12/30/09

BORN FOR YOU



"From every human being there rises a light that reaches straight to heaven. And when two souls that are destined to be together find each other, their streams of light flow together, and a single brighter light goes forth from their united being."




January 08, 1992

1am

Hon manganganak na ata ako, ang nahihirapang wika ni Janeth ang maybahay ni Mr. Enzo Dela Cruz.

huh? ngayon na? teka ano bang gagawin ko? ang natatarantang sagot naman ng asawa nito.

Pumunta na tayo sa hospital, masakit na talaga ung tiyan ko, arayyyyyyyyyyyyyyy.... Hon ang nahihirapang sabi ng maybahay nito.

Teka teka, ung gamit, ung kotse pala ang natataranta namang si Enzo ay hindi malaman kung ano ang kanyang uunahin.

Maya maya ay sakay na sila sa kotse papunta sa hospital.

Isang napakacute na sanggol lalake ang isinilang ng kanyang asawa at pinangalanan nila itong Nathaniel.


Sa kabilang banda naman ay isang napakacute na sanggol na babae ang kapapanganak palang sa pareho ding hospital na iyon.


Pinangalanan naman itong Nathalie ng mga magulang nito na sina Mrs. Aliza Arrevalo at Mr. Dennis Arrevalo.

Hon titingnan ko lang ang baby natin ha, matulog ka muna, paalam ni Enzo sa kanyang asawa sabay halik sa pisngi nito.

O sige magpapahinga muna ako.
---------------------------
-Sa nursery station-
Hay tingnan mo nga naman napakacute talaga ng anak namin ni Aliza, natalie andito si Papa oh, ang nakangiting sabi ni Dennis na kasalukuyang nakatanaw sa kanyang baby na nasa loob ng nursery room.
Malapit na sa nursery room si Enzo ng mapansin ang isang lalakeng pamilyar sa kanya.
Teka parang kilala ko ang lalakeng iyon ah, si Dennis ba un? sa isip isip ni Enzo.
Nang tuluyan siyang makalapit, napagtanto niyang si Dennis nga iyon, ang bestfriend niya simula pagkabata. Nawalan kasi sila ng communication ng mapagpasyahan niyang lumuwas na ng Manila at doon nga ay nagkaroon siya ng magandang trabaho at nagkaasawa na at ngayon nga ay isa na siyang AMA.
Dennis pare? bungad nito sa kaibigan na hindi parin makapaniwala na sa hospital pa sila muling magkikita.

Enzo? Long time no see pare, at nagyakap ang dalawa.
Oh anong ginagawa mo dito? tanung ni Enzo sa kaibigan.
Nanganak kasi si misis eh, kaya heto tinitingnan ko lang ung prinsess namin ang masayang sagot nito.Kaw ano namang ginagawa mo rito?
Talaga? Wow parehas lang pala tayo eh, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Kapapanganak lang din ng asawa ko, kaya nga heto ako't titingnan ang baby namin sagot naman ni Enzo.
Nasaan ba ung baby niyo? si enzo.

hayun oh, si nathalie nakangiting sagot ni dennis.

ah, eh ikaw asan na ung baby niyo? si dennis.

katabi lang nung baby niyo, si nathan.
Aba pare kita mo nga naman oh, lalake pala ang anak mo at babae naman ang sa amin. Bakit kaya hindi natin ipagkasundo ang dalawang bata pagkalaki ng mga ito.
Maganda yang naisip mo pare, kaya lang mas gusto ko pa rin na ang makakatuluyan ng anak ko eh ung taong mahal niya ayoko namang mangyari ung nangyari sa akin dati kaya nga ako tumakas noon at pumunta dito sa manila.
OO nga pala ano. Pero kung magkataong magkagustuhan ang mga anak natin hindi ako tutulo at sa halip baka magpainom pa ako pare dagdag pang sagot ni Enzo.
Tama ka diyan pare.
-------------------------
January 8, 1993

1st birthday namin ni Nathan and take note magkasama kaming nagcelebrate ng birthday namin. At wag niyo ng itanung kung bakit dahil obvious naman ang sagot eh.
Base sa pagkakakwento sakin ni mama, our birthday party is going to be fun naman kung hindi nga lang daw nag-away ang dalawang birthday celebrant.

Biruin mo un 1 year old palang kami nun huh, magkaaway na kami. Hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay sobrang close pa rin kami sa isat isa.
Ewwwwwwwwwwwwwww
Siguro ipinanganak talaga kaming magkaaway.
Childhood enemy kumbaga.
Both 1 year old tama ba namang magbatuhan ng kung anu-anong regalo sa isat isa?
Hindi ko na rin maalala ung time na un isa pa bata pa ako at malay ko ba sa mga ginagawa ko. Ang nakakatuwa lang sa pangyayaring un ay bawat isa samin may tig-isang bukol, thankful pa din dahil ganun lang nangyari samin.
Grabe may pagka warfreak na rin pala ako nun sa isip isip ko.
-----------------
2008

Days running so fast na hindi man lang namin namamalayan. Hanggang sa mabilis ding lumipas ang taon. Lumipas na ang 16 na taon ng ganun ganun lang and take note habang patuloy na tumatakbo ang bawat oras. Wala pa rin kaming minutong hindi sinayang sa mga walang kwenta naming pagtatalo ni Nathan…

Yeah, sa halos araw araw na magkasama kami b’coz as you know our parents are bestfriend so wala akong choice kundi spent ang oras ko kasama ang pinakamayabang na lalakeng nakilala ko sa buong buhay ko at eto na naman sya, alang kasawa sawa sa pang-aasar niya sa akin. Ngayon ko narealize na kahit kilan totoo nga ang sabi ng iba na kahit kilan hindi magkakasundo ang magkaparehas ng birthday. And what I hate most is kung bakit halos magkaparehas pa kami ng name.

Grrrrrrrrrrrrrrrr
Nathalie un ang pinangalan sa akin. Maganda daw kasi ang pangalang iyon sabi ni mama at coincedence lang na halos magkaparehas kami ng pangalan ni Nathan.Haiz sa totoo lang hindi ko gusto ung girl version name ni Nathan. Actually ok naman sana sakin ung name na un eh kung hindi lang dahil sa hinayupak na lalake na kasama ko ngayon. Hindi ko sana gugustuhing pumunta sa nso para lang papalitan ang pangalan ko. Sa dinami dami ba naman kasi ng pwedeng maging kababata ko at anak nila tita eh siNathan pa. urrrg….

Kung d nga lang talaga masama pumatay ng tao, matagal ko ng napatay ang isang ito eh.

Ang hindi ko lang maintindihan eh sila mama at tita, kung bakit pinagsasama pa rin nila kami kahit na alam naman nilang ayaw namin sa isat isa.
Kaya ngayon heto tuloy ako bored na bored na sa nangyayari ngayon. Samantalang ung childhood enemy ko eh kasalukuyang ineenjoy ang gabi at nakikipagflirt sa kung sinu sinong mga babae. Nakalimutan niya atang may tao siyang kasama, that guy is really jerk. Actually expected ko na ganito na ang mangyayari eh kaya lang kasi si mama grabe kulang nalang hilahin ako palabas sa house para lang sumama sa lalakeng iyon.

Haiz kamusta naman ang outfit ko ngayon?

Muka tuloy akong ewan nito eh.

Shit…. Badtrip tlaga.

Tama bang maging bulaklak lang ako sa pader dito hanggang sa matapos ang js prom.

Grrrrrrrrrrrrr………..

Hi! Bati sa akin ng isang cute na lalake.
Hmmm mukang hindi matatapos ang gabi hanggang hindi ako nag-eenjoy.
Ow hellow! And I smiled sweetly.
Ahm pwede bang tumabi sayo? May kasama kaba?

 
Yeah, meron but unfortunately mukang nakalimutan ata niyang may kasama pa siya. ahm pwede mo naman akong samahan dito eh if you want.

How come nakalimutan niyang may kasama siyang isang magandang anghel?
Hindi niya dapat iniiwan ang isang katulad mo dito ng mag-isa coz for sure baka pagkakaguluhan ka ng mga lalake dito.
Ow really? Tnx for the complement pero masyado atang exaggerated ung pagkakasabi mo.
Ahm I think hindi naman coz I’m just telling the truth lang naman eh.
Ahm anyway sino nga pala ung date mo?

Ah ung enemy ko.

Huh?

Ah eh what I mean is ung childhood friend ko then ngumiti ako ng pilit.
Oo nga pala kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa nalalaman ung name mo mister?

Ow im sorry I almost forgot, thank's for reminding me.
Ahm its ok.

Im Neil Santos.Neil, Nathalie sabay abot niya ng kamay niya para makipag shakehands.

Makikipagkamay na sana ako sa kanya kung hindi lang biglang umeksena si Nathan at parang sigang hinawi ang kamay ni Neil.

I just looked Neil na para bang sinasabi kong ako na ung humihingi ng sorry para kay Nathan and I think naintindihan niya naman un and he excuse himself and smiled at me.

Pwede ba Nathan wala akong panahon na makipagtalo sayo at makipag-inisan.
Nakakabastos kana ah.

do u think tama ung ginawa mo?

Hey im not doing anything.

Be careful with your words.

Tsk tsk tsk…

Kaya naman pala umalis si Neil dahil sa warm welcome mo.

Ah Neil pala ang pangalan ng lalakeng un. I see...

As if you care? Sabay irap ko sa kanya.

Nakakainis kung hindi dahil sa lalakeng ito, kahit panu maaappreciate ko sana ang gabing ito eh. Pero mukang this night will become my worst nightmare. Urg… what a waste of time?.

Blag…..

Hey ayusin mo naman pagkakasara sa kotse ko, be careful next tym. Mahal ang bili diyan ni Papa.

You.... get lost..

Sinira mo ung gabi ko. Damn… sigaw ko sa kanya.

Ow really. Well that’s nice at least I win again sa pagsira sa gabi mo.

Bye2 nathalie… have a nice nightmare.hahahahha ang sabi ni nathan bago paandarin ang kanyang sasakyan.

That guy really sucks. Oh jeeeeezzzzz

Grrrrrrrrrrrrrrrrrr……………….

Padabog na humiga si nathalie sa kama niya habang nakatingin lang sa kisame ng kwarto niya.
At isang bagay ang naisip niya. Gaganti siya kay nathan. Makita lang niyang mabadtrip ito o sumama ang loob nito magiging masaya na ang araw niya.
You’ll gonna pay for what you did. I swear.

At isang plano ang nabuo sa isip niya na alam nyang sobrang ikasasama ng loob ni nathan.

Lets see who will win this time at isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya.
Sa school
-breaktime-
Hi cath? Bati niya sa dalagang nakaupo sa bench at kasalukuyang nagbabasa ng aklat.
Catherine reyes is the girl na alam niyang gustong gusto ni Nathan at pinopormahan nito. At hindi niya kinakausap ito para lang sa ikatutuwa ni Nathan at sa halip ay para masaktan ang lalake dahil pursigido siyang gawin ang lahat para lang bastedin ni cath si Nathan. At sisiraan niya ang kababata sa babae.

Bravo Nathalie.... your such a genius...
Tingnan lang natin kung anong mararamdaman mo kapag binasted ka ng babaeng gustong gusto mo sa loob loob ni Nathalie.
Ang hindi alam ni Nathalie hindi naman pala nililigawan ni Nathan si cathy at imbes na makaganti siya pa ang mapapahamak sa kanyang ginawa.
------------------------------------------------------------------------------------------
Nathaniel POV

 
Actually hindi ko naman itinuturing na kaaway si Natalie eh, but seems that para sa kanya ako ata ung mortal enemy niya. Hahaha… Natutuwa lang kasi ako kapag iniinis or napipikon siya sa akin eh.

Ang cute niya kasi.

Naku? Nasabi ko bang cute siya?

mali mali… erase erase…

Hindi siya cute actually maganda siya ah.

Mali na naman ako... ang ibig kong sabihin may itsura siya.

oo tama nga ganun. Pero sa totoo lang maganda nga siya eh, cute pa niya lalo na kapag umuusok na yong ilong sa galit or inis.

Kapag kasi galit siya as in namumula talaga siya, parang kamatis lang. haha at heto na naman kami magkasama.. magkatabi sa iisang upuan pero daig pa naming ang hindi magkakilala. Nakasambakol na naman ung mukha niya. Kung ako ang magpipinta sa kanya? Magnonosebleed talaga ako kakaisip kung panu ko siya ipapaint eh.

Oi pangit alang pamalit diyan?

So anu naman sayo?

May nakapagsabi kasi sakin na malas daw kapag nakaganyang ninoy Aquino pose eh.

So anung ibig mong sabihin? Na malas ako?

Parang ganun na nga? Oo, ah este ang ibig kong sabihin baka kasi malasin ang bahay namin kapag ganyan eh. Ayoko namang mangyari un kaya sinasabi ko na sayo.

Akala mo kung sino! Hmpp…

May sinasabi kaba?

Wala noh.

Eh bakit ang sama mo makatingin sakin? Kaw huh?

Ano? Sabay taas ng kilay niya sa akin. May gusto ka sakin noh, ang lagkit mo kasi makatingin eh. Hahahahaha…

Pwede ba wag ka ng magjoke dahil hindi ka naman kalbo, at mas lalong hindi sayo bagay noh sabay irap niya naman sakin.

Hay naku sabi ko na nga ba eh… yang mga ganyang tingin alam ko na yan eh. Hahaha…

Naku maghanap ka nga ng kausap mo diyan at kilabutan ka naman sana sa mga sinasabi mo.

Hindi na kita matake eh, hmmmp. Sabay irap na naman at walk out niya.

Hay naku napikon na naman sakin. Hahahaha

Nathan ano na naman bang tinatawa tawa mo dyan? May ginawa ka na naman bang kalokohan huh?ang sabi ni mama sa akin ng mapansin ako na tatawa tawa.

Ah ala naman po ma. May naalala lang ako na nakakatuwa kaya natatawa ako. Ma akyat mo na ako huh?

Ok sige… teka asan na si nathalie? Ai naku ang batang iyon talaga oh mukang ininis na naman si nathalie.

Bwiset na lalake talaga iyon, sabihin pang malas ako at sino ba siya sa akala niya huh? Kahit pa ata siya nalang ang natitirang lalake sa mundo hinding hindi talaga ako magkakagusto sa kanya. Mukha niya talaga. Hmmmmp…. Nakakaasar talaga siya.

Sh*t…. Mukang may natapakan pa ata akong? ginto ah....

Omg!!!! O_O

Pagtingin ko sa slippers ko, confirm nga nakatapak ako ng ginto.

Wah! Ang malas ko naman talaga oh… Naku mukang nagsisimula na ang kamalasan ko ah. Leche naman kasi oh.. buti nalang hindi naman ganun kalala, kunti lang ang natapakan ko. Hai kapag minamalas ka nga naman talaga oh,. Ngayon saan naman ako pupunta? Teka asan naba ako?

Omg… mukang masyado na akong napalayo ah. Syete naman talaga oh. Pano na ito? Calm down nathalie… kaya mo ito… Makakabalik ka din sa pinanggalingan mo… kung hindi kasi dahil sa lalakeng un hindi mangyayari ito sakin eh. Bwesit talaga siya!!! naku may araw rin siya sa akin. Makakaganti rin ako sa kanya. Humanda talaga siya sa revenge ni nathalie del rio. Maya maya bigla nalang nagsimulang pumatak ang tubig galing sa langit. Oh my gulay talaga? Kamusta namang sumabay pa ung ulan na ito noh.? Ah bahala na. tutal naman mahina pa naman, kaya pa yan…

Takbo nathalie takbo… Hah hah hah hah….

Teka san nga ba ako lumiko kanina? Left or right? Naku lagot na talaga ako nit okay mama e d pa naman ako nakapagpaalam. Naku naman, giniginaw na ko eh. Malakas na ung ulan.

Huhuhuhu…

Ma… san kana ma….

Ano ng gagawin ko?

Sana naman may tumulong sa akin. Huhuhuhu… ang naiiyak ng sabi ni nathalie.

Parang may narinig akong batang umiiyak? At tinatawag pa ang mama niya. Ma… san kana ma… huhuhuhu… panggagaya ni nathan kay nathalie.

You jerk.. anong ginagawa mo rito?

Ano pa eidy hinahanap ka. Tara na? lumalakas na ung ulan oh. You see wala rin akong dalang payong?

Hindi man gusto ni nathalie na sumama kay nathan napilitan na rin siya dahil wala na mang ibang taong makakatulong sa kanya. At nagsimula na silang maglakad papauwi sa bahay nila nathan. Nakita ni nathan na nilalamig na si nathalie kaya naman hinubad ng binata ang jacket niya at ibinigay sa nilalamig na si nathalie.

Oh ayan gamitin mo muna mukang kanina kapa nilalamig eh, mukha ka ng basang sisiw sa itsura mo. Buti nalang nakita kita agad kundi baka nilibot mo na ang buong subdivision.

Sa totoo lang naiinis parin ako sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng pang-inis sa akin, pero kahit pano natutuwa ako dahil dumating siya.

He is still my savior.

Pagkatapos ng ilang araw, medyo natahimik naman ang mundo ko dahil medyo tinantanan ako ni nathan sa pang-aasar niya sa akin.

Pero nagulat nalang ako ng i was on my way home ng biglang may humila sa akin at sinakay ako sa isang kotse. Pagkagising ko nakita ko nalang ang sarili ko sa isang abondoned place and it seems that walang ibang tao naroon kundi kami lang.

And i was surprise to see nathan standing infront of me.

O_O

Pakiramam ko nasa hot seat ako ngayon. Pano ba naman nasa gitna ako habang parang isang akusado na nililitis kung anong kaparusahan para sa akin. Hay, nakakainis ung cathy na iyon, bakit ba kasi niya sinabi na ako ang may sabing huwag niyang sagutin ang isang ito. Ngayon pakiramdam ko tuloy napakalaki ng kasalanan ko. At parang sa ilang minute, nakahanda na akong bitayin.

“Alam mo bang napakalaki ng kasalanan mo sa akin huh?”

Ano bang sinasabi mo diyan? Wala akong alam diyan noh, pagmamaang maangan ko naman. Hay sana lang makalusot ako. Badtrip naman kasi ung cathy na iyon oh. Kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat hindi ko nalang sana iyon sinabi sa babaeng un. Lenshak talaga siya. Bakit ba kasi napakabig deal sa kanya ng ginawa ko? Ganun siguro niya talaga kagusto ang babaeng iyon kaya pinarusahan niya ako ngayon.

Bwiset talaga!!! Grrrrrrr….

Ano bang balak mong gawin sakin huh? Isusumbong kita kay tita kala mo diyan. Hmmmp

Hmmmm ms. nathalie hindi ba dapat ako ang magsabi sayo niyan? Eh ang laki ng kasalan mo sa akin eh. Sinira siraan mo ako kay cathy na kesyo ganito ganyan… blah blah blah…

Bakit totoo ba iyon para maguilty ka?

Hindi ako guilty pero isang kahihiyan iyon para sa akin. Makakaalis ka naman eh, Malaya ka namang umalis sa lugar na ito. Pero isang bagay lang ang sinisigurado ko sayo, lahat ng nangyayaring ito detalyadong malalaman ni tita” ang sabi niya kasabay ng isang nakakalokong ngiti.

Pang-asar talaga ito kahit kilan. Asar… Purket alam niyang pinapanigan siya ni mama nagagawa niya pa akong iblackmail ng hudyong ito.

Grrrrrrrrrrrrrrrrr…………

Whats with this ring?

Ah yan ba? Yan ung magiging sign ng contract natin.

Contract?

anooooooooooooooooooo? O_o?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento