Sa barkada namin nung highskul halos lahat sa amin may kanya kanya ng pamilya. Ung isa sa pinakaclose ko sa grupong un mag-papasakal na ngayong taon.
Ako na lang ang natira...
Six years na kong single....
Kasalanan ko din naman ang choosy ko kasi...lol
Inaantay ko pa ang isang bagay, tao, o pangyayari na hindi ko alam kung darating. Kung meron man.
Minsan nakakasad din dahil habang chinichismis ko sa kanila na nakita ko sa fb ang isa sa mga classmate namin nung highskul na may anak na pala. Madalas ako pa ang nalalagay sa di ko gustong sitwasyon.
"Eh d ikaw na lang pala ang wala, sabay tawa nila."
Oo nga naman, napapaisip din ako dun. Ako na lang ang wala... na hanggang ngayon ay walang matinong lovelife. Nagmamaganda kasi ko masyado...
Nakakadismaya na ewan...
Nakakainggit na hindi naman...
Nakakatuwa lang kasi kapag nakikita ko sila masaya habang yakap yakap ung mga chikiting nila. Pero ayoko pa rin naman magkaroon ng sarili kong pamilya hindi ko kasi alam kong handa na ba ako o kung kaya ko bang maging isang mabuting magulang at asawa. Takot pa ko sa responsibilidad. Hindi pa ganun kaayos ung sarili kong buhay... Sabi nga nila darating din naman un eh. Siguro hindi pa lang talaga ito ang panahon at sana kapag dumating ang oras na un, handa na ko o kung d naman eh si Lord na bahala dun.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento