bakit ang kulit kulit ko, kahit paano gusto ko pa ding makibalita tungkol sayo.

Gusto ko pa ding malaman kung okay ka...
Gusto ko pa ding bumalik ung dating friendship natin kahit wala ng "TAYO"...

Masasatisfy na ako sa friendship basta hindi ka lang mawawala at mananatili ka pa ding ung dating adik. Kaso malabo na ung mangyari, malabong malabo. Pakiramdam ko kasi para kong may sakit na ketong na kilangan mong layuan. Well, wala na akong magagawa pa doon. Sabi nga nila:

"may mga bagay bagay na minsan kilangan mo nalang hayaan lalo na kung ito na mismo ung lumalayo sayo...
matututo kang tanggapain kung hanggan doon lang humantong ang kung ano mang meron kayo...
maging masaya ka nalang dahil kahit paano naging parte siya ng buhay mo..."

"Masaya ako kasi naging parte ka ng buhay ko higit pa sa inaakala mo".

Sa totoo lang hindi ko inaasahan na mamahalin kita higit pa sa mga ex-boyfriends ko. Hindi ko nga din alam eh,kung tutuusin naman kasi ang hirap ng sitwasyon natin. Distance separate the two of us pero kahit ganun, nakasurvive pa din naman tayo ng anim na buwan. Iyon nga lang talagagang hanggang doon na lang ang lahat. Noong time na tinanong kita kung galit ka ba sakin, sana nga totoo ung sinabi mo. Sana nga hindi ka talaga galit sa akin. Gusto ko lang naman kasing maging maayos ang lahat. Kahit kilan hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita, kasi sa kahit sandaling panahon naramdaman kong pinahalagahan mo ko at minahal higit pa sa pagmamahal inaasahan ko.

May kanya kanya man tayong buhay ngayon. Naiisip mo man ako o hindi na. Masasabi kong ikaw ung isa sa mga taong mananatili sa puso ko habangbuhay. Espesyal ka kasi para sakin. Higit pa sa pinaka-special na buko pie at halo-halo.

...DAHIL SI ADIK AY MANANATILI SA PUSO'T ISIPAN NI AKO...

Sa ngayon aaminin kong "MAHAL pa din KITA" at kahit kunti aminado naman akong umaasa pa din ako na magiging ok tayo eh,sa huling sandali aaminin ko sa sarili ko na hindi ka ganun kadaling kalimutan...masyado ka kasing nagmarka sa puso ko.

Gusto ko lang sanang malaman mo na:
..."MINAHAL KITA HINDI DAHIL SA MINAHAL MO AKO KUNDI MINAHAL KITA KASI KARAPAT DAPAT KANG MAHALIN"...

2/17/10

PARA SA MGA MANLILIGAW GALING KAY BOB ONG

Dear Mr. Bob Ong,
Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?


Lubos na gumagalang,

-MATT -


- ANG REPLY -
Dear MATT,
Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?
Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:
1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.
Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”
3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”
4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”
6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”
7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.
8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”
9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”
10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”
11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko".
12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"
13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."
14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”
Handang tumulong lagi,
-Bob Ong-

2/15/10

Regret

Let go of me!!! pasigaw kong utos sa lalakeng nakahawak sa braso ko.
Why are acting this way shayne?tanung niya sa akin na mababakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

You're asking me a very stupid question mark...
Nagka amnesia ka ba na at nakalimutan mo kung gaano kalaki ang atraso mo sakin?
nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa mo? sakrastikong sagot ko sa kanya.
But we could still start, right shayne?nagsusumamong tanung niya sakin sabay hawak sa mga kamay ko.
Start what? galit kong tanung sabay tanggal ng pagkakahawak ng kamay niya.
Wala ng "tayo"...
at kahit kilan hindi na pwedeng maging tayo....

May kanya kanya na tayong buhay Mark.

You see I'm pregnant at ikakasal na ako kay Benedict kasabay ng isang pilit na ngiti.
Ikakasal kana?naguguluhang tanung niya.

Si benedict? dugtong niya pa na may halong pagtataka.

Yah, your right ang bestfriend mo.
Pero paanong-?
He's always there for me. Siya ung nagcomfort sakin nung time na wala ka. Kahit na hirap na hirap siyang pangitiin ako he still tried. Kulang na nga lang eh magtutumbling siya sa harap ko, kumain ng apoy at tumawid sa sinulid.
Sa sobrang sama ng loob ko sayo inaya ko siyang mag-inuman.

Hanggang sa nagising nalang ako isang umaga katabi ko siya. And the next thing I knew nalaman ko nalang na buntis ako. Wala na akong nagawa. Pumasok sa isip ko na ipalaglag ang bata pero bakit ko naman gagawin un sa walang kamalay malay sa sinapupunan ko. Hindi naman niya kasalanan un kaya hindi siya dapat ang magdusa. Pumunta rin si Benedict sa bahay at sinabi niyang pananagutan niya ang nangyari samin. Sinabi niyang mahal niya ako at humingi din siya ng tawad sakin. Gusto kong magalit sa kanya pero bakit pa?Gayong handa naman siyang panagutan ang lahat at kulang na lang eh iaalay niya sa akin pati mga bituin at ang mga planeta sa solar system.
Nung umalis ka ng walang paalam...
Nag-hintay ako...ng tawag mo... ng txt...
Pero ni isang txt na hoy gago antayin mo ako... wala eh... lagi lang akong umaasa sa wala.
God knows kung gaano ko nahirapan ng mawala ka...
I'm sorry shayne...
It's not enough Mark...
Wala ng magagawa ung sorry mo. It wouldn't change the fact that this is happening.
I know it's not enough...
Wala na ung mga pangarap natin...Naglaho na tulad ng isang bula...
Ikaw at ako sana ang ikakasal bukas pero wala ng tayo.
Kundi ikaw at ako nalang.

2/10/10

Para sa mga walang date tulad ko..=)

Dear Mr. Kupido
       Araw na naman ng mga Puso at ako eto single pa rin.Hinihintay si Mr. Right, The One o kung sino mang ponsio pilato na nilaan sakin ni Lord. Baka kasi natrapik lang siya o kaya naman eh nabagok ang ulo at nagka amnesia kaya hindi niya maalala na ako pala ung pupuntahan niya, o baka naliligaw lang siya dahil maling address pala ung dala niya. Sabi nga nila kusa daw ung dumarating at hindi daw hinahanap. Kaya nga hanggang ngayon eh hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mag-hintay. Ika nga nila patience is a virtue. Pero minsan parang nakakaubos din ng pasensiya lol.
      
       Makakakita na naman ako ng sangkaterbang magkakapareha na magkahawak kamay pa (HHWW sabi nga nila), with their bongggang bonggang bulaklak na bigay ng mga jowa nila. Minsan nga parang nagmimistula ring beauty pagent ng mga bulaklak ang araw ng mga PUSO. Doon mo kasi mapapansin kung sino ung may pinakamarami at pinakamalaking bouque ng bukaklak. Mapakanan man o kaliwa ang tingin mo paniguradong ndi mawawala ang mga magkakapareha na ubod ng sweet na kulang na nga lang eh lapitan ng sangkaterbang langgam.

      Ayos naman kahit walang kadate eh, pwede ko namang idate ang mga kaibigan ko, ung nanay ko o d kaya ung aso ko. Oh, dba bongga un...



Nagmamahal,
  -emotera-

      
     

2/6/10

PROPOSAL

Finally this is the day I've been waiting for...
Magpopropose na ako sa kanya...
Sa babaeng matagal ko ng pinangarap...
Sa babaeng nagbigay kulay ng mundo ko...
Sa babaeng nakaharap ngayon sa dalampasigan... na tinitingnan ko ng buong pagmamahal...

Shane tawag ko sa kanya.
Humarap siya ng may ngiti sa kanyang labi.

Piniringan ko ang kanyang mata at dinala sa isang lugar na hinanda kong surpresa para lamang sa kanya.
Dinala ko siya sa gitna ng isang heart shape na napapalibutan ng mga pulang rosas at katabi noon ang isang cottage na mayroong mga musikero na kumakanta ng paborito niyang awitin.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang sayang nararamdaman niya.
Bahagya pa siyang nagulat ng makitang lumuhod ako sa harap niya habang hawak hawak ang isang malaking drawing book na nakasulat sa bawat pahina ang mga mensahe na para lamang sa kanya.

Gusto kong makita ang iyong mukha sa bawat araw ng buhay ko...
Gusto kong ikaw ang maging ina ng magiging mga anak ko.
Gusto kitang makasama simula sa araw na ito hanggang sa ating pagtanda...


at sa huling pahina nakasulat ang mga salitang:
WILL YOU MARRY ME?

Yes ang sabi niyang bahagya pang mangiyak ngiyak sa tuwang nadarama niya sabay yakap niya.

Yes!!! ang sagot niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa oras na ito. Halo halong emosyon kasabay na rin ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Ano nga bang dapat kong maramdaman?


Si Shane...


Magpapakasal na siya sa bestfriend ko.

Nakalimutan kong sakin nga lamang pala ang ideyang ito.

-the end-

2/3/10

SPECIAL DELIVERY

Special delivery po para kay Ms. Gutierez sabi ng isang delivery boy ng LBC habang hawak hawak nito ang isang bouquet ng red roses. Maya maya naman ay may isang delivery boy na naman ang dumating na may dala dalang cake sabay tanung ng sino po ba si Ms. Guevarra?

Buti pa sila may natatanggap na regalo para sa araw na ito. Kilan ko naman kaya maririnig ung pangalan ko na tawagin.Hay...

"Ms. Montenegro?"tawag sa akin ng isang delivery boy na may hawak ng isang regalo.
Yes? Para sa akin ba yan, nakangiting tanung ko pa.
"Ah, eh hindi po ipapakisuyo ko lang po sana sa inyo para po ito kay Ms. Fhaye kasi sabi po nung isang kasama niyo katabi niyo lang naman po siya ng desk."
Tinawag nga ung pangalan ko hindi naman pala para sa akin.
Dismayado man kinuha ko na rin ang regalo para maibigay ko mamaya sa kasama kong si Fhaye. Hindi ko na nga naintindihan ang mga sinabi ng delivery boy basta ang alam ko hindi para sa akin ang regalo tapos.

Habang ako ay abalang abala sa pag-eencode ng mga documents sa aming opisina, ang mga kasamahan ko naman ay abalang abala sa pagpapaganda para sa kani-kanilang date. Kung monitor at keyboard ang pinagkakaabalahan ko ang mga kasama ko naman eh salamin at make up kit. Malapit na kasi mag-uwian at kanya kanya sila ng kwentuhan para sa kani-kanilang date. Buti pa sila sa isip isip ko, sabay balik sa ginagawa ko. Belle wala ka bang date ngayon?tanung sakin ni Mitchy isa sa mga officemate ko. Wala eh sagot ko sa kanya sabay ngiti at patuloy lang sa  aking ginagawa.

Pagsapit ng 5 ng hapon isa isa na silang nagmamadaling nagpaalam para sa kanilang date. Halos lahat ata sa kanila eh excited para sa araw na ito maliban lang sa akin. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga magkakaparehang magkakahawak ng kamay na nakakasalubong ko. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si James. Si James ang nobyo ko 3 taon na din kaming magkasintahan, dangan nga lamang at nasa ibang bansa siya ngayon dahil dun siya naassign sa kanyang trabaho. Dalawang taon na din kaming hindi nagkikita at 2 taon na din kaming hindi nakakapagdate kaya tuloy hindi ko maiwasang hindi malungkot lalo na sa okasyon tulad ngayon. Kung sana nga lang pwede ko siyang makasama kahit sa araw lang na ito. Marahil ito na ang pinakamasayang Araw ng mga Puso para sa akin kaso alam ko naman na malabo iyon. Nakasakay na ako sa jeep pero hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot pano ba naman kahit saan ata ako tumingin eh halos magkakapareha ang nakikita ko. Hindi ko tuloy alam kung saan dapat lumugar buti na nga lamang at bababa na ako. Makakauwi na din ako sa wakas, mawawala na sa paningin ko ang mga magkakapareha.

Bago ako makapasok nakasalubong ko ang nakababata kong kapatid na si jeric, may hawak hawak siyang isang pirasong red roses sabay abot niya sa akin. Ate Happy Valentines Day sabi niya pa sabay ngiti sa akin. Kahit pano nabawasan ung lungkot na nararamdaman ko dahil sa kapatid ko. Sabay kaming pumasok sa bahay sabi nya pa sa akin may regalo daw para sa akin, nagtataka man ako sa sinabi niya hindi na ako gaanong nagulat ng makita ang isang malaking kahon sa may sala namin. Isang tanong lang ang nasa isip ko Bakit kaya ang laki ng kahon? at Kanino naman kaya ito galing. Maya maya ay biglang dumating sila Mama galing daw iyon kay James. Napangiti ako ng nabanggit ang pangalan ni James kahit pano pala ay naalala niya ang araw na ito. Akala ko'y nakalimutan na niya ako. Mas maganda sana kung siya ang narito sa halip na isang regalo sa isip ko. Makita ko lang siya'y sapat na para sa akin.

Dahan dahan kong binuksan ang malaking kahon sa totoo lang nagtataka talaga ako sa laman ng kahon masyado kasing malaki eh. Nasagot ang mga nasa isip ko ng biglang lumabas si James mula sa kahon.

"HAPPY VALENTINE'S HON" ang bati niyang nakangiti sa akin.

Sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya at kasabay na rin nun ang unti unting pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Wala ng hihigit na regalo sa natanggap ko ngayon.

Si James siya ang SPECIAL DELIVERY sa buhay ko.
_the end_

2/2/10

TANUNGAN

USAPAN NG DALAWANG ADIK... =)

SIYA: Mahal mo ba talaga siya?
IKAW: hehehehe Bakit?
SIYA: Basta! Sagutin mo nalang...
IKAW: Ok na naman siya di ba? Mas ok nang wag nalang sagutin.
SIYA: Bakit?
IKAW: Mahirap eh...masakit lang...
SIYA: Pano kong mahal ka pa niya?
IKAW: Malabo un...
SIYA: Eh pano kung totoo?
IKAW: Imposible... d sana nagparamdam siya, sinagot niya ung txt ko pati tawag ko.
SIYA: Kung mahal mo talaga siya hindi ka magtatampo..ipaglalaban mo siya, hindi ka susuko.
IKAW: To late... ayoko ng umasa.. mahirap at masakit lang...
(Kahit gustong gusto ko siyang ipaglaban kung ako lang mag-isa,balewala lang din dba?)