"Expect the UNEXPECTED"
Coffee Shop
7pm
Nakaalis na si James pero nanatili pa rin ako sa coffee shop, naiwang mag-isa. Kahit na nasasaktan ako sa nangyari, Masaya na rin ako dahil alam kung masaya si James sa piling ni Belle, ang bestfriend ko. Alam ni Belle ang tungkol kay James pero kahit kilan hindi ako nagkaroon ng chance na maipakilala ko ang huli sa kanya. Kaya ng minsan ko silang makita hindi ko inaasahan na magkakilala sila. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag iyong naramdaman ko ng oras na iyon, parang tinutusok ang puso ko ng libo libong karayom. Narealize kong napamahal na din sa akin si James pero huli na ang lahat dahil wala ng natitirang espasyo para sakin, kung meron man iyon ang pagmamahal niya sa akin bilang kaibigan at bilang bestfriend ng nobya niya.
Palabas na sana ako ng coffee shop ng mapansin ko ang isang magkaparehang seryosong nag-uusap. At dahil sa napadaan ako sa pwesto nila hindi ko maiwasang hindi marinig ang huling salitang binitiwan ng babae para sa kadate niya.
"I'm sorry Ram, but I can only offer you friendship..." ang maarteng pagkakasabi pa ng babae.
Nakakaawa naman ang lalaking ito, sa isip isip ko at tuloy tuloy na sana akong lalabas sa lugar na iyon pero nagbago ang isip ko at binalikan ko ang dalawang magkapareha dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. Binalingan ko ang babae na halatang nagulat sa presensiya ko sa harap nilang dalawa, ngiti lang naman ang isinagot ko sa pagkagulat din ng lalake saka ako muling humarap sa babae.
"I'm sorry for the interruption Ms. pero just a friendly advice kahit na hindi naman kita kaibigan at mukang malabong mangyari un, ahmmm pag-isipan mong maigi ang desisyon mo baka kasi isang araw magising kang pinagsisisihan mo ang pambabasted mo sa lalakeng kaharap mo ngayon. Enjoy the night..."
Pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon tuluyan na akong umalis sa coffee shop. Napangiti ako sa ginawa kong pangingi-alam, ano nga bang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon?
-----
Binasted ako ni Ysabella pero imbes na malungkot at magmukmok eh hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Natatawa pa ako sa nangyari kanina sa loob ng coffee shop. Expected ko na rin na ngayong araw na ito ako babastedin ni Ysa pero hindi ko naman inaasahan na may biglang susulpot na babae sa harap namin na parang isang kabute. Nagulat talaga ako sa babaeng iyon at sa mga sinabi niya kay Ysa. Kung tutuusin dapat talaga nalulungkot ako ngayon pero dahil sa babaeng iyon, napalitan ng saya ang gabi ko. Sino kaya siya? Sana makita ko ulit siya sa coffee shop, gusto ko siyang makilala at magpasalamat na rin. Sana naman pagtagpuin ulit ang landas namin ni Miss Kabute.
-----
Dalawang linggo na akong nagpabalik balik sa coffe shop pero ni anino ni Miss Kabute walang bakas. Hindi kaya alien siya at napadaan lang siya sa lugar na iyon? Natawa ako sa ideyang iyon, kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip ko. Nakakapagtaka lang dun hanggang ngayon hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Saan ko kaya siya pwedeng makita? Dala ng pagod naisipan kong umupo sa bench sa isang park at ipinikit ko ang mga mata ko para naman mapahinga ang isip ko sa kakaisip sa babaeng iyon. Simula ng makita ko siya hindi na talaga siya mawala sa isip ko. At kapag ganitong nakapikit ako mas lalo ko lang nakikita ang imahe niya, muka siyang anghel dahil maamo ang mukha niya. Maya maya'y nakaramdam ako na may umupo sa kabilang bahagi ng upuang inuupuan ko, pagdilat ko ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha sa harap ko. Totoo bang nakikita ko ngayon? Si Miss Kabute nasa tabi ko? Pagkakataon nga naman...
-------
Bakit? tanung ko sa lalakeng katabi ko sa upuan. Napansin ko kasi ang pagkagulat sa mukha niya na bang nakakita siya ng multo.
"Ah, wala naman nagulat lang ako na makita kita dito kung kilan d ko inaasahan."
Naguluhan ako sa sinagot niya, kulang ba siya sa tulog o gutom lang siya at kung anu-anong sinasabi nya, hindi ko naman siya kilala pero parang pamilyar ang mukha niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Saan nga ba? Teka bakit nga ba kilangan ko pang abalahin ang sarili ko sa pag-iisip, baka nakasalubong ko lang siya sa kung saan.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" tanung niya...
Napailing ako at pilit kong inalala kung saang lupalop ko ba siya nakita pero wala akong sagot na nakuha dahil mukang ayaw pang magfunction ng utak ko.
"Pasensya kana, hindi ko talaga maalala," sagot ko sa kanya sabay ngiti ng pilit.
Eh sa hindi ko talaga siya matandaan eh....
"Ako nga pala si Ram, sabay lahad niya ng kamay."
"Cheska, sagot ko naman sabay abot ng kamay niya."
Teka Ram? familiar iyong name mo, saan ko nga ba narinig iyon? Isip cheska isip...
""Ah, alam ko na sa coffee shop... ikaw iyong nabasted sa coffee shop? ang medyo napalakas na pagkakasabi ko. Kaya naman bahagyang napatingin sa amin ang mga tao na nandun din sa park. Tama ba ako? sabay ngiti ko sa kanya".
Bahagya naman siyang napangiwi pagkarinig sa sinabi ko sabay kamot sa ulo niya na tila hiyang hiya.
"Oo, ako nga iyon ang sagot niya sabay yuko."
"Naku, pasensiya kana, kung iyon ang nasabi ko sayo...eh ayun kasi talaga ang naalala ko eh", paliwanag ko.
So kamusta naman kayo nung girl na kasama mo last time?
"Ah, ayun wala naman talaga akong chance dun eh, hindi niya talaga ako magugustuhan."
"Siguro ngayon, oo pero darating ang time marerealize niya din un."
"Pano mo naman nasabi iyon?"
"Basta, alam ko.... wala ng marami pang tanung."