2/3/10

SPECIAL DELIVERY

Special delivery po para kay Ms. Gutierez sabi ng isang delivery boy ng LBC habang hawak hawak nito ang isang bouquet ng red roses. Maya maya naman ay may isang delivery boy na naman ang dumating na may dala dalang cake sabay tanung ng sino po ba si Ms. Guevarra?

Buti pa sila may natatanggap na regalo para sa araw na ito. Kilan ko naman kaya maririnig ung pangalan ko na tawagin.Hay...

"Ms. Montenegro?"tawag sa akin ng isang delivery boy na may hawak ng isang regalo.
Yes? Para sa akin ba yan, nakangiting tanung ko pa.
"Ah, eh hindi po ipapakisuyo ko lang po sana sa inyo para po ito kay Ms. Fhaye kasi sabi po nung isang kasama niyo katabi niyo lang naman po siya ng desk."
Tinawag nga ung pangalan ko hindi naman pala para sa akin.
Dismayado man kinuha ko na rin ang regalo para maibigay ko mamaya sa kasama kong si Fhaye. Hindi ko na nga naintindihan ang mga sinabi ng delivery boy basta ang alam ko hindi para sa akin ang regalo tapos.

Habang ako ay abalang abala sa pag-eencode ng mga documents sa aming opisina, ang mga kasamahan ko naman ay abalang abala sa pagpapaganda para sa kani-kanilang date. Kung monitor at keyboard ang pinagkakaabalahan ko ang mga kasama ko naman eh salamin at make up kit. Malapit na kasi mag-uwian at kanya kanya sila ng kwentuhan para sa kani-kanilang date. Buti pa sila sa isip isip ko, sabay balik sa ginagawa ko. Belle wala ka bang date ngayon?tanung sakin ni Mitchy isa sa mga officemate ko. Wala eh sagot ko sa kanya sabay ngiti at patuloy lang sa  aking ginagawa.

Pagsapit ng 5 ng hapon isa isa na silang nagmamadaling nagpaalam para sa kanilang date. Halos lahat ata sa kanila eh excited para sa araw na ito maliban lang sa akin. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga magkakaparehang magkakahawak ng kamay na nakakasalubong ko. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si James. Si James ang nobyo ko 3 taon na din kaming magkasintahan, dangan nga lamang at nasa ibang bansa siya ngayon dahil dun siya naassign sa kanyang trabaho. Dalawang taon na din kaming hindi nagkikita at 2 taon na din kaming hindi nakakapagdate kaya tuloy hindi ko maiwasang hindi malungkot lalo na sa okasyon tulad ngayon. Kung sana nga lang pwede ko siyang makasama kahit sa araw lang na ito. Marahil ito na ang pinakamasayang Araw ng mga Puso para sa akin kaso alam ko naman na malabo iyon. Nakasakay na ako sa jeep pero hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot pano ba naman kahit saan ata ako tumingin eh halos magkakapareha ang nakikita ko. Hindi ko tuloy alam kung saan dapat lumugar buti na nga lamang at bababa na ako. Makakauwi na din ako sa wakas, mawawala na sa paningin ko ang mga magkakapareha.

Bago ako makapasok nakasalubong ko ang nakababata kong kapatid na si jeric, may hawak hawak siyang isang pirasong red roses sabay abot niya sa akin. Ate Happy Valentines Day sabi niya pa sabay ngiti sa akin. Kahit pano nabawasan ung lungkot na nararamdaman ko dahil sa kapatid ko. Sabay kaming pumasok sa bahay sabi nya pa sa akin may regalo daw para sa akin, nagtataka man ako sa sinabi niya hindi na ako gaanong nagulat ng makita ang isang malaking kahon sa may sala namin. Isang tanong lang ang nasa isip ko Bakit kaya ang laki ng kahon? at Kanino naman kaya ito galing. Maya maya ay biglang dumating sila Mama galing daw iyon kay James. Napangiti ako ng nabanggit ang pangalan ni James kahit pano pala ay naalala niya ang araw na ito. Akala ko'y nakalimutan na niya ako. Mas maganda sana kung siya ang narito sa halip na isang regalo sa isip ko. Makita ko lang siya'y sapat na para sa akin.

Dahan dahan kong binuksan ang malaking kahon sa totoo lang nagtataka talaga ako sa laman ng kahon masyado kasing malaki eh. Nasagot ang mga nasa isip ko ng biglang lumabas si James mula sa kahon.

"HAPPY VALENTINE'S HON" ang bati niyang nakangiti sa akin.

Sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya at kasabay na rin nun ang unti unting pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Wala ng hihigit na regalo sa natanggap ko ngayon.

Si James siya ang SPECIAL DELIVERY sa buhay ko.
_the end_

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento