4/16/11

OMG

Naransan mo na ba ung kasalukuyang enjoy na enjoy mo habang kabonding mo ang sabon ng biglang mawalan ng kuryente?

Ako... Naranasan ko na...
Kanina lang...
I hate it.......

Napasigaw tuloy ako ng MMMMMMMMMMMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
nid ko ng DOH...
Emergency light please....

Buti nalang sumaklolo agad ang pinakamamahal kong mudra at ayun dala dala ang emergency light...
Nakahinga ako ng maluwag. Natatakot kasi ako dahil sobrang dilim talaga sa loob ng banyo namin. Kulob na kulob at ni karampot na liwanag eh wala ka talagang masisilayan.
OMG talaga...
I'm soo scared... as in... kung anu-ano na kasi ang naiimagine ko kahit na katanghalian pa un... 
Ang dilim dilim kaya...

Na-share ko lang....

4/15/11

Ang tanung (2)???

piktur: mula kay papa google

Napakabibong bata talaga ni Elaine at napakainosente. Ang dami niyang tanung na minsan mapapatawa ka nalang dahil sa kung paano ipapaliwanag ang sagot. Walang araw na hindi niya ko napapatawa sa tuwing pumupunta siya dito.Kung gusto mong alamin kung bakit eto ang unang rason.

Sinusubuan siya kanina ng hipag ko ng mapansin niya ang kalendaryo sa likod ng pintuan namin. Nakita niya ang magandang tanawin na mula sa probinsiya ng Zambales. At ayun nga marunong na din pala siyang magbasa.

laine: Zam-ba-les.... Zambales nga... (tuwang tuwa niyang sabi) ate zambales ba yan? tanung niya pa.
ate:  Oo nga, Zambales yan...
laine: Eh bakit wala ung bahay namin??? tanung niya pang nagtataka...

Napatawa nalang kami ni mama at ng kapatid kong lalake.

boy: Nasa likod ung bahay niyo. Tatawa tawang sagot naman ng kapatid ko.
ako: Hindi na kasi nagkasya pabirong sabi ko din.


Wala ako sa mood ngayong araw na ito pero salamat sa batang un at napatawa niya talaga ko...

4/2/11

Open Letter for a Friend

03-26-11
03:00pm


Tol,
Surprised? Kamusta? I just hope na ok ka... as in okay sa olryt para naman mabawasan ang mga emo-emohan sa earth. Nagtataka ka ba? Ako rin kaya nagtataka at nakagawa na pala ako ng love letter? hahaha... Wala lang... Brown out kasi kaya ayun napasulat ako since nasa mood akong magsulat un nga lang d ko na mapapadala sayo kasi inabot ako ng katam...Kaya heto't nitatype ko na lang sa blog. Private na private noh?hehehe... Belated Happy Birthday pala!!! Oo na... alam ko na may atraso ko sayo. Nalimutan ko ang araw na un ng pagtanda mo...hahaha... Sorry masyado akong bzbzhan sa wala. Alam mo naman si ako memory gap na din...=p 


Sa totoo lang wala naman talagang rason kung bat ako sumulat eh.. Wala lang, trip trip lang...hehehe... Pero ung totoo eh gusto lang kita mapasmyl ung tipong abot tenga kung pwede nga sana eh sumobra pa dun... Ikaw naman kasi eh feelingero ka din masyado. Feeling mo naman pasan mo ang problema ni mother earth samantalang lahat naman ng tao eh me problema. Parang ako? ang bigat bigat ng problema ko, panu ba naman hindi ko alam kung sinong pipiliin ko... si Tom Cruise o si Brad Pitt? si Piolo o si Dingdong? hahahaha...Ako na ang umaambisyon at nagmamaganda...hehehe... Yaan mo na lang tutal minsan lang naman eh...Minsan ko lang naman bolahin ang sarili ko kahit na parang tanga lang...hehehe...


Ah basta ang gusto ko lang naman sabihin eh, andito lang ako... As in dito lang talaga ko since ndi naman ako makakapunta dian. Paulit ulit man minsan ang sentimyento mo sa buhay eh lagi mo lang tatandaan na willing pa rin naman akong makinig kahit na pang 100000000 times to the 10th power ko ng narinig sayo yan. Sabi ko nga sayo ang problema, d yan pinoproblema... Nakakapangit lang un, ikaw din concern lang ako sayo...hahaha... Kahit na may libo libong taong kumukwestion sayo, may isang tao parin naman na andito sa Caloocan para suportahan ka...Oh, dba? San kapa? hehehe...


Pagbutihin mong maigi ung pag-aaral mo at ipamukha mo sa kanila na nagkamali sila sa panghuhusga nila sayo. Hindi mo mape-please lahat ng tao sa paligid mo. Ang magagawa mo lang eh ipakain mo sa kanila ung sasabihin nila...(hanu daw un?)Naintindihan mo ba? d ko na din kasi maintindihan eh..hehehe... Basta un na un... Sabi nga kahit anong gawin mo. May sasabihin at sasabihin ang ibang tao... Be happy na lang advice ni jollibee... =p


Sige babush na antok na si ako...


Your LDR friend,
M

SULAT KAY EX

DEAR eX,

Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.

Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.

Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...


Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon... 
Unknown...
walang value...


Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...

I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...


Nagmamahal,
eX-gf

Ang Ewan

Sa barkada namin nung highskul halos lahat sa amin may kanya kanya ng pamilya. Ung isa sa pinakaclose ko sa grupong un mag-papasakal na ngayong taon.

Ako na lang ang natira...
Six years na kong single....
Kasalanan ko din naman ang choosy ko kasi...lol
Inaantay ko pa ang isang bagay, tao, o pangyayari na hindi ko alam kung darating. Kung meron man.

Minsan nakakasad din dahil habang chinichismis ko sa kanila na nakita ko sa fb ang isa sa mga classmate namin nung highskul na may anak na pala. Madalas ako pa ang nalalagay sa di ko gustong sitwasyon. 
"Eh d ikaw na lang pala ang wala, sabay tawa nila."
Oo nga naman, napapaisip din ako dun. Ako na lang ang wala... na hanggang ngayon ay walang matinong lovelife. Nagmamaganda kasi ko masyado...

Nakakadismaya na ewan...
Nakakainggit na hindi naman...

Nakakatuwa lang kasi kapag nakikita ko sila masaya habang yakap yakap ung mga chikiting nila. Pero ayoko pa rin naman magkaroon ng sarili kong pamilya hindi ko kasi alam kong handa na ba ako o kung kaya ko bang maging isang mabuting magulang at asawa. Takot pa ko sa responsibilidad. Hindi pa ganun kaayos ung sarili kong buhay... Sabi nga nila darating din naman un eh. Siguro hindi pa lang talaga ito ang panahon at sana kapag dumating ang oras na un, handa na ko o kung d naman eh si Lord na bahala dun.