Takot ako sa bawat segundo, minuto, oras at araw na lumilipas.
Kinatatakutan ko ang bawat galaw ng relo.
Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari...
Na baka isang araw pag-gising ko hindi niya na ko mahal...
Na iba na ang laman ng puso at isip niya...
Siguro nga masyado lang akong paranoid...
Pero natuwa ako sa sinabi niya.
Kahit paano nabawasan ang takot na nararamdaman ko.
"wag kang matakot hon...
wala namang mababago kung tayo, tayo talaga hon...
kahit ano pang mangyari tsaka sigurado na naman din ako sayo hon..
kaw ung gusto kong makasama habang buhay..."
Sa ngayon panghahawakan ko muna ang sinabi niya...
Sa ngayon hindi na muna ako mag-iisip ng kung anu-ano...
Sa ngayon hahayaan ko na lang munang maging masaya sa piling niya...
Sa ngayon sapat ng alam kong mahal namin ang isa't isa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento